Kabanata 6

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng


Mistake

"What the hell are these things?!"

Napatigil ako sa pagkamangha sa kwartong pagmula ngayon ay magsisilbing silid ko nang malakas na sumigaw si Rafaelle. Napadako ang tingin ko sa kanya at nagtaas ng kilay nang makitang walang pang-iingat niyang kinakalkal ang mga sex toys! Takte naman, ang mamahal ng mga 'yan, eh!

"Oy, ingatan mo naman. Ilang libo kada isa niyan dahil maganda ang performance." Maingat kong kinuha sa kamay niya ang isang vibrator na galing pa ng ibang bansa.

"What was that thing? Is that supposed to vibrate?" inosenteng tanong niya.

Napangiwi ako at tinutok sa mukha niya ang kulay gold na vibrator. "May vibrator bang hindi nagba-vibrate? Mag-isip ka nga?" Inirapan ko siya. Painosente ang isang ito. Wala pa ba siyang nagagalaw na babae?

"Bakit ka may ganyan? At dinala mo pa talaga rito sa mansyon. This is a decent and respected place, Audrina!" bulyaw niya pero hindi ko naman siya pinansin.

Maayos kong nilagay sa isang drawer na nasa malayong sulok para hindi madaling makita. Nakangiti pa ako dahil hindi ko na kailangan pang gumawa ng taguan para lang hindi ito makita ni mama. Siguradong kakalbuhin ako no'n sa sabunot kapag nagkataon.

"Don't tell my mother that I have those kinds of toys. If she found out about those things, maglalayas ako!" Binelatan ko siya at tumalon sa malambot na kama.

"Why do you have those?" tanong niya ulit.

Dumapa ako ng higa at ipinatong ang isang kamay sa baba para makita siya. "For fun, of course. Para hindi ako mainip dito sa boring na palasyo. I have to masturbate if I am feeling horny and those toys help me a lot. At panigurado namang hindi ka papayag na magpapasok ako ng kung sinong lalake rito," sabi ko at tinaas-baba ang kilay.

"I won't allow you, of course. Sinong matinong babae ang makikipag-sex sa kung sino-sino?" Humalukipkip siya.

Ngumiwi ako. "Hindi mo ba ako nakikita? I have been with lots of men, at tingnan mo, magiging duchess pa! It is not about being a virgin why a lady can be called a decent one, a clean one, a perfect one, an ideal one. It is about how she carries herself in this world full of toxic mindsets." Kinagat ko ang labi ko at bumaba ang tingin sa kanyang pantalon. "Or, you may want me to use your thing?" Ngumisi ako.

Nanlaki ang mga mata niya at biglang napatakip sa crotch area. "Pati ba naman ako, Audrina? Tigilan mo ako!" sabi niya at tumikhim. Tumayo siya nang tuwid at inirapan ako.

Malambot lang ba talaga siyang kumilos o may something sa kanya?

"Can you please respect me and this place? Hindi naman dahil sinusuyo ka namin ay pwede mo nang gawin ang gusto mong gawin. You still have to obey our rules!" Muli siyang tumikhim at tinungo ang drawer kung nasaan ang mga sex toys ko.

Mabilis akong bumangon at halos makandadap-dapa para lang mapigilan siya. Anong balak niya?

Hinarangan ko ang daan niya at tiningnan siya nang masama. "What are you gonna do?"

"Let me see that toys," he commanded.

Nagtaas ako ng kilay. "Then what?" Itatapon niya?

Iritado siyang bumuntonghininga at marahan akong hinawi. "Just let me see them!"

Tumabi ako at mahinahon siyang pinagmasdan. I swear talaga na kapag sinira niya 'yan, kakalbuhin ko siya sa sabunot. Ano bang masama sa pagkakaroon ng sex toy? Normal lang naman sa isang tao ang malibugan, hindi ba?! Wala naman kasing tite rito sa mansyon, anong gagawin ko?

"This is the first time seeing them for real. They are so weird!" he said then turned on one of the vibrators.

Napaiwas ako nang ilapit niya iyon sa mukha ko. Ano bang problema niya?

"Hindi 'yan magic wand, huwag mong iwagayway!" Sinamaan ko siya ng tingin.

Kumunot ang noo niya. "Do these things really satisfy your sex cravings?"

Umirap ako. "Bibili ba ako ng marami kung hindi? Pero mas masarap pa rin kung lalake talaga." Ngumisi ako. "Pwede nating i-try kung gusto mo. Tutal, ikaw lang ang kasama ko rito at siguradong walang pipigil sa atin." Nagtaas ako ng kilay.

Kita ko ang paglunok niya at ang pamumula ng kanyang pisngi ay hindi nakatakas sa mga mata ko. Sabagay, ganito rin naman ako noon, noong virgin pa ako.

"Virgin ka pa ba?" tanong ko kaya mas lalong nanlaki ang mga mata niya.

"Wala ka sa posisyon para tanungin 'yan. Kung hindi ka aayos ay hindi ako magdadalawang-isip na pwersahin ka sa mga bagay na ayaw mong gawin. Sige, magsimula tayo sa paraan kung paano ka manamit." Pinasadahan niya ng tingin ang kabuuan ko. "Hindi 'yan pwede rito sa mansyon. Kung magiging duchess ka, you need to obey clothing rules. Pwede mong suotin ang mga damit na gusto mo kung mag-isa ka lang. Pero kung kaharap mo ako at ibang mga tao na mas mataas kaysa sa posisyon mo, you need to show some respect by dressing properly."

Napakurap ako nang lumapit siya sa isang maleta ko na hindi pa nabubuksan. Nandoon ang mga damit kong dinala. Puro sexy para sa birhen na prinsipe. Hinayaan ko na lang siyang gawin kung ano ang gusto niya. Biglang lumalim ang pag-iisip ko, ngayon hindi na ako sigurado kung tama pa ba ang desisyon kong ito. Do you I reall to change myself to fit in this position? Ganoon ba dapat? Kailangan ba talagang may mawala sa akin para maging karapat-dapat na maging duchess? Ako ba talaga dapat ang yuyuko sa posisyong ito? Hindi pa pwedeng maiba?

"Anong klaseng mga damit ito?" Tinaas niya ang isang sports bra na madalas kong suotin sa school lalo na kung summer. Papatungan ko lang iyon minsan ng manipis na oversized longsleeves at naka-jogging pants lang din na terno sa sports bra.

"Mga klase ng damit na bagay sa akin. Ano bang gusto mo? Maging manang ako? Magsuot ng mga mahahabang dress. That's not my fashion. Sexy ako kaya dapat lang makita iyon ng mga tao!" Ngumuso ako. Sexy naman ako, hindi ba?

Kinalkal pa niya ang mga damit ko at panay lang ang ngiwi niya na parang nandidiri pang hawakan ang mga damit ko. Grabe naman siya!

"I got your point! You can still wear this clothes but not in front of the king and queen, and my brothers! Ano na lang iisipin nila kapag nakita nilang ganito ang mga damit mo na halos wala ng tinakpan!" Pinakita niya ang mga sleeveless kong mga pang-itaas.

"Wala akong pake sa iisipin nila. Sanay ako sa mga damit na ganito. Kung madumi ang isip nila ay hindi ko na iyon problema!" Inagaw ko sa kanya ang mga damit ko.

"You'll provoke men by wearing those kinds of clothes. You will give them false signals!" sigaw niya.

Hinarap ko siya nang taas noo. "That's not my fault! Hindi ako ang kailangan mag-adjust! Kung ganyan ang kadumi ang utak mo at ang utak ng mga kauri mo ay kahit ano pang damit ang suotin ko ay ganyan pa rin ang pag-iisip niyo. Kung malibog talaga ang isang lalake, malibog siya kahit ano pang suotin ng isang babae! Kaya please, don't change me to fit your world. Kasi sa umpisa pa lang, hindi ko na ito ginusto! I am trying, Principe Rafaelle. Pero huwag naman ganito!" Tinalikuran ko siya at sinimulang tupiin ang mga kinalat niyang mga damit ko. I will change myself for them!

Mahabang katahimikan ang bumalot sa amin. I wanted to cry pero nahihiya ako. Nahihiya akong maglabas ng emosyon sa harapan niya dahil hindi ako sanay. Bakit ako iiyak sa harapan ng taong hindi naman ako naintindihan? What's the use?

"Audrina," he sighed, "look, I am not trying to change you. I just want you to adjust a little. Hindi lang naman ikaw ang kailangang mag-adjust dito. Pati kami, we want everything to run smoothly. We adjusted several things to meet your desires. We need to meet in the middle. Kung kami lang palagi ang hahabol sa iyo ay hindi tayo magkakasundo. As I said, you can still wear that clothes whenever you are alone in this mansion. But you need to wear proper dress whenever you are facing the Royal Family. That's not an insult for you, it's respect." Hinawakan niya ang balikat ko.

His warm hand calmed my system. Hindi ko naman naisip na ang mga tao sa paligid ko ay nag-a-adjust para pakisamahan ako. Hindi ko iyon napansin dahil masyado ako sa sarili ko. Akala ko kasi ay aping-api ako palagi.

"Pwede pa rin akong maging sexy?" mahinang tanong ko.

Mahina siyang tumawa. "You are sexy. Kahit ano pa ang suotin mo, I find you sexy. It's your personality. The energy you are releasing is screaming sexiness. Don't worry about it. You will be still Audrina your friends and your family know. Dadagdagan lang natin ng Duchess."

I faced him. "Mahirap ba akong pakisamahan?" seryosong tanong ko.

"Oo," mabilis niyang sagot.

Sumimangot ako. Akala ko ay ako ang pinaka-friendly na nilalang sa Bien. Ang pangit ko palang ka-bonding.

"Wala namang tao ang hindi mahirap pakisamahan sa una. We are still getting to know each other, mahirap talaga sa ating mag-open kaagad ng mga saloobin. Pero kapag nagtagal na, we can learn how to break our boundaries because we already learned to trust each other. One day, I know I can share something to you." Kinindatan niya ako.

Gago! Ang gwapo! Pwedeng pakurot sa pisngi?!

"Huwag mo nga akong kinikindatan! Nakakakilabot! Siguraduhin mo lang na totoo 'yang mga sinasabi mo!" Nag-iwas ako ng tingin.

Noong oras palang na sumama na ako sa kanya rito ay natuto na akong pagkatiwalaan siya. Isang bagay ang napansin ko sa kanya na kaagad kong nagustuhan, he was true to his words. It makes me wanted to trust him more. Kaya hindi na ako natakot nang makita niya ang mga sex toys ko dahil alam kong hindi niya iyon sasabihin kay mama. Hindi rin ako natatakot na sabihin niya na baka sabihin niya na hindi na ako virgin dahil alam niyang rumespeto ng privacy ng tao. Alam kong mababait talaga ang Royal Family, pero hindi ko alam na ganito pala katibay ang prinsipyo nila.

Lumabas siya ng kwarto at ako naman ay naiwan sa malaking kwarto para ayusin ang mga gamit ko. Isa pa sa napansin ko na sa aming dalawa ay ang pag-aaway namin ay hindi nagtatagal dahil meron sa amin ang laging nagpapakumbaba. I like that. Walang pride. Kung ganito ba naman lahat ng makakasalamuha ko ay wala akong magiging problema. But Rafaelle is one of a kind, wala nang ibang katulad niya. Iilan lang ang lalakeng kayang magbaba ng pride para sa babae. Partida at prinsipe pa siya, samantalang ako ay hindi pa nga duchess ay napapayuko na siya. O baka talagang ganyan lang siya? Masyadong mapagbigay.

"Bes! Ang ganda dito sa mansyon! Ang laki-laki. Parang kailangan ko ng mapa!" sabi ni Sammy habang naglalakad kami patungo sa dinning area.

"Same, ganyan din ang naisip ko noong una kong punta rito. Nakapanghihinang libutin ang buong lugar na ito." Humalakhak ako.

Naagaw ang atensyon namin nang biglang may pumalatak sa likuran namin. Napahawak kami ni Sammy sa isa't isa at sabay na napaatras pagkalingon namin sa babaeng masama ang tingin sa amin.

"Nabalatan mo na ba ang patatas?" bulong sa akin ni Sammy.

Kumunot ang noo ko. "What? Anong patatas?"

"Galit na si Miss Minchin," bulong niya pa kaya hindi ko mapigilang hindi matawa.

Nagtaas ng kilay ang medyo may edad na na babae na nakasuot ng tradisyonal na victorian dress kaya napaayos kami ng tayo ni Sammy. Ang taray naman nito. Nakakatakot!

"Buenas noches, Señoritas!" bati nito sa amin.

"Buenas noches," sabay naming bati rito.

Muling tumaas ang kilay niya at mabilis na lumapit sa amin. Muntik na kaming mapasigaw kung hindi lang namin naaninag si Rafaelle na nasa likuran ni Miss Minchin. Ano na namang gimik 'to?

"Ang postura, ang pananalita, ang ayos ng mukha, ang pananamit, at higit sa lahat ang disiplina! Are you sure that this is the right heiress of The Great Duchy of Bien, Principe Rafaelle?" tanong ng babae kay Rafaelle.

"The one and only, Audrina Reese. Daughter of the former Duke of Bien, and the future Duchess of Bien," magiliw na sagot ni Rafaelle. Thank you sa magandang introduction niya, ah!

Bumalik ang tingin sa akin ng babae. Sinubukan kong pantayan kung gaano kataas ang kilay niya sa akin. Sino ba 'tong babaeng ito para matahin ako?!

"She doesn't look like a Duchess. She is more like a mistake!" mataray na sabi ng babae.

Dapat ay sanay na ako sa mga ganyang salita ng mga tao pero masakit pa rin pala lalo na kung isang marangal na tao pa ang magsasabi ng mga salitan iyon sa iyo. Kayang-kaya kasi nilang tapakan ang emosyon ko. Ang sakit sa dibdib.

"Yes, madam. I am a mistake. You don't have to remind me that point." Tinalikuran ko sila at hindi ko pinakinggan ang bawat tawag ni Sammy at Rafaelle.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro