VIII

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

NAGBABALAK na akong sagutin siya, pero para maiba, idadaan ko sa tula.

"Alev, may isinulat akong tula para sayo."

"Really? Puwede ko bang basahin?" Excited na tanong niya.

"Siyempre naman, isinulat ko nga para sayo 'di ba?"

Iniabot ko sa kaniya ang sobre. Nilagay ko sa sobre para maganda at magmukhang presentable. Saka ang sabi nga ng iba, ang matamis na oo ng isang babae ay napakagandang regalo para sa isang lalaki, kaya pinanindigan ko na, pero iyon nga, para maiba idadaan ko sa tula.

Binuksan niya ang sobre at agad itong binasa.

-
Magmula nang makilala kita
At nagtama ang ating mga mata
Wala na akong ibang gusto makita
Kundi ikaw lang, aking sinta.

Mga imahe mo, palaging naglalaro sa aking isipan.
Wala na, espirito ng pag-ibig, tuluyan na akong sinaniban
Tinamaan na ako sayo
Kaya ngayon, puso ko'y walang tigil sa pagbayo.

Naniniwala akong, ikaw ay regalo sa akin ng maykapal
Ikaw ang sagot sa aking mga dasal
Ikaw 'yong lalaking hinintay ko ng kaytagal
Ang lalaking sa aki'y tunay na magmamahal

Ang suwerte ko
Nakatagpo ako ng isang katulad mo
Dahil ikaw, ikaw ang bubuo sa aking mundo
Ang magiging kabiyak ng puso ko

Nagsabi kang gusto mo akong ligawan
Sino ako para ika'y tanggihan?
Para ikaw'y ayawan?
Lalo na't napatunayan kong ikaw na ang the one
You are the one
My only one

You are my man
And I'm your woman
Sana ang ending natin ay kasalan
At pagmamahalan natin'y walang katapusan

Kaya...

Oo na
Tayo na
Sinasagot na kita
Mahal kita
Aking sinta
-

Pinanood ko lang siya habang binabasa 'yong tulang ginawa ko. At sobra akong naaaliw na pagmasdan siya.

'Yong reaksiyon niya. He's biting his lower lip habang nagpipigil ng ngiti.

Mukhang tapos niya nang basahin 'yong tula dahil napabaling na siya ng tingin sa akin.

"Ang ibig bang sabihin nito---"

"Oo na. Tayo na. Sinasagot na kita. Mahal kita. Aking sinta." putol ko sa sasabihin niya gamit ang huling phrase sa tulang ginawa ko.

"Damn, Kisha!" Kinabig niya ako ng yakap. "I love you too..."

"I love you more..." May pangsagot pa rin ako.

"Inunahan mo ako do'n. Ako dapat ang unang mag-confess sayo--ang magsabi sayong mahal kita."

"E, wala, e. Ang bagal mo," asar ko sa kaniya.

"Nagbabalik na din akong sabihin iyon sayo, kaso ayaw ko namang maging masiyadong mabilis, baka ma-pressure ka," aniya.

"Ang ganda ng tula. Sobra kong nagustuhan," aniya pa.

"Thank you sa pag-appreciate," aniko.

Kumalas siya yakapan namin, pero nanatiling walang espasiyo sa pagitan ng mga katawan namin.

Ngayon, titig na titig na siya mga mata ko. "Alam mo bang sa ginawa mong ito, mas lalo mo lang akong pinaibig sayo?"

"Edi mabuti. Magandang mas lalo kang ma-in love sa akin para hindi mo ako iwan."

"Iyan ang hindi ko gagawin. Baka nga ikaw pa pa 'tong ang mang-iwan sa akin."

"Naku, malabong mangyari iyan, mister. Bakit kita iiwan? E, nasa tamang lalaki na ako--nasa iyo na ako. Baliw lang ang babaeng mang-iiwan sa isang kutulad mo. At hindi ako baliw, kaya hindi kita iiwan.'

He smiled, pero hindi ito umabot sa mga mata niya.

Nakangiti siya pero 'yong mata niya... malungkot.

"May nasabi ba akong hindi mo maganda or hindi mo nagustuhan?" nangangambang tanong ko.

"Wala naman." Umiling siya.

Balik na ulit ang pagiging masaya ng aura niya. Siguro ay may pinoproblema siya tapos ayaw niya lang sabihin sa akin.

Payak ko siyang nginitian. "Alev, nandito lang ako palagi sa tabi mo. Kung may problema ka or kailangan mo ng makakausap, nandito lang ako, handang makinig sayo. Nandito lang ang balikat ko, puwede mong sandalan any time."

Dahan-dahan niya inilapit ang mukha niya sa mukha ko. Hanggang sa maramdaman ko na lang labi niyang nakalapat sa labi ko.

He kissed me.

My first kiss.

Ganito pala ang pakiramdam na mahalikan, parang may kuryenteng dumaloy sa buong katawan ko.

Napapikit ang mga mata ko at dinama ang bawat halik na ginagawad niya sa aking labi.

Tumugon ako sa halik niya at ginawa ko ang buong best ko para sundan ang paggalaw ng labi niya, ngunit imbes na masundan ko ay ilang beses kong nakagat lang labi niya, buti na lang at hindi ko naididiin.

Tumigil lang kami sa paghahalikan ng pareho na kaming kinapos ng hininga, kaya heto kami ngayon, naghahabol ng hininga.

"Nakapagod pa lang makipaghalikan," aniko.

"Napagod ka?" natatawa niyang tanong.

Nahihiya akong tumango.

"Gagawan natin ng paraan iyan. Suwerte mo, ang boyfriend mo magaling humalik."

"Paano ka masasabing magali ka? E, ikaw pa lang naman 'yong humahalik sa akin. Dapat siguro magpahalik ako sa iba para malaman ko 'yong difference---"

Nagsalubong ang makakapal niyang kilay. "Subukan mo lang, Kisha. I swear hindi mo magugustuhan ang gagawin ko," malamig na sabi niya.

"Joke lang naman. Hindi mabiro?"

"Kung ganiyang klaseng biro, hindi nakakatuwa."

"Sa tingin mo ba talaga magpapahalik ako sa iba?"

"Alam kong hindi mo gagawin iyon, pero hindi ko pa rin mapigilang hindi mainis."

"Hindi mainis kundi magselos, mister."

"Okay, I'm jealous, happy?"

"Naku! Ang cute namang magselos ng sinta ko," aniko sabay hawak sa magkabilang pisngi niya gamit ang dalawa kong kamay. Ipinuwesto ko ang mukha niya sa pagitan ng mga palad ko. "Hindi mo kailangang magselos, ok? Kasi ikaw lang nag-iisang lalaki sa buhay ko bukod sa father ko."

He smiled and... he's blushing---oh my!

Ngayon lang ako nakakita ng lalaking nagba-blush. Ay ka-cute naman pala. Parang gusto ko siyang kurutin sa magkabilang pisngi.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro