Abaddon School Part 1.16

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Chapter Sixteenth:

THIRD PERSON'S POV


Matapos ang isang mahabang payahaw ni Dave.

Nagsalita ang harvester, "MAAARI NA KAYONG MAKALABAS SA LUGAR NA ITO!"

Pero, ni-isa sa kanila ay walang gumagalaw o humahakbang man lang.

"Tara na! Wala na tayong magagawa kung iiyak lang tayo rito." sabay alis ni Fayce na parang walang nangyari.

Kahit namamaga pa ang kanilang mga mata dahil sa pag-iyak, sumunod na rin sila kay Fayce.

Nakita nila ang auditorium na puno ng mga dugo... dugong galing kay Dave.

Napatingin si Lincoln sa harvester at nakita niya itong nakangisi sa kanila habang may dugo sa labi.

Nang makalabas sila sa auditorium. Biglang naglaho ang silid na kaninang pinaglalagyan nilang lahat.

"B-bakit naglaho ang auditorium? A-anong nangyari?" Naguguluhang tanong ni Faye sa lahat.

Maski silang lahat ay nagulat. Wala ni-isa sa kanila ang may alam ng kasagutan.

Hindi na nila pinansin iyon at nagpatuloy na lang sa paglalakad.

"Ano na next natin? Bakit hindi nag-announce kung sino man ang nasa likod ng tv screen?" Tanong ni Dustin sa barkada.

Bigla silang napatigil sa sinabi ni Dustin. Wala ngang announcement na nanalo sila sa ika-apat na laro.

"Ibigsabihin..."

Pinutol ni Ivan ang sasabihin ni Joaqui "Hindi pa tapos ang ika-apat na laro natin o hindi kaya simula na ang ika-limang laro." sa sinabi ni Ivan n'yon, lahat sila nataranta.

"Ika-limang laro? Ano naman kaya ang lalaruin natin?" Takang tanong ni Debra.

Walang nakasagot sa tanong ni Debra. Lahat sila ay clueless kung ano ang magiging laro sa 5th game.

Nang makarating sila sa quadrangle. Isang pick-a-boo na tunog ang kanilang narinig.

"A-ano n'yon?" Kinakabahang sabi ni Faye at kumapit na lamang siya sa braso ng kanyang kakambal.

"Pick-a-boo ang pinapahayag ng kanta? So, ang laro ay..."

"Tagu-taguan." walang buhay na dugtong ni Gino sa sasabihin ni Rowell.

Nagdikit-dikit silang sampu. Hindi nila alam kung ano ang susunod na mangyayari sa kanilang lahat.

May malaking tv screen ang lumitaw sa kanilang harapan. Kagaya ng dati naroon ang pasimuno ng laro na may clown face mask na may bahid pang dugo.

"MALIGAYANG PAGDATI SA ATING HULING LARO, MAG-AARAL NG ABADDON SCHOOL. ANG ATING HULING LARO AY...HIDE AND SEEK O MAS KILALANG TAGU-TAGUAN. MADALI LANG NAMAN DIBA?" Sabi ng nasa tv screen. "PERO, BAGO NIYAN MAG-RECAP MUNA TAYO. UNANG LARO: TINATAWAG NA LET'S PLAY FREEZE WITH DOMOKUN. ISANG CLASSROOM = ISANG ESTUDYANTE ANG MABUBUHAY.
IKALAWA: BRING THE BELL TO CAT . HALOS 15 KAYONG NABUHAY.
IKATLO: LET'S PLAY PATINTERO. SO, SAD DALAWA SA INYO ANG NAMATAY. RYAN AND AMCHEL IS OUT.
AND TO OUR GAME WITH TEMPTER, GOODBYE JINKY.
IKA-APAT: LET'S PLAY TRUTH OR FALSE. GOODBYE SA WORLD RIA AND DAVE.
AND, OUR 5TH GAME? SINO SA INYO ANG SUSUNOD SA KANILA? GOOD LUCK PLAYER!"

FAYCE'S POV:

"PERO, BAGO NIYAN MAG-RECAP MUNA TAYO.
UNANG LARO: TINATAWAG NA LET'S PLAY FREEZE WITH DOMOKUN. ISANG CLASSROOM = ISANG ESTUDYANTE ANG MABUBUHAY.
IKALAWA: BRING THE BELL TO CAT . HALOS 15 KAYONG NABUHAY.
IKATLO: LET'S PLAY PATINTERO. SO, SAD DALAWA SA INYO ANG NAMATAY. REY AND AMCHEL IS OUT.
AND TO OUR GAME WITH TEMPTER, GOODBYE JINKY.
IKA-APAT: LET'S PLAY TRUTH OR FALSE. GOODBYE SA WORLD RIA AND DAVE.
AND, OUR 5TH GAME? SINO SA INYO ANG SUSUNOD SA KANILA? GOOD LUCK PLAYER!"

Pusanggala!! Ang lakas pa niya mag-recap, pagnalaman ko lang talaga kung nasaan siya, tngina papatayin ko rin siya!

Naramdaman kong lalong humigpit ang pagkakahawak ng kakambal ko sa braso ko. Alam kong kinakabahan din siya. Hinawakan ko rin ang kamay niya para iparating sa kanya na nandito lang ako. Gagawin ko ang lahat para mabuhay kaming lahat.

May lumabas na naman na announcement sa tv screen.

"PLEASE GO TO STAGE THEN THERE'S A BOX OVER THERE. PICK ONE. AND, DON'T OPEN YET UNTIL I ANNOUNCE IT."

Pusanggala! Ano na naman 'to! Isang laro na lang, makakaalis na rin kami sa demonyong mundo na'to!

Nang makarating kami sa stage. Nakita namin ang isang malaking box. Anong mayroon sa loob nun? Tngina!

Nagkatinginan ang lahat kung sino ang mauunang dumukot sa box.

"Ako na." sabi ko sa kanila.

"Kuya..." pigil sa akin ni Faye pero hindi ko na siya pinansin.

Nang maka-akyat na ako sa stage. Tinignan ko muna silang lahat at dahan-dahan ko pinasok ang kanang kamay ko. Mga bilog? Kumuha ako ng isa at nakita ko ang isang maliit na kulay dilaw na bola. Inalog ko 'to at mukhang may laman sa loob.

Bumaba ako ng stage at pinakita ang nakuha ko sa Box na n'yon.

"Ayan na n'yon?" Tanong ni Gino sa akin. Pusang 'to?! Ito lang naman hawak ko eh. Siraulo.

Hindi ko siya pinansin, alam naman niya ang sagot. Ito lang naman na bilog na'to ang hawak ko. Tsk.

Tumingin ako sa kanila. Isa-isa na silang umaakyat sa stage. Pare-parehas na kulay dilaw ang mga nakuha naming mga bilog. Pusanggala! Ano bang mayroon sa loob nito.

Ang iba sa amin ay inaalog ang laman ng mga bilog nila. Tngina! Ngayon lang ba sila nakakita nito? Mga Siraulo.

May bumaba na namang malaking tv screen sa harap ng stage.

May inannounce na naman siya.

"IF ALL OF YOU HAVE A YELLOW BALL. YOU CAN NOW OPEN IT. YOU CAN SEE IF YOU ARE THE MANGNANAYA (PREDATOR) AND IF YOU ARE THE TATAYAIN (PREY). BUT DON'T SAY IF YOU ARE THE PREY OR THE PREDATOR. LET'S SEE WHO'S THE PREDATOR."

Sa nabasa namin, nagkanya-kanya kami ng bukas ng mga bilog namin.

Pagbukas ko ng bilog ko, nakita ko ang salitang P R E Y. Ako ang tatayain. Kailangan ko mag-ingat kung sino sa kanila ang predator.

Nang makita nila ang mga nakalagay sa bilog nila, agad nila ito tinago. At humarap sa isa't isa na parang magkakalaban kami. Tngina. Ayoko ng ganitong pakiramdam.

"PLEASE PROCEED TO THE CLUB BUILDING. THE 5TH GAME WILL START IN 10 MINS." Announce sa speaker.

Tngina ito na! Ito na ang huling laro. Ito na!

Lahat kami ay lumakad sa club building. Hanggang 4th floor ang building na ito. Ang mas maganda marami kaming pagtataguan dito.

Nang makalapit kami sa building na n'yon. Nakita ko ang pag-ngisi ni Dustin.

Naalala ko, president pala siya ng archery club. Mas lamang siya sa amin pagdating dito sa building na'to kung siya man ang predator.

May kinuha si Ivan sa harap ng building. Sulat?

Lumapit siya sa amin at binasa ang nakasulat sa papel.

"GOOD DAY, STUDENTS OF ABADDON SCHOOL. THIS IS THE LAST GAME. HIDE AS CAN AS YOU HIDE. AFTER THIS YOU CAN FREELY GO." Akala namin tapos na si Ivan sa pagbabasa pero hindi pa pala, "THIS IS THE RULE. IF THE PREDATOR SEE YOU, YOU DEAD. IF THE PREDATOR SEE ONE OF THE PREY OUT OF 9 PREY, THE PREDATOR WILL BE DEAD AND THE REST OF PREY WILL BE FREELY GO IN THIS HELL. YOU HAVE A TIME TO HIDE UNTIL SUNSET." sabi ni Ivan sa amin.

Ito na talaga. Hinawakan ko ang kamay ng kakambal ko. Kung si Faye man ang predator, tutulungan ko siya manaya.

"So, kung sino man sa atin ang predator, dapat patayin niya tayong lahat para mabuhay siya?" tanong ni Lincoln sa amin.

"Ganoon na nga. Pero kung walang magpapahuli sa kanya, siya ang mamatay at ang Siyam na prey ay ligtas na." Sabi ni Rey sa amin.

Ngayon ko lang narinig magsalita si Rey. Imposibleng siya ang predator? Pusanggala! Pati ang barkada ko, pinaghihinalaan ko na.

"Basta ang mahalaga, makatago tayo at maging ligtas until mag-sunset. Kung sino man ang predator sa ating sampu...goodluck and goodbye." malamig na sabi ni Ivan sa aming lahat.

"N'YONG SCREEN MAY ORAS NA! MAGTAGO NA TAYO!" isang malakas na sigaw ang narinig namin kay Joaqui na ngayon ay tumatakbo na papasok sa club building.

Isa siyang prey. Sh*t.

Nakita ko na lang lahat sila tumatakbo na papasok sa building at ako? Hila-hila ng kakambal kong si Faye.

"Kuya Fayce! Prey ka diba? Prey rin nakuha ko!" Natauhan lang ako ng makita kong nanginginig ang kamay ni Faye na hawak-hawak ang kanang kamay ko.

The next thing I know, nagtatago na kami ni Faye sa isang clubroom at narinig ang isang boses.

"NASAAN NA KAYO GUYS! KAPAG NAHULI KO KAYO, PAPATAYIN KO KAYONG LAHAT!"

Boses niya n'yon. Boses na boses niya. Tngina! Bakit sa lahat siya ang nakakuha ng predator.

"K-kuya..."

-End of chapter 16-

A/N:
Isang chappy na lang and epilogue. Tapos na ang Abaddon School 😢😭
Sino kaya ang nakakuha ng predator?
What you think?

VOTE. COMMENT. SHARE. FOLLOW.

THANK YOU!💜

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro