X

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

PAGGISING ko wala na si Alev sa tabi ko. Malulungkot na sana ako pero hindi ito natuloy dahil bumukas ang pinto at iniluwa nito ang lalaking mahal ko-ang lalaking dahilan kung bakit sobrang saya ko at ng puso ko ngayon.

May bitbit siyang tray na naglalaman ng pagkain. "Tamang-tama ang gising mo, kakatapos ko lang mag-prepare ng breakfast," aniya sabay baba ng dala niya sa kama at naupo dito.

"Ikaw ba ang naghanda at nagluto niyan?" tanong kahit obvious naman.

"Uh-hmn. Alam ko kasing napagod ka kagabi kaya panigurado gutom ka paggising mo."

Nag-init ang magkabila kong pisngi. "B-bakit hindi mo itanong sa sarili mo kung ano ang dahilan kung bakit ako napagod, aber?"

He chuckled. "How are you? How's your feeling? Masakit ba, hmn?" tanong niya sabay haplos sa pisngi ko.
"Uhm, medyo."

"I'm sorry, binigla ko ata ang katawan mo," aniya sa nag-aalalang tinig.

"B-bakit ka nagso-sorry? Pinagsisisihan mo ba ang nangyari sa atin?" mahina kong tanong.

"Of course, not. Hindi, Kisha. Bakit mo naman naisip iyan?" tanong niya. "'Yong nangyari sa atin kagabi, iyon na yata ang pinakamagandang nangyari sa buhay ko bukod sa nakilala kita, puwera pa sa ang pakasalan ka," puno ng senderidad na sabi niya. "Bakit, ikaw ba nagsisisi?" tanong niya.

Umiling ako. "Hindi, Alev... "

He smiled then pinatakan niya ng mabilis na halik ang labi ko.

"Handa akong panindigan ka, Kisha..." he whispered on my ear gamit ang ubod ng seryoso ngunit may lambing pa rin na tinig,

"Teka nga muna, Alev. Nasaan ba ang damit mo? Palakad-lakad ka diyan sa labas ng walang pang-itaas na damit, buti sana kung tayong dalawa lang ang nandito sa bahay, kaso hin-"

"Tayong dalwa nga lang," putol niya sa akin.

"Huh? E, 'yong mga kaibigan ko?"

"Umuwi na sila, nagpaalam sila kanina. Hindi na sila nakapagpaalam sayo dahil sabi ko sa kanila baka mamaya pa ang gising mo."

"Nakita ka ba nilang lumabas sa kuwarto ko?"

"Yea, why?"

Oh my! Panigurado umaandar na ang mga radar ng mga iyon.

Mga malisyoso pa naman ang mga iyon.

"Here, kumain ka na," Inumang niya sa akin ang kutsarang may lamang pagkain.

Ngumanganga at tinanggap ang pagkain. In fairness, ang perfect ng pagkakaluto niya sa bacon.

"Marunong ka pa lang magluto?" aniko.

"Hindi ba halata?"

"Hindi, e."

"Hindi ka lugi sa akin, bukod sa guwapo ay masarap din ako magluto... plus masarap din ako..." aniya then wink at me.

"Puro ka kapilyuhan, kumain na nga lang tayo," aniko at tangkang aagawin na ang kutsara sa kaniya kaso inilayo niya ito sa akin.

"Ako na," aniya.

Wala na akong nagawa kundi hayaan na lang siya na subuan ako. Masiyado niya akong inii-spoil, kapag lang talaga ako nasanay-dapat panindigan niya itong pagtuturing sa aking prinsesa.

...

NASA hot seat ako ngayon. Ayaw akong tantanan ng mga usisero kong kaibigan.

"Kaya naman pala blooming na blooming ka friend, ah. Nadidiligan ka na pala." -Nina

"Ibinaba mo na pala ang ang bandera... isinuko mo na ang bataan." -Maya

"Di ba dapat kasalan muna bago ang pulot gata?" -Christian

"Naku, Kisha. Huwag kang magpasindak sa mga iyan, naiinggit lang ang mga iyan dahil natikman mo ang langit." -George

"Masharap ba si fafa Alev, friend? Malaki ba?" -Christian

Ito namang si Christian, kung ano-ano ang kahalayang pinagtatanong.

"Namumula ka, friend. Malaki 'no?" -Christian

"Ewan ko sayo, Christian. Puro ka kalokohan," pinaseryoso ko ang boses ko para isipin nila na wala akong time para sa mga kabaliwan nila.

"Bakit ba kayo nandito? Pumunta lang ba talaga kayo dito para usisain ang buhay pag-ibig ko?" tano ko.

"Medyo, friend. Baka kasi kailangan mo ng advice mula sa aming mga pro." -Christian

"Mukhang hindi na kailangan ng friend natin iyan. Dahil si Alev na ang bahalang mag-guide sa kaniya." -George

"Sabagay, halata naman sa itsura ni Alev na mabangis siya sa kama." -Christian

Parang gusto ko na lang mabingi kaysa makinig sa usapan nila.

At thank God dahil agad ding umalis ang mga friend kong mukhang dumaan lang talaga para maki-chismis.

Haist! Sa aming magkakaibigan, ako lang talaga ang matino.

Natigilan ako ng mag-vibrate ang cellphone ko, sign na may nag-text.

-
From: Alev
Hindi ako makakapunta diyan. Nagkaroon ako ng emergency.
-

Nag-reply ako.

-
To: Alev
Ano ka ba, okay lang. Dito ka na nga nanggaling kanina, e.
-

-
From: Alev
How's your feeling?
-

-
To: Alev
Ayos na ako.
-

-
From: Alev
Magpahinga ka. Huwag ka munang magkikilos.
-

-
To: Alev
Kung maka-react ka naman ay parang napilayan ako.
-

Pagka-send ko ng massage ko ay napatalon ako sa gulat nang mag-ring ang cellphone ko.

Si Alev, tumatawag. Agad ko itong sinagot.

"Oh, bakit tumawag ka pa? E, magka-text na nga tayo, ah?"

"I just want to hear your voice..." malambing niyang sabi. "At ngayong narinig na kita, buo na ang araw ko."

Bakit parang ang tamlay niya yata? Para siyang pagod na pagod.

"How's your day? Nakapag-lunch ka na ba?" tanong ko.

"Hindi pa. Mamaya na siguro. Ang dami ko pang ginagawa."

"Marami kang ginagawa pero nagawa mo pa akong tawagan? Manong imbes na tawagan ako ay kumain ka na lang."

"Galit ka ba, hmn?"

"Hindi ako galit. Nag-aalala lang ako sayo. Hindi ka dapat nagpapalipas ng gutom, masama iyon."

"Kung ikaw lang naman ang sesermon sa akin, gugustuhin kong masermonan araw-araw o kahit oras-oras pa."

"Bakit naman?" natatawang tanong ko.

"Cause through your sermon, ramdam kong nag-aalala ka sa akin."

Napangiti ako. "Kung ganoon, sige palagi na kitang sesemunan," biro ko.

"Sige ba," he said then laughed.

"Naku, mr. Alev Suarez. Huwag mo akong nililibang. Kumain ka na, baka malipasan ka na."

"Ten minutes pa, gusto pa kitang makausap."

"Sige, pero after nito, mag-take ka ng lunch, understand?"

"Noted, miss."

"Paano kung dalhan na lsang kita ng pagkain diyan?" suhestiyon ko.

"Hindi na. Pinagpapahinga nga kita, remember?"

Napanguso ako. Pahinga-pahinga, e hindi naman ako pagod.

"Sige na, ibaba ko na 'to, kumain ka na, ok?" aniko.

"Puwede bang mamaya na? Gusto ko pang marinig ang boses mo." Humihirit pa ang Alev ko.

"May usapan tayo, mister. Ten minutes lang po 'di ba?"

"Damn, kung hindi lang talaga akong kailangan dito ay kanina pa kita puntahan diyan..."

"Then, tapusin mo na ang trabaho para makapunta ka na dito. Sige na, ibababa ko na ito. Bye, see you tomorrow." At pinatayan ko na siya. Kung hindi ko kasi puputulin ang usapan namin ay hahaba lang ito. Knowing him, gagawin niya ang lahat para lang makausap ako ng matagal. Lagi niyang ginagawa sa akin iyon, kaya minsan inaabot na kami ng umaga.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro