Kabanata 31

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng


Not Anymore

Halos magkasabay kaming nagulat ni papa nang marahas na bumukas ang pinto at niluwa no'n si mama na hingal na hingal na animo'y tumakbo nang napakalayo. Ano bang nangyayari sa kanya?

"Okay lang kayo?" tanong niya at lumapit sa amin.

"Oo naman, ma. Bakit ba?" Pinaupo ko siya sa tabi ko.

Huminga siya nang malalim bago sumagot. "Tumawag sa akin si Principe Rafaelle at sinabing nandito nga kayo at kausap mo ang tatay mo. Kilala kita, Audri, kaya nagmadali akong pumunta rito. Akala ko ay nag-aaway na kayo kaya nagtataka ako kung bakit buo pa rin ang katawan niyo."

Halos mapairap ako at narinig ko naman ang pagtawa ni papa. Tuwing si mama sa kanya na kunot na kunot ang noo. "Ano'ng nakakatawa, Harri? Ano ba ang nangyayari dito? Audrina!"

Natawa muna ako bago siya sinagot. "Okay na kami ni papa, mama. Huwag ka nang magulo d'yan."

Ang kaninang naguguluhan niyang itsura ay napalitan ng ngiti. "Talaga? Hindi ka na galit sa kanya?"

Umiling ako. "Ayos na ako, mama. Sana pala noon pa ako nakinig." I, once again, cried.

I just want to go back to my normal life with my papa and mama. Hindi na magiging matigas ang ulo ko, pangako 'yan. Please, bring back my old life.

"Salamat naman kung ganoon. Kay tagal kong hinintay ang araw na ito. Hindi ko alam kung ano ang nangayari pero nagpapasalamat ako at nagkatotoo na ang mga panalangin ko." Niyakap ako ni mama at hinawakan naman niya ang isang kamay ni papa.

Nagkatinginan kami ni papa. Tumango siya sa akin. He wants my mother to know the truth. Ako rin naman, ayoko nang maglihim sa mama ko. Sobra-sobra na ang pagsisinungaling na ginawa ko kaya siguro ganito kakomplikado ang lahat. Dapat si mama ang unang nakaaalam ng problema ko dahil siya ang pinakamalapit sa akin, pero mas pinili ko pang sabihin sa ibang tao at umasang maiintindihan nila ako. Mali ako.

"Mama," tawag ko sa kanya. Umayos ako ng upo at tiningnan siya.

Naghintay siya nang susunod kong sasabihin kaya tahimik siya pati na rin si papa.

Bumuga ako nang hangin. "At my young age, you thought me how to take care of myself. You thought to preserve my whole being, to protect my body." I looked into her eyes. "I failed you, mama. I was never the Audrina you thought I am. I am liberated. Sex became my enjoyment. I'm sorry. I lost my virginity when I was only 16 years old. I failed you, mama. I'm sorry." Bumitiw ako sa pagkakahawak ko sa kanya.

My heart is breaking, I could almost hear it tearing apart. Ganito pala kasakit magsabi ng bagay na alam mong ikadidismaya ng minamahal mo. Nagbaba ako ng tingin dahil ayokong makita kung paano ko binigo ang mama ko. Hindi ko kayang makita siyang masaktan dahil sa pinili kong landas. I am such a failure. I don't deserve her. She just wanted me to have a normal and peaceful life, but I am always choosing the complicated one.

"Why are you saying sorry for being yourself?"

Naangat ko ang tingin ko sa kanya. Sobra akong nabigla sa sinabi niya na inisip ko na guni-guni ko lang iyon. Sa sobrang pag-aasam na sana ay hindi siya magalit ay iyon ang narinig ko.

"Mama?" I called her.

She smiled. "I love you, Audrina. Just like your father, you are stubborn. Maaaring ako ang iyong ina pero wala akong karapatan na diktahan ka kung ano ang dapat mong gawin sa buhay mo. Simula nang magkaisip ka at nagsimulang gumawa ng sariling desisyon, tanging gabay na lang pwede kong ibigay sa iyo. Naniniwala ako na napalaki kita nang tama at hinding-hindi mo maipapahamak sa sarili mo kahit ano pa mang piliin mong landas. You are just like your father, but I love you with all of your flaws. Ganoon talaga siguro kapag nagmahal ka, mabubulag ka." She cupped my face and wiped my tears away. "If you are happy, then be yourself. Don't worry about me because, I will be here always supporting you with every decision you will make." She hugged me once again. "Bakit hindi mo kaagad sinabi sa akin? Natatakot ka ba na baka magalit ako?"

Umiling ako, makakaya ko pang indahin ang galit, pero ang disappointment ay niya ay hindi. "Natakot akong makita kang mabigo dahil sa akin. Baka isipin mo na hindi naging sapat ang pag-aaruga mo sa akin kaya ako naging ganito. Mama, you are more than enough for me. Wala na akong ibang gugustuhing maging ina kung hindi kayo lang. Mahal na mahal kita, mama. Sorry kung naglihim ako. Hindi ko gusto iyon pero natatakot ako na baka mabigo kita. Sorry po, mama."

I cried like a child in her arms. Umiyak ako kasabay nang pagdama ko sa sakit na dala ng mga nakabinbin pang mga problema. Hindi lang si mama ang nabigo ko sa mga desisyon kong padalos-dalos. Nabigo ko rin si papa, ang Bien, si Sammy, ang mga taong umaasa sa akin, at si Rafaelle. Nabigo ko silang lahat at ngayon wala na akong magagawa. Hindi ko na mababawi lahat.

"Our daughter needs our help. This is the reason why I don't want to be involved with this life. Masyadong delikado at walang katahimikan," sabi ni papa.

"What is happening, Harri? Ano pa ang hindi ko alam?" muli ay nalilitong tanong ni mama.

"That Benedict is blackmailing Audrina. Kung hindi lang ako nakakulong ay pinasabog ko na ang ulo ng hayop na lalakeng iyon sa pananamantala sa kahinaan ni Audrina." May diin sa bawat pagbigkas ng salita ni papa.

"Your fiance? Anong ginawa niya sa iyo?" Bumaling sa akin si mama na puno ng pag-aalala ang mukha.

"He was the man who took away my innocence when I was 16. I met him again after years, then introduced himself to me. Personal assistant siya ni Lord Maxwell kaya madalas kaming magkita. The last we had sex is in my bed, he recorded it and now he is using it to get what he want from me. He wants the power and he will get it through me. I cannot not let him do that, mama!" I cannot contain my frustrations anymore. Sa kagustuhan kong matapos na lang lahat ng ito ay hindi na kinakaya ng damdamin ko.

"I thought you were in love with him kaya ka pumayag magpakasal sa kanya. Hindi ko naisip na ganito na pala ang pinagdadaanan. Sana sinabi mo sa akin nang mas maaga." Hinaplos ni mama ang buhok ko.

"I can't, hindi ko kaya. And I am in love with Principe Rafaelle." I gave her a sweet smile.

"I knew it," she said. "Halatang-halata ko sa iyo iyon, anak. Kaya sobra akong nagtaka kung bakit kay Sir Benedict mo piniling magpakasal."

"Pero sa kanya pa rin ako ikakasal. Wala na akong ibang pagpipilian. Humingi ako ng tulong kay Rafaelle at kay Principe Rachim pero wala silang kahit anong makitang butas kay Benedict. Kahit si Lord Maxwell ay nagawa niyang mapaalis ng Bien. He is terrifying. Kung susuway ako sa gusto niya ay mapapaghamak kayo." Iyon ang pinaka-ayaw kong mangyari. Hindi baleng ako na lang ang magdusa sa kapalit ng kapusukan ko. Walang kinalaman nag ibang tao.

"Nakahanap ng katapat ang kapatid ko gahaman sa pera." Bahagyang natawa si papa at bumalik rin sa pagiging seryoso kalaunan. "You need to do what I have said, Audrina. That's our only chance to save all our ass. Masakit sa akin na hindi na ikaw ang magiging duchess ng Bien. Ikaw ang gusto kong magpatuloy ng lahat ng nasimulan ko. Alam kong ikaw rin ang makalilinis ng lahat ng kadumihang ginawa. Ikaw ang pinili ko dahil ikaw ang anak ko. Ikaw ang pinakamalapit sa akin. Pero naiintindihan ko rin na baka hindi ka para sa Bien, siguro ay para sa Araniya ka."

"Pa naman, pero sana nga. Gusto ko rin iyon," mahina akong tumawa.

"Kung ano man ang gusto mo, susuportahan namin iyon. Kung saan ka maligaya ay nandoon din kami. Kung kailangan mo ng tulong ay huwag kang magdadalawang-isip na magsabi sa amin." Tumango sa akin si mama.

"Maraming salamat po, hindi ko naisip na baka kayo pa ang mas makaintindi sa akin. Nagalit pa ako kay papa dahil pinangunahan niya kayo sa mga desisyon, ganoon din pala ako." Bumuntonghininga ako. "I am going to find Yeshua and make him the duke of Bien."

"How about Sir Benedict?" tanong ni mama.

"I'll marry him. Pagmumukain kong nakuha na niya ang gusto niya pero ilalaglag ko siya sa huli." Iyon na lang kaya kong gawin.

"Paano kayo ni Rafaelle? Siguradong hindi siya papayag kapag nalaman niyang ganyan ang plano mo. He is in love with you too, right?"

Tumango ako. "He will understand. I know he will help get out of my marriage as soon as possible. Hindi niya ako pababayaan."

When you know the feeling of there is someone you can fully lean on yourself. Iyong walang pagaalinlangan mong ipagkakatiwala ang sarili mo sa kanya, iyon ang nararamdaman ko kay Rafaelle. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganito sa isang tao. Kahit kay mama noon ay nangangamba ako. Rafaelle made me feel that he will never break me.

"I think you just found your soulmate, dear. You may not be the duchess of Bien, you can be his duchess, though." Nanunukso ang mga ngiti ni mama.

Nagtawanan kami na parang wala nang iniindang problema. For now, me and family will seize our moments together. Magiging bihira lang ang ganitong pagkakataon lalo na at hindi naman palagiang mabibisita si papa. Hindi rin pinapayagan kahit pa mataas ang katungkulan mo sa bansa.

"Okay na kayo ng papa mo? Hindi ka na galit sa kanya?" tanong ni Rafaelle pagkatapos naming ihatid si mama.

Napag-usapan na rin pala namin na baka kay mama na lang muna ako ngayon dahil ayoko talaga sa mansyon. Hindi ako makatulog nang maayos doon. Hindi rin ako makapag-isip nang tama kapag nasa paligid ko si Benedict. Feeling ko magkakasakit ako.

"Oo, ang sarap sa feeling kapag wala ng galit. Masaya talaga ako at wala nang gumugulo sa isip ko. Malinaw na sa akin ang lahat. Papa loves me on his own way. Hindi ko pwedeng i-compare kung paano ako mahalin ni mama sa kung paano ako mahalin ni papa. Magkaibang-iba, Rafaelle. Hindi pwedeng timbangin o sukatin. Hindi pwedeng ipaliwanag." Tumingin ako sa kanya. "Kagaya ng nararamdaman ko para sa'yo. Mahal kita, Rafaelle. Corny mang pakinggan pero totoo iyon. Wala akong kaide-ideya kung paano nangyaring mahal na nga kita at natatakot na akong maagaw ka sa akin ng iba. Sa akin ka lang, ha? Huwag kang paaakit kay Leo."

I don't why I started crying again. Tapos na, e!

Siguro ay dahil alam kong bilang na lang ang mga oras na magkasama kami. Sa oras na ikasal kami ni Benedict ay hindi na pwedeng ganito. Hindi ko na siya pwedeng lapitan, wala na dapat kaming ugnayan. Parang hindi nagkakilala. Pero sana ay magawan niya ng paraan na maiaalis ako mula sa pagkakatali kay Benedict. Sana matulungan niya ako.

"Umiiyak ka naman, ano bang nakakaiyak sa sinabi mo? Masyado ka bang na-touch sa sarili mong speech?" Nakuha pa niyang tumawa. Kainis.

"Naiiyak ako kasi tinapon mo mga sex toys ko. Hindi ko na sila makita sa kwarto ko. Ang mamahal ng mga iyon, eh!" Palusot pero totoo namang nawala lahat ng mga laruan ko sa kwarto. Naging abala lang ako sa ibang bagay ay nawala na silang nang tuluyan at alam ko kung sino ang may sala.

"Hindi mo na iyon kailangan. Nandito na ako, remember?" Aba't kumindat pa ang gago.

"Sabi mo 'yan, ah. Gagamitin ko 'yan mamaya, huwag kang aangal kung hindi puputulin ko 'yan!" Akala mo ha!

Napalunok siya at hindi na nakapagsalita. Hindi ko naman na talaga kailangan ang mga laruan na iyon. Kontento na ako kahit walang sex life basta nandyan si Rafaelle. Mas mahal ko siya kaysa sa mga laruan na iyon. Mas masarap nga siya. Ay mali! Siya pala pinakamasarap sa lahat ng natikman ko.

"Sino nga ulit ang pinapahanap mo, Audrina?" tanong niya nang makarating na kami kung nasaan si Principe Rachim.

"Yeshua Allarde," sagot ko.

"Sino naman iyon? Ano naman ang kaugnayan niya sa iyo?" tanong naman ni Rachim at nagtaas ng kilay.

Bumaling ako kay Rafaelle na naghihintay din ng isasagot ko.

"He is my nephew," maikling sagot ko.

"Mother side?" Halos sabay pa silang nagsalita.

Umiling ako. "He is my half-brother's son. He is Yoseph's son and my father wants me to make Yeshua the duke of Bien."

"What?! But you are his heir!" bulalas ni Rafaelle.

Muli akong umiling. "Not anymore, I am giving up the Bien, Rafaelle. That's the only way to make sure the Benedict won't get what he wanted. I will marry him and will not accept the Bien. I'm sorry."

Umiling siya at napaurong. Inabot ko siya pero mabilis siyang nakalayo sa akin.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro