Kabanata 22

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Kabanata 22

Monster

"Alisin n'yo ang bata!" I heard Manang Lupe shouting at some of the men who were holding me tightly.

Nang nakalapit si Manang Lupe sa akin ay agad niya akong hinatak palayo sa pangyayari. Nagwala habang humahagulhol, halos saktan ko ang sino mang nangangahas na alisin ako roon.

My brother is inside that car! He's driving and based on the wreck in front, wala akong ibang hiling kundi ang paggana ng teknolohiyang pangkaligtasan sa loob nito. And I just can't wait to see how is he. I don't want to leave even when they were all screaming for my removal on the scene.

Ang tanging nakapagpatigil sa hiyaw ko at nagpakalat ng lamig sa aking katawan ay ang pagdating ng ambulansya. Kasabay rin noon ang matagumpay na pagkakatanggal ng pintuan ng sasakyan. Nakita ko ang maingat at pagmamadaling ilapag ang duguang katawan ni Chantak sa isang stretcher at ang paglaylay ng kamay niya roon. Kitang-kita ko ang pagmamadali ng mga tao habang pilit akong hinihila palayo roon.

"Chayo, tara na," halos magmakaawa na si Manang Lupe.

"Manang si Kuya! Manang si Kuya!" I said almost hurting all the arms holding me.

"Chayo, tara na sa ospital-" and there goes the last drop of my strength. I saw my dear brother, covered with blood.

"Kuya..." I called softly with wide horrified eyes.

Mabilis na humarang ang mga tauhan na naroon. Nawala na sa tingin ko si Kuya at ang huling tanaw ko sa kanya ay ang kanyang walang kamalayan habang maingat na binubuhat, at ang mga daliring tinutuluan ng dugo.

Wala akong lakas sa loob ng sasakyan namin habang tinatanaw ang ospital sa bayan.Parehong hindi ko na puwedeng bisitahin si Mommy, Kuya Levi, o si Chantal. At kahit walang utos, posibleng hindi ko nga kakayaning bisitahin ang sinuman sa gabing iyon. Tulala ako at hindi makausap ng kahit nino.

"Chayo, uuwi na tayo, ha?" maingat na tanong ni Manang Lupe sa akin.

Ang iilang kasambahay na kasama sa sasakyan ay kanina pa ako tinatanong at binibigyan ng maiinom pero wala akong kibo. Wala rin akong kibo kay Manang Lupe. I was completely submissive to everyone around with my strength all gone and the trauma of watching my brother and Chantal covered in crimson blood.

To top that... my Mom was pronounced dead earlier that night! She's dead! My Mommy! Ni hindi ako nakapagpaalam ng maayos. Our last trip in Bacolod, all the words she told me, those were my last memories of her.

Mommy is dead. I still couldn't accept it.

Mommy is dead.

Mommy is dead and she's not with us during her last moments.

Is she really? Pinaglalaruan ba ako ng mga tao?

Baka mali? Baka may ibang namatay at akala nila si Mommy 'yon?

Imposibleng patay na si Mommy! Mommy ko 'yon!

Then I couldn't stop my tears... is Mommy really dead?

Bakit kaya ayaw niyang kami ang makapiling sa huling hininga niya? It is easy to blame Daddy for her misery but I want to know why did she have to leave me and Kuya? We wanted to see her. We wanted to take care of her. We wanted to fight with her! Bakit hindi niya ibinigay sa amin ang pagkakataon na gawin iyon?

And then my brother... the sight of his hand with blood trickling on it seem to have made my mind its home.

My thoughts are on that strange loop. Balik sa simula hanggang sa kay Kuya Levi.

"Sigurado ka ba Guadalupe?"

Sa gabi ring iyon, parehong pamilya ni June at Nan ang bumisita sa bahay. With their Dads talking to some of their own men, trying to connect with my father, and their Moms trying to convince Manang Lupe that I will be better if I stay with my friends for the night.

Tahimik na pareho si June at Nan habang pinagmamasdan akong tulala sa sala. Kanina lang, sinubukan nila akong kausapin pero pabalik-balik ang isipan ko sa mga pangyayari na walang ni isang salitang rumihestro sa akin.

They stopped talking and remained concerned as they watch me with anxious eyes.

"Hindi na, Ma'am. Isa pa't nalaman kong kasalukuyan nang inaayos ang... para kay Ma'am Rosario."

Naramdaman ko ang pag-iingat ni Manang Lupe sa sinasabi niya. Lamay. That was it. Mommy's wake. Mommy's... wake. Mommy is dead.

Tears stung my eyes. Napatayo si Nan at walang pag-aalinlangang lumapit at niyakap ako. Hindi ako nagsalita. Ang mga luhang tumutulo ay tila sigaw ng pagdadalamhati.

"Kumusta si Luis Javier?" tanong ng Mommy ni June.

Sumulyap si Manang Lupe sa akin bago ito nilingon. Hindi siya nagsalita. Hinihintay ko pero walang dumating. Isang singhap lang ang ibinigay nila bago ako nilingon.

"Kasama raw ang anak ni Carlos sa aksidente, hindi ba? Kumusta ang bata?"

Sa parehong paraan lang siya sinagot ni Manang Lupe.

"Pinaghahanap ni Sir Luis si Carlos."

"Pinaghahanap? Kung wala siyang kasalanan, bakit pa siya magtatago o tatakbo kay Luis?"

Dahil tingin ni Manang Lupe ay mas makakabuti sa aking sa bahay na muna manatili imbes na makitulog sa mga kaibigan, parehong nag-offer si June at Nan na sa bahay na muna matulog para masamahan ako. I was unable to say yes or no. I wanted to be alone. I wanted to just stay still and wait for the world to stop, too, and for once, be a friend to me.

Hindi ako nakahindi kaya parehong doon sila natulog. Tahimik sila magdamag, pinagmamasdan lang ako. But then both of them fell asleep later while I was awake the whole night. Umahon ako nang nakita ang unang hudyat ng pagsikat ng araw.

Like a lifeless ghost, I graced the halls of our house weakly. I have no sleep and no strength. Ang tanging gusto ko lang ay ang malaman ang kalagayan ng pamilya ko. Si Mommy, si Kuya Levi, si Chantal, si Daddy... I stopped on the bannisters where I heard some men and some of the province's chief and police officers.

"Natagpuan na raw ang bangkay!" I heard.

I stiffened and like a ghost, and like my usual self, I stayed behind the large jar as I listened.

Bangkay.

There's a dead body? Someone is dead again.

Again!

Who is it?

Hindi ako huminga. Unti-unti akong umatras, hindi yata kakayanin ang maririnig.

"Sa ilog!"

"Sinasabi ko na nga ba!" sabi ng chief at mabilis na pinagtuturo ang kanyang mga tauhan.

"Alalayan ang imbestigasyon sa pagkamatay ni Carlos Castanier!"

Like a lifeless body, I walked back to my room very silently. Marahan ang pagbukas sa pintuan, marahan din ang pagsara roon.

Bumalik ako sa gitna ng dalawang kaibigang mahimbing pa ang tulog. I closed my eyes trying so hard to not cry but it seems like I just couldn't. Hindi yata nauubos ang luha ko at kaya ko pang lumuha ng ganito.

"Chayo..." June whispered.

Umahon siya agad. Nagising si Nan dahil doon at nilingon na ako. Tumayo si June at nagmamadaling lumabas ng kuwarto habang niyayakap ako ni Nan.

"Chayo..." she called silently.

"Patay na raw si Tito Carlos! Patay na si Mommy! P-Paano ako? Si Kuya Levi? Si Chantal?" I asked Nan desperately.

Nagkukumahog na umakyat ang mga kasambahay na tinawag ni June. Inalo ako ng mga kaibigan hanggang sa dumating si Manang Lupe at nag-utos na ng pagkain at tubig para sa amin.

Inalalayan ako pababa, tahimik na ang bahay. Wala na ang mga naabutan kaninang mga tauhan at pulis na pakiramdam ko'y panaginip lang ang lahat. At sana nga ay panaginip lang!

Unti-unti kong napansin ang aawa sa mga mata ng mga kaibigan. Pati sa mga sumundo sa kanilang pamilya, nakita ko ang awa habang tinitingnan ang ayos ko. Something about being the only del Real left in our house and the pity that I am receiving woke me up.

"Ayos lang po ako rito. Maraming salamat. Nagulat lang ako sa lahat ng nangyari kahapon," pilit kong pinatatag ang boses ko.

Wala akong pakealam kung kita ang panghihina ko.

"Chayo," si Nan.

"Salamat sa inyo."

"Nancy, that's enough. We all care for Chayo but I think she will need her privacy on this matter," ang Mommy ni Nan.

Yumuko ako dahil hindi ko alam paano ipapaliwanag sa mga kaibigan ang kagustuhan kong pansamantalang mapag-isa.

Nang umalis sila, alam kong hindi ako nakapagpasalamat ng maayos sa mga kaibigan. I can only hope that they will understand it. In time, maybe I can finally say my gratitude properly.

"Manang Lupe..." tawag ko nang sa wakas ay nagkaroon na ng lakas.

Nanatili ako sa sala, kung saan ako iniwan ng mga kaibigan at ng kanilang mga pamilya. Naghintay ako na may magsabi saa akin sa lahat ng mga nangyayari pero pinili ni Manang Lupe na manahimik at huwag na muna akong sabihan ng kahit ano. I was desperate for news about my brother and Chantal. I was desperate for news about my mother... and then Tito Carlos.

Kasabay ng pangalawang tawag ko sa kanya ay ang pagdating ng SUV ni Daddy.

Hindi ko na alam kung para saan ang mga luha ko. Siguro halo-halo na ang nararamdaman ko. Sinalubong ko ang pagpasok ni Daddy.

He looked so forlorn and weak. Alam niya ang nasa mga mata ko pero sinalubong niya pa rin ako ng kahinaan.

"Kasalanan mo 'to!" I screamed at him as I punched his chest.

Niyakap niya ako ng mahigpit habang panay ang tapon ko ng mga suntok. Bumuhos ang mga luha ko at humagulhol ako. Sa kauna-unahang pagkakataon sa araw na iyon, naibuhos ko ng buong-buo ang sakit.

"Kasalanan mo 'to! Wala na si Mommy! Gusto ko siyang makita! Umalis siya dahil sa'yo!" sunod-sunod ang paratang ko.

"I'm sorry," he whispered painfully.

Isang hagulhol ang narinig ko kay daddy habang niyayakap ako. Nanginginig ang paulit-ulit niyang mga salita.

"I'm so sorry, Charlotta. I'm... sorry."

He's shaking. My heart hurt but there's just no stopping my anger.

"At kung hindi mo pinahabol sa mga tauhan mo si Kuya Levi, hindi sana nagkaganoon! Anong nangyari kay Kuya? Anong nangyari sa kanya? Kasalanan mo 'to, Dad! Lahat ng ito!"

Hindi siya nagsalita. Nanatili siyang umiiyak habang nakayakap.

"Si Chantal! Daddy! Nandoon si Chantal kasama ni Kuya! Anong nangyari sa kanila?!"

Nagpatuloy ang kanyang hagulhol. My eyes widened and started with my stronger punches.

"Anong nangyari kay Kuya at Chantal?"

"Chantal Castanier is now stable, hija. I'm sorry, Chayo," he cried still but I was merciless.

"At si Kuya?" hindi ako huminga sa narinig na balita.

"Your brother took the critical hit. Katatapos lang operahan pero kritikal pa rin-"

"This is your fault you monster!" I screamed so broken hearted.

Pakiramdam ko mas masakit pa ang nararamdaman ko kaysa sa pagkamatay. Kung sana ay namatay na lang ako sa isang iglap, hindi pa ako masasaktan ng ganito! I'm pretty sure now this is really worse than dying. I would love to die than feel this way.

"I'm sorry, Chayo," ulit niya habang umiiyak at hindi natitinag sa mga suntok ko. "P-Please, let me grieve for your mother. I lost Rosario-"

"You lost Mommy a long time ago! Noong nambabae ka, Daddy!" galit na galit kong salubong sa kanya.

Hindi na siya nagsalita. Hindi ko alam kung ano ang uunahin kong isipin. Nag-uunahan ang pag-aalala kay Kuya Levi at Chantal, at ang katotohanang wala na si Mommy... at ang...

I pushed Daddy away when I realized what's next. Nanghihina siya at hindi na kasinghigpit ng yakap niya kanina ang yakap sa akin. Napaatras siya. He looked sorrowful and in so much pain but I am busy with my own to worry about his!

"At si Tito Carlos! Pinatay mo si Tito Carlos!" paratang ko.

Dumaan ang galit sa kanyang mukha, natabunan ang lungkot at pighati.

"He deserved it!"

My jaw dropped and realized that what I heard earlier that day was true. Tito Carlos is dead. And... Daddy killed him?

"Damn you, Daddy! You have no right to grieve and be sorry for anything! You are a monster!"

Hindi ko alam paano ko nakayanan ang linggong iyon. I wanted the world to stop while I grieve for everything but it just wouldn't.

Nagpatuloy ang pag'aayos sa lamay ni Mommy. Ako pa mismo ang nauna roon sa araw na iyon at mag-isa kong iniyakan ang ina.

Sa huling mga araw niya sa mundo, kapayapaan at kasiyahan ang tanging naramdaman niya, kung pagbabasehan sa kanyang mukha ngayon. She looked pretty in white and it looked like she didn't struggle or anything. She looked free.

Hindi ko nga lang alam kung bakit kahit na ganoon ang tingin ko, patuloy pa rin ang mga luha ko. I cried and called for her name that day as I hugged and kissed the glass partition.

Hindi ko maialis sa akin ang tampo. Bakit mo kami iniwan, Mommy? Bakit hindi mo kami hinayaang alagaan ka?

Hindi ko kayang sabihin na si Kuya Levi ay kasalukuyang kritikal sa ospital. But I was sure she knew that now.

"Mommy, please save Kuya... and Chantal!" I pleaded.

As I continue crying and grieving, the pain was becoming worse. Hinawakan ako ni Manang Lupe habang haalos katukin na ang kabaong ni Mommy.

"Mom, please, isama mo na ako please... Mommy... Sasama ako... Isama mo na ako, please Mommy. I wanna go with you please," I pleaded more like a child Charlotta who wanted to go with her Mom to wherever she's going.

Dahil sa kalagayan ko, hindi ako pinahintulutang bumisita kay Kuya. I wanted so bad to go visit him but I just didn't have enough strength to disobey anyone. Madalas pa rin kasi ang pagkakatulala ko at ang kahit anong away at galit, aksaya ng panahon at lakas para sa akin.

Hindi ko na kailanman kinausap si Daddy. Halos hindi ko nga siya matingnan. It's like he's nothing to me.

Dumagsa ang mga taong nakiramay. Ako ang laging naroon samantaalang salit-salitan naman si Daddy dahil sa pagbibisita kay Kuya Levi.

"Pinalayas daw ang mga Castanier," naririnig kong usapan ng iilang kaibigan ni Mommy sa lamay.

Nasa unahan ako at katatapos lang makipag-usap sa iilang kaibigang bumisita nang nahagip iyon ng tainga ko.

"Galit na galit si Luis at pinasok na ang bahay nila."

Yumuko ako. I hated Daddy more and more each day.

"Nakakaawa naman. Nasa ospital pa, hindi ba, si Chantal?"

"Oo. Habang binabantayan siya ng kapatid, pinagtatapon naman ng mga tauhan ni Luis ang mga damit at muwebles sa bahay nila. Buti nga sa kanila! Kasalanan ni Carlos iyon! Alam niyang may-asawa na si Rosario, dapat kahit na pinakiusapan siya, hindi na siya nakealaam!"

"Pero malay mo, maganda naman ang intensyon ni Carlos? Kilala ko 'yon at walang kapintasan ang bait at paaggalang-"

"Kahit na! May asawa pa rin 'yong tao! Nothing can justify cheating!"

"Saan naman daw ang lamay niya?"

I stiffened. I have been hearing about everything but it seems like I couldn't accept it. Tito Carlos. Dead.

And wait... am I hearing it right? Cheating? Who? Mommy? Daddy? Mommy? Tito Carlos? Mommy and Tito Carlos?

Impossible!

"Sa bahay pa rin nila? Kahit ganoon na? Nagkalat mga gamit sa labas?"

"Anong sa bahay? Alam ko kinuha ng kamag-anak ang bangkay ni Carlos. At siguradong aalis na rin ang magkapatid-"

"Ha? Eh, hindi pa maayos ang babae, ah?"

"Mapipilitan sila dahil nag deklara si Luis na palayasin ang lahat ng Castanier sa Altagracia at sa lahat ng karatig probinsiya! Kung hindi pa 'yon aalis sa araw na ito, naku, baka pati iyong si Chantal, ipatapon na rin sa labas ng ospital!"

"Kahit ganoon ang kondisyon?"

"Namatayan si Luis ng asawa kaya oo! Kahit pa naghihingalo sigurado akong palalayasin 'yan ng walang pag-aalinlangan ni Luis!"

Maagap akong tumayo. Nilingon ako ni Manang Lupe, hindi napapansin ang naririnig ko. Alam kong pag napansin n'ya 'yon, baka kanina niya pa sinaway ang mga taong nagtsi-tsismisan.

"Chayo?"

"Pupunta po ako ng ospital, Manang. Bibisitahin ko si Kuya,"sambit ko.

"Pero Chayo, wala pang malay si Levi at mas mabuti sa kanyang magpahinga na lang muna," sabi ni Manang.

Truth is, I won't be there to stop Daddy or anything. I am still torn about my feelings for Tito Carlos' action with regards to my mother but I know Chantal and Leandro isn't involved. Bukod pa sa nasaktan at nanganib ang buhay ni Chantal dahil kay Kuya Levi at mga tauhang inutusan ni Daddy para habulin sila.

I will be there to warn Leandro and ask him to go away, instead. Bago pa magpamalas ng galit si Daddy at may mapahamak na naman.

Daddy. I am still not done dealing with him.

Kaya lang, dumating ako sa ospital na wala na ang mga Castanier. I was told they were thrown out because the province's most powerful family want them out. And for that... I didn't know what to feel.

Yumuko ako habang hinahawakan ang kamay ng kapatid na wala pa ring malay hanggang ngayon. In that small hospital room, I let my tears flow freely. I let go of them all like how I probably should let go of my girlhood.

Sa sitwasyon namin ngayon, wala akong ibang maaasahan kundi ang sarili. This is about my family, my life, and my responsibilities... to carry on despite everything... My heart and everything about it... is nothing.

I cried as I bid good bye to that petty day in front of an art for love, one fine day with Leandro and his dreams. I cried to express my farewell for the young Chayo of Altagracia.

My father, Luis del Real, is full of his stupid ego. My mother, Rosario del Real is dead. My brother, Luis Javier del Real, is fighting for his life. I am the only del Real sane enough to hold my family together and that can't be held together by my soft and small hands.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro

#jonaxx