VI

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Two weeks later...

AFTER ng bakasiyon namin ay bumalik na kami sa kaniya-kaniya naming buhay. Balik ako sa dating gawi, ang magkulong sa bahay at magsulat ng nobela. Kailangan ko na agad matapos 'tong kasalukuyang isinusulat ko. Meron na naman kasi akong naisip na new idea, dagdag drafts na naman. Ang dami kong naka-line up na stories, tapos tuloy-tuloy din ang pagpasok ng mga new ideas.

Nasa gitna ako ng pagsusulat nang may mag-door bell. Sino naman kaya iyon? Wala naman akong inaasahang bisita.

Lumabas ako para makita at malaman kung sino ito, pero kailangan ko pang buksan ang gate para makita ito.Pagbukas ko sa gate ay... nanalaki ang mga mata ko sa gulat nang makita ito.

Si Alev.

"A-anong ginagawa mo dito?" gulat na tanong ko.

"Binibisita ka."

"P-paano mo nalaman kung saan ako nakatira?" tanong ko pa.

"I have my ways."

Hindi ko na alam ang sasabihin ako, nasa gitna pa rin ako ng pagkagulat.

Si Alev ba talaga itong nasa harapan ko?

Aaminin ko, nawala siya sa isip ko nitong nagdaan na araw, pero hindi ko siya nakalimutan.

"Ang sabi mo tatawagan mo ako? Naghintay ako..."

"P-pasensiya na, naging busy kasi ako," ani ko na totoo naman. "Tara, pasok ka, sa loob tayo mag-usap."

Pagpasok namin sa loob ng bahay ay kaniya-kaniyang tahol ang mga baby ko. I'm referring to my dogs, their breed is husky.

"Woah, ang dami mong aso," ani ni Alev na hindi ko malaman kung natatakot ba o namamangha.

I have five husky. Nasa isang kuwarto sila pero ang haligi nito ay yari sa bakal, 'yong parang katulad ng sa kulungan ng tao. Malaki kasi sila at marami kaya kailangan talaga na malaki ang kulungan nila. Naka kulong sila dahil pinakakain ko sila.

"Wala kasi akong kasama dito sa bahay, mahirap na baka looban ako ng masasamang tao. Mabuti ng maging handa para walang pagsisihan sa huli," aniko.

"Babies, huwag maingay," suway ko sa mga aso ko. Tahol kasi sila ng tahol.

"Maupo ka muna." Baling ko kay Alev at iminuwestra ang sopa sa kaniya.

"Sarap pa lang maging aso mo, tinatawag mong baby," he murmured. Hindi ko ito narinig ng malinaw, hindi ko na rin tinanong kung ano ba 'yong sinabi niya, kasi kung gusto niyang marinig ko ito, edi dapat inilakas niya 'di ba?

"Mahilig ka sa aso?" tanong niya.

"Hindi ba halata?" balik na tanong ko sa kaniya.

"Halata nga, ang dami nga, e."

"Alam mo, hindi ko lang sila basta pets or alaga, cause they are my protector, and aside that, pamilya ko na sila."

Napatango-tango siya. "How about your parents. Nasaan sila?"

"Ahm, nag-migrate na sila sa US."

"Siblings?"

"Only child," aniko.

"So, mag-isa ka lang dito sa pinas?"

"Oum. Mas gusto ko dito, kasi nandito ang buhay ko at mga kaibigan ko."

"Hindi mo ba nami-miss ang parents mo?" tanong niya pa.

"Siyempre nami-miss ko sila, pero kahit papaano naiibsan ang pagka-miss ko sa kanila sa tulong ng video call."

"Maganda rin na hindi ka sumama sa parents mo."

"Bakit mo naman nasabi?"

"Kasi kung nandoon ka... edi hindi kita makikila. Pero siguro kahit nandoon ka magkikita at magkikita pa rin tayo."

"Paano mo nasabi?"

"Because we're destined to meet."

Pasimple akong napangiti. Iba pala talaga kapag personal mo nang naririnig ang mga ganitong salita. Nakakakilig lang.

"Gusto mo ba ng maiinom? Juice or coffee?" Iniliko ko ang topic.

"Coffee, please."

"Sandali ipagtitimpla kita." Ambang tatayo na ako nang hawakan niya ako sa palapulsuhanp. "Bakit?" tanong ko.

"'Yong mga aso mo, hindi naman sila makakawala 'di ba?"

Bahagya akong natawa. Ang cute niya, grabe. "Nope. Pero kung gusto mo puwede ko silang pakawalan."

"Iyan ang huwag mong gagawin, Kisha. Baka gawin akong tanghalian ng mga iyan, at baka ni buto walang matira sa akin."

"Sobra ka naman sa mga babies ko. FYI lang, hindi sila kumakain ng tao, ok?"

"Ano lang?--Nangangagat?"

"Iyon lang," I said then laughed. "Pero seryoso, huwag kang matakot sa kanila, mababait sila."

"Ang sama ng tingin nila sa akin."

"E, kasi po, ngayon ka lang nila nakita."

"Dapat pala talaga araw-araw akong pumunta dito, para makilala nila ako."

"Seryoso ka diyan?"

"Uh-hmn. Bakit mukha ba akong nagbibiro?"

"Ewan. Para kasing ang hirap paniwalaan. Ikaw araw-araw pupunta dito sa bahay? Ano ka manliligaw ko?"

"I am."

Napatanga ako. "Nanliligaw ka?--Nililigawan mo ako?"

"Puwede ba? Hahayaan mo ba ako?"

"Ligaw agad? E, hindi pa nga kita lubos na kilala."

"Kaya nga liligawan kita para mas makilala natin ang isa't isa."

I don't know what to say. I know hindi ako teenager para magpakipot, pero masiyado kasing mabilis ang pangyayari.

"Hey, huwag mo sanang isipin na masiyado akong mabilis."

"Hindi naman... hindi ka mabilis... dahil napaka bilis mo lang."

"Wala, e... tinamaan ako. Totoo pala talaga ang love at first sight."

"Siguro," sang-ayon ko na lang. "Anyway, sandali nga muna, gagawan lang kita ng kape," aniko at tuluyan siyang iniwan. Pagdating ko sa kusina ay malalim akong napabuntong hininga.

Kilig yarn teh?

Ganito pala 'yong feeling kapag nagpapakita ng ineteres sayo ang isang lalaki. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko, pero ang masasabi ko lang, gusto ko siya.

Ang dami ng nagpahiwatig sa aking lalaki, pero ni isa sa kanila hindi nagawang pakabugin ang dibdib ko katulad ng ginagawa sa akin ni Alev.

"'Eto na 'yong kape mo," aniko matapos ibaba sa lamesita ng tasa ng kape.

"Thank you," aniya.

"Sandwich, gusto mo?" tanong ko pa.

"Thanks but hindi na," sagot niya.

"Inumin mo lang iyan, dadalhin ko lang sa likod ang babies ko, ang iingay, e."

"Papakawalan mo sila?" Namumutlang tanong niya.

"Hindi," natatawang sabi ko. "May pinto sa likod, doon ko sila idadaan papunta sa backyard."

Iniwan ko na siya. Nagtungo ako sa likod at binuksan ang kulungan para makapaglaro ang mga aso ko. Tuwang-tuwa sila nang makalabas, nagtatatakbo at naghahabulan.

Pagbalik ko kay Alev ay tapos na siyang uminom ng kape.

"Nasaan na sila?" tanong niya sa akin.

"Nasa likod naglalaro."

"Makakapasok ba sila dito?"

"Alam mo, ang laki-laki mo pero ang duwag mo," natatawang sabi ko.

"Sinong hindi maduduwag?-Ang laki ng mga aso mo, kayang-kaya nila akong lapain ng isang minuto lang."

"Edi inaamin mo talaga na duwag ka?"

"I'm not, ok?"

"Ano lang, hmn?"

"Takot lang," aniya na ikinahalagapak ko naman ng tawa.

He pouted.

Hala ang cute!

"Anyway, may pangalan ba sila?"

"Siyempre naman, they are my babies, kaya hindi puwedeng wala."

Napatango-tango siya. "Babies, huh?"

"Yes my babies, why?"

"How about me?"

"Huh?" nalilito kong tanong.

"Wala," sagot niya.

"Gusto mo bang malaman ang mga pangalan nila?"

"Sure. Basta huwag na tayong lumapit sa kanila."

"Don't worry hindi. Anyway, their names are Russel, Dylan, JK, Shawn and Knight."

"Lalaki sila lahat?"

"Oum."

"Bakit?" kunot noong tanong niya.

"Anong bakit?"

"Bakit puro lalaki?"

"Para hindi na sila dumami. Hindi rin kasi birong mag-alaga ng aso, para ka na ring nagkaroon ng anak. Kung mag-aalaga ka ng aso or kahit na anong hayop, dapat responsible ka, hindi lang ito tungkol sa kayang mong tugunan ang mga pangangailanga nila kundi kung paano mo sila bigyan ng oras at iparamdam sa kanila na mahal mo sila."

"Yea, very well said."

"Ikaw, may pet ka ba?"

"Wala, e. Tao lang ang kaya kong alagaan. Gusto mo masubukan?"

"Masarap ka bang mag-alaga?" sakay ko sa kaniya.

"Hindi mo malalaman kung hindi mo susubukan," he said then wink at me.

"Pag-iisipan ko," aniko.

"Teka nga muna, hanggang anong oras ka ba dito?" tanong ko.

"Pinapauwi mo na ba ako?"

"Hindi naman sa ganoon, nagtatanong lang."

"Puwede bang makitulog?" tanong niya na nagpabilog sa mga mata ko. "Just kidding," natatawang sabi niya.

Nakahinga ako ng maluwag.

"Bakit naaabala na ba kita?" tanong niya pa.

Umiling ako. "Hindi naman."

Bahagya siyang napatango.

"Dito ka na mananghalian, magluluto ako," aniko.

"Sige," sagot niya.

"May gusto ka bang iluto ko?"

Umiling siya. "Kahit ano basta ikaw ang nagluto kakainin ko.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro