Thirteenth Tears

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

"Bakit ayaw mo akong pakawalan kung hindi mo naman ako mahal?" umiiyak kong tanong. Dahil sa halo-halong emosyon hindi na rin nagpahuli ang traydor kong luha.

"Hindi nga kita mahal, ginagawa ko ito dahil hindi pa tapos ang paniningil ko sa kasalanan mo. Hanggat buhay pa ako patuloy mo itong pagbabayaran," mariin niyang sagot.

Natigilan ako sa pag-iyak dahil narinig ko na naman ang sinabi nitong hindi niya ako mahal. Kumirot ang dibdib ko sa katagang binitawan niya. Alam kong mas masasaktan ako kapag pinagpatuloy ko pa na mahalin siya ngunit bakit gano'n? Hindi ko magawang sumuko. Gumulo ang isip ko sa sinasabi nitong naging kasalanan ko. Ano ba ang tinutukoy nito na dapat kong pagbayaran?

"Pagkakasala ko o tungkol pa rin sa mana?" Hindi siya sumagot kaya nagpatuloy ako sa pagsasalita. "Naghihimutok ka pa rin dahil hindi mo pa tuluyang nakukuha ang kompanya. Alam mo ba kung ano ang kundisyon para makuha mo ito? Anak...anak Primo, naintindihan mo ba? Hindi mo naman maatim na magkaroon ng anak sa akin kaya ang mas maganda nating gawin mag-anak ka sa iba at sabihin mong anak natin, kapag nakuha mo na lahat ng mana mo magkanya-kanya na tayo ng buhay," paglilinaw ko.

Sunod-sunod ang ginawa nitong pagbabasag. Lumayo naman ako sa kaniya baka sa akin niya mismo ibato. Hindi pa siya nakontento kaya kung ano ang madampot nito agad niyang binabasag. Wala na nga halos kagamitan sa bahay naubos kakabasag nito. Paraan niya siguro para maibsan ang galit, pero sigurado akong basta na lang niya iiwan. Ganyan naman siya palagi sa akin niya pinapalinis ang ginawang kalat.

Tumigil ito sa kakabasag at inisang hakbang kung saan ako, ang mukha nito ay kasing pula ng kamatis. Pawisan na rin ang buong mukha, ang kasuotan niya ay gusot-gusot na. Sinalubong ko ang mata nitong namumula, nangingitngit naman ang kaniyang ngipin pagkuway nauwi sa pangngisi.

"Naririnig mo ba ang sinasabi mo ah!" bulyaw niya malapit sa tainga ko. Sa lakas ng boses nito napapikit ako muntik pa akong mabingi. "Sa tingin mo, hindi sila magsasagawa ng DNA test? Hindi sila bobo na kagaya mo, kapag nalaman nilang niloko natin sila baka mawala sa akin ng tuluyan ang kompanyang pinaghirapan kong palaguin. Tama ka, hindi ko nga maatim na magkaroon ng anak sa'yo pero mahalaga sa akin ang kompanya," pahayag niya.

Napatingin ako sa kaniya at nagtama ang aming mga mata. Namumula ang mga mata nito parang nasasaktan, hindi nakaligtas sa paningin ko ang nangingilid nitong luha. Napakurap ako para tiyakin baka nagkamali lang ako, nang susuriin ko ulit nang-iwas na siya. Pinilig ko ang aking ulo at napaisip sa sinabi niya.

"Paano mo kukunin ang kompanya?" tanong ko. Tumalikod siya sa akin at parang ang lalim ng iniisip.

"Pagkasilang ng anak natin at pormal ng mapasaakin ang MonteCorp puwede na kayong umalis," saad niya. Napaawang ang aking bibig habang nakahawak sa dibdib.

Buong lakas ko siyang pinaharap at mahigpit na hinawakan sa magkabilang braso. "Tumingin ka sa akin!" utos ko ng hindi siya nakatingin. Tiningnan naman niya ako sa paraan na matamlay at pagod. "Paano mo nakakayaan na sabihan kung patungkol na sa magiging anak mo ang pinag-uusapan? Ganyan ka ba kawalang hiyang tao na kahit sariling dugo mo kaya mong abandonahin para lang sa mana?" sunod-sunod kong tanong. Hindi ito sumagot, tahimik at parang nag-iisip. "Kung ganyan lang pala palayain mo na ako dahil gusto kong bigyan ng kompletong pamilya ang magiging anak ko. Walang ibang mahalaga sa'yo kung 'di pera o mana kung saan kaya mong ipagpalit kahit sa sariling dugo mo pa. Payagan mo na akong umalis mas gugustuhin kong mabuhay mag-isa kaysa makasama ang isang katulad mo na walang kwenta!" Binitawan ko siya at mabilis na tinungo ang main door.

Pagkalabas ko mabilis akong tumakbo, bubuksan ko pa lang ang tarangkahan ng may mabilis na kamay ang humapit sa aking baywang. Nanlaban ako para kumawala ngunit walang kahirap-hirap niya akong pinasan sa kaniyang balikat. Binuhat niya ako na parang sako, sa laki ng katawan ni Primo kaya niya akong buhatin gamit lang ang isang kamay. Sa bawat pagpupumiglas ko panay ang palo rin nito sa pang-upo ko.

"Hayaan mo na akong makaalis Primo nariyan naman si Hana ang mahal mo. Puwede naman kayong bumuo ng anak at ipakilala para makuha mo ang kompanya. Siguro maintindihan iyon ni Lolo," pagtalak ko habang walang tigil kong pinaghahampas ang kaniyang likod.

"Tumigil ka kung ayaw mong ibagsak kita rito!" banta niya. Natigilan ako baka tutuhanin niya ang kaniyang banta. "Ikaw ang kailangan ko at hindi siya. Damn it!" dagdag niya na may kasamang mura.

Masarap sanang pakinggan na ako ang kailangan niya at hindi ang babaeng mahal nito, ngunit ang katotohanan ay napakasakit sapagkat kailangan lang niya ako alang-ala sa kompanya.

Pabagsak niyang sinara ang pinto pagdating namin sa loob ng bahay. Sinandal niya ako saka kinulong sa magkabilang braso nito. Nilapit niya ang mukha nito sa mukha ko ngunit tinagild ko ang aking ulo. Ramdam kong tinapat niya ang bibig nito sa punong tainga ko, nakaramdam ako ng takot baka anong gawin niya.

"Tingnan mo ako kung ayaw mong masaktan," bulong niya. Kinilabutan ako, sa tuwing sumisigaw siya nasisindak ako, ngayon kahit bulong nagsisitaasan na rin ang balahiho ko. Kahit nababalot ng pagkatakot pinilit kong sinalubong ang matapang nitong pagtitig. "Huwag mo akong kalabanin baka hindi mo magustuhan ang maaari kong magawa sa'yo. Ubusin mo ang pasensiya ko at makikita mo ang totoong ako. Ulitin mo pa ang ginawa mong pag-alis mapipilitan akong ikulong ka at hindi ka na makakalabas kahit kailan," banta niya.

Tiningala ko siya at sa abot ng aking makakaya pinantayan ko ang banta nito. "Sige gawin mo ng tuluyang hindi mapasayo ang MonteCorp," matapang kong turan.

Ngumisi siya na parang demonyo pagkuwa'y hinaplos ang pisngi ko gamit ang likod ng palad niya. Tatapikin ko sana ang kamay nito ngunit nang makita ang mukha niyang mala tigre napaurong ako.

"Hindi ako natatakot sa banta mo, Beatrice. Subukan mong umalis ulit at ikukulong na kita sa pamamahay ko. Huwag mo akong subukan!" babala ni Primo kasabay ang malakas na pagsuntok niya sa pinto kamuntikan pa ngang matamaan ang mukha ko.

Hinawi niya ako upang makalabas, tulad ng dati aalis na naman siya at hindi mo alam kung kailan uuwi. Hindi nga ako nagkamali dahil narinig ko na lang ang pagharurot ng sasakyan nito.

Naalimpungatan ako nang makaramdam ng pagkauhaw. Binuksan ko ang lampshade na nasa bedside table, napatingin din ako sa orasan alas dos na ng madaling araw. Nadismaya ako ng mapagtantong walang lamang tubig ang pitsél. Inaantok akong lumabas ng kwarto, napahinto ako ng matapat sa kwarto ni Primo. Napatanong ako sa aking isip, nakauwi na kaya siya? Tamad akong bumaba, madilim ang buong bahay tanging liwanag ng buwan sa labas ang nagsisilbing ilaw.

"Ay!" tili ko. Napalundag ako sa takot dahil may anong bagay akong naapakan. Ang kaninang inaantok kong diwa ay biglang nabuhayan, kinilabutan ako at nagsitayuan ang balahibo partikular sa batok ng makarinig ng mahinang ungol. Nagmadali ako para buksan ang ilaw at gano'n na lang ang pag-awang ng bibig ko nang nakahandusay si Primo sa mismong hagdan. Magulo ang buhok, mapupungay ang mata, namumula ang pisngi at nakabukas ang butones ng suot nitong long sleeve. Lumapit ako para tiyakin kung humihingi pa siya, hindi pa ako nakakalapit naamoy ko na agad ang pinaghalong alak at pabango. "Primo gumising ka," sabi ko. Tinapik-tapik ko pa ang pisngi niya upang magising.

"Hmmm," mahina niyang ungol.

Minulat niya ng konti ang kaniyang mata at tiningnan ako. Nahihirapan siyang bumagon kaya tinulungan ko, napasandal siya sa may handrail. Sinenyasan niya akong lumapit kahit may pangamba sinunod ko siya, napakapit na lang ako sa balikat niya nang sagupin nito ang aking labi. Nanlaki ang aking mga mata habang nakapikit si Primo at panay ang paggalaw ng labi nito sa labi ko. Naramdaman kong gusto pa niyang laliman ang paghahalik nito kaya agad kong pinutol.

"L-lasing ka lang Primo, hatid na kita sa kwarto mo," usal kong nauutal. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko maihahantulad ito sa nangangalit na kabayo.

Inalalayan ko siyang tumayo, inilagay ko ang kanang braso ito sa balikat ko at niyakap sa baywang. Pagewang-gewang kami sa paglalakad, kahit mahirap para sa akin dahil may kabigatan ang pangangatawan ni Primo kinaya ko makarating lang sa kwarto niya. Binagsak ko siyang pinahiga sa kama, tinanggal ang suot nitong sapatos. Pumunta ako sa banyo para kumuha ng palanggana at bimpo, nilagyan ko iyon ng maligamgam na tubig. Bumalik ako kay Primo na mahimbing nang natutulog. Pinunasan ko ang kaniyang mukha, leeg, dibdib at mga kamay. Nagpunta ako sa closet niya para kumuha ng pamalit na damit. Tinanggal ko ang kasuotan nito at pinasuot ang bagong kuha. Binuksan ko rin ang lagayan niya ng medicine kit at kumuha ng gamot dahil bukas paggising niya siguradong masakit ang ulo nito. Kinumutan ko siya, bago ako lumabas pinatitigan ko ang labi nitong namumula. Uminit ang mukha ko ng maalala ang halikan na naganap sa aming dalawa kanina.

Lumabas ako ng kwarto niya at nagtungo sa kusina. Ang kaninang pagkauhaw ko mas nadagdagan pa dahil sa paghahalik na ginawa ni Primo. Naka dalawang basong tubig yata ako o higit pa. Bago ako pumasok sa kwarto ko sinulyapan ko muna ang kwarto ni Primo. Nang nakahiga na ako hindi ko maiwasang mapahawak sa aking labi. Ramdam ko pa rin ang paglapat ng labi nito sa labi ko. Mainit ang hininga niya at nalasahan ko pa ang alak sa bibig nito. Binatukan ko na lang ang aking sarili dahil bukas siguradong hindi maalala ni Primo ang ginawa nitong paghahalik.

-----

Pagkaupo ni Primo nilapag ko rin ang isang tasa ng kape. Hindi siya tumingin bagkus binuklat niya ang diyaryo at nagbasa.

"Kape pangpawala ng hangover," ani ko. Nang napatingin siya nginuso ko pa ito.

"Alam ko at nakikita ko, hindi mo na kailangan sabihin pa," supladong tugon niya. Umagang-umaga mainit na ang kaniyang ulo.

"Nakita mo ba iyong gamot na nilagay ko sa bedside table? Nainom mo na ba?" sunod-sunod kong tanong.

Napalundag ako nang hinagis niya ng malakas ang tasang naglalaman ng kape sa pader. Nagtama ang aming mga mata ngunit hindi ko kayang salubungin ang matalim niyang pagtitig.

"Nakakabwisit ka alam mo iyon?! Ayoko ng paulit-ulit, umalis ka nga sa harapan ko!" bulyaw niya.

"Hindi ko naman intensiyon na bwisitin ka nag-aalala lang ako sa'yo. Lasing ka kasi kagabi baka nakalimutan mo na o baka pati ang paghahalik mo sa akin hindi mo na maalala," pagtalak ko.

Tumayo siya at tiningnan ako mula ulo hanggang paa. "You say what? Hinalikan kita? Ikaw? No way! Yuck!" pang-iinsulto niya.

Bumuhos ang masagana kong luha, hindi ko mapigilan ang walang tigil nitong pagdaloy. Panay ang pagpunas ko at pinapanood lang niya ako, wala siyang pakialam sa nararamdaman ko.

"Alam mo wala akong naalala, kung mayroon man walang ibig sabihin no'n. Mabuti na lang at lasing ako dahil hindi ko maatim na halikan ang madumi mong labi."













Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro