Fourteenth Tears

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Tumabingi ang mukha ni Primo sa lakas nang pagkasampal ko sa kaniya. Maraming beses na niya akong pinagsalitaan ng masasakit na salita kung hindi pang-iinsulto, panghuhusga sa pagkatao ko. Mabangis ang mukha nitong humarap sa akin, nangingitngit ang mga ngipin, umigting ang panga, nakakuyom ang kamao kung saan nagsilabasan ang ugat nito sa braso sa makatuwid demonyo ang nasa harapan ko. Nang akmang pagbubuhatan niya ako ng kamay matapang ko siyang hinarap.

“Sige ituloy mo Primo saktan mo ako tutal nakakapagod na ang pang-aalipusta mo sa akin. Sagad na nga e, physically, emotionally at mentally konti na lang sa kabaong na ang bagsak ko. Mabaho ang lumalabas sa bibig mo na wala naman katotohanan, balang araw babalik din sa'yo lahat nang sinabi mo. Alam mo matatanggap ko pa kung sinabi mo na wala kang maalala pero ang pandirihan ako sumusobra ka na! Ano? Ikukulong mo ako rito sa emperyong bahay na ito? Sige gawin mo pero bago mo magawa uunahan na kita!” pagtalak ko.

Wala akong pakialam kung naiingayan siya sa walang preno kong pagsasalita. Paminsan-minsan kailangan ko rin ipagtanggol ang aking sarili, hindi siya ang nagpalaki sa akin, asawa sa papel kung ituring ako kaya wala siyang karapatan na tapak-tapakan ang pagkatao ko.

Hinintay ko siyang magsalita ngunit lumipas na ang ilang minuto patuloy pa ring tikom ang bibig niya, kaya napagdesisyunan kong iwan siyang mag-isa. Malapit na ako sa hagdan ng may yumakap mula sa aking likuran. Mahigpit niyang niyakap ang aking baywang at pinatong pa ang baba nito sa aking balikat. Nanigas ang aking katawan hindi ko alam kung itutulak ko ba siya o hahayaan na lang.

“Huwag kang umalis,” aniya. Mahihimigan ang lungkot sa tinig niya.

Hindi ko naman alam ang isasagot sa kaniya kaya tinapik ko ng mahina ang kamay niya. Pinapahiwatig na tanggalin ang nakapulupot niyang kamay sa baywang ko, nang inalis niya walang lingon-likod akong umakyat sa itaas. Pagdating ko sa kwarto agad akong nagpalit ng damit, kinuha ang bag saka na lumabas. Pagbaba ko naroon pa rin si Primo akala ko nakaalis na siya. Napatingin siya sa akin ngunit patay malisya lang ako, uunahan ko na lang siya sa pag-alis. Nilagpasan ko siya pero hinuli niya ang aking kamay kadahilanan para mapahinto ako sa paglalakad.

“Aalis ka? Iiwan mo ako?” sunod-sunod niyang tanong.

Kumunot ang aking noo dahil nanibago ako sa kinikilos niya, dati naman kapag mayroon siyang hindi nagustuhan sa ginawa ko sinisigawan na niya ako ngayon malumanay ang pananalita niya. Kapag galit braso ko ang pinagbubuntunan niya ngayon maingat ang ginagawa nitong paghawak sa kamay ko.

Nilingon ko siya at hindi pinahalatang naguguluhan. “Hindi kita iiwan, aalis ako para magtrabaho,” sagot ko. Ang magkasalubong na kilay niya kanina ay napalitan ng ngiti, hindi ko na iyon pinuna pa baka biglang maging tigre. “Iyong kamay ko, aalis na kasi ako.” Nginuso ko pa iyon sa kaniya. Natataranta naman niyang tinanggal kaya palihim kong kinagat ang aking labi.

“Beatrice!” tawag niya.

Malapit na ako sa pintuan nang mapahinto ako, ang kaninang kasiyahan sa puso ko napalitan ng pangamba baka nagpalit na siya ng katauhan.

Nilingon ko siya habang nangangatog ang aking tuhod. “B-bakit?” nanginginig kong tanong.

Lumapit si Primo sa akin na mas lalo kong pinagtaka. Kung titignan ko siya ngayon, siya iyong Primo na dati kong kilala. Kung saan lahat ng magandang pag-uugali nasa kaniya na maliban lang sa pagiging alcoholic dahil noon pa man talagang palainom na siya.

“About last night, iyong tungkol sa-” Hindi niya tinuloy ang nais niyang sabihin ngunit tinuro niya ang kaniyang labi at nginuso naman niya ang labi ko. Natawa ako sa kaloob-looban ko dahil ang cute ng ginawa niyang pagakto.

Nawala ang panginginig na naramdaman ko kanina akala ko kasi nasapihan na naman siya. “Tungkol doon, okay lang kung wala kang maalala hindi ko naman ikakagalit iyon, pero kung para sa'yo hindi mahalaga sa akin mayroong halaga dahil iyon ang first kiss ko.”

Natigilan si Primo sa sinabi ko, kumunot din ang kaniyang noo. Ibig sabihin lang sa pinakita niya hindi siya naniniwala sa sinabi ko. Umalis na lang ako nang tuluyan na siyang natahimik. Akala ko pa naman nagbago na at bumalik na sa dating siya, kahit kailan talaga paasa siya.

“Sala sa lamig, sala sa init kang lalaki ka,” bulong ko.

-----

“Kaya pala hindi ako nakatulog ng maayos kagabi dahil iniisip mo ako, hanggang ngayon pa rin ba?” birong tanong ni Enan.

Naabutan niya siguro akong malalim ang iniisip kaya biniro ako ng isang ito. Sino ba naman ang hindi mapapaisip? Kung ang demonyo ay biglang naging anghel, pinagdarasal ko na sana magtuloy-tuloy na ngunit malabong mangyari dahil hindi pa rin niya ako pinagkakatiwalaan. Bakit kaya?

Tiningnan ko si Enan na may ngiting tagumpay. “Nandito ka ba para makikain na naman?” taas-kilay kong tanong.

Pumunta siya sa likuran ko saka hinawakan ang magkabilang balikat ko. “Malamang, pagkain ang pinunta ko rito at hindi ikaw,” sabi niya.

Nilingon ko siya saka binatukan ng mahina. “Kung gano'n ikaw mismo ang kumuha ng kakainin mo,” mataray kong wika na may kasamang pag-irap.

Pinitik niya ako sa ilong saka natawa, hindi pa nakontento kaya pati buhok ko ginulo niya. “Biro lang, siyempre ikaw ang pinunta ko rito. Hindi kasi kompleto araw ko kapag hindi kita nakikita,” sambit niya na may kasamang pagkindat.

Alam ko namang nagbibiro siya kaya nakiki-joyride na lang ako. Ang samahan namin ni Enan parang kami noon ni Primo, napagkakamalan na lovers dahil sa closeness namin pero ang totoo aside from being a childhood friend we're also bestfriend. Iyon nga lang na-develop ang feelings ko para sa kaniya ang resulta one sided love. Iyong sa amin naman ni Enan talagang pure friendship at hindi na lalagpas pa ro'n dahil nag-iisa lang ang lalaki sa puso ko.

“Hala! Ano ito?!” gulat kong tanong.

Bigla kasing may nagsuot sa akin ng puting belo at pinahawak ang isang kumpol na bulaklak. Samantalang sinuotan si Enan ng barong tagalog.

“Ma'am Bea pasensiya na po, request po ni Sir Enan,” magalang na sagot ng estudyante.

Pinanlakihan ko ng mata si Enan dahil sa kalokohang pumasok sa isip niya. Kumindat lang siya na parang wala lang sa kaniya.

“Maganda kapag may ginagawa ka para makalimutan mo kung anuman ang iniisip mo,” aniya.

“Kayo ah, umaabuso na kayo. Nung una kinulong niyo kami ngayon naman-” Hindi ko na tinuloy pa ang aking sasabihin. Inisa-isa kong dinuro ang mga estudyanteng madalas kaming pagtripan.

Hindi na ako nakaangal nang dinala na kami sa ginawa nilang wedding booth. Pinamartsa pa nila ako habang naghihintay sa akin si Enan sa harapan. Nang nasa harapan na kaming dalawa kaharap ang pekeng pari na magkakasal sa amin pasimple ko siyang siniko.

“Bakit palagi kang pumapayag sa kalokohan ng mga estudyante?” bulong kong tanong.

“Para mapunta sa iba ang isip mo at hindi siya palagi ang iniisip mo,” mariin niyang sagot. “Isipin mo na lang na ako iyong lalaking mahal mo,” dagdag niya. Pabulong niyang sinabi sa akin para hindi marinig ng sino man.

Inisip ko na lang ang sapilitang pagpapakasal ni Primo sa akin para makuha nito ang mana. Nung araw na iyon hindi ko maramdaman na masaya siya, ako ang kasama niya pero wala sa akin ang isip niya. Hindi nga siya makatingin sa mga mata ko nung pinaharap kaming dalawa ng judge. Ang sinumpahan nitong salaysay habang sinusuot ang singsing sa daliri ko labas sa ilong at hindi galing sa puso. Pati ang paghahalik niya sa akin sa pisngi niya talaga dinaan. Hindi pa nakawala sa paningin ko ang ginawa nitong pagpunas sa kaniyang labi. Gano'n ba niya ako 'di kagusto para umabot na pandirihan niya ako?

Hindi ko namalayan na lumuluha na pala ako, naramdaman ko na lang ang mahigpit na pagyakap sa akin ni Enan. Humiwalay siya at agad na pinahid ang aking luha gamit ang kaniyang hinlalaki. Nagpalakpakan naman ang mga estudyanteng nanonood sa amin. Kinuhanan pa kami ng litrato para remembrance raw, tigisa kami ni Enan.

“Sorry, sa halip na pasayahin ka lalo pa yata kitang pinalungkot,” nakabusangot niyang sabi.

“Wala iyon sa akin sanay na akong lumuha pero salamat dahil ginagawa mo ang lahat mapasaya lang ako. Ang mabuti pa ituloy mo na ang naudlot mong pagkain kanina.” Tumayo ako para kumuha ng kape at cookies para sa kaniya.

“Bukas na pala iyong concert huwag mong kakalimutan. Puwede mo invite mga kaibigan mo para dagdag palagpag,” aniya pagbalik ko sa aking kinauupuan.

Bukas na pala iyong concert muntik ko ng makalimutan, puwede kong imbitahan sina Cindy, Jenny at Donna tutal mahilig ang mga iyon sa concert event.

“Sige pupunta ako baka kasi walang pumalakpak sa'yo,” biro ko.

Natawa kaming pareho, napahinto ako nang tumunog ang aking cellphone. Pagkabasa ko ng mensahe nawala ang ngiti sa mukha ko at napalitan ng pagkakunot ng noo.

Primo Montero
Umuwi ka ng maaga, ayokong pinaghihintay ako.

Iyan ang nakasulat sa text niya. Mas lalong lumalim ang gitling sa noo ko.

“Bakit parang nakabasa ka ng hindi maganda,” puna ni Enan.

Mabilis akong umiling, “hindi naman sa gano'n,” saad ko.

Ngunit palaisipan pa rin para sa akin ang pinadala nitong mensahe. Dati naman wala siyang pakialam kung anong oras ako umuuwi, minsan nga pagdating ko sermon pa ang naaabutan ko. Ngayon hinihintay niya ang pag-uwi ko, bakit?

Hinawakan ni Enan ang aking kamay kaya naputol ang malalim kong pag-iisip. Mas lalo pa niyang hinigpitan ng hindi ako umimik.

“Bea, listen to me. If he sends you a message, don't read it, delete it. Please understand that he's not trying to make your day, he's trying to ruin it.”
         

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro