Tenth Tears

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

"Primo! Anong ginagawa mo?!" sigaw na tanong sa kaniya ni Tito Simon.

Dahan-dahan kong tinanggal ang nakatakip kong kamay sa aking mukha. Tipid kong nginitian at tinanguan ang mag-asawa. Pinilit kong umakto na parang walang nangyari, kapag nagkataon baka malaman ng magulang ni Primo ang totoong estado ng pagsasama namin.

"Dad, bakit kayo narito?" naiiritang tanong ni Primo sa ama nito.

"Bakit masama bang bisitahin namin ang aming anak at manugang?" balik na tanong ni Tito Simon at binaling ang tingin sa akin.

"G-good evening po." Basag na boses kong bati sa mag-asawa. Naroon pa kasi ang kabang nararamdaman ko, iniiwasan kong manghinala ang mga ito sa amin.

"Good evening hija. Sinasaktan ka ba nitong anak namin?" tanong ni Tito Simon na nagpatulala sa akin.

"Dad, hindi ko siya sinasaktan," mahina ngunit may diin ang pagkasabi ni Primo. Siya ang sumagot para sa akin dahil napako ako sa aking kinatatayuan at hindi makapagsalita.

"Si Beatrice ang tinatanong ko at hindi ikaw!" malakas na sambit ni Tito Simon kay Primo na may kasamang panduduro.

"Come hija punta tayo ng kitchen," pagsabat ni Tita Amelia saka niya ako inakay. Naiwan ang mag-ama sa sala na masama ang tingin sa isa't isa.

"Ganyan ka ba namin pinalaki ng Mommy mo Primo ang manakit ng babae? Nakita mo bang sinaktan ko ang Mommy mo?" sunod-sunod na tanong ni Tito Simon. Nasa kusina na kami ni Tita Amelia ngunit naririnig pa rin namin ang bangayan ng mag-ama.

"Dad, ilang beses ko bang sasabihin na hindi ko nga sinasaktan ang asawa ko!" Dumagundong ang boses ni Primo sa buong mansion. Napaigtad ako dahil na rin sa takot. May phobia na yata ako sa tuwing sumisigaw ito.

"Hija, uminom ka muna ng tubig." Inabutan ako ni Tita Amelia ng isang basong tubig. "Namumutla ka, sinasaktan ka ba ni Primo?" malumanay na tanong sa akin ni Tita. Hindi ako nakasagot dahil umaligawgaw ang malakas na boses ni Tito.

"Napaka walang hiya mo talagang tao ka! Kailan ka pa natutong sigawan ako? Ngayon naman nagsisinungaling ka na rin sa amin. Kitang-kita namin ng Mommy mo na pinagbubuhatan mo ng kamay si Beatrice, ngayon sabihin mo sa akin na mali ang nakita namin," paghahamon na saad ni Tito Simon.

"Isipin niyo na ang gusto niyong isipin tutal hindi niyo naman pinapaniwalaan ang sinasabi ko. I'm done for this argument, Dad."

Akala ko natapos na ang pagtatalo ng mag-ama dahil tumahimik bigla ngunit hindi pala. Nakarinig ako ng sunod-sunod na yabag papalapit sa kinaroroonan namin ni Tita.

"Achoo!" Napabahing ako bigla dahil malayo pa lang naamoy na ng ilong ko ang amoy ni Primo.

"Primo! Talagang napaka bastos mong tao. Huwag mo akong tatalikuran kapag kinakausap pa kita!" galit na sabi ni Tito Simon. Nagtungo si Primo sa kusina na sinundan naman siya ni Tito. "Tutal nagkaharap-harap naman na tayo, gusto kong tanungin si Beatrice." Napatingin sa akin si Tito na lalong nagpanginig sa buong katawan ko. "Hija, umamin ka sa amin ng totoo. Sinasaktan ka ba ni Primo?" malumanay na tanong ni Tito.

"Sige na hija huwag kang matakot na magsabi sa amin ng katotohanan," pagsingit ni Tita Amelia nang mapatingin ako sa kaniya.

Nanigas ang katawan ko ng hindi ko inaasang pag-hapit ni Primo sa aking baywang. Makahulugan niya akong pinatitigan pinapahiwatig na kapag nagkamali ako ng isasagot mananagot ako sa kaniya.

"T-tito, Tita ang totoo po hindi ako sinasaktan ni Primo." Pinatatag ko ang aking pananalita kahit na nangangatog ang aking katawan.

"Mayroon lang kaming hindi pagkakaunawaan, away mag-asawa kaya hayaan niyo kaming ayusin ito," turan ni Primo na masama ang tingin sa akin. Ang mga mata nito ay tila nag-aapoy sa galit samantalang sa akin ay nagbabadya ang pagluha.

"Ito ang sasabihin ko sa'yo, Primo. Kapag nalaman namin na sinasaktan mo si Beatrice kami mismo ang maglalayo sa kaniya," pagbabanta ni Tito kay Primo. Napatingin naman si Primo sa ama nito ngunit hindi man lang natinag.

"T-tito, Tita rito na po kayo mag-dinner magluluto po ako," pagsabat ko para putulin ang masamang tinginan ng mag-ama.

"Next time na lang hija. Nawalan na kami ng gana dahil sa asawa mo," ani Tito na nakapukol ang tingin kay Primo.

"Mauna na kami, mag-ingat kayo rito," malungkot na sabi ni Tita.

Binuka nito ang kaniyang bisig para gawaran ako nang yakap. Lumapit ako sa mag-asawa saka sila niyakap. Pinabaunan pa ni Tito si Primo ng isang warning look bago sila tuluyang umalis.

"Magluluto lang ako," mahina kong sambit kay Primo. Nagtungo ako sa ref para tingnan ang pwede kong iluto.

"Hindi na kailangan nawalan na rin ako ng gana." Tinalikuran niya ako at mabilis na nilisan ang kusina. Sinundan ko siya hanggang umabot kami sa main door.

"Saan ka pupunta?" pagpigil na tanong ko kay Primo nang bubuksan nito ang pinto.

"Sa malayo kung saan hindi ko makikita ang pagmumukha mo!" bulyaw nito saka binuksan ang pinto at mabilis na tinungo ang kaniyang sasakyan.

"Teka, bakit ka ba nagagalit sa akin?" tanong ko at agad humarang sa pinto ng sasakyan niya.

"Anong gusto mo matuwa ako dahil pinagtakpan mo ako sa magulang ko?!" Namumula ang mukha nito sa tindi ng galit.

"H-hindi ko naman ginawa iyon para pagtakpan ka. G-ginawa ko iyon dahil mahal kita," nanginginig ang labi kong sabi. Napahilamos siya sa kaniyang mukha at sunod-sunod ang ginawang pagmumura.

"So, anong gusto mong sabihin ko na mahal din kita? In your dreams, Beatrice!" malakas na bulyaw nito na halos mapunit ang ugat sa leeg. "Get out of my way!"

Panay ang iling ko habang walang tigil ang pagbuhos ng aking luha. Nang hindi pa rin ako umaalis binuhat niya ako na parang sako at pinasok sa loob ng bahay. Hindi pa siya nakontento kaya ni-lock niya rin ito. Panay ang katok ko sa loob hanggang sa marinig ko na lang ang papalayo nitong sasakyan.

"H-hindi ka man okay sa ngayon, matatapos din iyan. Nahihirapan ka man sa sitwasyon mo ngayon malalagpasan mo rin iyan. Huwag bumitaw kapit lang, Beatrice," mangiyak-ngiyak kong saad sa aking sarili.

-----

Kinaumagahan kahit wala akong tulog maaga pa rin akong nagising dahil ngayon ang unang araw ng aming foundation day. Magdamag kong hinintay ang pagbalik ni Primo ngunit hindi ito umuwi.

Kasalukuyan naming tinatayo ang aming booth sa school quadrangle. Kasama ang aking grade nine students napagkasunduan nilang magtayo ng coffee and cookies para sa nasabing booth. Dahil mahilig naman akong mag-bake pinaunlakan ko ang kanilang kagustuhan. Inaayos ko ang pagkahilera ng mesa at upuan nang makaramdam nang pagkahilo, handa na sana akong matumba ng may mabilis na kamay ang agad humawak sa aking baywang.

"Are you okay?" nag-aalalang tanong sa akin ni Enan. Siya pala ang tumulong sa akin sa kamuntikan kong pagtumba.

"Thank you Enan but I'm okay," nanghihina kong sabi.

Ramdam ko pa kasi ang pagkahilo samahan pa ng masamang pakiramdam. Kahit masama na ang pakiramdam ko kaninang umaga pinilit kong pumasok para sa mga estudyante ko.

"You're not okay, Bea. You look pale." Bakas sa mukha nito ang sobrang pag-alala. Tinulungan niya akong paupuhin samantalang binigyan naman ako ng tubig na maiinom ang aking mga estudyante. "Anong nangyari sa'yo?" agad na tanong ni Enan pagbaba ko ng baso. Napatingin naman ako sa aking paligid, nakatingin pala silang lahat sa akin, mga mukhang nag-aalala.

"Huwag niyo akong tingnan ng ganyan. Okay lang ako puyat at gutom lang ito," nakangiti kong sambit para alisin ang kanilang pangamba.

"Kahit kailan talaga, kung hindi disgrasya ang lumalapit sa'yo karamdaman naman," napapailing na saad niya sa akin. "Hindi yata effective ang anting-anting na suot mo," dagdag pa nito. Tumingin siya sa mga estudyante ko at binilin ang mga ito. "Guys kayo muna bahala rito dadalhin ko lang ang adviser ninyo sa infirmary." Agad nagsitanguan ang masusunurin kong mag-aaral.

Sobrang pag-iingat ang ginawa sa akin ni Enan. Pagdating namin sa infirmary agad niyang tinawag ang nurse at sinabi ko kung ano ang nararamdaman ko. Lumabas saglit si Enan habang sinusuri ako ng nurse. Saktong pagdating ni Enan natapos na rin ang pagsusuri sa akin ng nurse.

"Kumusta siya?" bungad na tanong ni Enan sa nurse.

"Low blood po si Ma'am Bea, Sir Enan. Pinainom ko na po siya ng gamot para sa hilo, magpalipas po muna siya rito ng ilang oras," nakangiting sagot niya kay Enan.

"Salamat," nakangiti rin wika niya. Agad na bumaling ang tingin nito sa akin pagkaalis ng nurse. May nilabas ito mula sa paper bag na dala. "Kumain ka Bea para maibsan ang pagkahilo mo. Ano bang nangyari sa'yo?" tanong niya habang inaayos ang pagkain.

Natikom ang aking bibig hindi ko alam kung sasabihin ko ba ang katotoohan o magsisinungaling na naman ako kay Enan.

"Hindi ako nakatulog ng maayos kagabi dahil iniisip ko ang tungkol sa foundation natin. Hindi na rin ako nakapag-breakfast bago umalis ng bahay baka mahuli ako sa pagpasok."

Sa huli pinili kong magsinungaling na naman kay Enan. Ang dami ko ng kasalanan sa kaniya hindi niya deserve lahat ng pagsisinungaling ko.

"I believe in everything you said Bea but I hope next time you take care of yourself so that I don't worry about you like this." Enan smiled at me and messed up my hair. "Remember to take care of yourself. Sometimes you get busy taking care of others that you forget that you are important too. And you are important to me, Bea. You're the best thing that's ever happened to me. Take care of yourself."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro