Abaddon School Part 1.17

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Chapter Seventeenth

LINCOLN'S POV

Malalim akong napaisip sa binasa ni Ivan. P*tcha! Hanggang sunset kami magtatago. Tumingin ako sa kalangitan, pakiramdam ko alas-dose palang. May anim na oras pa kami bago mag-sunset. Anim na oras pa kami magtatago.

Tumingin ako sa mga kaibigan ko, lahat sila mukhang kinakabahan, lalo na si Faye na nanginginig na ang mga kamay. P*tcha!

"N'YONG SCREEN MAY ORAS NA! MAGTAGO NA TAYO!" Napatingin ako kay Joaqui na sumisigaw nang malakas habang tumatakbo papasok sa club building.

Kaya lahat kami ay napatingin sa tv screen. Nakita nga namin ang 360 minutes na patuloy na nababawasan.

Napatingin ako sa mga kaibigan ko na ngayon ay tumatakbo papasok sa club building.

Tngina! Hindi ko alam kung sino ang predator sa kanila. Mabilis na tumakbo ako papunta sa building na'to. Paliko na sana ako sa 2nd floor ng building na'to ng makita ko si Dustin papunta sa archery room. P*tcha! Baka siya ang predator.

Bumaba ako ng 1st floor at papasok na sana ako sa isa sa mga room rito ng marinig ko ang nakakakilabot na boses.


"NASAAN NA KAYO GUYS! KAPAG NAHULI KO KAYO, PAPATAYIN KO KAYONG LAHAT!" Bo-boses niya n'yon. Ibigsabihin siya ang predator?!

Napatulala ko sa nalaman ko, bakit sa lahat na pwedeng maging predator siya pa ang nakakuha nun? Bakit?

Napabalik ako sa katinuan ko ng may humila sa akin papasok sa room na ito.

"Siraulo ka ba,Lincoln? Magpapahuli ka ba sa predator hah?" Isang boses ang nanermon sa akin. Boses ni Rey.

"R-rey... ikaw lang ba nandito?" tanong ko sa kanya.

Tumingin siya sa likuran niya. Nakita ko si Debra na umiiyak habang yakap ni Ivan.

"Nandito rin kami Lincoln. May safe rito kaysa sa ibang room na nandirito." mahinang sabi ni Ivan sa akin.

Lumapit ako sa kanila. "P-paanong safe? Sigurado ba kayong safe tayo rito hanggang mag-sunset?" takang tanong ko sa kanila. Halos pabulong na ang usapan namin para hindi kami marinig ng predator.

"Oo Lincoln. Safe tayo rito." Sagot ni Rey habang maayos na sinasarado at nilalagyan ng harang ang pintuan ng clubroom na ito.

Tumango na lang ako sa kanila bilang pagsuko. Hindi ko alam kung paano naging safe kami rito. At, ngayon nalaman na namin kung sino ang predator, mukha madali niya kaming matutunton.

"Bakit siya umiiyak?" mahinang tanong ko kay Ivan.

"Si Faye." Simpleng sagot niya.

Nilibot ko ng tingin ang kabuuan ng kwarto, wala ngang bakas ng kambal ang naririto. Ibigsabihin nasa ibang room sila.

"Hindi namin alam kung saang club room sila nagtatago. Nauna silang pumasok dito sa building na'to. Kaya hindi namin sila nasundan." sagot ni Rey sa akin. Hindi ko namalayan na nakalapit na pala siya sa akin.

"Atsaka pala, paanong naging safe 'to? May tagusan ang kwartong 'to sa ibang kwartong naririto sa floor na'to. Maski sa second floor pwede tayong makaraan. Kaya sinabi naming safe 'to." dugtong ni Rey.

Tngina. Paano nila nalaman 'to?

Magtatanong palang sana ako, nang sumagot ulit si Rey.

"Nadiskubre ko ito nung mga panahong normal pa ang lahat. Nadiskubre namin ni Fayce. Hindi ko alam sa kumag na n'yon kung bakit hindi rito nagtago."

Sa sinabi niyang n'yon, alam ko na na-safe kami hanggang mag-sunset. Pero, paano ang iba namin kasamahan? Sina Faye at Fayce ligtas kaya sila sa tinataguan nila?

Umupo ako sa tabi ni Rey, hindi ko kayang umupo sa tabi nina Ivan at Debra. Alam na ni Debra kung ano ang tunay na nararamdaman ko sa kanya.

Siniko ako ni Rey. Tumingin ako sa mata niyang kulay tsokolate. Mysterious type talaga 'tong isang 'to eh.

"Ano n'yon?" Tanong ko sa kanya. Hala! Si kumag nginisihan lang ako at saka tumingin kina Ivan at Debra. Aba, g*gu!

"Tigil-tigilan mo ako sa ganyan mo kumag ka ha!" sabi ko sa kanya. Pero, kumag hindi pa rin tumitigil sa kakangisi.

"Para kang bakla Rey! Tumigil ka nga!" naiirita na ako sa kanya.

"Sabi na nga ba eh, Tama n'yong hula namin ni Faye na may pagtingin ka kay Debra." umiiling na sabi niya. "Pero 'tol payong kaibigan, limitahan mo na nyan,Okay?" Sa unang pagkakataon, ngayon ko lang narinig ang seryosong boses ni Rey.

"Alam ko n'yon..." sa sinabi kong n'yon tumahimik na kaming parehas.

Ilan beses na kaming walang kibuan. Ni-isa sa amin walang nagsasalita. Natatakot na mahuli niya.

Lumingon kami kay Rey ng magsalita siya, "Tsk! Bakit ang tagal ng oras? Ang bagal mag-sunset!" naiirita niyang sabi.

Maski ako hindi ko alam kung anong oras na. Bumabase lang kami sa bintana ng club room na 'to. Medyo mainit pa sa labas at medyo tirik pa ang araw, baka mga ala-una o alas-dos palang ng hapon.

"M-may nahanap na kaya siya?" kinakabahan kong tanong. Sana wala pa.

Hindi sila sumagot sa tanong ko.

"Sssshhh! Tumahimik kayo." Mahinang sabi ni Ivan sa amin.

Tinapik ni Ivan sa pisngi si Debra at may binulong siya rito. Tumayo si Debra at lumapit sa isang cabinet? Magtatago siya roon?

"Huwag kayong maingay. Nasa labas siya." mahinang sabi ni Ivan sa amin habang dahan-dahan naglalakad sa pinto.

Lumapit kami sa kanya, at narinig ang isang yapak. Yapak niya.

"Nasa pang-apat na club room tayo." sabi ni Rey.

P*tcha!

"Nasaan na kayo guys? Tngina! Bakit ang gagaling n'yong magtago? HAHAHAHA! Lumabas na kayo?! Mamamatay rin naman kayo eh! Kagaya ng mga kaibigan at mga schoolmates natin! Ako lang maaaring mabuhay at makakalabas dito sa ekswelahan na'to!" Rinig namin sabi niya na sinundan niya ng demonyong pagtawa.

Sunod na narinig namin ay ang pagbubukas na mga pinto sa mga clubroom dito sa 1st floor.

P*tcha!

Nilingon ni Ivan si Debra at sinenyasang pumasok na sa cabinet.

Ano bang mayroon sa cabinet?

"Nandyan ang exit natin 'tol." Simpleng sabi ni Rey. So, dyan kami dadaan palabas ng kwartong ito, once na pilitin buksan niya ang pinto.

Maya-maya may narinig kaming isang malakas na sigaw. Sigaw na galing sa katabi naming room.

"WAAAAAAG! TULONG! GUYS TULUNGAN NIYO KO!" Boses ni Rowell.

"Si Rowell n'yon, guys!" mahinang sabi ko.

Bubuksan ko na sana n'yong pintuan pero pinigilan ako nina Rey at Ivan.

"Guys, kailangan ng tulong ni Rowell." pilit ko pa rin tinutulak si Rey sa pinto. T*ngina naman.

"Kahit ngayon lang Lincoln. Wag ka na muna maging bayani." Sabi sa akin ni Rey. Dahil doon sumuko na ako.

Naririnig namin ang payahaw ni Rowell sa labas. Mga paghingi niya ng saklolong hindi namin matugunan.

"Parang awa mo na... tutulungan kita hanapin sila. Please, 'wag mo muna akong patayin..." pakikiusap ni Rowell sa kanya.

Pero, mukhang wala ng awa ang isa.

"Awa? Gusto mong awaan kita? Trantado! Wala akong awa. Tngina! Noong una palang talaga Rowell, gusto na kitang patayin eh. Kaya ito ipapatikim ko na sayo ang salitang kamatayan."

Nagkatinginan kaming tatlo. Hindi ko alam na may ganitong side pala siya.

At, ang sumunod na narinig namin ay isang tunog ng chainsaw?

"HAHAHAHA! MASAKIT BA ROWELL? MASAKIT BA? GAGAWIN KO ANG GINAWA NG MGA TEMPTER KAY AMCHEL, MASAYA SIGURO KUNG SAYO KO GAWIN?"

"T-tama na... tama na..." n'yon lang ang narinig namin kay Rowell.

Ang sumunod na narinig namin ay parang may nababaling buto...gamit ang chainsaw.

"TRANTADO 'TONG SI ROWELL! NABUBULOK NA NAMAN PALA 'TONG MGA BITUKA MO. GAWIN NATING KARNE ANG MGA 'TO, PARA NAMAN MAY PAKINABANG KAY INANG YAMAN. ORGANIC FERTILISATION."

Napa-atras ako sa sinabi niya. At hindi ko inasahan na mababangga ko ang isang upuan para ito'y gumawa ng ingay.

"Sh*t!" Sabay naming sabi.

Ang sunod namin narinig ay kalabog na nanggagaling sa labas ng pinto namin. P*tcha!

"HAHAHAHA! TNGINA! ALAM KONG MAY TAO SA LOOB NA'TO! LUMABAS NA KAYO! MAMAMATAY NAMAN KAYONG LAHAT!" patuloy niyang winawasak ang pintuan.

P*tcha! P*tcha talaga!

"Anong gagawin natin?" tanong ko sa kanila.

Maya-maya narinig namin ang isang chainsaw. "Ayaw niyong lumabas ha? Dadaanin natin sa ganito!"

Nakita naming ang pinakatulis ng chainsaw. Sh*t!

"Doon sa cabinet!" sa sinabi ni Ivan nun. Tumakbo kami papunta roon.

Nakita namin si Debra na nanginginig na dahil sa takot.

"Akyat na Debra. Bilis." dahan-dahan nilulusot ni Debra ang katawan niya sa maliit na butas - sa tansya ko kasya ang isang katao lamang.

"Bilisan niyo guys! Malapit na niya mawasak n'yong pinto." Kinakabahang sabi ni Rey. Tinignan ko ito, sh*t malapit na nga.

Sumunod na umakyat si Ivan. Sumunod na rin ako. Papaakyat na sana si Rey nang tuluyang nasira ang pinto.

"Hilahin niyo ko! Sh*t! Bilisan niyo!" malakas na sabi ni Rey sa amin.

"HAHAHAHA! YARI KA SA AKIN REY!"

"Bilisan niyo Ivan at Lincoln!" sumisigaw na siya.

Nang maakyat namin si Rey, siyang dating naman niya.

Tinignan namin siya mula sa taas, isang ngisi lamang ang binigay niya sa amin at umalis na siya.

"Sh*t! Tara na! Papunta na siya rito!" sa sinabi ni Ivan.

Mabilis kaming lumabas sa club room na nagdudugtong sa club room na kinalalagyan namin.

Nadaanan namin ang archery club, at isang malamig at hiwa-hiwalay na parte ng katawan ni Dustin ang nakita namin.

"Ack!" - Debra.

"Niyong pana ni Dustin kunin niyo." Sabi ni Ivan at siyang dampot ni Rey.

Tumatakbo kaming papunta sa hagdan, sa 3rd floor kami magtatago.

"Tngina! Bilis! Paakyat na siya!" binilisan namin ang pag-akyat at pumasok sa isa sa mga club room.

Hinarangan namin ulit ito ng mga lamesa at upuan na nakita namin dito.

"Si Rowell at Dustin...patay na. Bakit hindi siya nag-aannounce?" Mahinang sabi ko sa kanila.

Wala silang sinabi.

"N'yong bangkay ni Dustin, napansin niyo ba? Nakadapa siyang namatay? Ibigsabihin...patalikod siya pinatay." mahinang sabi ni Ivan.

Sh*t talaga! Bakit ang tagal mag-sunset.

"ALAM KONG NANDIRITO LANG KAYO SA FLOOR NA ITO GUYS! LUMABAS NA KAYO! MAY TATLONG ORAS PA KAYO PARA MAGTAGO. ALAM KONG NAGUGUTOM AT NAUUHAW NA KAYO! PAG NAMATAY KAYO, HINDI NIYO NA YAN MARARAMDAMAN. KAYA GUYS MAGPAKITA NA KAYO! HAHAHAHAHAHA!" Mala-demonyo niyang sabi.

Sh*t. We dead.



- End of chapter 17 -

VOTE. COMMENT. SHARE. FOLLOW.

THANK YOU!!💜

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro