Kabanata 23

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Grief

Still 1999...

"Viana, halika na. Uwi na tayo." Hinawakan ng daddy niya ang kamay niya para mahila siya patayo.

Umiling siya at pumiglas. "Paano si Ami, daddy? Mag-isa siya rito." Humikbi siya at tinuro ng puntod ng kapatid.

"Wala na si Ami, Viana. Patay na ang kakambal mo. Hindi na natin siya kailangang samahan," malumanay pero nasasaktan na sagot ng daddy niya. Kinarga siya nito para makauwi na sila.

Ayaw niya kasing umalis, nangako siya sa kakambal na hindi niya ito hahayaang mag-isa at palaging sasamahan. Hindi niya pa kayang tanggapin na wala na ito, parang nandito pa rin si Ami at nagbibiro lang. Sa bawat araw na lumilipas na wala ito, umaasa pa rin siya na bigla na lang itong magpapakita at yayakapin siya.

"Daddy, kasalanan ko ba na wala na si Ami? Kasalanan ko, daddy?" tanong ni Viana na nakayakap sa ama habang patungo sila sa sasakyan.

"Hindi, anak. Walang may gusto na mawala si Ami. Aksidente ang nangyari." Hinaplos nito ang likod niya.

"Si mommy, galit po ba siya sa akin?" Hindi ka siya nito kinikibo o kahit tingnan man lang ay hindi nito magawa. Naisip niya na baka mas gusto nitong siya na lang ang namatay kaysa kay Ami.

"Hindi, hindi siya galit. Malungkot lang ang mommy kasi masakit mawalan ng anak. Intindihin mo muna ang mommy mo, matatanggap din niya na hindi na uuwi sa atin si Ami." Narinig niya ang pagbuntonghininga ng ama.

"Kailan ko ulit siya makikita? Mami-miss ko siya palagi, daddy." Walang kaide-ideya ang batang si Viana na sa buhay na ito, imposible nang magkita pa sila ni Ami.

"Balang-araw, 'nak, pero hindi muna ngayon. Lalaki ka pa at tatanda. Hindi ba may mga pangarap kayo ni Ami? Kailangan mo 'yong tuparin kahit wala na siya. Magiging masaya siya sa heaven kapag nagawa mo ang mga gusto niyong gawin nang magkasama." Ngumiti ang ama niya pero bakas sa mga mata nito ang lungkot. "Lagi mong ipag-pray na sana nasa maayos na lugar si Ami, sana masaya siya kung nasaan man siya ngayon."

Tumango siya. "Opo, daddy. Hindi ko siya makakalimutan kasi kakambal ko siya, eh."

Days have passed since Ami's funeral, naghihilom na rin ang tahi mula sa kidney transplant ni Viana pero wala man lang siyang nakikitang pagbabago sa ina. Ang daddy niya ay kailangan nang magtrabaho para maipagtustos sa kanila. Narinig niya na nakulong ang nakabangga sa kapatid niya at isa pa iyon sa inaasikaso ng kanyang ama. Dahil hindi nga maganda ang lagay ng mommy niya ngayon ay kumuha muna sila ng kasambahay na mag-aasikaso sa kanya, sa mommy niya, at sa bahay nila.

"Mommy, sabi ni teacher, magaling na raw ako sa math, pwede na ako ilaban sa contest. Tingnan mo, mommy, o! Muntik na akong maka-perfect score," maligaya niyang sambit sa ina na wala pa ring kibo hanggang ngayon.

Aalis sana siya nang biglang gumalaw ang ina at maharang hinaplos ang pisngi niya. Napangiti siya dahil sa wakas ay magaling na ang mommy niya.

"Ami," bulong nito at hinawakan ang kamay niya.

Umiling siya. "Mommy, si Viana ako."

Ang ina niya ay parang walang tenga at patuloy lang sa paghaplos sa kanya. "Ami, anak, sabi ko sa daddy mo ay uuwi ka rin. Nandito ka na." Niyakap pa siya nito at saka umiyak sa balikat niya.

"Mommy, si Viana ako." Humikbi siya at nabitiwan ang hawak na papel. "Mommy, hindi na uuwi si Ami. Wala na si Ami, mommy. Patay na siya."

Nagulat siya nang bigla siya nitong itulak at sampalin nang malakas. Napaiyak siya sa sakit ng sampal, napahawak siya sa pisngi niya at takot na takot na lumayo sa ina na nanlilisik ang mga mata sa kanya.

"Huwag kang magsasalita nang ganyan! Hindi mo ba alam na dahil sa iyo namatay si Ami?! Namatay ang kakambal mo dahil sa iyo dahil sa katigasan ng ulo mo!" Hinila siya at pinagpapalo siya kung saan man dumapo ang kamay nito.

Walang nagawa si Viana kung hindi saluhin lahat ng hampas ng kamay ng kanyang ina sa mura niyang katawan. Napapahiyaw siya sa sakit mula sa palo na may halong pagkamuhi. Alam niyang hindi siya makakalaban at wala ng magtatanggol pa sa kanya.

"Ma'am, kumalma po kayo. Nasasaktan na po si Viana," awat ng kasambahay nila.

Tumigil naman ang mommy niya pero hindi pa rin siya nito binitiwan. Bumaling ito sa kasambahay at ito naman ang pinag-initan. "Sino ka? Babae ka ng asawa ako, 'no?"

"Ma'am, kasambahay niyo po ako." Pilit siyang kinukuha ng kasambahay dahil inaabot niya ito para makaalis sa pagkakahawak ng mommy niya.

"Lumayas ka! Hindi naman kailangan ng kasambahay! Ayoko nang may ibang babae rito sa bahay! Umalis ka!" sigaw ng mommy niya.

Takot na takot siya ngunit wala naman siyang magawa. Ayaw man siyang iwan ng kasambahay ay wala rin itong pagpipilian.

"Mommy, tama na po," sambit niya habang tumutulo ang mga luha at nginginig ang katawan dahil sa takot.

Hindi ito nagsalita at kinaladkad lang siya patungo sa kwarto nila ni Ami. Sandali pa itong natigilan nang masulyapan ang mga gamit ng kakambal na hindi pa rin naitatago. Naglakad ito papunta sa malaking aparador at binuksan iyon.

"Ayaw kitang nakikita dahil naalala ko si Ami," sabi ng ina at ipinasok siya sa loob.

"Mommy, ayoko dito! Mommy, ayaw ko!" apela niya at pinigilan ito sa pagsara ng pinto ng aparador.

"Mommy, madilim dito! Mommy, natatakot ako!" sigaw niya pero walang nagbukas ng nakakandadong pinto ng aparador.

Kinalampag niya ang aparador at paulit-ulit na tinawag ang ina ngunit walang nagligtas sa kanya. Nakuha niyang napagod sa kahihingi ng tulong at paghampas ng pinto. Nanginginig ang katawan niya sa takot at hinahabol din niya ang hininga dahil kakaunting hangin lang ang nandoon.

"Ami," tawag niya sa kakambal na alam niyang hindi naman sasagot o darating.

Wala na siya sa tamang pag-iisip dahil nahihirapan na rin siyang huminga. Dahil sa pagod at takot ay hindi niya namalayan na tinakasan siya ng malay at nagising lang siya nang marinig ang boses ng ama sa labas.

"Nasaan si Viana?" tanong nito sa ina.

"Hindi ko alam, ayoko rin siyang makita. It's either I'll keep them both or just lose them both," sagot ng mommy niya na halatang wala na sa sarili.

"Daddy!" nanghihinang sagot niya.

"Saan mo dinala ang anak natin? Nasaan si Viana?" galit na tanong ulit ng ama niya sa ina.

"Hindi ko alam!" bulyaw ng ina niya.

Narinig niya ang mga yabag ng ama sa kwarto nila ni Ami kaya naman nagsisigaw siya at gamit ang natitirang lakas ay kinalampag ang pinto.

"Daddy! Nandito ako, daddy!" sigaw niya para marinig ng ama.

Nabuhay ang kalooban niya nang marinig ang pagkaalis ng lock ng pinto ng aparador. Bumungad sa kanya ang nag-aalalang mukha ng ama na kaagad siyang dinaluhan at inilabas sa aparador. Napaiyak siya dahil sa tuwa at nagpasalamat na dumating na ang ama na tanging kakampi niya ngayon.

"It's okay, I'm sorry. Daddy's here." Pinatahan siya nito.

"I swear I didn't know why she was there," depensa ng ina.

"Tama na, wala na si Ami at hindi ko na kakayanin kung mawawala pa si Viana. Alam kong kung gaano kasakit mawalan ng anak, anak ko rin si Ami. Hindi lang ikaw ang nasasaktan dito dahil lahat tayo nawalan. Nawalan tayo ng anak at nawalan ng kapatid si Viana, pare-pareho tayong nawalan, nasaktan, at nagluluksa." Tumingin sa kanya ang ama at napansin ang mga pasa niya sa katawan na mula sa pananakit ng ina niya.

Umiling ang ina niya. "Sorry, Viana, I'm sorry."

Ang akala niya ay magiging maayos na ang lahat pagkatapos no'n pero hindi pa pala tapos ang ina niya sa kahibangan nito na buhay pa si Ami. Kapag wala ang ama niya ay binihisan siya nito na parang katulad ng sa kakambal niya, tinatawag din siya nitong Ami na hindi niya gusto. Hindi siya makaangal dahil alam niya na sa oras na gawin niya iyon ay masasaktan na naman siya. Kapag darating ang daddy niya ay aakto ang ina na parang normal lang ang lahat.

Sa tagal nang ganoon ang sitwasyon nila ay naging bangungot ang buong panahon ng pagkabata niya. Hindi na si Viana ang nakikita niya sa salamin tuwing humaharap siya rito, si Ami na ang nakikita niya.

*****

Year 2001

"Ami," tawag niya sa repleksyon niya sa salamin.

Umiling siya at sinampal ang sarili. Ilang araw na siyang wala sa sarili. Hanggang ngayon kasi ay nangungulila pa rin siya sa kapatid, ang ina naman niya ay hindi pa rin siya tinitigilan. Hindi niya namalayan ang paglipas ng dalawang taon, para bang natulog lang siya sa loob ng panahong iyong. Gusto naman niya dahil kahit na ganoon ay nakatakas siya sa ina niya na hindi nga siya sinasaktan ng pisikal ay bugbog naman ang isipan niya sa mga salita nito. Parang si Viana kasi ang nawala at buhay na buhay naman si Ami.

"Mommy, tama na," bulong niya sa natutulog na ina.

"Miss ko rin si Ami pero huwag naman ganito. Nandito naman ako, nandito ako, mommy. Ako si Viana, mommy, hindi ako si Ami. Mahal na mahal din kita kagaya ni Ami pero alam ko naman na mas mahal mo siya at hindi mo siya kayang kalimutan. Ako naman ang nandito, ako na lang ang mahalin mo, mommy, please." Niyakap niya ang ina. Hindi niya masabi ang mga iyon tuwing gising ito.

Masakit man ang ginagawa nito sa kanya, hindi naman niya kayang hindi mahalin ang ina. Sila na lang ang magkasama sa bahay na ito dahil palaging wala ang daddy niya. Mahal na mahal niya ang mommy niya kahit ano pa ang mangyari, mahal man siya nito bilang Viana o hindi.

"Mia, halika ka na rito, anak. Kain na!" sigaw ng mommy niya.

Mia? Sino si Mia?

Dumungaw siya sa pintuan at nakita ang ina na nakangiti sa kanya.

"Halika na, anak. Lalamig na ang sabaw." Nilapitan pa siya nito at inalalayang umupo.

Nandoon ang daddy niya na hindi nagsasalita pero nakakuyom ang palad sa ibabaw ng mesa. Nagtama ang paningin nila, tinanguan siya nito na parang sinasabi na naiintindihan niya ang nangyayari. Malapit nang mawala sa sarili ang mommy niya kung hindi maaagapan. Pati siya ay malapit na ring mawalan ng pagkakakilanlan dahil sa ginagawa ng mommy niya.

"Viana, your mommy needs to leave. She needs help," sabi ng daddy niya nang silang dalawa na lang ang magkasama. "I want you to throw all Ami's things immediately. Let's help your mommy, 'nak." Hinilot ng ama ang sintido.

"Yes, daddy. I will."

Sinunod niya ang kagustuhan ng ama. Inilagay niya sa isang malaking sako ang lahat ng gamit ni Ami at kahit ang mga litrato nila nang magkasama. Wala siyang itinira kahit isa at habang ginagawa iyon, kinakausap niya ang kapatid.

Sorry, Ami. I don't want to throw all your stuff. I want to keep all of these because I kept missing you, but mommy needs help. She needs to accept that you are already gone and that you will never come home again. I'm sorry, Ami. I love you but it needs to end. I will never forget you though.

"What are you doing?"

Napalingon siya sa ina nang marinig ito. Nasa may pintuan ito at nakatingin sa mga nakasakong gamit.

"Why are you throwing your things away?" tanong ulit nito at lumapit sa kanya.

"It's not mine, mommy. It's Ami's," sagot niya at nilunok ang bara sa lalamunan niya.

Dumating ang daddy niya na may mga kasamang tao na hindi niya kilala. "Viana, your mommy will not be with us for the meantime," sabi nito at sinenyasan ang mga taong kasama na kunin ang mommy niya.

Tinakpan niya ang tenga niya upang hindi marinig ang sigaw ng ina niya habang kinukuha ito ng mga taong kasama ng daddy niya. Ayaw niyang marinig ang masasakit na pagsigaw ng ina. Kung nahirapan siyang tanggapin na wala na ang kakambal niya, mas nahihirapan siya ngayong imulat ang mata niya sa reyalidad na --ito na ngayon ang pamilya niya. Hindi na mababalik sa dati ang lahat kagaya nang hindi na muling uuwi pa ang kakambal niya. Ngunit kahit anong gawin niyang pagpikit at pagpapanggap na hindi nakakarinig ay nandoon pa rin ang sakit, damang-dama niya sa dibdib niya at nanunuot sa buong pagkatao niya.

Hanggang ang dilim na dahil sa pagpikit niya ay naging totoo na. She blacked out and once again, she is in a peaceful place. Ito ang lugar kung nasaan siya namalagi sa loob ng dalawang taon. Hindi niya nararamdaman ang sakit dito at parang gusto niyang nandito na lang palagi.

Alam niyang hindi ito ang langit dahil mag-isa lang siya. Hindi rin maliwanag ang kapaligiran, ang natatanging ilaw sa paligid ay nakatutok lang kung saan siya nakatayo. Walang hanggan ang kadiliman pero hindi siya nakaramdam ng takot. Wala siyang nararamdamam kung hindi kapayapaan, malayong-malayo sa nararamdaman niya sa katotohanan.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro