V

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

"SO, paano ba iyan, alis na ako?" paalam ko kay Alev. "Ikaw ba, you'll stay pa rin dito?" tanong ko sa kaniya.

"Yea. Remember may hinihintay ako?"

"Sino ba iyang hinihintay mo? Someone special?" I curiously asked.

He laughed lightly. "Nope. Some friends."

"Ah." Napatango na lang ako.

Sandali kaming nabalot ng katahimikan, nakatitig lang kami sa isa't isa. Pero na-realize ko na baka hihintay na ako ng mga kaibigaan ko, for sure sobra na silang nag-aalala sa akin.

"A-ahm, aalis na ako, Alev," aniko. Hindi ko kasi magawang umalis dahil hawak niya ang kamay ko.

"Sure, you can go now..."

"H-hawak mo kasi 'yong kamay ko," halos bulong na sabi ko, at panigurado kulay kamatis na ang mukha ko, ramdam na ramdam ko kasi ang pang-iinit nito.

"Oh, I'm sorry," tarantang aniya at binitiwan ang braso ko.

Hindi ko napigilan ang pagsilip ng ngiti sa aking labi. "Una na ako. See you around," aniki at tuluyan nang lumabas ng kuwarto niya.

"Kisha?" Habol niya sa akin.

Napahinto ako at nilingon siya. "Bakit?"

"Saang isla ka nga ulit nag-ii-stay? Saang resort?"

"Caraqua island, sa Aquarian beach resort," sagot ko. "Okay na?" pigil ang ngiting sabi ko.

"Hindi pa. 'Your phone number, ibigay mo na din sa akin."

Tinaasan ko siya ng isang kilay. 'Yong way niya ng paghingi sa number ko, parang ang presko ng dating pero in very gentleman na way. "What if ayaw ko?"

He shrugged. "Then, hindi kita hahayaang makaalis."

"Hindi ko kasi kabisado number ko. 'Yong sayo na lang 'yong ibigay mo sa akin," aniko.

"Okay," aniya.

"Dito mo na lang isulat." Inabot ko sa kaniya 'yong notepad at lapis ko.

"Tawagan or i-text mo ako, ha?" aniya matapos isulat ang number niya.

"Oo naman, pagdating ko sa cabin, text agad kita."

"Maghihintay ako."

Nginitian ko siya. "Sige na, aalis na ako," muli kong paalam.

"Sandali," pigil niya ulit sa akin.

"Bakit hindi ka na lang kaya sumama sa akin?" Asar ko sa kaniya, aba'y mukhang ayaw niya akong paalisin, e.

"Puwede ba?"

Bahagya akong natawa. "Sira. Hindi po puwede, mister."

"Then, samahan na lang kita sa lobby," hirit niya pa.

"Hindi na. Baka kasi nandoon 'yong mga kaibigan ko naghihintay sa akin."

"Edi mabuti para meet the friends na agad."

"Dadating tayo diyan, pero not now, kasi panigurado kukuyugin nila akong tanong, saka sersermunan ko pa sila."

"Sesermunan, bakit?"

"E, kasi hindi manlang nila ako hinanap," nakangusong sabi ko.

"Baka naman meron silang dahilan."

"I know pero siyempre nagtatampo pa rin ako sa kanila."

"So, matampuhin ka pala?"

"Medyo lang naman,"

"At least ngayon alam ko na."

"Paano ko magagawang umalis kung panay ang kausap mo sa akin, mister?" natatawang sabi ko.

"Hayaan mo na kasi akong ihatid ka, kahit sa elevator lang," aniya.

"Sige na nga." Kulit, e. Kaya pagbigyan na.

Hinatid niya ako sa elevator, ambang papasok na ako sa loob nito ng...

"Sandali lang, Kisha!" Pigil niya naman sa akin.

Hindi ko alam kung matatawa ba ako o ano. Pasalamat siya cute 'yong pagiging makulit niya.

"Yes again, mister?"

"Bye, mag-ingat ka," aniya.

Hayyy... magpapaalam lang pala.

"Bye..." aniko at tuluyan nang pumasok ng elevator. At habang sumasara 'yong pinto ay makatitigan kami, naputol lang ito nang tuluyang itong sumara.

Pagdating ko sa first floor sa may lobby... nandito ang mga kaibigan ko.

"Oh my gosh, Kisha!" Tumiling ani ni George.

Tumakbo sila papalapit sa akin at niyakap ako.

"Friend, we're really sorry, hindi namin alam na na-lock ka pala sa isa mga room dito, kanina lang namin nalaman nang pumunta kami dito." -Christian

"Kanina lang kami nakapunta kasi magdamag na umulan sa islang pinuntahan namin, kanina lang tumila. Na-stuck din kami doon at kanina lang kami pinayagang pumalaot." -Maya

Hindi naman pala dapat ako magtampo sa kanila.

"Ang mahalaga ligtas tayo pare-pareho," aniko.

Bumalik na kami sa isla na pinag-ii-stay-an namin, at pagdating namin sa cabin kaniya-kaniya kami ng higa.

"Bukas uuwi na tayo. Gusto n'yo ba susulitin natin 'tong araw?" tanong ko sa kanila.

"Kung ako ang tatanungin niya, gusto ko na lang matulog buong araw." -Christian

"Me too." -Nina

"Nasubukan na naman natin ang lahat ng activities dito, kaya pahinga na muna tayo para feeling fresh tayo bukas pag-uwi natin." -George

At iyon nga, nag-stay lang kami sa cabin. Pero ang mga sira ulo kong mga kaibigan. Gusto daw magpahinga pero nagsipag-inuman naman, although kaunti lang naman.

Me, hindi ako uminom, ni hindi pa nga ako nakakatikim ng alak, e... at lalong ayaw kong subukan na tikman. Kahit anong pilit nila sa akin, hindi pa rin nila ako magawang kumbinsihin.

Kinabukasan, kinaya naman ng mga kaibigan ko. Nasa huwisiyo sila at walang hang over, sabagay kaunti lang naman ang ininom nila. Ito na rin ang araw na umuwi kami.

"Sana makapagbakasiyon uli tayo together." -Maya

"Kaya nga, e." -George

"Puwede naman, basta ba lagi kayong G." -Christian

"Kapag hindi kami busy sa work." -Nina

"Basta ako lagi akong G," aniko

"Wow, ha? Sayo pa talaga nanggaling iyan, Kisha? E, pinilit ka nga lang namin, remember?" -Maya

"E, kasi na-realize ko na ang sarap pala kapag may bonding tayo na ganito, parang mas lalong tumitibay ang friendship natin," aniko.

"Sinabi mo pa, friend. Kaya dapat paminsan-minsan gawin na ito, magbakasiyon tayo ulit." -Christian

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro