Acrofyce 3: Zike's House

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Ayesha's POV

Sumalampak ako sa upuan at bumuntong hininga. Nakakapagod talagang maging president ng student's body.

"Pagod na pagod ka yata?"napatingin ako kay Thea na nagsusalat sa mesa malapit sa akin. Naririto kami ngayon sa tambayan sa loob ng school. Located ito sa pinakaduko ng west wing na di gaanong dinadaanan ng mga istudyante. Abandoned room ito dati humingi lang kami ng permiso kay principal para gawing tambayan ng Students Body, tutal Tita naman ni Thea kaya okay lang.

"Sobra nagsisisi akong tumakbo noong election,"totoong sagot ko sa tanong ni Thea sa akin. Tapos na ako sa trabahong ito e, last na sali ko na after kong makilala si Thea pero heto ako na naman ang President ng Student's Body. Ang galing diba?

"Ayan buti nga sayo. Hahaha!"tawa nito sa akin sabay balik sa pagsusulat.

"Hoyy! Kayo kaya may kasalanan sino ba kasi ang nagsabi ng ipalista niyo ako ha!"lalong namang tumawa si Thea dahil sa sinabi ko sa kanya.

"Tanong mo sa kalokohan ni Brent."usal nito sa akin. Iyong lalaking 'yon talaga napaka pilyo. Although alam ko na siya kaya kinawawa ko siya noon. Nilibre niya kami ng one week lunch para daw hindi na ako magtampo, hindi sana ako papayag pero kaibigan ko na rin ang nagdesisyon kaya tuwang tuwa naman sila, walang kaso mayaman naman kaya ayos lang. Ang hindi ayos sila nagdesisyon. Hahaha!

"Bakit niyo kase sinakyan ha!"lumapit ako sa kanya at tumabi.

"Uhmm...dahil trip namin?"patanong na sagot nito sabay tawa ulit, napa-irap na lang ako dahil sa mga sagot niya.

"Dapat si Zike 'yong nasa posisyon ko ngayon e!"hindi yata sila pinainom ng sapat na gatas noong bata sila, mukhang kulang-kulang kasi sila.

"Malas mo na lang dahil hindi siya kundi ikaw Yesha, uulitin ko ikaw!"pagdidiin pa ni Thea habang iiling-iling.

Napasandal na lang ako sa upuan at nilibot ko ang tingin sa buong silid, ng biglang may pumasok sa aking isipan at napangiti na lang ako. Maraming memories ang nasa silid na ito mula nang mabuo ang grupo namin. It should be a Student's Body tambayan pero dito naman na din sila tumambay kaya ayos lang. Kapag naaalala ko yung mga masasayang alaala dito parang ayaw ko ng iwan kasi ang sarap lang balikan.

"Yesha!! Saang mundo ka na naman nagpupunta ha!"natigil ako sa pagmumuni-muni dahil na naman sa si sigaw ng babaeng to.

"Bakit ka ba sumisigaw napaka lapit ko lang e!"reklamo ko sa kanya.

"Kanina pa ako salita ng salita dito tapos di ka pala nakikinig bruha ka!"sigaw na namang pabalik nito sa akin. Wala naman akong naalalang may sinasabi siya? Ganon ba talaga ako ka preoccupied?

"Ano ba kasi iyon ha?"

"Ang sabi ko tapos mo na ba yung valedictory address mo?" tanong nito sa akin kasabay ng malapad na ngiti. Iyo lang naman pala ang tatanungin niya akala ko naman kung ano na.

"Oo tapos ko na kagabi pa."sabi ko naman sabay lapit at upo sa kaharap na upuan.

"Bakit kasi kailangan ko pang gumawa nito pwede naman si ikaw na lang ang mag-speech e."reklamo nito sabay lapag ng ballpen at halukipkip napailing nalang ako.
Hindi sa pagmamayabang pero ako y
'yong valedictorian sa batch namin at Salutatorian naman 'tong babaeng ito at si Zike naman 'yong pumapangatlo. Iyong lima naman ay hindi nawawala sa Top 10 kaya masaya ako. Noon pa man goal na talaga namin ang mapabilang sa Top 10 kaya sama sama kaming nag-aaral pati na rin sa kopyahan, friendship goals ika nga.

"Alam mo parang ayaw ko ng umalis dito."napabaling si Thea ng sabihin ko iyon.

"Kasi you know there's a lot of memories inside this room and in the whole school na kasama kayo kaya parang ang hirap iwan."ngumiti ako at tumango dahil tama nga naman yung sinabi niya maging ako din naman.

"Alam mo tama ka dito ako tayo nagkakilala, dito natin nakilala 'yong lima, dito tayo nagkakakilala at dito nabuo iyong grupo natin ng hindi inaasahan."madamdamin kong sabi sa kanya. Feeling ko naiiyak na ako dahil sa mga pinagsasabi ko.

"Iyong mga panahon na hindi natin sinusunod 'uong rules na kahit ikaw mismo na president e nakikisama at 'yong pag-akyat natin sa bakod na nahuli tayo ng guard. Hahaha!"litanya ni Thea kung saan nagtawan kami dahil sa nakakatuwang pangyayari sa aming anim.

Naalala ko pang nakiusap kami noon para lang huwag ng madetention at pagalitan ng Principal. Hindi ko alam kung bakit nila ako pinatakbo bilang President kung sila din pala 'yong dahilan kung bakit ako matatanggal s pwesto haha.

"Naalala ko pa noong nagpapanggap kang masakit ang tiyan para lang pumuslit sa canteen dahil nagugutom."napangiti naman ako dahil sa sinabi ni Thea.

"Tapos pagbalik natin tapos na iyong klase!"sabay kaming tumawa habang binabalikan namin iyon ni Thea.

"Let's talk about all of our epic moments kapag nag-beach na tayo!"masaya niyang sambit, although it's a good one. Masayang balikan iyong mga nakaraan lalo na kapag worth it talagang balikan.

"Huwag mo muna akong dramahan Thea ituloy mo na iyan."turo ko sa ginagawa niya kaya napairap na lang ito at tumayo bago ako hilain palabas ng silid.

"Saan tayo pupunta di mo pa nga tapos iyan!"pigil ko sa kanya.

"Maya nagugutom na ako itutuloy ko iyan mamayang gabi please."pagmamakaawa nito sa akin kaya wala na akong nagawa pa.
Bukas na ang graduation namin kaya marami ng nagde-decorate sa ground floor. Hindi ko pa pala nabisita iyong stadium! Patay!

Nakarating kami ni Thea sa cafeteria at nag-order bago humanap ng mauupuan. Nasa kalagitnaan kami ng pagkain ng may sigaw na dumagundong sa loob ng cafeteria buti at iilan lang ang tao dito.

"Ayesha! Thea!" tinignan namin ni Thea at si Thyn pala na tumatakbo palapit sa amin. Walang sabi sabing hinila niya kami palabas ng cafeteria.

"Thyn ano ba gutom pa ako!"maktol ni Thea. Maging ako man nabitin din dahil sa babaeng to.

"Ang parents natin nasa Principals Office bilis!"dahil sa sinabi ni Thyn ay agad kaming nagmadali papunta sa Office ni Principal. Pagkarating namin ay kararating din nila Theo kasama iyong tatlo. Walang katok katok ay pumasok na kami. Imbes na madatnan namin sila pero si Principal lang ang naroon.

"Oh! Good you are all here come and sit."offer sa amin ni Principal.

"I thought nandito sila mama."sabi ni Thyn.

"Yes nandito sila kanina pero umalis din kaagad after kong sabihin 'yong sasabihin ko ngayon."panimula ni Principal.

"Hala! Kiara di ka daw gra-graduate!"masama namang tinignan ni Kiara si Theo.

"Huwag mo akong simulan!"sigaw naman nito.

"Okay settle down, settle down,"nagsiayos kami ng upo ng magsalita si Principal.

"Masaya akong nakahanap ang akong all of your parents have a good relationship towards each other just like all of you, and I'm happy that Thea found friends like you."hindi namin inaasahan na iyon ang sasabihin ni Principal sa amin. Kita ko naman na may nagbabadya ng luha sa mga mata ni Thea kaya hinagod ko ang likod nito na ikinabagsak na luha niya.

"Bakit hindi ko inaasahan iyon!"tumayo siya at inakap si Principal. Naging mabuting Tita si Principal para kay Thea alam namin 'yon. She always counsel Thea whenever she did something bad or terrible na kasama kami although pare pareho naman kaming napapagalitan. Alam namin na para naman sa ikabubuti namin at lalo na ni Thea iyon. Pero mas nahihiya ako kapag dahil ako ang President.

"Stop crying your parents just arrive this afternoon so better do your jobs para maka-uwi na kayo."kita ko naman ang saya sa mukha ni Thea dahil sa balita ni Principal. May business trip kasi ang parents ni Thea kaya halos hindi niya makasama ang mga ito, minsan na kaming pumunta sa bahay nila na meron sila Tito at Tita. They're so pleasant towards us kaya swerte si Thea sa sa kanila.

Lumabas na kami ng Office ni Principal pagkatapos ng naging diskusyunan. Sinabi rin niya sa amin na magulang na lang daw ang tanungin namin patungkol sa napag-usapan nila. May pa-suspense si Principal haha.

"Ano kaya yung tinutukoy ni Principal na sasabihin ng parents natin?"tanong ni Brent habang naglalakad kami.

"Hindi ko din alam."sagot ni Kiara. Maging kami ay gusto na ding malaman ang kasagutan doon.

"Tumulong na lang tayo sa stadium para mabilis matapos at maka-uwi na tayo para---"

"Para malaman na natin ang kasagutan sa tanong natin!"pagpapatuloy ni Thyn sa sasabihin dapat ni Brent.

"O di ikaw na magtuloy, aagaw-agaw ka ng linya!"singhal naman ni Brent sa kanya.

"Ayaw mo pa hindi nasayang iyang laway mo bruhildo!"singhal naman pabalik ni Thyn.

"I smell something bad."napalingon naman ako kay Kiara dahil sa sinabi niya.

"Ikaw lang 'yon di ka pa kasi naliligo!"pang-aasar naman ni Theo kay Kiara, kaya sinamaan niya ito ng tingin. Nakarating kami sa stadium na rinig ang bangayan ni Brent at Thyn. Hindi pa sila tumitigil magmula ng nagsimula sila.

"Can you please shut up you two, we're here."cold na sabi ni Zike sa kanila. Kaya nag-irapan na lang sila at tumigil.

"Wala ka bang ka sweet'an sa katawan Zike?"sabi ni Kiara sabay abot sa akin nung mga balloons para sa decoration.

"Meron."tipid na naman iyang sabi napatawa na lang ako sa pag-irap ni Kiara. Nagsimula na kaming mag decorate at tumulong sa mga gagawin.

Lagay dito, lagay doon, abot dito, abot doon, patong dito, patong doon.
Hanggang sa natapos na kami at nagsimula ng naglakad palabas ng school.

"Mas bongga 'yong decoration natin ngayon kumpara noong last batch pansin niyo?"biglang sabi ni Thyn.

"Graduation daw kasi ni Thea."sagot naman ni Theo.

"Anong kinalaman ko?"nagtataka naman na tanong ni Thea sabay turo sa sarili.

"You're the niece of the Principal and only daughter of the famous business man what would you expect, right Thea?"halos madugo ang ilong ko sa sinabi ni Zike. Straight English wooo!

"Yeah right."sagot na lang ni Thea.
Ako naman ay napahilot sa sentido ng wala sa oras. Grabe!

"Okay ka lang Ayesha?"concern na sabi ni Thyn sa akin.

"Parang dudugo ilong ko!"saad ko sa kanila sabay pisil ng ilong ko.

"Nagtataka ka lang ako kung bakit hindi si Zike 'yong naging valedictorian natin."napatawa naman sila dahil sa sinabi ko. Tama naman diba?

*beep *beep

Napatingin kami sa bumusina at sundo pala ni Zike iyon. Sumakay na kaming lahat napagkasunduan kasi namin na tumambay muna sa bahay nila Zike dahil maaga pa naman.
Sinara ni Thea yung pinto and here we go!

****

Pagkarating namin sa bahay nila ay di parin kami makapaniwala sa laki at ganda nito. Pagpasok mo palang bubungad na sayo ang grand staircase at tatlong chandelier. One word na masasabi ko lang is wow, as in wow.
Pagkapasok namin sa kwarto ni Zike ay nagsitungo kami sa may sofa sa harap ng kama nito at nagsi-upo na kami.

"Zike pa order kami ng pagkain thanks!"kumindat sa amin si Brent kaya alam na namin kung ano balak niya.

"Zike pancakes na lang may chocolate syrup tas grapes ha!"lapad ngiting sambit naman ni Thyn.

"Zike kahit dalawang slice lang cake okay na ako alam ko naman may stock ka pa thankie!"sumunod namang saad ni Kiara at may mga sumunod pa. Hindi ko din alam kung natutuwa ba o hindi si Zike dahil wala man lang siyang reaction.

"Okay na ako sa ice cream!"

"Sa akin ice tea."

Tinignan nila akong lahat na tila naghihintay ng sasabihin ko maging si Luke ay matiim din nakatitig sa akin.

"Cu---"

"Cupcakes I know."pagtutuloy nito sa sasabihin ko. Huh? Alam niya agad very well Zike good job!

"Siguraduhin niyo na ganito rin ang gagawin niyo kapag pumunta ako sa mga bahay niyo kung hindi,"usal nito sa amin. Bakit parang banta 'yong dating?

"Kung hindi ano?"panabay nilang tanong sa kanya. Tumayo siya mula sa pagkaka-upo at naglakad papunta sa pinto at binuksan ito, bago pa siya lumabas ay lumingon muna siya sa amin.

"Kung hindi di na ulit kayo makakapunta dito sa bahay kung uubusin niyo lang din mga stocks ko."huli niyang sinabi bago lumabas. Napatawa na lang kami dahil doon.

"Hoy wait pansin ko lang parang ang feel at home natin no?"sabay ayos ng upo si Thyn.

"Ikaw lang."sabi naman ni Brent.

"Ako? E ikaw nga unang nagsabi ng kung ano ano! Bruhildo!"

"Talk to my hand!"sabay taas ng kamay nito sa harap ni Thyn.

"Pati naman na sa bahay kayo feel at home rin naman kayo e, parang kayo na iyong may-ari ng bahay."umirap na sabi ni Thea dahilan para mapatawa muli kami. Kung hindi ako nagkakamali, iyon 'yong gabing nag-overnight kami sa bahay nila.

"Nakakatakot pala kung sa bahay kayo pupunta."mukhang mapapasabi rin ako tulad ng sinabi ni Zike kanina.

"Hindi naman kami matakaw Yesha!"sigaw sa akin ni Kiara.

"In your dreams Kiara!"nakatanggap naman si Theo ng masamang tingin dahil sa sinabi niya.

"Kinaka-usap ba kita Theo?"taas kilay naman niyang sagot dahilan para mapakibit balikat nalang si Theo.
Napatigil sila sa pag-aasaran ng bumukas ng pinto at pagpasok ni Zike kasunod ng mga katulong dala ang mga sinabi naming pagkain.
Dinala niya talaga? Seryoso?

"Here comes the tummy blessing!"sigaw ni Brent sabay linantakan ang mga pagkain.
Nag-usap usap kami habang kumakain halos lahat ay patungkol sa pag-aaral.

"Sana maging maaayos tayo sa school na papasukan natin no?"sabi ni Kiara sa amin.

"Dapat pare-pareho tayo ng papasukan para masaya!"excited naman na sabi ni Thea.

"But wait napapanaginipan niyo pa ba iyong lalaki?"natuon naman ang atensiyon namin sa tanong ni Theo. Nagtinginan muna kami at umiling.
Pagkatapos ng kaganapan sa mga puting kwarto at sa mahabang daan ay hindi ko na ulit iyon napanaginipan pa.

"Bakit mo pa kasi pinaalala ha!"batok ni Kiara sa kanya.

"Aray! Masama ba magtanong? Aray!"naging tahimik ang paligid hanggang sa humangin sa loob kaya nagtaasan ang mga balahibo ko at napayakap sa sarili.

"Who's that girl at your back Thea?"sinamaan naman nito ng tingin si Zike dahil sa sinabi nito.

"Huwag ka ngang manakot Zike!"sigaw nito kanya ni Thea na napakapit naman sa akin. Halatang natatakot din siya dahil sa sinabi nito.

"Oo nga gusto mo tadyakan kitang bruhildo ka! Gusto mo!"segunda naman ni Thyn na lumapit kay Theo kasama si Kiara na natatakot din.

"Hindi porket bahay mo 'to ha!"sabi ko naman. Nakakainis 'tong lalaking 'to!

"I'm serious she's staring at us, she's as tall as Thyn, long hair as Thea, pale skin as Ayesha and as thin as Kiara, "so basically 5'3 yung babae sa height, lagpas balikat ang buhok, tapos kasing puti ko at hindi gaanong payat.

Wahhhh! I hate ghost!

Ramdam ko ang paghigpit ng kapt ni Thea sa akin. Maging ako man ay natatakot din.

"And....and she's full of blood her eyes is full of sadness and regrets."

"Zike stop it!"sigaw sa kanya ni Thyn. Nakatingin lang sa may likod ko si Zike. Di kaya may third eye siya? Nakakatakot!

"Hahaha!"napakunot ang noo namin dahil sa narinig naming tawa. Ngayon lang siya tumawa ng ganyan, 'yong tipong maka-ubos hinga.

"Hahaha!"pagtingin namin si Zike pala habang hawak hawak ang tiyan niya at pagulong gulong sa kama niya.

"Y-you face is so epic!  Hahaha!"hindi parin siya tumigil sa paggulong at pagtawa. Ang galing mo mang good time! Lalaki ka!. Sinamaan namin siya ng tingin at tumayo kaming lahat at naglakad palapit sa kanya.

"Ganyan ka na pala ngayon Zike?"inis na sabi ni Kiara.

"Marunong ka ng mang-good time ngayon?"segunda pa ni Thyn sa kaniya pero tawa lang ito ng tawa. Nakaka-inis talaga!

"Para sa kalokohan mo!"dinaganan siya ni Theo.

"For making us fool!"sumunod naman si na dumagan si Brent.

"Bruhildo!" at si Thyn, Thea at Kiara.

"Aray ko! Huwag kayong mambatok tangina!"

"At kailan ka pa natutong magmura ha!"sabi sa kanya ni Thea. Nakakapanibago sa tainga.

"Ngayon lang, aray ko sino iyang nangungurot!"natawa naman ako sa hitsura nila.

"Hahaha! h-huwag niyo haha akong kilitiin. Hahaha!" iyan ang mga naririnig na reklamo ni Zike, buti nga sayo. Umupo na lang ako ulit at pinanood lamang sila habang pinagtitulungan ang kawawang Brent.

Humangin na naman at nagtindigan na naman ang mga balahibo ko. 'Hindi naman malakas ang aircon ha'sabi ko sa isip ko. Hindi rin naman naka open 'yong veranda. Weird.
Humangin na naman at napayakap n lang ako sa sarali. Something isn't right.

****

Pagkarating ko sa bahay at nagbihis muna at saka bumaba. Nakita ko si mama sa sala na halatang hinihintay akong bumaba, napatingin ito sa akin ng maramdaman nito ang presensiya ko.

"Come honey."yaya sa akin ni mama kaya naglakad ako papunta sa kanya at umupo sa tabi niya. Nginitian lang ako ni mama sabay yakap sa akin ng mahigpit nagtataka man ako ay yinakap ko rin siya pabalik.

"Bakit ka umiiyak mama?"pahid ko sa kumawalang luha sa mga mata niya.

"Sabi sa amin ng Principal niyo na tinanggap kayo sa isang Private School para doon mag-aral."panimula ni mama. So 'yon ba yung sinabi ni Principal sa kanila?

"Diba dapat masaya kayo mama dahil Private School 'yon!"masaya kong sabi kay mama. Although private din man 'yong ngayon.

"Of course I'm happy honey pero dorm school kase 'yon kaya hindi kayo makakalabas unless kailangan talaga pero kung hindi pagka graduate niyo lang kayo lalabas."doon na nawala yung ngiti ko. Iiwan ko si mama? Kaya ko ba?

"Then I will not accept it mama."

"No you must go honey kasama mo naman 'yong mga kaibigan mo kaya ayos lang masasanay din ako, don't worry about me."she smiled at me kaya ngumiti narin ako sa kanya.

"Their parents agreed as long as magkakasama kayo, kaya wala akong dapat ipag-alala."she pat my had and cares my face after. I will definitely miss mom.

"Let's eat para makapag impake kana kasi after ng graduation niyo bukas ay didiretso na kayo sa beach resort na pinareserve ng mama ni Brent para sa inyo."agad nagliwanag ang mata ko dahil sa sinabi ni mama although hindi pa ako nagpapalam pero heto pumayag na.

"Don't worry honey papayagan naman kita."she flashed a sweet smile on her face.

"Thank you mama!" I exclaimed out of happiness. Pagkatapos, tumungo na kami ni mama sa hapag at nagsimula ng kumain habang nag-uusap about sort of things. After naming kumin ay dumiretso na agad ako sa kwarto at nagsimula ng mag impake.

For it is a vacation I think, hindi na ako nag-abala pang kumuha ng napakaraming damit na gagamitin.
Natapos ako sa pagiimpake at sumampa sa kama, hindi naman nakakapagod pero di nagtagal ay kinain na ako ng kadiliman.

******

Nagising ako ng may maramdaman akong yumuyugyog sa akin pero ipinagsawalang bahala ko na lang ito dahil antok na antok talaga ako.

"Honey wake up."rinig kong paggising sa akin ni mama.

"Mama, 10 more minutes please!"I pleaded saka nagtalukbong ng kumot dahil inaantok pa talaga ako.

"Honey it's your graduation wake up!" napablikwas ako dahil sa narinig mula kay mama. Graduation pala namin ngayon how can I forget it! Stupid Ayesha! Napasarap yata ang tulog ko kaya di ko na naalala. Late narin kasi ng matulog ako kagabi pagkatapos kasi naming kumain impake agad ewan ko mga kung sakto na 'yong dalawang maleta para sa vacation namin.

"Get up honey time for breakfast."sabay halik sa noo ko at lumabas na ng pinto si mama.
Umalis ako sa pagkakahiga at dumiretso sa CR para gawin ang dapat kong gawin, pagkatapos nito ay naghanap na ako ng susuotin. Napagdesisyonan kong iyong regalo na lang ng mama ni Theo at Thyn ang gagamitin namin.

Pagkatapos kong mag-ayos ay bumaba na rin ako para kumain, nadatnan ko si mama habang naglalapag ng pagkain sa mesa kaya't umupo na rin ako.

"You're so beautiful honey!"sabay lapit sa akin ni mama at yumakap.

"Mama anak mo ako e!"sabi ko naman kaya napatawa na lang kami. I will totally miss mama kapag nasa dorm school na kami or even mawalay ako sa kanya for the vacation. Nasanay kasi akong lagi siyang kasama, laging nakikita at iyong lagi mong kausap sa kahit anong bagay. Humiwalay si mama mula sa pagkayakap sa akin at umupo sa kaharap kong silya at nagsimula na kaming kumain hanggang sa matapos kami at pupuntan na ng school.

Dumiretso agad kami ni mama sa stadium at hinanap agad ng mata ko 'yong lima kung nasaan sila ng may sumigaw sa likuran ko and and I know kung sino iyon.

"Yesha!"paglingon ko sa kaniya este sa kanila ay bakas ang pagkagulat sa mga mukha nila.

"Di ko alam may igaganda ka pa pala."usal ni Brent na naunang nagsalita.

"Mismo!"

"Right!"

"Sinabi mo pa!"

Rinig ko namang sabi ng iba kaya nginitian ko na lang sila.

"Binola niyo pa ako!"saka kami nagtawanan. Naglakad nakami papunta sa designated chairs namin at nagkislapan ang mga camera habang naglalakad kami, kaya wala kaming magawa kung hindi ang ngumiti na lang.

"Thea ikaw ba may pakana nito?"tanong ni Kiara habang nakatigil kami at ngumingiti sa camera. Ang awkward mg dating nito para sakin.

"No hindi ako." pailing niyang sagot.
So sino naman ang gagasto sa mga photographer na ito.

"Its me, "napatingin kami kay Zike na naglalakad na kaya humabol kami.

"I want our graduation to be one of the memorable days of our lives so I rented some photographers para kahit papano may makikita tayong ala ala ng graduation natin."Tunay talaga na minsan lang siya magsalita pero swak. Zike is silent pero thoughtful siya, hindi namin mapigilang lumuha dahil sa mga sinabi niya. Isa isa namin siyang niyakap pati din ang mga lalaki naki bro-hug na din.

"Pinapaiyak mo kami Zike pero salamat sayo!"sabi ni Thyn sa kanya.

"Ang thoughtful mo kahit tahimik ka kaya mahal ka namin e!"si Kiara ang nagsalita. Zike just smiled at us. Nagsi-upo na kami dahil mags-start na daw. Hindi ko mapigilang isipin 'yong mga ala ala namin dito mula sa tambayan, sa bakod, sa gate, sa hallways, sa canteen at sa kahit saang sulok ng paaralang ito na naging daan para makabuo kami ng masasayang ala-ala. I will truly and surely miss this place. Natapos ang speech namin at mangiyak-iyak naming tinapos. Pagkatapos no'n ay nagpicture muna kami with family and friends bago kami mag celebrate.

"Yey! Congrats sa atin!"masayang wika ni Thea sabay yakap sa amin.

"Congrats!!"nakangiting wika naman ni Thyn.

"Diko inaakala na makakapagtapos si Brent!"tumawa naman kami dahil sa banat ni Thyn kay Brent.

"Hindi ko din akalain e!"lalo kaming napatawa dahil sa sinabi ni Brent.

"Hoy! Ano...Teka lang,"napatingin kami kay Thyn.

"Anong sinabi ng parents niyo kagabi ha?"nagpalit palitan kami ng tingin at sabay sabay na nagsalita.

"We have the same school!"masaya naming sabi hanggang sa may tumawag na sa amin.

"Better ready yourself kids dahil kami ang maghahatid sa inyo sa beach!"excited na sabi ng mama ni Theo sa amin kasama sila mama at magulang din nila Kiara, Brent at Zike. Sabay sabay kaming lumabas at nakaparada na 'yong van na sasakyan namin. I think van nila Brent ito sila kasi yung mahilig sa sasakyan.

Kwentuhan lang kami ng kwentuhan maging sila mama sa may harapan ay nagkwu-kwentuhan din. Sinabi nila na malayo layo pa daw kami kaya pwede muna kaming umidlip. Nauna ng nakatulog si Thea habang nakasandal sa akin at papungay pungay na din ang mga mata nila Thyn at Kiara kaya siguradong makakatulog na iyan. Hindi rin nagtagal ay pinikit ko na rin ang aking mga mata at hinayaang lamunin ako ng kadiliman.



To be continued...

———
©Sage_Xrachen

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro