Twenty-ninth Tears

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Ang kaninang patak-patak na luha ay mabilis nagbagsakan dahil lamang sa tanong ni Morris. Kung alam lang nila ang pinagdaanan ko dahil sa pagmamahal ko kay Primo kahit hindi na ako sumagot malalaman na nila ang kasagutan. Kahit mabuti o masama siya sa paningin ko hindi nagbago ang nararamdaman ko para sa kaniya.

“Alright, sa reaksiyon mo pa lang alam ko na ang sagot.” Hinagud ni Morris ang likod ko upang patahanin. “Napaka-swerte ng tarantadong iyon ngunit Beatrice may hangganan din ang lahat. Huwag puro siya isipin mo rin ang sa'yo.” Napahagulgol ako kaya niyakap niya ako ng mahigpit.

Nang mahimasmasan na ako umuwi na rin si Morris. Nagpumilit siya na kunin ko ang binibigay niyang cellphone. Kakailanganin ko raw sa maraming bagay kaya sa huli tinanggap ko. Kapag nagkapera bibili naman ako at ibabalik sa kaniya.

Dating gawi umuwi si Primo na lasing at may kasamang babae. Dinala niya ito sa kaniyang kwarto at nag-chukchakan. Palagi na lang itong nangyayari pero hindi pa rin masanay ang puso ko na huwag masaktan. Ang naririnig kong ingay mula sa kabilang kwarto ay nagbibigay sa akin ng kapighatian kaya minabuti kong sa sofa matulog. Bago ko ipikit ang aking mga mata nakatanggap ako ng mensahe galing kay Morris.

Morris Fusco

Beatrice, be careful, hindi ka makikilala ng maling lalaki bilang isang mabuting babae at sasayangin niya ang oras mo. Kikilos siya na parang tama lang siya para makuha ang gusto niya mula sa iyo. Pagkatapos niyang maisakatuparan ang kaniyang layunin, babalik siya sa kaniyang mga dating gawi na iniiwan ka sa pisikal, emosyonal at, sa ilang mga kaso, finally drained.

Ibaba ko na sana nang tumunog, galing ulit sa kaniya.

Morris Fusco

Pero hindi ko hahayaan na mangyari iyon, hanggat nandito ako sagot kita.

Sa kabila ng pagkadurog ng aking puso may mga taong nagpapangiti sa akin at iyon ay mga tinuturing kong mahal sa buhay.

-----

Kumakain kami ng agahan ni Nanay Flor sa kusina nang tinawag ako ni Primo. Dali-dali akong nagtungo sa kaniya, tahimik na kumakain ang mga ito. Ngunit hindi nakaligtas sa paningin ko ang pag-irap sa akin ng kasama nitong babae.

“May kailangan ka?” mahina kong tanong.

“My gosh! Walang modo itong maid mo. Ang bastos hindi ka man lang ginalang,” pagsingit ng babae. Hindi ko siya pinansin at hinihintay ang sasabihin ni Primo.

“Timplahan mo ako ng kape at gatas naman para sa kaniya,” walang gana niyang sabi. Tinaasan naman ako ng kilay ng mukhang tingting na babae na iyon.

Agad akong umalis baka hindi ako makapagpigil at makalbo ko ang tingting na iyon. Pagdating ko sa kusina nagtimpla agad ako ng kape at pagkatapos gatas naman. Nginitian ko si Nanay Flor pinapahiwatig na kaya ko. Hinatid ko na sakanila ang kanilang inumin, dahan-dahan ko itong nilapag. Paalis na ako nang tinawag ako ng babaeng tingting.

“Bakit hindi mainit itong gatas ko? Palitan mo ito gusto ko iyong mainit!” mataray niyang utos. Dahil kanina pa ako nagtitipi at hindi ko na kaya pang magpigil hinarap ko siya.

“Kung gusto mo ikaw ang gumawa! Hindi ikaw ang amo ko para sundin ang utos mo!” sigaw ko sa kaniyang pagmumukha. Hindi ko napaghandaan at inaasahan ang pagtapon nito sa aking mukha.

“Ngayon, kilalanin mo kung sino ang sinisigawan mo.” Tumayo ito at tinapon ulit sa mukha ko ang natitirang gatas.

Umakyat ang dugo ko sa ulo kaya hinigit ko ang kaniyang buhok. Hinigpitan ko ang pagkakapit at hinila iyong tipong matatanggal na ang kaniyang anit. Hindi ko pinapansin si Primo na nasa gilid ko at pinapatigil kami.

“Ngayon, kilalanin mo rin kung sino itong inuutusan mo! Ako lang naman ang asawa ng lalaking nakatalik mo. Sa palagay mo ba ikaw lang ang babae niya, nagkakamali ka napakarami niyo at isa ka lang sa mga parausan niya. Huwag ka ng umasa dahil masasaktan ka lang. Naintindihan mo?!” galit kong saad.

Hinila ako ni Primo sa baywang kaya ko nabitawan ang babaeng tingting. Umiiyak ito sa sakit na kaniyang natamo. Tiningnan ako ni Primo na madilim ang mukha, hinawakan niya ako sa magkabilang balikat saka tinulak na malakas. Hindi naging maganda ang pagkabagsak ko pero hindi ko iyon ininda, mabuti na lang dumating si Nanay Flor at tinulungan akong makatayo.

“Get out!” sigaw nito sa akin.

Kahit masakit ang balakang at pang-upo ko pumasok pa rin ako sa trabaho. Paika-ika akong naglalakad sa hallway nang makasalubong ko si Enan. Sumingkit ang mga mata nito, huminto siya at napahinto rin ako.

“Okay ka lang?” nag-aalalang tanong nito habang sinusuri kung saan ako nakahawak.

Iniinda ko ang sakit mula balakang hanggang sa pang-upo ko buhat sa pagtulak sa akin ng malakas ni Primo.

“O-okay lang,” napapangiwi kong sagot.

Umiling ito at inakay ako kung saan. “You're not okay. Punta tayo sa infirmary para magamot ang sumasakit sa'yo. Hay, kahit kailan talaga malapit ka sa disgrasya at sakit. Wala na bang epekto iyong anting-anting na binigay ko sa'yo?” tanong nitong nakatingin sa aking leeg.

Nilabas ko naman ito mula sa pagkakatago at pinakita sa kaniya. “Ipabendisyon na natin baka naubos na,” biro ko.

“Nagagawa mo pang magbiro kahit nasasaktan ka na riyan,” seryoso niyang saad. Natahimik ako parang may laman ang sinabi nito. “Halika na,” dagdag niya. Inalalayan niya ako sa paglalakad hanggang sa makarating kami. Makaraan ang ilang minuto pagkatapos akong suriin napabuntong-hininga na lang si Enan. “Ano naman ngayon ang idadahilan mo, Beatrice? Nadulas ka kaya nagkapasa?” sunod-sunod niyang tanong.

“E, oo nadulas nga ako,” sagot ko.

Napakagat ako sa aking kuko maraming beses na akong nagsinungaling sa kaniya. Ayaw ko naman magsumbong naalala ko ang banta sa akin ni Primo, ikakapamak nilang lahat kapag nagsalita ako.

“You're good in lying, Beatrice.” Dismayado niyang ani.

Nalungkot ako, napakabuti sa akin ni Enan tapos ginaganito ko siya.

-----

Nagulat ako nang huminto ang sasakyan ni Enan sa harapan ko. Uwian na papunta dapat ako sa sakayan ng dyip ng humarang siya.

“Get in, ihahatid na kita,” aniya. Mabilis naman akong tumanggi gamit ang kamay. “Halika na baka madukutan ka naman diyan,” pamimilit niya. Kumunot ang noo ko, paano niya nalaman ang tungkol do'n? “Nalaman ko na lang sa mga co-teachers natin ang nangyari sa'yo kahapon. Kaya tara na ayaw kong mapahamak ka.” Binuksan niya ang pinto ng passenger seat kaya sumakay na ako.

Nahihiya ako kay Enan kaya wala akong bukambibig kung 'di magpasalamat. Ilang beses ko na ngang nasambit mula pagkaalis namin hanggang makarating sa bahay. Nabibingi na raw siya sa paulit-ulit kong pagpapasalamat.

Pagbaba ko sa sasakyan ni Enan kinutuban ako ng masama na hindi ko alam kung bakit. Napahawak ako sa aking dibdib at gano'n na lang kabilis ang tibok nito. Napapailing ako habang naglalakad nang mapahinto dahil nasa bukana ng pinto si Primo mukhang hinihintay ako. Napalunok ako nang mapansin na wala sa mood. Madilim ang mga mata nitong nakatitig sa akin, tingin na parang makakapatay, nabuhay na naman ang demonyo sa katauhan niya. Napahigpit ang pagkahawak ko sa laylayan ng aking uniporme. Nang makalapit ako sa kaniya agad niyang hinigit ang aking buhok sobrang sakit na parang matatanggal ang anit ko.

“Hinatid ka ba ng isa sa mga lalaki mo ah?! Ilan ba sila sa buhay mo?!” galit niyang tanong. Kinaladkad niya ako papasok habang nakahawak sa aking buhok.

“Wow! Nandito na pala ang malandi,” saad ni Hana.

Narito pala siya ano na naman kaya ang sinabi nito kay Primo at sobrang galit sa akin.

“I-lang beses ko bang sabihin sa'yo na wala akong lalaki nagsasabi ako ng totoo,” nahihirapan kong sagot.

Napasigaw ako ng malakas nang sinampal niya ako. Napaupo ako sa sahig at napasubsob sa sofa, lalapitan sana ako ni Nanay Flor na lumuluha nang pinigilan siya ni Primo.

“Primo! Gago ka huwag mong saktan si Beatrice!” sigaw ni Morris.

Pumalakpak si Primo at tumawa na animo'y demonyo. “Nandito na rin pala ang isa sa mga lalaki mo,” turo niya kay Morris.

Kahit natatabunan ng buhok ang mukha ko at napupuno ng luha nakikita ko pa rin kung ano ang nangyayari.

“Gago ka walang kami, paniwalaan mo ang sinasabi ni Bea,” paliwanag ni Morris pero sarado ang isip ni Primo.

“Paniwalaan? Sa mga ebidensiya na ito sa tingin mo kapani-paniwala siya?” singit ni Hana. Kinuha niya ang brown envelope saka pinakita kay Morris. “Ano sa tingin mo? 'Di ba talagang malandi ang babaeng iyan!” turo ni Hana sa akin.

Wala akong magawa kung 'di umiyak hindi ko rin naman alam kung ano ang ebidensiya na sinasabi nito.

“Alam mo Hana kung may malandi rito ikaw iyon dahil pumapatol ka sa lalaking may asawa na. Hindi mo ba alam na ang sinasabihan mong malandi ay asawa ni Primo. At itong mga pinakita niyong larawan halatang in-edit gusto mong patunayan ko sa'yo?” Nanlaki ang mata ni Hana natakot sa sinabi ni Morris. “Walang ibig sabihin nito, hinahanapan niyo lang ng butas si Beatrice.” Binagsak ni Morris ang mga kuhang larawan sa mesa kaya malaya ko itong napagmasdan.

Mga kuha naming larawan ni Morris na magkayakap nung time na kamuntikan niya akong masagasahan. Pagkatapos kay Enan nung sa wedding booth para sa foundation ng school namin. Marami pang kuha na puro stolen shot talagang nakasubay-subay sa bawat kilos na ginagawa ko. Sino kaya ang may pakana nito?

“What?!” gulat na tanong ni Hana hindi siya makapaniwala sa kaniyang nalaman. “Totoo ba ang sinasabi niya Primo? Itong babae na ito asawa mo?” Pinagsasabunutan ako ni Hana ngunit hinuli ni Primo ang kamay nito saka pabagsak na binitawan. “How come Primo pinagloloko mo ba ako?!” bulyaw niya.

“Shut up!” Pagpapahinto ni Primo. Natahimik si Hana at masamang tingin ang pinukol nito sa akin. Puwersahan akong pinatayo ni Primo at hinigit sa braso. Napapaaray ako ngunit balewala lang sa kaniya. Umiiyak si Nanay Flor gusto niya akong abutin pero hindi niya magawa. Nakakuyom na rin ang kamao ni Morris sa tindi ng galit nito kay Primo. “Palabasin niyo ang mga ito!” utos niya sa mga tauhan niya. Nagsidatingan ang mga lalaki at pilit silang pinapalabas. Hinila ako ni Primo paakyat ngunit nahawakan siya ni Morris sa kamay. “Sige lumapit ka nang barilin ko ang bungo mo! Walang magagawa ang pagiging pulis mo!” banta niya. Nanlaki ang mata ko ng may hawak itong baril, napaatras din si Morris at wala itong nagawa nung kinaladkad siya ng mga tauhan ni Primo.

Kinaladkad ako ni Primo habang may nakatutok na baril sa ulo ko. Nang marating namin ang kwarto ko ni-lock niya ang pinto at hinagis ako sa kama.

“P-arang awa mo na Primo tama na. Wala akong ginagawang masama, hindi totoo ang mga nasa larawan. Wala akong lalaki dahil ikaw lamang ang nasa puso ko.” Pagmamakaawa ko sa kaniya pero hindi niya pinakinggan ang sinabi ko. Pinaharap niya ako at hinawakan ng mahigpit ang pisngi ko.

“Ilan ba ang lalaki sa buhay mo? Ilang beses na ba nilang pinagsawaan ang katawan mo?” mariin niyang tanong.

Kahit nasasaktan ako nagawa ko pang umiling. “W-wala, paniwalaan mo naman ang paliwanag ko,” pagsusumamo ko sa kaniya. Umaapoy ang mata nitong nakatitig sa akin at kalaunan nakatanggap na naman ako ng panibagong sampal. Walang humpay ang pagdaloy ng luha ko. “T-tama na parang awa mo na masakit na ang buong katawan ko,” nanghihina kong sabi.

“Don't worry sa gagawin ko mawawala ang sakit at ipapalasap ko sa'yo ang sarap.”




Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro