Acrofyce 2: Mystery Man

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Ayesha's PoV



Nandito kami ngayon sa Mall at naglalakad papunta sa Arcade para daw maglaro. Wala man akong balak pumunta dito ngayon pero nambulabog kaninang umaga itong mga kaibigan kong maganda ang timing. Kulang na lang sila na ang magpaligo at mangbihis sa akin dahil sa sobrang pagmamadali kaya ano pa nga bang nagagawa ko kung hindi ang sumama.

Sumakay na kami ng escalator papunta sa second floor ng building kung saan naka locate 'yong Arcade. Pagkarating namin ay naghiwa-hiwalay muna kami para maglaro. Kasama ko ngayon si Thea at magkasama naman si Thyn at Kiara,  habang 'yong tatlong lalaki naman ang nagsama. Nilibot ko ang tingin sa buong ng lugar at maraming klaseng laro ang bumungad sa akin. Pinapanood ko pa lamang sila pero nawiwili na ako.

"So tatayo na lang ba tayo, baka gusto mong umalis sa kinatatayuan mo."napabaling ako sa katabi ko habang nakataas kilay na nakatingin sa akin, saka ko lang narealized na hindi pa pala kami umaalis sa kung saan kami iniwan ng mga kasama namin kanina.

"Sorry nawili lang kasi ako."umiling nalang siya at hinila ako papunta sa counter para magpa-palit ng pera para makapaglaro after namin doon. Hinila na naman niya ako sa barilan section. Ito ba ipapalaro niya sa akin? Ni wala nga akong alam sa putukan.

"Ito ba lalaruin natin?"turo ko sa mga baril na naka-connect sa may....ewan mo kung ano tawag.

"Yes, bakit ayaw mo? Pwede naman tayong magtingin ng iba."umiling ako bilang sagot sa kanya.

"Maglaro ka na lang, doon muna ako sa may catcher ng stuffed toys."nag-aalangan man siya ay tumango na lang din. Tinungo ko iyong nanghuhuli ng stuffed toys ewan ko kung ano tawag basta humuhuli siya. Hindi ko na din kung saan na napadpad 'yong mga iba naming kasama, pero I'm sure hindi sila aalis na hindi kami kumpleto. Nag-insert na ako ng coin sa lalagyan at nagsimula ko ng kontrolin 'yong claw...ayon alam ko na claw machine 'yong tawag...yata?

Never mind.

I tried to hook the panda, iisa na 'yon kaya I will try to get it tapos ibibigay ko na lang kay Thea favorite niya kasi.
I positioned the claw and try to hook the panda, dahang-dahang bumaba ang claw then it grips the panda.  Napangiti na lang ako ng unti unti itong pumataas pero nawala din agad ng bigla itong nalaglag. Naglagay ulit ako ng coin at sinubukan ulit but then gaya ng dati nalaglag ulit. I tried so many times at iisa pero walang nangyari, ang masama pa'y iisa na lang 'yong coin. Ilalagay ko na sana pero may nagsilata maya napatingin ako.

"Need help?" I saw Zike standing in front of me while his hands is in his pocket.

"Uhmm... I think so?"alanganing  sagot sa kanya. He walked towards where I am and turn his gaze on the stuffed toys.

"Who among those stuffed toys?"nagpasok siya ng coin at tumitig sa loob ng machine bago bumaling sa akin.

"That one."turo ko naman sa Panda. Pinagalaw niya 'yong claw at tinapat sa panda, unti-unting bumaba 'yong claw at nakuha nito, pero hindi ganoon kakapit kaya may chance pa rin na mahulog ito but then hindi nangyari unti-unting tumaas ito at inihulog palabas ng machine.
Napangiti na lang ako sa kaloob-looban ko. Lumuhod ito at kinuha ang stuffed toy sa may butas saka tumayo at bumaling sa akin.

"Here."pag-aabot niya, kaya nakangiti akong inabot ito.

"Thank you!"masaya kong wika sa kanya at tango lang ang sinagot.
Zike is a silent type mula pa noon hanggang ngayon although maasahan iyan, gaya ngayon hahaha. Hindi man siya pala salita in public pero sa amin oo...minsan. Hahaha.

"Tara na baka naghihintay na sila sa labas. Mukhang wala na sila dito sa loob."pag-aaya ko sa kanya kaya naglakad na kami palabas ng Arcade at nakita namin silang nakasandal sa may bakod ng second floor.

"Kanina pa namin kayo hinihintay."pambungad sa amin ni Thea. Napadako naman ang tingin nila sa hawak ko at nagbalik tingin sa amin.

"Ito ba,"sabi ko sabay taas ng stuffed toy.

"Kinuha ko lang doon sa claw machine pero diko makuha kuha kaya tinulungan ako ni Zikw kaya heto,"paliwanag ko sabay abot kay Thea. Nagningning naman ang mata nito dahil doon.

"Wahhhh! Thank you Yesha!"sabay yakap sa akin. Napatingin tuloy 'yong mga naglalakad malapit sa amin.

"Bakit ako wala!"sumimangot at humalikipkip naman si Thyn.

"Alam mo kasi di mo naman kailangan niyan e,"nawala ang pagkasimangot ni Thyn dahil sa sinabi ni Brent. Himala yata na ganyan siya ngayon kay Thyn.

"Dahil ikaw na mismo 'yong panda. Hahaha!"hagalpak na tawa ni Brent kaya naman pati kami ay napatawa na rin kaya umirap na lang si Thyn.  Akala ko pa naman maganda iyong sasabihin niya but knowing na aso't pusa sila, malabo talaga.

"I'm hugry, kumain na lang tayo!"pag-aaya na sa amin ni Thyn halatang nagpipigil ng inis.

"Mabuti pa nga kase hindi ka na mukhang panda, mukha ka ng toro, may usok na lumalabas sa ilong mo. Hahaha!"bara na naman ni Brent sa kanya. Mariing pumikit si Thyn at huminga ng malalim bago ibuka ang mga mata.

"Supot!"sigaw nito sa tumatawang Brent kaya napatigil ito sa pagtawa at kumunot ang noo.

"Anong----"hindi na niya natuloy pa ang sasabihin ng magsalita si Luke. 

"Continue arguing for sure mabubusog tayo."famous line niya ba iyan? Pero tama nga naman siya diba?

Kaya pagmatapos niyang magsalita ay naghanap na kami ng makakainan habang nag-iirapan naman 'yong dalawa. Napailing nalang ako dahil sa kanila.

*****

Natapos kaming kumain at dumiretso kami sa tambayan para tumambay muna. Siyempre tambayan nga diba kaya malamang tatambay kami.

"Ang sarap ng ice cream kanina sana nag-take out ako!"panghihinyang ni Kiara. Sa Ice Cream House kase kami kumain kanina, nagtalo pa nga sila Brent at Thyn kung saan kami kakain. Ice Cream ang gusto ni Thyn at sa Jollibee naman ang gusto ni Brent. Tapos nakisali narin sila Kiara at Theo pero ang ending sa Ice Cream Houz parin.

"Sinabi mo dapat sana para iniwan ka na namin doon."napalingon naman si Kiara at nagtaas kilay kay kay Theo.

"Ikakasaya mo ba 'yon Theo, ha?"kanina sila Brent ngayon sila naman? Hindi na ata mawawalan ng mga magbabangayan sa amin. Kumbaga normal na lang at parte na ng pagiging pagkaka-ibigan namin.

"Ikakasaya mo siyempre ikaw naman maiiwan e. Hahaha!"bara na naman nito kay Kiara kaya kunot noo siya nitong tinignan habang kaming lima naman ay tahimik lang except sa dalawang nag-iirapan pa rin.

"Iyan magaling ka kase sa pag-iwan."aba-aba ano 'to? May hugot na din?  Napasinghap na lang kami sa sinabi ni Kiara habang napatigil naman si Theo at nagkamot ng batok.

Ang sarap ng ganitong eksena kapag kasama mo 'yong mga tunay mong kaibigan. Iyong asaran at kulitan, 'yong sigawan kahit magkakalapit lang kayo, tapos iyong bangayan. Napaka sarap titigan noong mga ngiti nilang tunay at sayang dala ninyo sa bawat isa. Araw-araw ko silang kasama simula noong naging magkakaibigan kami pero di parin ako nagsasawa sa mga kaingayan nila, sigawan nila at mga pikunan nila.

Si Thea na mala megaphone ang boses sa mala anghel niyang itsura, para palang amazona. Si Thyn na akala mo tahimik sa umpisa pero maingay din pala. Si Theo na kuya ng grupo makulit minsan at trip umasar.
Si Kiara na masayahin at go with the flow lang. Si Brent na basagulero dati na may concern rin pala at si Zike na tahimik lang pero maasahan. Hindi ko ine-expect na may ganyang side sila noon, pero look us now diba? Kaya masasabi kong ang daming nabago sa amin simula ng naging magkaka-ibigan kami at magkakasama. Siguro destiny na rin 'yong nagtagpo sa amin. Wow Destiny? Hahaha.

"Yesha!!"napatakip ako ng tenga dahil sa sigaw ni Thea. Oo si Thea siya lang naman yung mahilig sumigaw sa amin e!

"Bakit?"sabay tanggal ng kamay ko sa may tainga.

"Last na nagkita tayo ganyan ka din."pabulong na sabi ni Zike.

"Oo nga."pagtugon naman ni Brent.

"Lutang."isa pa itong si Theo.

"Balloon."ngiting ani naman ni Kiara sa akin.

"Outer space."ngising asong sabi ni Thyn. Napatingin kami kay Thea.

"Oh? Bakit?"tumaas ang isang kilay nito.

"Wala ka bang sasabihin?"tanong ko s kanya. Naunat naman ang kilay nito.

"Wala, kawawa ka naman kasi. Sinabon ka nilang lima at kung dadagdag pa ako, baka maging bula ka na lang."napasimangot naman ako sa sinabi niya. At nagtawanan naman sila. Ang sama talaga. Napakamot na  lang ako ng ulo dahil sa mga sinabi nila. Ewan ko din bigla bigla na lang akong nag-iisip ng kung ano ano.

"Huwag kayong mag-alala okay lang ako.  Hahaha." I said with an assuring look. Sasagot pa sana sila ng nagkaroon ng liwanag sa taas namin sa iba't ibang kulay. Sa pagka-alala ko'y ito 'yong mga kulay na nakita namin. Naghiwa-hiwalay ang mga ito at nagsilapitan sa amin, kita ko ring rumihistro ang gulat sa mukha ng mga kasama mo katulad ko at bigla na lang kaming nilamon ng kaniya-kanyang liwanag. Ano naman kaya ito?

As the light consumed us, everything went black.

*****

Nagmulat ako ng mata and nasa isang kwarto ako na puro puti ang makikita. Tumayo ako ako at nilibot ng tingin ang buong kwarto ngunit wala akong makita kundi puti. Nagmistulang dumi ako sa loob dahil ako lang ang naiiba ang kulay. 'Nasaan sila?'tanong ko sa isipan.

Nakita ko ang isang pinto malapit sa akin kayat naglakad ako palapit at unti unting binuksan. Rinig ang langitngit ng pintuan bago ito tuluyang nabuksan, lumabas ako at purong puti ulit na kwarto ang aking nakita ngunit may pintuan na nakalibot sa silid.

Napakunot ang noo ko. 'Anong meron dito?' sabi ko sa isip. Pagkasara ko ng pinto ay siya namang pagbukas ng iba pang pintuan, bumungad sa akin ang pagmumukha ng aking mga kaibigan.

"Ayesha!" sigaw nilang lahat pagkakita sa akin sabay takbo at damba ng yakap. Masaya ako at ayos lang sila.

"Buti ayos lang kayo!"masaya kong sambit sa kanila.

"Nasaan tayo?"tanong ni Thyn sabay tingin sa kabuuan ng kwarto.

"Mukha bang alam namin?"isang matalim na titig naman ang ibinigay ni Thyn kay Brent dahil sa sinabi.

"Huwag muna kayong mag-away pwede?"tipid na sabi naman ni Thea sa tabi ko. Sa gitna ng katahimikan isang pinto ang bumukas sa kabilang dako ng silid. Nagtinginan kami at tumango sabay lakad papunta doon. Madilim ang loob nito at walang senyales ng ilaw.

"S-sinong ma..mauuna?"bakas ang takot sa boses ni Kiara batay sa pagtatanong nito.

"Si Brent na lang tutal mukha naman siyang halimaw."

"At sinong hali..."pinutol ko ang sasabihin niya at nagprensta.

"Ako na mauuna."tinignan nila akong lahat na kunot ang noo. Natatakot man ako kailangan kong magpakatapang para makalabas kami dito. Alam kong takot din sila pero anong magagawa ng takot sa kalagayan namin ngayon, wala. Madilim lang ngunit di ibig sabihin na mapanganib na. Minsan mas mapanganib pa iyong mga akala mong hindi.

"I'll go with you."tinanguan ko na lang si Zike. Nauna na kaming naglakad papasok kasunod sila Kiara, Thea at Thyn samantala sa pinalikod naman sila Brent at Theo. Nakakailang hakbang pa lang kami ng may suminding mga ilaw.

"Ahhh!"panabay na tili ni Kiara at Thyn. Nagulat sila panigurado.

"Shhhh! Ilaw lang yan!"saway naman ni Brent sa kanila.

"Masama ba magulat ha!"depensa naman ni Thyn.

"Magpatuloy na tayo."naglakad na kami pagkasabi yun ni Zike. Lakad kami ng lakad at pawang tunog lang ng mga yapak namin ang naririnig at wala ding nangahas magsalita sa amin. Isang diretsong daan lamang ang tinatahak namin ngayon, may ding ding na red bricks na nilulumot at kupas na sa sobrang luma at torches na nagsisilbing ilaw namin.

Ramdam ko na ang pagod namin habang naglalakad kami, rinig ko na din ang hingal ng mga kasama ko kaya tumigil ako sa paglalakad kaya napatingin sila sa akin, nginitian ko sila at tinignan bago magsalita.

"Malayo-layo na rin ang nilakad natin magpahinga muna tayo bago magpatuloy."nagsiupo na kami at sumandal sa pader. Katabi ko ngayon si Thea at sa kaliwa ko naman si Kiara at Thyn habang nasa kabila naman yung tatlo.

"Makakalabas pa kaya tayo?"pambasag sa katahimikan ni Thea. Napaisip din ako sa sinabi niya, hindi ko alam ng isasagot ko dahil maging ako ay diko alam.

"Yes we will sama sama tayong lalabas sa lugar na ito."pampalubag loob kong sagot sa kanya kahit sa loob koy hindi ko rin alam kung bakit kami naririto o kung nasaan kami ngayon. 

"Ano kaya ang naghihintay sa atin sa daang tinatahak natin ngayon?" sunod na tanong ni Kiara.

"Walang kasiguraduhan at walang nakaka-alam kung ano ang meron sa dulo ng daang ito pero we must keep going and take the risk para malaman."sagot sa kanya ni Zike. 

"Ang importante magkakasama tayo ngayon at sama sama tayong nakaka-alis."tumango na lang kami sa sinabi ni Theo.

"So ano pa hinihintay natin tara na at makalabas na tayo dito!"positibong sabi sa amin ni Brent. Napangiti na lang kami dahil doon. Tumayo na kami at nagsimula ng maglakad ulit.

Ayos lang na humarap sa ganitong sitwasyon dahil alam ko sa sarili ko at sarili namin na di kami nag-iisa, na may katuwang kami at 'yon ay ang bawat isa. Magiging sandalan at huhugutan ng lakas upang magpatuloy, walang susuko dahil pinapalakas namin ang isa't isa.
Hindi rin nagtagal ay naaninag na namin ang dulo ng daan.

"Malapit na tayo!"masayang wika ni Kiara sa amin.

"Makakalabas na tayo!"masayang sabi rin ni Thyn. Nagmadali kaming naglakad upang marating namin ng mas mabilis yung dulo. Pagkapasok namin liwanag na naman ang bumungad sa amin kaya napapikit kami dahil doon. Nang humupa na ang liwanag ay isang na namang puting kwarto ang bumungad sa amin.

"Ano bang meron sa puting kwarto?"nagtatakang tanong sa amin ni Thea pero maging kami ay ganon din ang tanong sa isipan. Anong meron sa puting kwarto?

"Ano iyon?"turo ni Theo di kalayuan sa amin. Isang swivel chair na puti at mesang puti, kung dimo tititigan ng mabuti magmumukhang walang ano mang bang bagay ang nasa loob pero meron. Nagulantang kaming lahat dahil sa malakas boses na nagmula sa bandang iyon.

"Ayesha."

"Thea."

"Kiara."

"Thyn."

"Theo."

"Brent."

"Zike."

Iniisa-isa niyang banggitin ang aming pangalan na nakadagdag sa aming kruryusidad.

"Who are you?"mahinahong tanong ni Zike sa kanya.

"Bakit mo kami kilala?"

"Nasaan kami?"

"Bakit kami nandito? "

"Paano kami napunta dito?"

Sunod sunod nilang tanong sa lalak—wait..siya 'yon...siya 'yong lalaki!

"So many questions of  yours,"saad nito sa amin ngunit hindi pa rin ito humarap sa amin.

"Ayesha wala ka bang tatanungin?"napatingin ako lalo sa kanya kahit nakatalikod lang ito sa amin. Maging ang mga kasama ko'y ramdam ko din ang l
pagtitig nila sa akin.

"I..ikaw 'yong lalaki diba?"kita ko naman na gulat silang napatingin sa akin dahil sa tanong ko.

"Gaya ng inaasahan ko, ako nga iyon." I knew it! Pero bakit?

"Bakit? Bakit ka nagpakita sa amin?"gulong tanong ni Kaezy sa kanya.

"You will know soon,"sagot lang niya sa amin.

"Goodbye for now kids its time to wake up!"huli nitong sabi bago siya mawala at gustuhin ko mang habulin siya pero hindi ko na nagawa dahil bumibigat na ang aking pakiramdam at pati ng talukap ng mata ko wari'y nawawalan ng lakas. Nakita ko ring nasa ganoong sitawasyon ang mga kaibigan ko at bago pa ako makapag salita ay nilamon ng ako ng kadiliman.


To be continued....

———
©Sage_Xrachen

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro