Kabanata 39

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Congratulations

"Do you really want that girl to rule Bien?" I am almost screaming to my brother when I saw the picture of that party girl.

Audrina Reese, currently a college student taking Political Science course. A party animal, liberated, and a mess. Does not fit to be a duchess. Kumulo talaga ang dugo ko nang malaman na pati ang personal guard ko na si Philip ay hindi niya pinalampas. Muntik ko nang masisante si Philip dahil sa pagpatol niya sa babaeng iyon. Paano ko gagawing duchess ang babaeng ito? Ang layo niya kina Kyra, Muriel, at Antoinette. Lalo naman kay Iesha.

At tanging nagpapayag lang sa akin na tanggapin ang trabahong binigay sa akin ng kapatid kong hari ay ang ideyang si Audrina ay higit na malawak ang kaisipan sa mga bagay na katulad ng tinatago ko. Hindi ko man aminin sa una pero alam kong iba ako sa mga kapatid ko. Hindi karaniwan ang pakiramdam ko sa mga bagay-bagay. Ang akala ko ay simpleng paghanga lang ang nararamdaman ko kay Leo. Paghanga sa bagay na kaya niyang gawin. Iba na pala iyon. Habang tumatagal ay naamin ko na may gusto ako sa kanya. Tinanggi ko iyo ng ilang beses dahil hindi maaari. May reputasyon akong iniingatan, isa akong prinsipe ng Cordancia. Ang kahihiyan na nararamdaman ko tuwing maiisip ko na sasabihin ko sa mga kapatid ko na gusto ko si Leo, na may gusto ako sa isang lalake gayung dapat ay sa isang babae dapat ako mahumaling ay halos ikamatay ko na.

"Principe Rafaelle, ano ang tingin mo sa disenyong ito para sa ireregalo ko kay Princesa Risha sa kaarawan niya?" tanong ni Leo habang pinapanood ko siyang magbalot ng regalo para sa munting prinsesa.

"Maganda ang taste mo kahit pa hindi naman iyan mapupuna ni Risha. Maligalig ang batang iyon kahit ano pa ang ibigay mo," sagot ko.

"Sabagay, pero sana ay maitago niya ito. When she is already a grownup, she will appreciate this ornament. I can wait to see her takes over to the position of his father. She will be a great queen, I can see and feel that." He smiled.

I love how optimistic he is. Nakikita niya ang kagandahan kahit sa pinakapangit bagay. Napakasarap niyang kasama at kausap. Minsan nga ay naiisip ko kung paano pa siya mag-alaga at magmahal. Napakaswerte ng babaeng mapipili niya. Hindi ko na isasama ang sarili ko dahil imposible naman talagang mangyari kami.

Nagkaroon ako ng lakas ng loob para harapin si Audrina. Matigas ang ulo at masakit sa ulo ko ang ganoong klaseng tao. Napakahirap turuan at matigas pa ang puso. Gusto ko nang mainis sa kanya pero hindi ko siya pwedeng sukuan, maaaring matulungan niya ang mga katulad ko kahit hindi na ako.

Siguro ay nasanay lang ako sa mga babaeng mahinhin at pino ang kilos kaya sobra akong nanibago sa babaeng ito. Sobrang ingay at bigla na lang manghahalik. Sinabi ko na nga hindi kami talo ay parang wala lang sa kanya.

Hindi ko sinasadyang mabanggit ang pangalan ni Leo noong unang beses na magtalik kami. Siya naman ang nasa isip ko pero bakit si Leo ang nabanggit ko? Naguguluhan na rin ako minsan sa sarili ko. Gusto ko si Leo pero nagugustuhan ko na rin si Audrina. Magkaiba sila, magkaiba ang dahilan kung bakit ko sila nagustuhan. Kay Leo, nagustuhan ko siya dahil sa atensyong ibinibigay niya sa akin at sa mga bagay naramdaman ko sa kanya na hindi ko kayang maramdaman sa sarili kong pamilya. Si Audrina... Natawa ako...

Walang partikular na dahilan akong naiisip kung bakit sa tingin ko ay gusto ko na siya. Basta, nagising na lang ako na gusto ko na siyang makita palagi. Hindi na ako mapakali kapag nawawala siya sa paningin ko, pakiramdam ko ay mapapahamak siya sa oras na hindi na niya ako kasama. Nagkagusto ako sa kanya hindi dahil sa maganda siya, sexy, at magaling sa kama o kung ano pa mang pisikal niyang katangian. Nagustuhan ko siya dahil sa kalooban niya. Nagustuhan ko siya dahil sa kasiyahang naibibigay niya sa akin. Sa mga emosyong halu-halo at minsan ay hindi ko na mawari pero sa huli ay tatawanan ko lang dahil ganoon pa lang ang pakiramdam na maging isang simpleng tao. Nagtagpuan ko na lang ang sarili ko na mas lamang na ang nararamdaman ko kay Audrina. Mahal ko na siya. Hindi ko na naisip ang gusto kong mangyari. Hindi ko naisip ang tulong na gusto kong makuha mula sa kanya. Nawala na ang lahat ng iyon. Gusto ko na lang ay makasama siya.

"You don't have to do this, Rafaelle. Hindi maganda ang blood pressure mo nitong mga nakaraang araw. Pwede namang umatras," payo ni Rachim habang papunta kami sa lugar kung saan napili kaming magtuos ni Benedict.

"Hindi ko pwedeng hayaan na lang si Audrina habang iniipit siya ng gagong iyon. Kaya ko naman at hindi ako aatras. Kahit maospital na ako pagkatapos nito, basta mapalaya ko lang si Audrina."

"You love her, don't you?" biglaang tanong ni Rachim.

Napaiwas ako ng tingin.

"Hindi mo naman gagawin ang mga bagay na ito para sa kanya kahit ikapahamak mo pa kung hindi mo siya mahal o pinapahalagahan.".

"I am doing this to save Bien."

Naningkit ang mga mata niya. "Parang hindi iyan ang naririnig ko kanina. Panay Audrina ang bukambibig mo.

Naospital nga ako pero hindi ko naman nagawang palayain si Audrina. Ang sakit sa dibdib na hindi ko siya magawang maialis sa Benedict na iyon. Kahit prinsipe ako ay wala akong magawang kahit na ano!

Tuwing tumatabi siya sa akin kapag matutulog kapag natatakot siya, naiisip ko na paano kung wala ako rito? Saan siya pupunta? Sino ang tatabihan niya para maibsan ang takot na bumabalot sa kanya.

"Hindi kita iiwan, pangako."

Ang pangako na sana ay hindi mabali. Mapanindigan sana namin iyon. Gusto ko rin ang ideyang magkasama kami. Gusto ko ang pakiramdam na magkayakap kami. Gustong-gusto kong bumuo ng pamilya kasama siya. Siya lang ang pangarap kong gusto kong matupad. Kahit hindi na kagustuhan kong matanggap ang mga katulad ko ng buo sa kaharian na ito. Iyong wala nang kailangang magtago dahil natatakot. Iyong hindi mailabas ang tunay na nararamdaman dahil mahihiya dahil sa mga sasabihin ng tao. Darating din ang tamang oras na mangyayari iyon.

After I read her letter to me, I decided to tell my brother the whole truth about me. Ilang araw ko ring pinag-isipan iyon. Kung sasabihin ko pa ba o hindi na dahil mayroon naman na akong Audrina. Pero gusto ko ring malaman kung matatanggap ba nila ako kung sakaling hindi dumating si Audrina at magpatuloy ang pagkagusto ko kay Leo.

Tumikhim at tiningnan sila isa-isa. Nakatingin lang sila sa akin na parang boring na boring na sa buhay. Si Raguel nga ay naka-military uniform pa. Hindi nagawang makapagpalit dahil pagkarating niya ay tinawag ko kaagad sila sa isang kwarto.

"Anong ia-announce mo? Pwede pakibilisan, kating-kati na ako sa suot ko, eh," sabi ni Raguel.

"Iyan ang suot mo palagi sa military camp hanggang ngayon ay hindi ka pa rin sanay?" tanong ni Raviro at pinagpag pa ang uniporme ni Raguel.

"Huwag mo akong hawakan, masakit pa ang buong katawan ko." Dumaing si Raguel nang pisilin ni Reneesh ang balikat niya. "Hindi ako nakikipagbiro." At umiyak na nga ang iyakin.

"Ayan, umiyak na si bunso. Ano ba 'yan? Parang hindi galing sa training. Balita ko pa man din ay balak mong magpakasal kay Commander Cejay." Kinatyawan siya ni Raviro.

"Ano ba? Hindi naman tungkol sa akin ang meeting na ito kaya bakit ako pinati-tripan niyo! Si Rafaelle, hindi ba?" Tinuro ako ni Raguel.

"Ito naman, na-miss ka lang namin. Ang tagal nawala ng clown namin dito. Na-miss ka rin ni Alex tsaka ng mga bata," tukso pa ni Reynard.

"Hindi ko naman kayo na-miss." Nilabas pa ni Raguel ang dila.

"Ibig sabihin ay nag-enjoy ka sa loob? Dapat pala ay ginawa mo ng isang taon," biro ni Rachim.

"Paano ko kayo mami-miss kung panay ang dalaw niyo? Mag-isip nga kayo." Umirap pa ang bunsong kapatid.

Ano ba? Ang gulo!

"Tama na nga 'yan. Para saan ba ang meeting na ito? Hindi ba para kay Rafaelle? Mamaya na si Raguel," sabi ni Richart kaya nagsitahimik sila.

Tumango sa akin si Richart kaya tumayo na ako ng tuwid. Tumikhim ako at nag-isip sandali. It is now or never. Nahagip ng mga mata ko si Rachim, sa gulat ko ay ngumiti siya sa akin. Sandali lang iyon pero alam na alam ko ang ibig sabihin.

"Hindi ko na aasahan makaaani ako ng magandang reaksyon mula sa inyo pagkatapos ng sasabihin ko. Hindi magiging madali sa inyo ang pagtanggap dahil kahit sa akin ay hindi naging madali ang lahat. Mahal ko kayo kaya ayokong madismaya kayo dahil sa akin. Hindi niyo man ako matanggap, alam kong patuloy ko kayong mamahalin," tumikhim ako at lumunok ng ilang beses.

"Ano ba ang sasabihin mo? Para namang ang drama ng intro." Natawa si Raguel kaya siniko siya ni Raviro.

"Kahit ano pa man ang sabihin mo ngayon, hindi mababagong ikaw pa rin ang kapatid namin. Parte ka pa rin ng aming pamilya kahit ano pa ang maiba sa iyo," sabi ni Rachim.

Alam niya ba? Alam niya kaya ang tinatago ko?

"Spill the tea!" sigaw ni Reneesh na sa tingin ko ay naiinip na sa drama namin.

Bumunga ako ng hangin. Paano ko sisimulang sabihin?

"May gusto ako kay Leo. Nagkagusto ako kay Leo bago dumating si Audrina," walang pahingang sabi ko at saka pumikit nang mariin.

Mahabang katahimikan ang bumalot sa silid kung nasaan kami. Walang nagsalita kaya mas lalo akong kinabahan. Siguro ay iniisip pa nila ang mensahe sa likod ng mga salitang sinabi ko.

Bigla na lang bumagsak si Richart sa kinauupuan niya kaya kaagad siyang dinaluhan ni Rachim at Reynard. Nahimatay yata.

"Hala, nahimatay," sabi ni Raguel habang nakatingin sa kapatid naming hari na pilit ginigising ng dalawa naming kapatid.

"Seryoso ba 'yong announcement mo, Rafaelle. May gusto ka kay Leo pero gusto mo rin si Audrina? Nakakalito!" Napakamot sa ulo si Raviro.

"Are you gay?" tanong ni Reneesh.

Umiling ako. Hindi naman. Nagkagusto naman ako sa babae.

"Bisexual, I think." I paused for a moment. "Hindi kayo galit?"

Umiling sila. "Hindi naman, nagulat lang pero si Richart, super gulat ang nangyari." Humalakhak sila kaya napalagay ang loob ko.

"Bakit naman kami magagalit? Wala namang kagalit-galit sa bagay na iyon. Wala ka namang masama, you are just being true to yourself. Mahirap kung pipigilan namin ang gusto mong gawin o kung ano ang gusto mong maging. Mahirap na rin ang sitwasyon mo kasi naiisip mo na isa kang prinsipe na kailangan palaging perpekto. May malaki tayong responsibilidad pero hindi ibig sabihin na kailangan na nating kalimutan ang mga pansarili nating kagustuhan. Masaya pa nga kami dahil sinabi mo sa amin ang totoo," sabi ni Raviro at nag-thumbs up pa sa akin.

Bumangon si Richart at parang nanlalambot pang umupo ulit sa upuan niya.

"So sorry for that, nabigla lang ako." Tumingin siya sa akin. "Seryoso, Rafaelle? Nagkagusto ka kay Leo?" Tumaas ang kilay niya.

"Oo, hindi ko rin iyon inaasahan. Hindi ko inakalang maiiba ako sa inyo. Si Leo lang ang palagi kong nakikita at nakakausap kaya ganoon siguro. Nahulog ang loob ko nang hindi ko inaasahan. Tinago ko pa kasi pakiramdam ko ay itatakwil niyo o hindi matatanggap." Bumagsak ang balikat ko.

"Family is family, Rafaelle, always remember that. May pagkakamali, may pagkukulang, may hindi man pagkakaintindihan, by the end of the day, we are bond by one blood and the same flesh. Walang magbabago, ikaw pa rin si Rafaelle," sabi ni Richart na dahilan para mapaluha ako. Hindi ko inaasahan na ganitong pagtanggap ang matatanggap ko mula sa mga kapatid ko. Masyado ko silang hinusgahan.

"Congratulations for coming out. Akala ko ay hindi mo na masasabi." Tinapik ni Rachim ang likod ko.

"Alam mo na bago ko sa sabihin?" tanong ko.

"Oo naman, ikaw ang kapatid ko, buong kapatid, paanong hindi ko mararamdaman?" Ngumiti siya at tumikhim. "By the way, Audrina is pregnant."

Halos mabali ang leeg ko sa pagtingin ko sa kanya. My darling is pregnant? What?

"You are the father, of course. She's seven months pregnant. Congratulations, once again. I am happy for you my little brother," sabi niya saka ako iniwanan at mabilis na sumakay ng sasakyan.

Walang pag-iisip na tumungtong ako sa trunk ng itim niyang kotse kaya hindi niya iyon mapaandar.

"Isama moa ako, alam kong pupunta ka kay Audrina! Alam kong alam mo kung nasaan siya, ano ba?! Isama mo na ako!" Nagsisigaw ako!

Binuksan niya ang bintana ng kotse. "Get in the car!"

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro