Kabanata 5

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng


Soon

I waited for Principe Rafaelle to arrive. He is ten minutes late, hindi pa ako nag-lunch kanina dahil sabi niya ay ililibre niya kami ni Sammy at mama. Ano ba naman 'yan?

"Nasaan na ang sundo mo? Gusto ko nang kumain ng steak," bulong ni Sammy.

Siniko ko siya dahil nanonood sa amin si mama. Bawal daw kasing magreklamo kapag Royal Family ang pinag-uusapan. Just, how's the feeling of having a free pass on everything? Kanina ko pa tinatadtad ng text ang prinsipeng ito pero wala man lang reply. Just wow naman!

I groaned when finally saw the black limo with little Cordancia's flag in front parked in front of our apartment. Nilabas ko na mga naka-empake kong mga damit at ilang importanteng gamit na dadalhin ko sa mansyon. Sinalubong kami ng dalawang lalakeng naka-itim na tuxedo, 'yong mga humabol sa akin. Kinuha nila ang mga bag ko at pinauna kami sa paglabas.

Nandoon naman sa tabi ng sasakyan si Rafaelle na nakatayo lang pero nagsusumigaw sa awra niya kung sino ba siya rito sa Cordancia. Oo, gwapo siya at ang mga napapandaan nga ay kusang napapahinto para batiin siya, part of the rules. Habang papalapit ako sa kanya ay may pakiramdam na unti-unting lumulukob sa puso ko. Parang nangungulila na ako kahit hindi pa naman ako umaalis. It's weird that I am already missing something without even leaving it. I just realized by now that it will not be the same anymore. Kahit sabihin nila na wala namang magbabago, alam kong alam nila na kahit papaano ay merong mababago sa buhay ko.

Napahinto ako sa paglalakad at napahawak kay mama na napahinto na rin sa paglalakad. She looked at me with that concerned eyes. I wanted to cry because I know any minute by now, I'm going to leave her alone in that stinky apartment. I want her to go with me.

"I don't want to do it," I whispered.

Hinarap niya ako at hinawakan sa magkabilang balikat. "If the reason was me, I will be forever guilty if you don't do it."

A tear fell from my left eye. "I don't want to leave you. Hindi ba pwedeng kasama kita. I want you to be with me. I want to fulfill my promise to you years ago. Hindi ako pupunta kahit saan nang hindi ka kasama. Mama, let us be with each other until the end."

She smiled. A sad smile, then she hugged me so tight. Parang ayaw akong pakawalan. "You will be fine and you will not break any promise because you are still here in my heart wherever you go. Don't be scared to lose me, hindi naman ako mawawala. Pwede naman tayong magkita palagi, hindi naman iyon bawal. Hindi lang papayag ang papa mo na makihati ako sa mga mamanahin mo sa kanya. Iyon siguro ang kinakatakot niya." She laughed. "Pero hindi niya pwedeng alisan ako ng karapatan sa iyo. If he do that, hindi ako magdadalawang-isip na ipagdamot ka sa kanya."

"I will miss you, mama." I hugged her too. Kahit pa araw-araw kaming magkikita, iba pa rin na sa iisang bahay kami umuuwi. Hindi man ako madalas na nasa bahay pero hindi ko man lang nararamdaman na nami-miss ko na siya. At ngayon, hindi pa man nga ako umaalis, nangungulila na ako.

"I will miss you, too, baby. I will visit everyday. You can sleepover here too." Tumango siya sa akin at hinalikan ang noo ko.

"Ang drama naman ni beshy ko! Nandoon naman ako araw-araw kasi nga gagawin mo akong P.A.," sabi ni Sammy at saka ako inakbayan. Nakaladkad niya ako hanggang sa makalapit kay Rafaelle na medyo natatawa pa.

Tinaasan ko siya ng kilay. "Anong tinatawa-tawa mo d'yan?"

Umiling siya. "Wala, ang drama mo pala kahit mukha kang amazona." Binuksan niya ang pinto ng limo kahit hindi naman dapat siya ang gagawa no'n.

"Wala kang pake!" I raised my middle finger to him and quickly got into the car before my mother see me shitting with the prince.

Maluwang ang loob ng limo at aakalain mong pwede ng maging isang kusina. May mga wine at wineglass pa. Bakit kailangan may ganito pa?

"Pakibilisan na lang dahil kanina pa kami nagugutom. Ang tagal naman kasi," sabi ko kaya nakatanggap ako ng kurot sa tagiliran sa nanay ko na nasa tabi ko pala.

"Nagbago ang plano," biglang sabi ni Rafaelle kaya napatingin kami sa kanya.

"Ay, may plano pala!" sarkastikong usal ko. May plano pala siya tapos sobrang late. Anong klaseng tao 'to?

"Of course, Lady Audrina. I decided to take you out to dinner at the most expensive Steak House in Bien. Don't worry, you will be charged nothing, and don't forget to eat all you can because this is the last time that I will spend my own money for you," he said then smiled.

Lamukusin ko ang mukha niyang nagyayabang pa, eh! Oo na, kami na ang walang pera!

Pumalakpak naman si Sammy na parang nanalo sa raffle. Ngayon lang ba 'to makakakain ng baka?

"Teka nga, bakit naman nagbago bigla? Akala ko ba sa mansyon na lang tayo maghahapunan para makapunta rin doon si mama?" tanong ko.

"Gusto kong masulit mo ang mga panahon na hawak mo pa ang oras mo dahil bukas ay may susundin ka ng schedule at hindi iyon pwedeng hindi masunod. Someone will help you to prepare to become a duchess," sagot niya.

Okay...

Alam ko namang mabait siya pero minsan talaga nakakainis ang pagiging mayabang niya.

"Thanks, ha. I appreciate it so much." Ngumisi ako. For sure, may kapalit 'yan. Hindi pwedeng wala. Wala naman na kasing libre ngayon.

Awkward na tumawa si mama. "Pasensya ka na, Principe Rafaelle, sa anak ko. Masyado lang siyang naninibago ngayon." Bumuntonghininga si mama. "Salamat dahil hinayaan mo akong sumama sa inyo kahit hindi naman talaga pwede. At kung makakausap niyo rin si Lord Harriston--"

"He is no longer a lord or anything. He is even lower than you," putol ng prinsipe sa sinasabi ni mama.

"Ah, okay. Pakisabi na lang sa kanya na kahit pumayag ako sa kagustuhan niyang maging parte si Audrina ng dati niyang buhay ay hindi ibig sabihin no'n ay pinamimigay ko na ang anak namin. Kagaya pa rin noon, ako pa rin ang higit na may karapatan sa kanya," dugtong ni mama.

Tumango si Rafaelle. "Paano ho kung makapag-asawa siya? Hahawakan niyo pa rin ba si Audrina?"

Kahit nagulat sa una ay kaagad na umiling si mama. "Ibang usapan na iyon, Su Alteza. If she will get married to a man she will love, then it is her call if she will allow that man to own her. And knowing my Audri, she always wanted to live her life kaya nga nahirapan tayong makumbinsi siya na maging duchess dahil alam niyang kailangan niyang ibigay ang kalahati ng buhay niya sa Bien. She doesn't want to do that."

"I will not get married. I don't want a husband. I just want to be alone," I said.

Sabay-sabay nila akong nilingon. Si Sammy ay hindi na nagulat dahil iyon ang plano naming dalawa. We both hate being committed to something and having a family has a lot of commitment.

"You need have an heir, a legal one," simpleng sagot ni Rafaelle.

"E 'di magpapabuntis na lang ako, hindi ko naman kailangan ng lalake na palaging nakabuntot sa akin. Kung kailangan lang ay doon ko lang gagawin. Kagaya ng tagapagmana," sagot ko sa kanya.

Bakit naman ako mag-aasawa kung ang pakinabang lang naman niya ay sperm? E 'di magpabuntis na lang, iwas-stress pa sa lalakeng hindi mo naman kailangan, napaka-demanding pa.

Napakamot sa ulo si mama at hindi makapaniwala sa mga sinabi ko.

"Every child deserves a family. A complete and happy family. Ikaw dapat ang higit na nakakaalam ang hirap nang walang ama."

Hindi ako nakapagsalita dahil sa sinabi niya. I don't actually remember that I became heartbroken knowing that I don't have a father. Pero naalala kong tuwing nakikita ko ang mga kaklase ko na kasama ang tatay nila. Hinahatid at sundo sila, samantalang ako ay kailangang pumasok mag-isa dahil may trabaho si mama. I was  a preparatory student back then and I thought being alone in that age is bravery and a normal thing. Proud pa ako noon dahil hindi ko na kailangan ng kasama tuwing papasok, wala pa sa isip ko na mainit ang mga mata sa akin ng mga kidnapper. At tuwing Father's Day at lahat sila ay dala ang tatay nila at ako na nakaupo lang sa sulok at pinapanood si Sammy na sumali sa games kasama ang daddy niya. I thought it was normal and fine. Pero ngayong binabalikan ko na ang mga sandaling iyon, naaawa ako sa sarili ko. Kaya pala lagi akong sinasama ng daddy ni Sammy at tinatawag na anak.

"I grew up just fine without a father. I only need a mother and I have one. I don't need an evil father." I rolled my eyes.

"Yeah, because you grew up with a loving mother." There's a hint of bitterness in his voice.

Huminto ang limo sa tapat ng isang sikat na Steak House sa Bien na walang nagsasalita. Napakatahimik at wala man lang gustong umimik. Tumingin sa akin si Sammy at nginusuan ako. Patay-gutom pala itong kaibigan ko kaya kailangan ko ng kumilos. Nauna na ako sa pagbukas ng pinto, tsaka lang nakasunod si Sammy at mama. Nahuli sa paglabas si Rafaelle. Ito na naman, ako na naman ang mukhang masama ngayon. Ako dapat ang bida, hindi ba?

Isang chef ang sumalubong sa amin na may mga nakabuntot na mukhang mga waiter ng restaurant. May pa-grand welcome pa talaga. The perk of being a prince. E 'di siya na!

"Buenas Noches! Bienvenido! Welcome to our humble restaurant, Su Alteza. And you too, my ladies!" bati ng chef na mukhang may-ari ng Steak House.

Dinala kami ng mga waiter sa pang-apatan na upuan at kaagad na nilatagan ng mga appetizer. Aba! Madaya pala ang mga ito! Appetizer pa lang busog ka na, paano ako makakarami sa baka mamaya?

Hindi pa rin ako pinapansin ni Rafaelle at panay si mama lang ang kinakausap. Ako na naman! Bakit hindi ako pwedeng magkaroon ng sariling opinyon dito? Tsaka, sumobra naman yata sa pabebe ang lalakeng ito. Daig pa ako na babae, gusto lagi siya ang sinusuyo.

"Hoy, Rafaelle! Nasaan na ang baka? Binubusog kami sa soup ng restaurant na ito!" Malakas ko siyang kinalabit.

"Gusto mo bang kumain ng hilaw? Ano bang hindi mo maintindihan sa 10 minutes pa bago mai-serve?" mataray niyang sabi.

Wow! Bakit parang kasalanan ko pa na nagutom kami kahihintay sa kanya?

Kung ganito lang din kami sa mansyon sa ay malamang ay magsisilayasan lahat ng mga nanahimik na kaluluwa roon. Ayoko siyang kasama! Mas maarte pa sa akin!

Pagkalipas ng sampung minuto ay tahimik na kaming kumakain ni Sammy. Wala naman akong pakialam kung tinititigan kami ni Rafaelle ngayon na pahigop-higop lang ng juice sa baso.

"She still has a lot to learn. I can't let her show herself to the King and Queen. Meron pa kaming isang buwan bago dumalo rito sa Bien ang buong Royal Family," rinig kong kausap ni Rafaelle sa nanay ko.

"Sana lang ay maturuan mo siya kaagad. Napakatigas lang ulo at kahit ako ay hindi na pinakikinggan."

Eh, kung alam ko lang na magmamana ako ng Duchy ay siguro bata pa lang ay inayos ko na ang paggamit ng kutsara at tinidor.  Hindi pa nga ako matututong magtagalog kung hindi pa ako patagong nagtututo. Noon pa lang dapat kasi ay ginawa na dapat na basic language ang Tagalog para hindi na kailangan pang magtago ng mga marurunong. Like, hello?! Nasa loob po kami ng Philippine Area of Responsibility.

Palabas na kami ng Steak House nang tumikhim si Rafaelle sa likuran ko. Humarap ako sa kanya na hawak pa ang tiyan na sobrang busog. Tinasaan ko siya ng kilay.

"Bakit?"

Kinagat niya ang mapula niyang labi. "I don't know how to talk to you without ending up arguing with you. Magkaiba tayo ng pananaw sa ibang bagay. I respect yours because I don't understand your perspectives. I was not you to understand your pain. But I will try to be with you in your new journey because I know how scary to walk alone on a path you don't know. Let's stop arguing if that's okay?"

I blinked. Totoo ba na siya ngayon ang nagpapakumbaba?

"Pwede naman. Ikaw lang naman kasi ang nang-aaway. At minsan hindi rin kita maintindihan. May mga ipinapahiwatig ka na nagpapalito sa akin. Gusto kitang maintindihan pero tuwing gusto kitang basahin, sinasardo mo ang mga pinto mo sa akin. You can tell me everything. Friends naman tayo, 'tsaka magaling ako magtago ng secrets." Tinaas-baba ko ang kilay ko. Pakiramdam ko talaga ay konting push pa ay bibigay na ito.

Pero imbis na sagutin ako ay ginulo lang niya ang buhok ko. "Soon, my lady. Soon..."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro