Kabanata 24

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Shattered Heart

Year 2013...

"Are you alright?" tanong ni Gael nang mapansin siya nitong tulala pagkatapos nilang magniig.

Sinulit nilang mag-asawa ang kaunting panahon na bakasyon ni Gael. Sa totoo lang, hindi pala madali ang ganitong setup. Oo, noong unang taon ay ayos pa siya dahil pinalawak niya ang pang-unawa niya, pero noong nakuhanan siya ay parang hindi na niya kayang mawalay pa sa asawa. Hangga't maaari ay gusto niyang lagi itong kausap, gusto niyang nakikita ang mukha nito kahit sa cellphone. Ngunit, hindi naman iyon maaari, ang sabi niya ay hindi niya hahadlangan ang pangarap ng asawa para sa sarili. Wala siyang magagawa kung hindi ibigay na lang ang buong suporta rito.

"Napagod lang ako," sagot niya at ngumiti.

Ngumisi ang asawa niya at mas niyakap pa siya nang mahigpit. "Talagang mapapagod ka sa ginawa natin."

Tumitig siya sa mukha ng asawa. "Sa tingin mo ba mabubuntis ulit ako? Ang daming naghihintay na magka-baby na tayo." Isa na roon ang mommy niya na kada araw na lang na lumipas ay walang ibang bukambibig kung hindi ang pagbubuntis niya.

"Ready ka na ba ulit? Kung hindi pa, huwag mo munang isipin 'yon. Marami pa tayong panahon, bata pa tayo at gusto ko pareho na tayong handa kapag nagkaanak tayo." Hinalikan siya nito sa sintido.

"Hindi ka pa ready?" tanong niya.

Bumuntonghininga ito. "Napag-isip-isip ko na hindi pa ito ang tamang panahon para sa bagay na iyon. Hindi kita maaasikaso at matututukan dahil nasa malayo ako. Gusto kong nandito ko sa tabi mo sa buong panahon na nagbubuntis ka. Importante iyon sa akin."

Ganoon pala. Ang akala niya ay takot pa itong iwanan ang buhay-binata. Gusto rin naman niyang kasama ito sa pagbubuntis pero kasi, ang mga magulang niya ay parang mauubusan ng oras kung madaliin siya. Malaki ang tiwala niya kay Gael at alam niyang hindi magagawa ng asawa ang mga pinagsasabi ng mommy niya.

She stopped believing her mother after what happened years ago. Muntik nang mabaliw ang mommy niya dahil sa pagkawala ng kakambal niya kaya mabuti na lang ay naipasok kaagad ito sa Mental Hospital at naagapan. Paglabas nito ay naging maayos na rin naman ang lahat. Hindi na siya nito pinipilit na maging si Ami. Pinakikisamahan na rin siya nito nang maayos. Viana na rin ang tawag sa kanya.

Kahit pa ganoon ay hindi na mawawala ang lamat at marka ng malalim na sugat sa puso niya dulot ng mga nangyari noon. Hanggang ngayon, nangungulila pa rin siya sa kakambal. Ang mga magulang niya ay umaakto na ngayon na parang hindi nag-exist si Ami sa mga buhay namin, siguro dahil napakasakit balik-balikan ang mga panahon iyon.

"Ang sabi mo nami-miss mo ako. Now, I am here, hindi mo naman ako pinapansin," nagtatampong usal ng asawa.

"Sandali lang kasi, nagpapahinga pa ako. Gusto mo lang ulit, eh." Nanunukso ang mga ngiti niya sa asawa.

"Of course, I've been taking care of myself for a very long time. I really missed your warmth inside," sabi nito na may matimis na ngiti sa labi habang gumagalaw patungo sa ibabaw niya.

Yes, she missed this too. This is better than phone sex, nothing compares to his husband's touches, kisses, and the thing he does between her legs. How can she forget how good is her husband in bed?

"Ayaw kitang paalisin," nakanguso ang mga labi niyang sambit.

"Ayaw ko rin namang umalis. Don't worry, kapag may mahaba ulit akong bakasyon, sa Maynila naman tayo para makapasyal ka." He kissed her forehead before entering the car.

That is a good idea, ito naman ang bibisitahin niya roon. Gusto niyang surpresahin ang asawa. Kapag siya naman ang nagkaoras, aayain niya si Mommy Nika or si Caeli at Yena.

"Hindi ka pa ba buntis?" tanong ng mommy niya na nagpairita sa kanya.

"Hindi pa po, mommy. Kayo ang unang makaaalam kung buntis na ako," magalang pa rin niyang sagot kahit sa loob-loob niya ay gusto na niya itong sabunutan sa inis.

"At siguraduhin mong hindi ka na makukunan. Pabaya ka kasing bata ka, hindi ka nakikinig sa akin. Ang sarap na nga ng buhay mo rito, alagaan na nga lang ang sarili mo ang ginagawa mo, pumalpak ka pa!" bulyaw ng mommy niya.

Tinalikuran niya ito at kinulong ang sarili sa kwarto. Binalot niya ang sarili ng comforter at saka doon binuhos ang lahat ng sama ng loob na unti-unti na namang naiipon. Kasalanan ba talaga niya kung bakit siya nakunan? Palpak ba siyang asawa?

"It's okay, mommy."

Napahinto siya sa pag-iyak nang marinig ang boses na iyon na hindi niya alam kung saan nanggaling. Napaupo siya sa kama kaya naman biglang dumilim ang paningin niya. She didn't know what happened next, ang alam niya ay naging mahimbing ang pagtulog niya na hindi na niya ninais pang magising. Nagising siya sa loob ng Nursery Room na pinagawa ng biyenan pagkatapos niyang makunan noon. Nasa play mat siya nakahiga kaharap ang mga laruang siya mismo ang namili.

Nagtataka siya kung paano siya nakapunta rito. Wala naman magbubuhat sa kanya at mas lalong hindi niya gustong dito matulog dahil naalala niya ang pagkakunan niya. Naagaw ng pansin niya ang isang papel na may sulat gamit ang mga crayon.

Klare loves Mommy so much!

May drawing pa na puso iyong kasama. Kinilabutan siya at nabitiwan ang hawak na papel. Sino ang nagsulat no'n? Hindi siya! Siguradong-sigurado siya dahil wala naman siyang naaalalang ginawa iyon. Wala rin siyang ideya kung paano siya napunta sa kwarto na ito.

Mabilis siyang tumayo at kumaripas ng takbo palabas ng kwarto. Kinandado niya iyon at nanginginig pa ang katawan habang tinatahak ang daan patungo sa kusina. Uminom siya ng isang basong tubig para mapakalma ang sarili.

Klare ang binigay niyang pangalan sa nawalang anak. Hindi siya sigurado sa kasarian nito kaya ipinalagay na lang niyang babae ito dahil gusto niya ng babeng anak. Siya lang ang nakaaalam ng binigay niyang pangalan dito dahil baka isipin pa ng iba na baliw siya. Kaya naman imposibleng may magsulat na iba roon.

Baby Klare, huwag mo namang multuhin si mommy. Masama ba ang loob mo kasi hindi ka nabuhay? Sorry, sorry. Mahal na mahal din kita.

Pagkatapos no'n ay tinawagan niya ang asawa na ilang minuto pa ang lumipas bago sumagot. Sobrang abala nito kaya hindi rin nagtagal ang pag-uusap nila. Wala siyang ibang magawa sa mansyon dahil pinagbawalan na rin siya ni Mommy Nika na magtrabaho. Kasama lang niya ang iilang kasambahay na bihira pa siyang kibuiin. Ang mga kaibigan naman niya ay mga abala sa kanya-kanyang trabaho.

Tama ang mommy niya, alagaan na nga lang ang sarili ang tanging gagawin niya ay nabigo pa siya. Masarap na buhay ang binigay sa kanya ni Gael at ni Mommy Nika pero hindi niya magampanan nang maayos ang pagiging asawa niya. Palaging sila na lang ang nag-a-adjust, palaging siya na lang ang inuunawa, wala pa siyang nagagawang kahit ano para sa mga ito. Ayaw niya ring umabot pa sa punto na magkakatotoo ang mga sinasabi ng mommy niya. Baka makahanap nga si Gael nang higit pa sa kanya. Gwapo, mayaman, matalino, mabango, at napakabait ni Gael, good catch nga kumbaga. Ngayon ay nilukob siya ng takot na baka sa pag-uwi nito ay hindi na siya ang uuwian.

"Pupuntahan natin si Gael sa Maynila? Alam mo ba kung nasaan ang bahay niya roon?" tanong ni Caeli nang imbitahan niya ito ng tanghalian kasama si Yena.

"Oo, alam ko kung saan yung condo unit niya. Si Mommy Nika sana ang kasama ko kasi busy siya sa kompanya kaya kayo na lang ang inaya ko," paliwanag niya. Gusto niya lang namang makita ang asawa ulit, miss na miss na kasi niya. Napakahirap din kasi nitong makausap sa telepono at hindi rin sapat iyon sa kanya.

"Sige, basta weekends, yung walang pasok," pagpayag ni Caeli. Tumango naman si Yena bilang pagsang-ayon din.

"Sure, this Saturday. Wala tayong sasakyan kaya magba-bus lang tayo papunta." Pumalakpak siya dahil sa excitement.

Kung matutuloy sila ay iyon ang unang beses niyang makakatungtong sa Maynila. Hindi na siya makahintay sa magiging reaskyon ng asawa kapag nakita siya nito roon. Siguradong matutuwa si Gael, malamang ay miss na rin siya nito.

"Sigurado kang alam mo, ha? Baka maligaw tayo!" sabi sa kanya ni Caeli.

Si Yena naman ay may dala pang mapa para raw sure kasi pare-pareho silang baguhan sa Maynila. Nakahinga lang siya nang maluwag nang makita niya ang building na pinakita sa kanya ni Mommy Nika kung saan ang condo unit ng asawa niya. Ang akala niya ay diretso silang makakapasok sa building pero hinarang kaagad sila ng dalawang Security Guard sa entrance pa lang.

"Sir, asawa naman niya ang pupuntahan niya, bakit hindi pwede?" argumento ni Caeli habang siya ay ginagala ang mga mata sa paligid.

"Mga ma'am, exclusive po kasi ang building na ito, para sa mga taong may bahay lang dito. Wala naman pong naibilin sa amin na may darating kaya hindi po talaga pwede. Kung gusto niyo po, tawagan niyo po ang sinasabi niyong asawa ni ma'am at magpasundo kayo," paliwanag ng security guard.

Huminga nang malalim si Viana at balak na sanang tawagan ang asawa nang makita niya itong kumakain ng tanghalian sa restaurant na malapit lang sa reception area sa loob ng building. Hindi siya nakaimik nang makita kung sino ang kasama nito, si Fiona!

Habang ang dalawa niyang kaibigan ay abala sa pakikipagtalo sa guard, siya ay parang napako ang tingin sa dalawa. Ang daming nagsulputang tanong sa isipan niya pero mas nangingibabaw ang galit sa puso niya lalo pa nang makita niyang halikan ng babae ang asawa sa mga labi nito. Wala man lang naging reaksyon si Gael, bagkus ay tumayo lang ito at naglakad paalis, si Fiona naman ay luminggis sa mga braso nito. Wala siyang ideya kung saan pupunta ang mga ito pero alam niya kung ano ang meron.

Nagloloko si Gael! Niloloko siya ng asawa niya at hindi niya alam kung paano pa ito kauusapin pagkatapos ng mga nakita niya. Dalawang buwan pa lang mula noong huli itong umuwi sa kanya! Ano? Matagal na rin ba siya nitong niloloko? Bakit hindi man lang nito nabanggit sa kanya na kasama nito si Fiona?!

Pinigilan niyang maiyak at hinarap ang dalawang guard. "Pasensya na po, wrong building po pala," sabi na lang niya at mabilis na umalis.

Kasunod niya ang dalawang kaibigan na panay ang tawag sa kanya. Sunod-sunod din ang mga tanong nila na hindi niya sinagot.

"Nasaan ba si Gael at hindi mo matawagan? Ano? Uuwi na ba tayo?" naiinis na usal ni Caeli.

"Oo, uuwi na tayo. Hindi ko pala alam kung nasaan si Gael." Pumiyok ang boses niya at nauna nang sumakay sa bus.

"Oy, Viana! Ayos ka lang?" tanong ulit ni Caeli na nakasunod lang sa kanya.

Nang makaupo siya ay hindi na niya napigilan pa ang mga luha. Mahina lang ang pag-iyak niya dahil hindi lang naman sila ang tao sa bus. Panay ang tanong sa kanya ng dalawa niyang kaibigan kung ano ang nangyari pero hindi siya makasagot. Ayaw niya munang magsalita, hindi niya pa kayang tanggapin na niloloko na pala siya ng asawa. Hindi pa sila nagtatagal bilang mag-asawa tapos ay ganito na ang nangyayari!

"Tita Nika, kanina pa 'yan umiiyak sa bus. Pakitanong na lang kung napano siya, ayaw kaming sagutin, eh," bilin ni Caeli sa biyenan niya.

"Saan ba kayo galing at ginabi kayo?" tanong ni Mommy Nika.

Hindi na niya hinintay pang makasagot si Caeli, dumiretso na lang siya sa kwarto para makapagpahinga na rin. Pagod na pagod na siya at parang bugbog na bugbog ang buo niyang pagkatao. Nahiga siya sa kama at binalikan ang mga nakita kanina.

"Bakit, Gael? Akala ko hindi mo 'yon magagawa kasi alam kong iba ka sa kanila. Sana sinabi mo na lang para hindi ganito ang nangyari. Kung nagsasawa ka na, sana sinabi mo."

Binaon niya ang mukha sa unan at wala siyang kamalay-malay na nakatulog na pala siya. Sa paggising niya ay sa hindi pamilyar na silid naman siya nagising. Napabangon siya kaagad at mabilis naman siyang dinaluhan ni Mommy Nika.

"Dahan-dahan lang, hija. Huwag ka munang masyadong gumalaw," bilin nito kaya huminahon siya.

"Mommy, ano'ng nangyari? Bakit nasa ospital ulit ako?" tanong niya kahit nahihilo pa.

"Viana, you had a miscarriage again. Hindi mo ba alam na buntis ka?"

Sapat na ang dalawang pangngusap na iyon para gumuho ang mundo niya sa pangalawang pagkakataon. Umiling siya at sinabunutan ang sarili.

"Mommy, hindi ko alam kung ano ang nangyari." Umiling siyang muli at pinagsasampal ang sarili. "Mommy, hindi ko po alam."

"Calm down, Viana, huwag mong saktan ang sarili mo. Walang may gusto ng nangyari." Niyakap siya ni Mommy Nika para kumalma siya. "Nadatnan na lang kita sa kwarto niyo ni Gael na nakahandusay sa sahig at puro dugo ang hita. Tatanungin ko lang sana kung nagkita kayo ni Gael dahil ang sabi ni Caeli ay naligaw daw kayo. Ano ba ang nangyari, Viana?"

Mas lalo siyang napaluha. "Mommy, sorry. Nakunan na naman ako. Bakit nangyayari ito sa akin? Ano ang kasalanan ko?! Hindi po ba ako mabuting asawa?"

Walang ginawa si Mommy Nika kung hindi ang patahanin siya. Ilang araw siyang nanatili sa ospital bago siya nakauwi. Wala siyang lakas ng loob na harapin ang magulang kaya naman nagkulong na lang ulit siya sa kwarto. Mas pinili rin nila na hindi muna sabihan si Gael dahil may exam ito na kailangang maipasa. Mag-isa na lang ulit siya sa kwarto, walang magawa kung hindi pagmasdan ang mga gamit niya.

Kumunot ang noo niya nang makita na naman ang diary na matagal na rin niyang itinago. Nandoon iyon kasama ang mga binabasa niyang libro. Tumayo siya at kinuha iyon para mausisa.

Sa unang pagbuklat niya ay narating niya kaagad ang huling pahina na may sulat. Ang nilalaman no'n ay tunay na binuhay ang takot sa buong pakatao niya. Ngayon ay alam na niyang may hindi tamang nangyayari sa kanya.

Your husband is a cheater and to get even, I'll destroy everything that makes him happy. I'll protect you from him, Viana...

Mia.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro