Ninth Tears

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Habang pabaling-baling ako sa higaan, naalala ko ang huling sinabi sa akin ni Primo. Pinagpipilitan niyang malandi ako, kailan ba ako naging malandi sa mata niya? Sa pagkakaalam ko wala pa akong nilandi dahil siya lang naman ang nag-iisang lalaki sa puso ko ngunit kung sabihan niya ako parang paiba-iba ang naging lalaki ko. Hindi niya masabi sa kaniyang sarili ang binibintang nito sa akin kung siya naman itong maraming babae. Minsan iyong mga taong guilty pero ayaw umamin sila pa iyong mahilig magdahilan.

Napatingin ako sa orasan alas-dos na ng madaling araw pero dilat na dilat pa rin ang aking mga mata samantalang napakahimbing naman nang tulog ng lahat. Bumangon ako para magpunta sa kusina upang magtimpla ng mainit na gatas. Nakakatulong daw ito para tuluyang makatulog. Madilim ang paligid tanging liwanag lang ng buwan sa labas ang nagbibigay liwanag dito. Bawat hakbang ko ay sinigurado kong hindi makakalikha ng ingay. Palapit na ako sa kwarto ni Primo nang makarinig ng sunod-sunod na ungol. Pag-ungol na nahihirapan ngunit nasasarapan. Dahil may maliit na siwang ang pinto ng kwarto nito napasilip ako. Napanganga ako nang mapanood ang kanilang ginagawa. Sa pang-apat na pagkakataon nahuli ko na namang may katalik na iba si Primo. Ibang babae ito at hindi ko kilala. Parang sinaksak ng maraming punyal ang puso ko sa aktuwal kung napapanood. Nang hindi ko na makayanan bumaba na ako. Nanginginig ang buong katawan ko hindi ako makapagtimpla ng maayos, pati buhay ko ay nagkaletse-letse na. Yumuko ako para pakalmahin ang aking sarili.

"Anong drama iyan, Beatrice?!" Dumagundong na boses ni Primo.

Napaangat ako ng mukha at pinatitigan siya. "H-hindi drama kung 'di porn ang napanood ko," nanginginig na boses kong saad.

Tumawa ng bahagya si Primo at sumandal sa island counter. "So, pinanood mo pala kami. Anong masasabi mo?" mapang-asar na tanong pa niya.

"Hindi magaling ang ka-sex mo kulang sa ensayo. Wish ko lang walang sakit ang katalik mo para hindi ka mahawa," malumay ngunit may diin ang pagbigkas ko.

Sinimulan ko nang humakbang dahil wala akong balak na kausapin pa siya. Hindi pa ako nakakalayo nang hinigit niya ako sa braso. Kahit kailan talaga mahilig siyang manghatak kung hindi sa braso sa buhok.

"Alam mo huwag kang magmalinis dahil matagal ng marumi ang tingin ko sa'yo." Huminto si Primo sa pagsasalita at tinignan ako nito na parang nandidiri. "Ano bang problema mo?!" tanong nito na halos mabali ang buto ko sa braso. Buong lakas kong tinanggal ang pagkahawak nito sa akin. Ang traydor kong luha ay nagsimula na namang magbagsakan.

"Ikaw ang problema ko!" bulyaw ko sa mukha nito. "Napaka-selfish mong tao, wala kang ibang inisip kung 'di ang sarili mo. Wala kang ibang nakikita sa paligid mo kung 'di sarili mo lang. Kahit kailan ba tinanong mo ako kung kumusta ako? Kung ano ang nararamdaman ko, Primo? Kahit kailan ba pinagmasdan mo ako? Ang tingin mo sa akin ay isang litrato lang na nabuo sa isip mo. Isang maid, isang alila ngayon naman ay maruming babae, pero kahit kailan ba, kahit minsan, kahit sandali lang sinubukan mo ba akong tingnan, sinubukan mo bang tingnan kung ano ba talaga ang nasa loob ko, kung sino iyong totoong ako?" manginak-ngiyak kong tanong.

Umigting ang panga nito at nagtatangis ang ngipin habang nakatitig sa aking mga mata. "Ito ang isaksak mo sa mahina mong kukote, asawa lang kita sa papel kaya huwag mong pakialaman ang buhay ko lalong lalo na pagdating sa sex life ko. Mas gugustuhin ko pang makasiping ang iba kaysa sa katulad mong pinagsawaan na ng iba."

Tatalikuran na sana niya ako nang pinigilan ko ito sa pamamagitan nang paghawak sa kaniyang braso. Pilit ko siyang pinapaharap pero hindi ako nagtagumpay.

"K-kailan ko ba mararamdaman na ituring mo akong mabuting maybhay mo at hindi lang sa papel, Primo? Huwag mo naman akong tratuhin na parang bagay na kapag wala ng silbi itatapon na lang basta. Alam ko kapag nakuha mo na ang gusto mo saka mo na lang akong ibabasura, tao ako nasasaktan at napapagod," humihikbing ani ko. Ilang segundo na ang lumipas ngunit tahimik lang ito, nakatalikod lang siya sa akin.

"You have never been, and you will never be my wife," matigas ang paraan nang pagkasabi nito saka niya marahas na tinanggal ang pagkahawak ko sa braso. Napaupo ako sa sahig habang nakahawak sa naninikip kong dibdib.

-----

Nakaupo ako sa harapan habang pinagmamasdan ang apat na sulok ng silid aralan. Bago ako umalis kanina pinaghandaan ko pa si Primo ng agahan pati na ang babae nito. Ayokong mapang-abot pa kaming dalawa, sariwa pa sa aking alaala ang naging sagutan namin. Walang klase ngayon dahil naghahanda ang mga estudyante sa nalalapit na foundation day. Nakalumbaba ako sa mesa habang paulit-ulit kong naririnig ang linyang binitawan ni Primo. Napatingin ako sa pintuan nang makarinig nang pagtugtog ng gitara.

"Show me your smile and then kiss me
Tell me you love me again
Come to my room and then lie in my bed
I love you, you know although sometimes it just doesn't show

Giving is my way of loving
Is the only way that I know
I've got nothing much, I've got nothing to show
I love you, you know although sometimes it just doesn't seem so." Pagkanta ni Enan habang papalapit ito sa akin.

"Ano iyan? Kailan ka pa natutong mag-gitara?" sunod-sunod kong tanong pagkalapit nito. Kinuha niya ang upuan at umupo sa harapan ko.

"Ayos ba? Matagal na kaya akong nag-gigitara, sa isang tao lang kasi nakatuon ang mga mata mo kaya ang ibang tao hindi mo na napupuna," madamdamin niyang wika. "Kakanta kami sa foundation day kasama ang mga estudyante ko kaya todo ensayo na namin ngayon," dagdag pa niya.

May ganitong talent pala si Enan na hindi ko alam. Sabagay tama ang sinabi niya, paano ko mapupuna ang iba kung kay Primo lang nakatuon ang atensiyon ko.

"Galingan mo huwag mo akong ipahiya," biro ko sa kaniya. Napangiti ako dahil sa mukha nitong busangot.

"Oh, 'di ba effective napangiti kita," nakangiting turan ni Enan. Sinadya lang pala niya para mapangiti ako. "Huwag ka palaging malungkot tatanda ka ng maaga," dagdag pa niya na may kasamang pagkindat.

"Thank you, Enan," saad ko. Hinawakan ko ang kamay nito at saka siya nginitian.

"Ito lang ang pwede kong gawin sa ngayon, Bea. Asahan mo hanggang sa dulo kasama mo ako." Humigpit ang paghawak niya sa kamay ko.

Napahiwalay ang aming mga kamay nang tumunog ang aking cellphone. Kinuha ko ito sa loob ng aking bag at tinignan ang caller. Sinenyasan naman ako ni Enan na aalis na siya, tipid ko siyang nginitian at tinanguan.

"Beshie, napatawag ka?" agad kong tanong kay Cindy pagkasagot.

"Pwede ka ba mamaya? Magkita naman tayo." Malungkot ang tinig nito sa kabilang linya.

"May problema ba?" nag-aalalang tanong ko sa kaniya.

"Wala, gusto ka lang namin makita," paghihimutok nito. Hindi naman kami madalas magkita-kita ano pa't pagbigyan ko ang kahilingan ng aking kaibigan.

"Oh, sige magkita tayo," pagpayag ko.

Narinig ko ang pagtili nito kaya napailing na lang ako. Pagdating sa ganitong bagay madali nila akong mapapayag ngunit pagdating kay Primo hindi nila ako makumbinsi. Puso ko ang may problema at hindi ang isip. Palagi silang nag-aaway na dalawa sa bandang huli puso ang nagwawagi. Hanggang kailan siya magwawagi? Hanggang kailan siya kakapit sa pag-ibig na kahit kailan ay hindi kayang suklian?

-----

Nagkita kaming apat sa paborito naming restaurant. Doon lang naman ang tambayan namin maliban sa condo ni Cindy.

"Gumawa pa talaga kayo ng alibi para mapapayag niyo ako," nakataas kong kilay na sabi sa tatlo.

"Mabuti nga sa ganitong kasimpleng bagay napapayag ka, bakit pagdating kay Primo ang hirap mong pasunurin?" mataray na tanong ni Cindy.

"Kung hiniwalayan mo na siya eh 'di tapos ang paghihirap mo," pagsingit naman ni Jenny.

"Sinabi ko na kay Primo na makikipaghiwalay na ako pero walang nangyari," depensa ko sa kanila.

"Sinabi mo nga ngunit kulang naman sa gawa. Wala naman siyang magagawa kung ayaw mo na talaga, kung hindi pumayag layasan mo," suhestiyon ni Donna.

"Mga beshie hindi naman gano'n kadali ang pinapagawa niyo sa akin," saad kong napakamot sa ulo

"Madali kung gugustuhin mo, Beshie," napapailing na turan ni Donna.

"Basta kakapit pa rin ako mga beshie alam kong may pag-asa pa na magiging maayos din ang lahat sa aming dalawa," wika ko sabay nilantakan ang pagkain.

"Eh 'di inamin mo rin na ayaw mo talaga siyang iwan at umaasa ka pa talaga ah," ani ni Cindy na inikutan pa ako ng mata.

"Bakit kasi hindi mo siya maiwan-iwan, Beatrice?" naiinis na tanong ni Jenny.

"Maliban sa mahal ko siya alam kong magbabago si Primo," seryoso kong saad.

"Mahal my ass! Kailan pa magbabago ang fake mong asawa aber?" tanong ni Donna.

Nagkibit-balikat na lang ako. Hindi ko alam ang sagot basta kilala ko si Primo malakas ang loob kong magbabago siya at babalik sa dati ang lahat.

-----

Pag-uwi ko akala ko wala pa si Primo kaya laking gulat ko na siya ang nagbukas ng pinto. Hindi ko pinahalata ang aking pagkagulat at kumilos na normal.

"Kararating mo lang ba?" tanong ko sa kaniya at agad siyang nilagpasan.

"Saan ka galing?!" galit na balik niyang tanong.

Huminto ako sa paglalakad at hinarap siya. "Nagkita kami ng mga kaibigan ko. Kung gusto mo tawagan mo at tanungin sila," malumanay kong sagot. Pagod na ako sa buong maghapon at wala ng lakas para patulan ang galit nito.

"Bakit ako maniniwala sa sinasabi mo eh napakasinungaling mo! Magkasama kayo ng lalaki mo noh at nag-check in sa motel para ro'n gawin ang pagtatalik niyo!" sigaw nito sa mukha ko na may kasama pang panduduro. Napakagat ako sa labi para pigilan ang pagluha. Hindi na makatarungan ang binibintang nito sa akin. Hindi ko na lang pinansin at tinalikuran siya ngunit hinigit ako nito sa braso. "Ano tatakasan mo dahil totoo? Ilang beses na ba kayong nag-sex? Hinawakan ka ba niya sa suso mo? Pinasok ba niya ang kamay niya sa loob ng panty mo? Ano nasarapan ka ba sa ginawa niya?" sunod-sunod nitong tanong na wala namang katotohanan.

Dahil napuno na rin ako nagawa ko siyang sampalin. Sa lakas nang pagkasampal ko tumagilid ang ulo nito. Tumingin siya sa akin na namumula at nanlilisik ang mga mata. Mabilis niyang tinaas ang kanang kamay para sampalin din ako kaya napatakip ako sa aking mukha. Handa ko nang tanggapin ang pananampal nito ng may malakas na boses ang tumawag sa pangalan niya.

"Primo! What the hell are you doing with your wife?!"


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro