Kabanata 23

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng




Kabanata 23

History


"Ma'am Chayo, tawag ka po ni Sir."


Tumango ako dahil kanina ko pa alam na tinatawag ako ni Daddy. Kahit naman sa pagdating ko kanina, naririnig ko na ang pagwawala niya sa veranda at ang maraming namimigil at nang-aalong kasambahay.


"Sandali lang po," sabi ko habang unti-unting hinuhubad ang heels na suot.


Kagagaling ko lang sa Bacolod dahil may mga binili roon at kinita ko rin ang dalawang matalik na kaibigan. Kauuwi lang ni June galing sa kanyang out of the country trip at si Nan man ay bibisita rin sa kanilang farm pagkatapos manirahan ng mahabang panahon sa Maynila. Sinadya ko na dahil ilang buwan na rin simula nang huli kaming nagkitang tatlo at sa loob din ng ilang taon, bilang na lang sa mga daliri ang pagkikita namin.


Ganoon nga siguro kapag tumatanda na at naging mulat na sa totoong buhay. Hindi na gaya noon na lagi'y magkasama kaming tatlo.


After Senior High, sa Maynila nag-aral si Nan at si June naman ay sa Cebu. Gustuhin ko mang mag Maynila rin pero mahirap gawin sa aming sitwasyon.


My father was one of the main suspects of Carlos Castanier's death but he swore he didn't kill him. He wanted to kill him and he could kill him but he didn't. Kalaunan, lumabas din ang katotohanan. Tinakbuhan ni Tito Carlos ang mga tauhan ni Daddy at dahil gabi at maulan iyon, nadulas siya sa isang bangin at nanghina. Nahulog di siya sa ilog sa kasagsagan ng malakas na ulan at dahil sugatan at nanghihina, hindi na naka survive.


Back then, I couldn't even believe Daddy's words, but it was backed up with scientific evidences and testimonies. After it, I still think he did it. Na maaaring pinabugbog niya si Tito Carlos hanggang sa mawalan ito ng malay at pinatapon sa ilog. Gusto ko siyang sisihin. Ang dali-daling isisi sa kanya lahat. Hindi ko nga lang alam kung dahil ba sa panahong nagdaan o sa kaisipang sa huli, ama ko pa rin siya, unti-unti ko na ring tinanggap ang lahat.


Mommy died in the arms of the person she loves. May kaunting kirot sa aking puso, nagtatampo noon, dahil hindi ako naging sapat masiyahan siya sa huling hininga. Hindi kami naging sapat ni Kuya Levi para masiyahan siya na kami ang kapiling niya hanggang sa huli. But like my anger for Daddy, eventually, I have learned to forgive her, too. I love her so much and I miss her every day. Sa iilang taong nagdaan, minsan na rin kaming nakapag-usap ni Daddy ng masinsinan. Alam ko na rin ang mga hinanakit niya at ang mga dahilan. May pagkukulang siya pero siguro wala namang perpekto sa mundong ito.


"Chayo, ilang araw na lang at babalik ka na ulit sa eskuwela, hindi ka nawawalan ng gala," si Daddy isang araw noong College pa ako.


Hindi ko na siya tiningnan. I didn't accepted him in a blink of an eye. It wasn't easy. I didn't know how to revert my feelings and my familial love for him.


"Boring dito, Daddy. Aalis kami nina Jed at may salo-salo sa kanila kasama ang mga kaibigan," sabi ko nang 'di siya nililingon.


"Ang akala ko ba mamayang gabi pa iyon? Umaga pa at baka gusto mo namang kumain muna tayo sa-"


"Boring nga rito, Daddy! Ayoko!" tumaas ang boses ko sa iritasyon at nilingon siya.


Iyon nga lang, nang natingnan ko siya at nakitaan ko ng hilaw na ngiti at pagkakalungkot sa kanyang mukha, parang kinukurot ang puso ko. It was as if he's trying to make it light even when my shouting startled him.


"Pinaluto ko kasi ang paborito mo at..." he smiled sadly again.


Luis del Real is known to be a disciplinarian and strict when it comes to our business but he never was to his children. Simula noong nawala si Mommy, mas lalo lang siyang naging malupit sa mga tauhan at mas lalo ring naging malambot sa akin. Kaya lang galit ako at hanggang ngayon galit pa rin.


In that particular day, however, he looked really old to me. Ang manipis na buhok ay purong puti na at ang istriktong mukha, kumukulubot. Samahan pa ng ngiting pilit at malungkot na mga mata, parang may humahawak sa puso ko.


"Baka lang gusto mong imbitahin ang kaibigan mo rito para... makilala ko ng husto pero... kung-" he was about to agree to me, like usual.


Like usual, though, I ignore him and don't notice his age and his determination to reach out. But in this particular day, I noticed everything. I remember how it was before I lost Mommy. And then I thought about losing Daddy.


Oo, galit ako sa kanya at sinisisi ko siya sa lahat pero alam kong mamamatay ang puso ko kapag nawala siya sa akin. I have always been a Daddy's girl ever since. And it made me happy that they all think I am his carbon copy, in terms of attitude. Nawala lang simula noong nambabae siya. At kalaunan, lalo lang tumaas ang pader na nakapagitan sa aming dalawa. At ngayon, tila may dagat na rin sa gitna.


"Kakain ako bago umalis," sabi ko at iniwas ang tingin sa kanya.


"Talaga, anak? Mabuti. Sige, handa na ang lamesa!" he said joyfully. "Sa veranda tayo."


I immediately regretted it. Kung alam ko lang na wala rin naman akong masasabi at hindi ko kayang makipagplastikan sa kanya sa hapag, sana tumulak na lang ako.


Nakaupo ako sa harap niya sa isang four seater table sa veranda. This is where he usually eats. Ayon kay Manang Lupe, ayaw na raw niya sa dining table dahil mahaba iyon at siya lang ang kumakain kapag nasa Dumaguete ako para mag-aral.


"Handa ka na ba sa susunod na pasukan?" tanong niya.


Kanina pa siya tanong nang tanong at puro oo o hindi lang ang sagot ko nang 'di siya tinitingnan. That's why I regretted agreeing to do this. It's useless and pretentious.


"Opo," sabi ko habang tinitingnan ang pagkain ko.


"Balita ko maganda raw ang mga marka mo. Gusto ko talagang dito ka na mag-aral sa Altagracia pero kalaunan, masaya na rin ako na sa Silliman. That's where I graduated, anyway."


Hindi ko na dinugtungan ang sinabi niya. Nagpatuloy lang ako sa pag kain.


"Naaalala ko rin sa mga huling taon ng Mommy mo roon, madalas ko siyang sunduin," he recalled happily.


It had been years and it's been tough. I'm still not over it and I cannot even talk about Mommy without crying or getting mad at him. Binagsak ko ang mga kubyertos at uminom na sa baso. I hoped he'd take the hint. Alam niyang hindi ako kumportableng pinag-uusapan namin si Mommy lalo na kapag nanggaling ang mga alaala sa kanya. All I think about is his cheating and everything that he did. He didn't take the hint, though. He continued.


"Nagagalit pa siya dahil-"


"Puwede ba, Dad? Tama na ang pag-alala sa history n'yo ni Mommy kasi kahit anong sabihin mo, plastik pa rin sa pandinig ko?" hindi ko na napigilan.


Bumaling siya sa mga pagkain, nabitin sa ere ang ngiti at unti-unting napawi. I was about to wipe my lips and walk out. I regret my decision more this time but he spoke.


"I love your Mommy, Chayo. I know it's hard to believe when all I did was-"


Tinapon ko ang table napkin sa harap ko para sumbatan siya. Ilang beses na kaming nag-away ng ganito at lagi'y nagwo-walk out ako bago siya makadagdag. Ngayon lang na gusto kong sumumbat din.


"If your love means being a cheater, Daddy, then I don't care about your kind of love!"


Kitang-kita ko ang lungkot at pagsisisi sa mga mata ni Daddy. Nagpatuloy ako, uhaw sa pananakit sa kanya.


"You were always with your mistress! You brought shame to her even in her final days! Is that your kind of love? Mas mahal mo pa ang mga kabit mo! I'm even surprised you didn't remarry immediately after her burial-"


"Chayo!" he shouted.


Kahit pa galit ako, ang sigaw ni Daddy ay dumagungdong sa buong kabahayan dahilan ng pagkakatigil ko, may kaunting takot na naramdaman. I saw some tears in the side of his eyes.


"Ang Mommy mo lang ang tunay na minahal ko hanggang ngayon!"


My eyes narrowed. Gusto kong matawa.


"Yes, we were a product of a pragmatic marriage but I've learned to love her, truly. When I thought I couldn't get myself to love a woman, I was wrong! Dahil minahal ko ang Mommy mo at hanggang ngayon, mahal ko pa rin siya."


"I don't believe you!" mariin kong sinabi.


"She was crying on the happiest day of my life, when I married her. She was crying not because of her joy to marry me. She cried because she wanted to marry someone else! Ang akala ko'y magbabago iyon pagdaan ng panahon pero sa huli, sinabi niya sa akin na kahit kailan hindi siya nawalan ng pagmamahal sa hayop na Castanier na iyon!"


It didn't shock me. Ilang pagtatalo namin ni Daddy, narinig ko na ito. Isa rin sa rason kung bakit nagtampo rin ako kay Mommy but it's no reason to cheat. He had no right to cheat on her!


"If you think her feelings for Tito Carlos could justify your cheating, then you're wrong, Daddy!"


Pumikit siya ng mariin. Kitang-kita ko ang mga luhang bumagsak sa kanyang mga mata.


"I know, Chayo. I regret it all," his voice broke. "I couldn't see through my pain and my hurt ego."


Humagulhol si Daddy sa pag-iyak. Ang kanyang kulubot na mukha ay mas lalong nalukot. Then I noticed his body is also thinning a bit. Or was I played by my imagination? Do I finally feel pity for the person who I think is a monster?


"Pinagsisisihan ko ang lahat lahat at kung puwede lang ibalik ang panahon, tinanggap ko na ang tira tirang pag-ibig niya!"


My eyes widened at that. For some reason, my heart hurt. Somehow, I remember a familiar pain in the far past.


"Dapat hindi ko na inisip pa ang sarili ko! Dapat sana minahal ko na lang siya kahit na may iba siyang mahal! Even if she couldn't love me the way she passionately loved him, I should have settled!"


Funny how I am really his carbon copy, huh. Dahil tingin ko, hindi ko rin matatanggap ang tira-tirang pag-ibig. But unlike him, I wouldn't cheat or do stupid things.


"I regret it so much, Chayo, anak! Alam kong hanggang ngayon, sinisisi mo ako at tama ka! Dahil ako man, sinisisi rin ang sarili! I just wanna let you know that I love your Mom, unlike what you always believed."


Tears trickled on my cheeks. Hindi niya na kita iyon dahil abala na siya sa sariling sakit at mga luha.


"I cheated on her so many times because it was my way to cover up for my hurt ego-"


"That doesn't justify anything!"


"I know that now. And I truly regret it. Believe me, I truly regret it. Ang sakit na makita ang mga mata ng Mommy mo, kaharap si Carlos, masaya at malambot! Ang sakit na minsan ay napapansin kong sadya ang pagkakasira ng mga kagamitan para lang humingi siya ng oras na makita ang hayop na 'yon! Masakit na bata pa lang kayo ni Levi, minsan ko rin silang nakitang naghahalikan at nagtatagpo! Ilang taon ko iyong dinamdam at ilang taon kong sinikap na tanggapin pero sa huli, nagpadala ako sa poot! Still, I truly regret how I let myself do the things I did!"


Suminghap ako. I still think Daddy is an asshole but I've always known that I'm hurt with Mommy's decisions. Cheating, after all, isn't just about having sex outside marriage. It is also about being emotionally attached to someone else outside of it. To know that before he cheated on her, he's seen Mommy do physical things with Tito Carlos hurt me more.


"I didn't love anyone of my mistress, Chayo. I was generous to them. I know this doesn't count. Nothing I did was right and I regret them all. Pero masakit na makitang hindi man ako pinahiya ni Rosario, harap-harapan niya namang inaamin na hindi niya ako kayang mahalin gaya ng pagmamahal niya kay Carlos! Hindi niya ako niloko dahil simula pa lang, inamin niya na sa akin na iba ang mahal niya!" Umiling si Daddy. "But if I was only considerate. If I've only appreciated that she stayed with me and have children with me, this wouldn't happen!"


Tumigil siya at nagpunas ng mga luha. Nanginginig ang kanyang mga kamay.


"I'm sorry if I have ruined our breakfast, anak," his voice struggled.


Marahan akong pumikit. The silence of the moment made my heart hurt. The way he struggled to inhale because of his tears and the whisper of the morning air from our view of Mount Canlaon did something in me. It had been years and my Daddy isn't perfect. Nobody is. Mommy isn't perfect, too. But I love her, still.


Tumayo ako at unti-unting lumapit sa tumatandang ama. He is a heartless monster but he is my father. He loved her the wrong way but what if that is the only way he knows how to love?Sa gilid niya, habang pinupunasan ang mga luha, niyakap ko siya. Lalo siyang nanginig sa pag-iyak.


"Thank you for spending this morning with me, Chayo. I know I don't deserve anything from you. Marami akong nagawang kamalian pero sana kahit magalit ka sa akin, alam mo na mahal ko ang Mommy mo," he said.


Hindi ko masabing ayos lang. Na naiintindihan ko ang lahat ng ginawa niya dahil sa totoo lang, hindi iyon tama. Pareho silang may pagkukulang ni Mommy. It complicated because of his decisions and that was what Kuya Levi believed. He couldn't forgive Daddy. I couldn't, too. I still blame him. I just know that even when I'm mad at him for it, he's still Daddy.


"Alam kong hindi n'yo ako mapapatawad ni Levi pero hindi ako mapapagod na maparamdam sa inyo na pinagsisisihan ko ang lahat. Hindi ako mapapagod na ipaalam sa inyo na mahal ko ang Mommy ninyo."


Ilang buwan din ang naging recovery ni Kuya Levi pagkatapos ng aksidente. All he thinks about was Daddy's faults. He blamed him. He couldn't see Daddy without shouting at him or without expressing his anger. Daddy was submissive and he let him express his pain. At sa iilang pagtatalo nila, lagi'y sa huli inaalala ni Daddy ang kalagayan ni Kuya.


I blamed Daddy for Kuya Levi and Chantal's accident. Kung hindi niya inutos na habulin ang sasakyan ni Kuya, hindi mangyayari kay Kuya at Chantal iyon. Everything piled up for me that it took me years to finally talk to him like this.


Kuya believed that Dad killed Tito Carlos. I believed that, too. The del Real money has no boundaries. He could always pay everyone just so he'd come clean but in heated moments when he tells everything truthfully, it was always consistent. He hated Carlos Castanier and every last Castanier in the country. He wanted to kill him. He wanted him to die. If he was near him, he could've killed him with his shotgun, but it was a long, dark, and stormy night, and his men couldn't find him after they beat him. Yes, his men did beat him up but it wasn't enough to kill him. In fact, he was still able to run and lose them. They were all searching for him just so he could finally end his life but they couldn't. He didn't kill him.


And now, seeing his tantrums after years and years of memories, I feel like his rage wasn't really tamed. He loved Mommy so passionately, in his own way, that even after all these years, for him it felt like yesterday.


Galing sa isang maliit at magandang dress, nagsuot ako ng isang kumportableng racerback shirt at maong jeans. Kahuhubad ko lang ng heels at pinalitan ko iyon ng isang itim na boots - like how I usually look when I visit our azucarera.


I am now managing it as Daddy is too old to do it. Kuya Levi ran away after his recovery. He didn't want to have anything to do with the del Real money - Dad's money. He didn't want to manage anything Daddy owned. He didn't completely cut our cords. He calls me often and he's now successful on his own. Kaya walang ibang aasahan sa asukarera kundi ako.


Bumaba ako galing sa aking kuwarto at sa paanan pa lang ng hagdanan, nakita ko na ang mga nagkalat na gamit. Abala ang mga kasambahay sa pagliligpit sa mga bubog pero sa dami ng naroon, hindi pa tuluyang naayos.


Nilingon ako ni Manang Lupe, ang ginhawa sa mukha nang nakita ako'y kitang-kita. Umiling ako at tiningnan si Daddy na nakatalikod at nakaupo sa wheelchair. Ang mga upuan at lamesa sa kanyang harap ay pare-parehong nagkalat. Wala na siyang gaanong lakas pero mukhang nagkaroon dahil sa balitang kumalat nitong umaga lang.


"Nasaan na si Chayo?!" he screamed and pushed a boy worker who tried to right the table.


"Daddy!" saway ko.


Matanda na si Daddy at sa nagdaang panahon, hindi ko kailanman siya nakitang ganito ka galit. I kissed his cheek like usual and then he looked at me with fury and tears in his eyes.


"Sorry, kagagaling ko lang ng Bacolod kaya nagpahinga ako saglit."


"Ang punyetang Castanier na 'yon ay may gana pang magbalik!" sigaw niya.Huminga ako ng malalim. Hindi pa dapat ako uuwi pero tinawagan ako dahil may problema raw. Nalaman din ni Nan at June ang tungkol dito at hinayaan na akong umuwi. They offered to come to Altagracia, too, to visit me instead. Hindi man lang kami nakapagbakasyon ng magkasama dahil may problema ulit na ganito.


"Tito Carlos is dead, Daddy. Si Leandro siguro iyon," sabi ko.


"Wala akong pakealam!" his voice thundered.

"Alam nilang hindi na sila dapat pang bumalik ng Negros pero makakapal ang mukha at nagbalik pa rito mismo sa Altagracia!"


The history is indeed taboo. However, Daddy's rage is too much. Kaya lang... ano pa ba ang babalikan ni Leandro rito? Matagal nang ipinagbili ang bahay nila at inakala kong hindi na iyon babalik pa.


"Hijo de puta! Naaalala ko ang lahat ng nangyari at kung hindi siya aalis ay ako mismo ang dadayo at magpapalayas sa animal na 'yon!"


"Daddy, anak lang siya ni Tito Carlos. Walang dahilan para magalit ka-"


"Kahit na! Alam ng mga Castanier na hindi ko na gustong makita sila rito kaya bakit pa sila magbabalik?"


I wonder if Leandro knew about Mommy and Tito Carlos? But then what Daddy did to him and Chantal in that hospital years ago probably made him so angry. Baka nga bumalik lamang iyon dito para makapaghiganti sa nagawa ni Daddy.

"Palayasin mo ang hayop na iyon, Chayo! Kung hindi ay tatayo ako rito at ako ang magpapalayas sa kanya, kung hindi ko man iyon mapatay bago pa siya makatakbo!" Daddy's voice thundered.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro

#jonaxx