Kabanata 38

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng


Sealed

"Sigurado ka bang sa prinsipe 'yang pinagbubuntis mo? Hindi kay Benedict?" tanong ulit ni mama habang pauwi kami.

Kagagaling lang namin sa botika para bilhin ang mga resetang vitamins ng doktor. Nagpabili na rin ako ng maasim ng peach dahil nakakatikim na naman ako no'n. Paglilihi na pala 'yon, akala ko gusto ko lang kumain ng maasim.

"Ma, si Rafaelle ang huling naka-sex ko kaya si kanya ito, siguradong-sigurado ako. Wala namang iba, bukod sa kanya."

Mabuti na lang din at nabuntis ako, gusto ko na ring magkaroon ng sariling pamilya. At kay Rafaelle ko nai-imagine ang pamilyang gusto ko. Sana lang ay maging maayos na ang lahat pagkatapos ng isang taon, hindi na ako makapaghintay na magkasama kami.

Kung kailan talaga nalaman mo ang isang bagay, doon ka magiging conscious sa mga nangyayari sa iyo. Iyong pagtulog ay ngayon ko lang napansin na hindi normal, panay ang tulog ko ngayon na halos abutin na ako ng hapon sa kama. Iyong mga paborito kong kainin noon ay hindi ko man lang magawang maamoy dahil nasusuka ako. Madalas ay tamad din akong gumawa ng kung ano-ano pero naiintindihan naman iyon ng mga kasama ko sa bahay kaya keri lang.

"Mas mabuting siguro na hindi muna malaman ni Rafaelle ang tungkol sa baby. Hindi na naman iyon mapapakali. Para na namang sinisilihan ang pwet." Tumawa ako pero sa totoo lang ay excited na rin akong malaman niya ang tungkol sa pinagbubuntis ko.

"Sure, ilang buwan na ba ang baby?" tanong Rachim na napauwi mula sa Spain nang balitaan ko siya tungkol sa pagbubuntis ko.

"Mag-aapat na buwan na rin. May baby bump na nga ako." Tumayo pa ako para lang makita niya ang maliit na bump.

"Alagaan mong mabuti ang sarili mo dahil isang Royal Baby ang dinadala mo. Magdadagdag din ako ng security at mga kasama sa bahay para mas maalagaan. Magpapa-schedule na rin ako kay Doctor Ramirez ng mga appointments para mapuntahan ka niya sa pinakamalapit na hospital dito," sabi niya.

"Kaya pala bet na bet ka ni Astra, eh. Ang caring mo naman pala." Humagikgik ako.

"Malapit ko nang isipin na pinaglilihan mo ako. Natural lang na maging mas maingat ako sa iyo ngayon dahil dala mo ang anak ng kapatid ko, magiging tagapagmana ng Araniya balang araw. Huwag kang masyadong matuwa." Umirap siya. Kahit ang pag-irap ay gwapo pa rin tingnan.

Hala! Totoo kayang napaglilihian ko siya?!

"Ang weird mo ngayon, Audrina. Naglilihi ka na nga yata sa akin. Hindi ko alam na totoo pala 'yan." Tumayo siya at akmang aalis.

Aalis na siya kaagad? Kararating lang niya, e.

"Sandali lang, nagluto si mama ng meryenda. Hintayin mo na iyon." Hinawakan ko ang kamay niya at inamoy.

Ano ba, Audrina?! Kapatid iyan ng nakabuntis sa iyo! Ano ang ginagawa mo?

"Pagpasensyahan mo na at buntis, Principe Rachim. Ito, kain ka muna ng meryenda bago umalis. Napauwi ka pa galing Spain. Siguradong pagod na pagod ka," sabi ni mama at nilapag ang pagkain sa center table.

"Naiintindihan ko, Ms. Reese. Ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit ako pa. Pero ayos, I am here to fill my brother's absence." Ngumiti siya at kumuha ng nilagang saging.

Kumakain din pala ang mga prinsipe ng nilagang saging?

"Ayoko rin naman maglihi sa iyo, 'no? Baka kung ano pa ang isipin ni Rafaelle. Baka akala niya ay ikaw na ang type kapag nalaman niyang gustong-gusto kitang nakikita." Ngumuso ako at hindi na ulit siya tiningnan.

"Maiintindihan naman niya siguro. Saka, hindi pa naman niya alam kaya huwag ka munang mag-alala." Kumindat pa siya.

Gago! Bakit ang gwapo?!

"Kamukha ka lang ni Rafaelle kaya trip kita ngayon! Huwag kang assuming!"

Bigla na lang bumukas ang pinto at niluwa no'n si Princesa Astra na hingal na hingal. Hindi ba't nasa Spain din ang babaeng ito? Ano naman ang ginawa niya rito?

"Bakit hindi ako sinabihan na uuwi ka na? Lagi mo na lang akong iniiwan. Pambihira ka!" sigaw niya at dinuro ako. "Mas mahalaga pa pala sa iyo ngayon 'yang babaeng 'yan! Hindi na ako natutuwa, Rachim!" Pumalahaw siya ng iyak na parang batang inagawan ng candy. Hindi naman siya girlfriend, hindi ba?

"Astra, ano ba? Hindi ka na talaga nahiya sa mga tao. She's pregnant." Nilapitan siya ni Rachim.

"Ano?! Nabuntis mo siya! Siraulo ka talaga! Akala ko pakipot ka lang, hindi mo pala talaga ako type!" Mas lalong lumakas ang iyak niya at pinagtutulak ang prinsipe.

Pambihira!

"Astra, you misunderstood me. Kumalma ka muna. Hindi tayo makakapag-usap nang maayos kung iyak ka nang iyak dyan." Hinawakan niya muli ang prinsesa pero pumiglas ulit ito.

"Paano ka na matatanggap nina mommy at daddy kung nakabuntis ka na?! Ako na lang sana ang binuntis mo! Nakakainis ka! Always ready pa naman akong magpasisid pero mas gusto mong sisirin ang iba! Ayoko na talaga sa iyo! Totoo na ito! Uuwi na ako ng Nydonia! Hindi na kita papansinin forever!" Mabilis na lumabas ang prinsesa bago pa siya mahawakan ni Rachim.

Naku! Nayari na.

Napakamot na lang ng ulo si Rachim at problemadong tumingin sa akin.

"It's okay, suyuin mo na. Huwag kasing puro paramdaman lang." Kinaway ko ang kamay ko para mapaalis siya.

"Babalik ako pagkatapos kong masuyo ang prinsesang iyon. Palagi na lang ganito," bulong niya sa huling pangungusap at lumabas na ng bahay.

Ang wild din pala ni Princesa Astra, siguradong magkakasundo kami.

Tinotoo nga ni Rachim ang sinabi niyang magdadagdag siya ng tao sa bahay kaya halos hindi na rin mapatayo sa sofa si mama dahil sa dami ng kasambahay. Ito nga raw ang pangarap na buhay ni Sammy, feeling niya raw ay prinsesa na siya.

"Buti na lang at ikaw ang pinili kong maging best friend. Nag-iiyakan na siguro 'yong mga nang-bully sa iyo noon na wala kang tatay. Ano sila ngayon? Sila sana ang nasa posisyon ko ngayon. Ang babaho kasi ng mga ugali. Mga basura!" Tumawa pa siya na parang nababaliw.

Siraulo talaga! As if namang makakapili ako ng ibang kaibigan na hindi siya. Magkaugali kaya kami. 'Tsaka ayoko rin namang maging kaibigan ang mga bully na iyon.

"Excited na akong maging ninang ng baby mo! Napakalaking selebrasyon siguro iyon sa Araniya. Hindi ka na-e-excite sa magiging reaksyon ni Principe Rafaelle?" pangungulit ni Sammy.

"Ayoko munang isipin 'yan dahil mami-miss ko lang siya. Gusto ko ngang magkasama kami habang lumalaki ang baby. Gusto kong kasama ko siya sa unang galaw ng anak namin sa loob pero napakaimposible pa no'n sa sitwasyon ngayon. Laman pa rin ako ng internet sa buong Cordancia. Kahit sanib-pwersa na ang mga otoridad at ng Royal Palace sa pagpigil sa pagkalat ng video ay hanggang ngayon ay laganap pa rin.

"Pwede naman kasi kayong magkita, kaya lang patago. Ano ba kasing kinakatakot mo? Na baka ma-bash din siya dahil sa pakikipagrelasyon sa iyo. Anong na ang nangyari sa Audrina na walang pakialam sa sasabihin ng mga tao?" Tinaasan pa ako ng kilay ni Sammy.

"Alam mo, Sammy. Wala akong pakialam sa mga sasabihin ng tao sa akin. Wala naman ng mawawala sa akin. Kahit batuhin nila ako ng pangungutya, wala naman silang mapapalas. Si Rafaelle, maraming mawawala sa kanya sa oras na madamay siya. Siya ang inaalala ko. Siya lagi ang iniisip ko," paliwanag ko.

"Paano kung hindi naman iyon mahalaga sa kanya? Paano kung gugustuhin pa niyang makasama ka kaysa magtiis ng ganito? Bakit hindi mo muna siya tinanong. Mas mahihirapan lang kayo kung ganito, hindi kayo nag-uusap. Paano niyo malalaman ang saloobin ng bawat isa?" Umirap si Sammy at nagpaalam na kukuha pa raw ng peach dahil naubos na ang kinakain natin.

Ang hilig ko pa lang pangunahan ang damdamin ni Rafaelle. Paano nga kung hindi gusto na ganito kami? Balak ko pa man ding maghintay nang matagal para as in wala na talagang issue. Ngayong buntis na ako, magdadalawang-isip na ako.

Ano bang alam ko sa iisipin ng mga tao? Paano kung sa tagal ng pagkawala ko at sa oras na bumalik ay pag-uusapan nila ulit ako? E 'di sayang lang ang lahat. Sayang lang ang panahong tiniis namin. Sayang lang ang mga pagkakataon dapat ay magkasama kami pero nawala dahil lang sa mga maling desisyon at akala.

Hinaplos ko ang anim na buwan ko ng tiyan. Malaki na iyon kumpara noong nalaman ko. Healthy na healthy ang baby ayon kay Dr. Ramirez na naging doktor din pala ng reyna at asawa ng mga prinsipe.

"Sa tingin mo ba, anak, ayos lang na magkita kami ng daddy mo? Hindi ba mas lalaki ang problema namin kung sakaling magkita kami. Alam mo ba? Hindi na ako kasal kay Benedict. Pwede na kami ng daddy mo. Pwede ka naming sabay na panoorin. Gusto mo ba iyon? Gusto mo na rin bang marinig ang boses niya? Gusto mo na rin ba siyang makasama? Sana ay gusto na rin niya tayong makita. Gusto ko na siyang mayakap ulit."

Isang buwan pa ang lumipas, talagang nainip na ako sa paghihintay. Wala naman kasing nagbabago sa sitwasyon. Limot na nga ng mga tao sa scandal pero tuwing nakikita naman nila ako ay naalala ulit nila. Paano naman iyon? Ano ba ang dapat kong gawin?

"Bakit nagwawalis ka pa d'yan? Hahanginin din ang mga dahon at babalik din, nagpapagod ka lang," puna ni Sammy na pinapanood lang ako.

"Hayaan mo nga ako, kailangan ko ng ganito. Kailangan kong makikikilos para mabilis akong manganak."

"Ay bes, pitong buwan ka pa lang na buntis. Baka mapaanak ka ng de oras d'yan. Masama 'yon. Tumigil ka na nga. Ang kulit mo." Iniwanan na ako ni Sammy dahil hindi naman niya ako mabawal.

Kasama ko na lang ngayon ang isang kasambahay at isang guard na pinigilan din ako kanina pero nagsawa na sa kababawal.

"Nasaan nagpunta si Rachim? Ang sabi niya dito siya kakain ng tanghalian?" tanong ko sa guard.

"Sa Royal Palace, Lady Audrina. Baka hindi na rin siya umabot kaya mas mabuting mauna na kayo sa pagkain. Ang bilin sa amin ay bawal kayong malipasan ng gutom," sagot ng guard.

Kinuha niya ang walis sa kamay ko at siya na ang dumampot sa inipon kong kalat. Ang kasambahay naman ay pinunsan ang likod kong pawisan at tinulungan akong maghugas ng kamay.

Dumating ang isang sasakyan na itim. Ang sasakyan ni Rachim. Ang akala ko ba ay mahuhuli siya. Imbis na papasok na ako sa loob ay hinintay ko na ang paglabas niya para sabay na kaming pupunta sa kusina. Hanggang ngayon yata ay naglilihi pa rin ako sa kanya. Gustong-gusto ko siyang nakikita at hindi ko alam kung bakit.

Mabuti na lang at napaintindi niya iyon kay Astra. Akala ko talag ay forever na silang hindi mapapansinan. Bagay na bagay pa naman sila. Feeling ko ay magkakatuluyan din ang dalawang iyon. Naghihintay lang ng oras para maayang magpakasal ang prinsesa.

Bumaba siya mula sa driver's seat kaya kumaway ako sa kanya. Bumuntonghininga siya at nag-iwas ng tingin. Sunod na bumukas ang pinto sa passenger seat. Hindi kaagad ako nakapag-react na dahan-dahan kong naibaba ang kamay ko nang makita kung sino ang kasama ni Rachim. Si Rafaelle!

"Rafaelle!" sigaw ko at nagtatakbo. Nakalimutan kong buntis ako.

Tumakbo rin siya palapit sa akin. Sinalubong niya ako nang mahigpit na yakap. Naramdaman kong muli ang pakiramdam na lagi kong hinahanap-hanap. Ito iyon, ang nami-miss ko palagi.

"Sira ka, bakit ka tumakbo?! Ang laki na ng tiyan mo," bulong niya at hinalikan ang ibabaw ng ulo ko.

"Na-miss kita, gago ka! Hindi na ulit ako uulit ng ganoong katagal na paghihintay. Pakasalan mo na ako, Rafaelle. Pakasalan mo na ako ngayon na. Manganganak na ako tatlong buwan mula ngayon," sabi ko habang humihikbi.

"Oo, pakakasalan na kita ngayon kung 'yan ang gusto mo. Hindi ko na rin kakayanin na maghintay pa ng matagal. Nang malaman ko kay Rachim na buntis ka nga, kahit ilang beses ng nadulas si Astra tungkol sa pagbubuntis mo ay hindi ako makasigurado kung totoo nga iyon. Pero nang kumpirmahin ni Rachim, hindi na niya ako napigilan na makita ka." Humigpit ang yakap niya sa akin.

"Nagmakaawa ka kaya kita hinayaan. Sumabit ka sa sasakyan ko kaya hindi ako makaalis, ano ang gagawin ko? Malaki na kayong dalawa, kaya niyo ng magdesisyon para sa sarili niyo. Sapat na siguro ang kalahating taong paghihintay." Lumapit sa amin si Rachim. Tumingin siya sa akin. "Welcome to the family, Audrina." Ngumiti siya nang matamis.

"Salamat," buong puso kong wika. Hindi lang iyon para sa pag-welcome niya sa akin, kung hindi para sa lahat ng ginawa niya sa amin ni Rafaelle.

Bumaling ako sa mapapangasawa ko na hinahaplos na ang maumbok kong tiyan.

"He is a boy, darling. A little you in my tummy," malumanay kong sambit.

Tumango siya. "Thank you, Audrina. Thank you for everything." He kissed my forehead.

"No, Rafaelle. I thank you for forcing me to be a duchess. I was surprised that I was a sudden heiress of a duchy, but what surprised me the most is that how God gave me you. I love you." I sealed that with a kiss.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro