Twenty-eighth Tears

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Sinugod ni Primo si Morris at inundangan ng malakas na suntok. Bumulagta ulit ito sa sahig at nagkaroon ng panibagong sugat. Napasigaw ako ng malakas doon dumating si Nanay Flor na napa-sign of the cross.

“Diyos ko! Anong nangyari rito?!” gulat na tanong niya.

Kahit nahihirapan akong maglakad nagawa kong itulak si Primo. Masakit na tingin ang pinukol ko sa kaniya tagos hanggang sa puso niya. Umaapoy sa galit ang itsura nito, pulang-pula ang mukha, napatiim-bagang, nagsilabasan ang ugat sa kamay hanggang braso, kuyom ang kamao na anumang oras handa na naman manuntok, ngunit hindi ako natinag sa matinding pagkasuklam nito hindi katanggap-tanggap ang kaniyang ginawa. Inirapan ko siya at pinuntahan si Morris, tinulungan naming siyang makatayo ni Nanay Flor.

“Nay, pakidala po ang panggamot,” utos ko na agad niyang sinunod.

Pinaupo ko si Morris upang gamutin ang kaniyang sugat. Halos magiba naman ang hagdan sa padabog na pag-akyat ni Primo. Napapailing na natatawa na lang si Morris sa inasal nito. Dumating si Nanay Flor dala ang medicine kit box. Sinimulan kong gamutin ang natamo nitong sugat, lalapatan ko na ng yelo ang namamaga nitong pisngi nang bumaba si Primo. Walang lingon-lingon na dumiretso ng lakad papuntang labasan. Narinig ko na lang ang pagbukas ng sasakyan saka ang paghaharurot.

“Hayaan mo muna siyang magpalipas ng sama ng loob,” ani Morris. Kinuha niya ang hawak kong yelo at siya na ang naglagay.

“Bakit mo kasi ginawa iyon? Bakit ka nagsinungaling?” sunod-sunod kong tanong. Nakatingin lang ako sa kaniya na napapangiwi sa sakit.

“Ginawa ko iyon para pagselosan siya. 'Di ba effective, selos na selos ang mokong,” pangiti-ngiti nitong sagot. Napaisip ako, si Primo nagseselos napakaimposibleng mangayri.

“Hindi iyon nagseselos, Morris. Hindi naman niya ako mahal para pagselosan ka,” malungkot kong sabi.

Napangisi si Morris sa sinabi ko. “Sa tagal naming magkaibigan ni Primo kabisado ko na ang saloobin ng mokong na iyon. Siya iyong tipo na magaling magtago ng totoong nararamdaman,” paliwanag niya.

“Tama ka riyan, Hijo.” Pagsingit ni Nanay Flor nakikinig pala siya sa pinag-uusapan namin.

Natahimik ako, sa tagal din naming magkakilala ni Primo hindi ko alam ang tungkol do'n. May mga bagay na hindi ko pa pala alam pagdating sa kaniya.

“Don't worry Beatrice si Primo mismo ang maglalabas ng totoong saloobin niya magtiwala ka lang.” Nagawa pa niyang kumindat sa kabila ng mga natamo nitong sugat. Sa paraan ng pagtitig niya parang may nakaabang na plano itong gagawin.

Pagkatapos magamot umuwi na rin si Morris. Binilin pa niya ako na huwag isipin ang naganap kanina baka hindi ako makatulog. Kahit hindi ko isipin ilang araw na akong walang maayos na tulog. Sa dami ng iniisip gabi-gabi na lang akong puyat dumagdag pa ang nililihim sa akin ng magulang ko na hanggang ngayon palaisipan pa rin. Para bang mababaliw na ako sa dami ng iniisip. Tulad ngayon hating-gabi na hindi pa rin nakakauwi si Primo. Nakatulugan ko na nga ang paghihintay sa kaniya nagising ako dahil sa sigaw ni Nanay Flor. Agad akong lumabas ng kwarto kahit paika-ika. Nakita kong nakatayo siya sa labas ng kwarto ni Primo natatarantang kinakabahan na parang ewan. Kinutuban ako ng masama para kay Primo.

“Nay! Bakit po? May masama bang nangyari kay Primo?!” natataranta kong tanong.

Hindi siya sumagot, nakahawak sa bandang dibdib nito halatang kinakabahan. Tinuro niya ang loob ng kwarto, sa sobrang pag-aalala napasugod agad ako. Nabitawan ko ang saklay sa aking pagkabila, kasabay no'n ang aking pagbagsak. Si Primo may kasamang hubad na babae sa kama nito. Nagdulot ng ingay ang pagkahulog ko kaya nagising ang dalawa.

“Good morning, Darling,” malanding sabi ng babae na ginawaran pa ng halik ang pisngi ni Primo.

Pupungay-pungay na minulat ni Primo ang kaniyang mga mata. Kinusot pa niya ito bago tingnan ang katabing babae.

“Sino ka?!” inis niyang tanong.

Natawa ang babae sa tanong ni Primo. “Seriously? Wala kang naalala kagabi?” malambing niyang tanong.

“Wala! Magbihis ka na at umalis sa pamamahay ko!” galit nitong sagot. Bumangon siya at agad napahawak sa kaniyang ulo. “Damn hangover!”

Hindi ba nila alam na kanina ko pa sila pinapanood. Sabagay nakasalampak ako sa sahig kaya hindi nila ako mapuna. Gusto ko nang tumayo para makaalis dahil naninikip na ang dibdib ko sa aking nakikita. Pero paano masakit pa rin ang paa ko. Nang tumayo si Primo natigilan siya nang makita ako. Lumingon pa siya sa babae na ngayon ay nakatingin din sa akin.

“Nay, patulong po!” sigaw ko.

Maya-maya lang ay pumasok si Nanay Flor. Tinulungan niya akong makatayo, hindi niya pinansin si Primo at ang babae gaya ng hindi ko rin pagpuna sa kanila.

“Dress up and get out!” rinig kong sigaw ni Primo nang makalabas na kami sa kwarto niya.

Hinatid ako ni Nanay Flor sa aking kwarto. Alam kong may gusto siyang sabihin dahil panay ang tingin niya.

“Bea anak-” Pinutol ko ang kaniyang sasabihin.

“Okay lang po ako.” Nginitian ko siya kahit umiinit na ang sulok ng aking mata. Nagulantang kami nang sumara ng malakas ang pinto.

“Iwan niyo muna kami, Nay!” sigaw nito.

Kumabog ang dibdib ko kaya napahawak ako kay Nanay Flor ayaw kong maiwan mag-isa kasama si Primo.

“Pero anak-”

“Please Nay kung ayaw niyong pati sa'yo magalit ako,” mariin niyang sabi. Nagpupuyos sa galit si Primo dahil sa pagtaas-baba ng dibdib nito. Walang nagawa si Nanay Flor kaya lumabas ito sa aking kwarto. Ayaw kong salubungin ang madilim na tingin ni Primo kaya ako yumuko. Napangiwi ako nang hinawakan niya ng mahigpit ang aking pisngi. “Ano iyong inasal mo, Beatrice?! Ikaw ang nagsimula tapos may gana ka pang mag-inarte!” Pabagsak niyang tinanggal ang pagkahawak sa aking pisngi.

“W-wala akong ginawang masama,” nahihirapan kong sambit.

Sa paghapit nito sa aking pisngi parang matatanggal ang ngipin ko. Hinigit ako nito sa braso at pinuwersang pinatayo. Masakit na nga ang paa ko pati na rin ang braso. Hindi tuloy napigilan ang pagbulusok ng aking luha.

“Wala?! Marami kang ginawang masama! Sa tuwing naaalala ko gusto kitang patayin!” Binitawan niya ako ng malakas kaya napasubsob ako sa kama. Nagpadausdos ako habang walang tigil sa pag-iyak.

“Beatrice!” Bumukas ang pinto at nag-aalalang mukha ni Nanay Flor ang sumalubong.

“N-nanay,” umiiyak kong tawag sa pangalan niya. Nilapitan niya ako at mahigpit na niyakap.

“Primo, huwag mong pagsalitaan ng ganiyan ang asawa mo,” sermon niya.

“Asawa ko lang siya sa papel at hanggang doon lang iyon!” bulyaw niya. Wala itong respeto kahit sa taong nagpalaki sa kaniya.

“Sigurado ka na hanggang doon lang? Bakit iba ang nakikita ko? Anak, hindi masama ang pag-amin sa totoong nararamdaman.” Tumawa lang si Primo sa sinabi ni Nanay Flor. Tawa ng isang demonyo.

“Mali po kayo ng inakala. Wala rin akong aaminin, kung mayroon man iyon ay walang sinuman ang makakapalit kay Hana sa puso ko. Walang sinuman! Tandaan mo iyan, Beatrice. Itong singsing, wala ng halaga sa akin!” aniya saka niya tinapon.

Napahagulgol ako sa pag-iyak, napakasakit ang binitawang salita ni Primo. Umalis ito at iniwan niya kami sa loob ng kwarto. Napaigtad ako sa pabagsak niyang pagsara ng pinto. Walang nagawa si Nanay Flor kung 'di patahanin at hagudin ang likod ko.

“Sa bawat luha na pumapatak sa mga mata mo, sa bawat sakit na pinagdaanan mo, sa bawat sugat at hapdi na tiniis mo, lahat ng iyon ay dapat mong ipagpasalamat. Dahil napatunayan mong isa kang matatag na tao,” pahayag ni Nanay Flor.

-----

Isang buwan ang lumipas, sa isang buwan na iyon bumalik ang pang-aalipusta niya sa akin. Puro kamalian ko na lang ang kaniyang nakikita. Bumalik ako sa pagiging maid niya. Minsan nung hindi ko na kaya tinangka kong tumakas ngunit nahuli niya ako. Pinagbantahan na kung uulit pa ako ikakapahamak ng mga mahal ko sa buhay. Gustuhin ko man humingi ng tulong hindi ko magawa dahil bawat galaw ko may nakabantay. Pati si Nanay Flor walang magawa dahil pati siya may nakamasid. Pinagpasalamat ko na lang na kahit papano nakapagtuturo pa ako.

“Magnanakaw! Saklolo ang cellphone ko!” sigaw ko ng may naghablot nito.

Pasakay na ako ng dyip ng nangyari iyon. Wala rin nagawa ang nagtangkang tumulong sa akin dahil mabilis nawala ang nagnakaw. Pagdating ko sa bahay agad hinigit ni Primo ang aking braso. Napangiwi ako sa sobrang higpit na halos mabali na ito.

“Bakit hindi mo sinasagot ang mga tawag ko?! Nakipaglampungan ka na naman ba sa lalaki mo?!” bulyaw nito sa pagmumukha ko.

“W-wala akong lalaki mali ang paratang mo sa akin. Nahablot ang cellphone ko kanina nung pauwi na ako,” paliwanag ko.

Tumaas ang sulok ng labi nito saka hinablot ang bag ko. Binuhos niya ang laman, ng wala siyang makitang cellphone hinagis niya ito. Hindi pa siya nakontento pinagsisipa niya ang nagkalat kong gamit.

“Sa'yo na lang ito Beatrice may extra cellphone pa naman ako,” tinig ni Morris. Inabot niya sa akin ngunit nagdadalawang-isip ako kung kukunin ko ba o hindi.

“Anong ginagawa mo rito?!” maangas na tanong ni Primo.

“Kung wala kang pakialam sa asawa mo, ako may pakialam bilang kaibigan niya,” matapang na sagot ni Morris.

“Fuck you!” ani Primo. Mahinang natawa si Morris. “Hoy babae!” tawag nito sa akin na kinalingon ko. “Masaya ka na dahil nandito na ang lalaki mo? Malandi ka talaga!”

Napakagat ako sa labi para pigilan ang pagbadyang pagpatak ng luha ko. Wala itong pasabi na lumabas ng bahay. Sanay na ako palaging umaalis pagbalik niya may kasama ng babae.

Tinulungan ako ni Morris sa pagpulot ng mga gamit ko. Kahit anong pilit kong pigilan ang pagluha kusa na lang lumalabas.

“Beatrice,” tawag sa akin ni Morris. Pinunasan ko ang aking luha bago humarap sa kaniya.

“A-ano iyon?” humihikbi kong tanong.

“Alam kong matagal mo nang hinaharap ang paghihirap sa'yo ni Primo, at marami na rin ang nagawang pinsala, ang tanong ay hindi na kung magbabago ba siya o hindi, ang tanong na kailangan mo ngayong itanong sa iyong sarili ay, kahit na nagbago siya... gano'n pa rin ba ang nararamdaman mo sa kaniya?”

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro