IX

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

NAGING smooth naman ang takbo ng relasiyon namin ni Alev. Parang ang perfect nga ng relationship namin, e. Hindi kami nag-aaway o kahit nagtatalo, puro saya lang talaga. At naipakilala ko na rin pala siya sa mga kaibigan ko.

"Friend, we like him for you." -Nina

"Botong-boto kami sa kaniya para sayo." -Maya

"Bet na bet ko siya. Ang perfect niya, friend!" -Christian

"Baka naman puwedeng pahiram ng ganda mo Kisha, para naman maka-attract kami ng fafa na good boy." -George

"Kung napapahiram lang, bakit hindi?" aniko.

"Pero ito seryoso, Kisha. Nakikita naming, iingatan ka niya at hindi ka niya sasaktan." -George

"Sabi sa inyo, e. Nasa tamang lalaki ako," aniko.

"Sana all may tamang lalaki." -Christian.

"Ano ba kayo, darating din 'yong tamang tao para sa inyo," aniko.

"Magdilang anghel ka sana, friend." -George

"Anyway, nasaan na ba ang bebe mo? Akala ko pupunta siya ngayon?" -Nina

"Pupunta siya, na-traffic lang siguro," aniko.

"Oh, speaking of, nariyan ang bebe ni Kisha." -Maya

Agad akong nabaling sa pinto. At nang makita ko ang lalaking mahal ko ay automatic na napa-smile ako.

"Naku, naku! Kilig na kilig lang, Kisha?" -Christian

Lumapit sa amin si Alev at naupo sa tabi ko. Nakipagbatian muna siya sa mga kaibigan ko bago siya nag-focus sa akin. Agad siyang humawak sa kamay ko. He intertwined our arms.

"Bakit ngayon ka lang?" tanong ko sa kaniya. Sakto lang naman 'yong dating niya, mema-tanong lang talaga ako, para lang magbukas ng convo.

"May dinaanan lang. Kanina n'yo pa ba ako hinihintay?"

"Sakto lang naman 'yong dating mo," aniko.

"So, paano ba iyan? Walwalan na!" -Christian

Sabado ngayon, day off ng mga may sayad kong kaibigan, kaya nagpadesiyonan nilang uminom. Hindi naman na ako mahindi dahil sila na 'tong sumugod sa akin dito sa bahay, bibit ang mga alak at pampulutan. At hindi pa sila nakuntento dahil maging si Alev dinamay nila sa kabaliwan nila.

"Wala ka bang gagawin bukas?" tanong ko kay Alev. "Iyang kasing mga iyan, day off nila sa trabaho kaya ayos lang kahit magpakalango sila."

"Wala.'Yong buong araw ko bukas, nakalaan na iyon para sayo."

"Kaso mukhang hindi na dahil napasubo ka sa mga baliw kong kaibigan. Pero, hinay-hinay lang sa pag-inom, ok?"

"Sino bang nagsabing magpapakalasing ako, hmn?"

"E, kasi po hindi ka titigilan ng mga iyan," bulong ko habang inginunguso ang mga kaibigan ko.

He chuckled. "Don't worry, malakas ang tolerance ko sa alak. Hindi ako mabilis malasing."

"Nubayan, nandito kami, oh. Respeto naman sa walang love life." -Christian

"Bulungan ng bulungan. Ano may sarili lang na mundo?" -Maya

Napaghahalataan silang mga bitter ba o inggit?

'Yong feeling na gusto kong matawa dahil sa mga pinapakita nilang reaksiyon, pero hindi ko naman magawa dahil panigurado aasarin lang nila ako, kaya tatahimik na lang ako.

Nagsimula na sila pag-inom.

"Oh, Kisha. Tagay naman diyan." Inabutan ako ng basong may lamang alak ni Christian, kaso si Alev ang kumuha nito.

"Hindi siya iinom," anang ni Alev.

Biniletan ko si Christian. Sabing hindi nga ako umiinom pero panay subok pa rin sila pagpapainom sa akin,

Ngayon may defender na ako. Dadaan muna sila sa Alev ko bago ako mapainom.

Wala ng nagawa ang mga kaibigan ko kundi tignan ako gamit ang naniningkit na mga mata at makahulugang tingin na para bang tinutudyo nila ako.

Ang ending, orange juice lang ang ininom ko. At malakalipas ng ilang oras nilang pag-iinom ay... ayon, tumba ang mga loka-loka. Pero si Alev kasing tino pa rin ng hindi nakainom. Matapos kasi ng pang pito niyang baso ay tumigil na rin siya. Itong mga kaibigan ko lang naman kasi ang PG sa alak. Minsan lang din kasi sila uminom kay sagad na kapag nagkakaroon ng pagkakataon.

"Mabuti siguro dito ka na matulog, Lev," aniko ko kay Alev. Delikado nang magmaneho dahil bukod sa malalim na ang gabi ay nakainom rin siya.

"Puwede bang tabi tayo, hmn?" Nakayakap na nama siya sa akin na parang tuko. At heto naman ako, hindi mapigil ang ngiti.

"Puwede kung ipapangako mong magbe-behave ka." One time kasi nagtabi kami, dito ko rin siya pinatulog noon dahil gabi na rin at malakas ang ulan. Tapos iyon, mantakin n'yo ba naman... pinapapak niya ako, halik siya ng halik sa akin, sa pisngi, leeg, balikat, kamay, ilong, noo at sa labi ko.

"I can't promise that, nawawala ako sa katinuan kapag katabi kita," aniya gamit ang paos na tinig.

"Then, pigilan mo iyang kapilyuhan mo, matuto kang magtimpi, mister."

"Bakit pa? Tayo na naman... at ready na rin naman akong pakasalan ka."

Napatanga ako. Ilang beses akong napalunok. "Papakasalan mo ako?" hindi makapaniwala kong tanong.

Oo, Sigurado na ako sa kaniya-na siya na 'yong lalaking pakasalan ko, pero ni minsan hindi sumagi sa isipan ko na sa kaniya mismo manggagaling na gusto niya akong pakasalan. Saka wala pa nga kaming isang taon na magkareladiyon, e.

"Of course, I will..." seryosong turan niya. "Sa tingin mo ba... hahayaan pa kitang makawala sa akin?" aniya pa.

Paano ba iyan?... I got the best man.

Hindi ko na nakontrol ang emosiyon ko, sa sobrang saya ko matapos marinig ang mga sinabi niya ay hindi na ako nakapagpigil, dinambahan ko siya ng yakap.

"I love you so damn much..." malambing na aniya.

"Mahal na mahal din kita, Alev... " sagot ko. At pagkasabi ko nito ay agad niyang inangkin ang labi ko.

Nauwi kami sa pagpaplitan ng mapupusok na halik. Hanggang sa tuluyan na kaming tinupok ng apoy ng pagnanasa.

Then the next thing happened... natagpuan na lang namin ang sarali namin sa kuwarto ko. Magkasukob sa iisang kumot, parehong walang saplot ang mga katawan.

May nangyari sa amin.

Wala akong pagsising nararamdaman kahit kaunti, dahil alam ko at tiwala akong hindi ako pababayaan ni Alev.

Tulad nga ng sinabi ko... I got the best man.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro