Kabanata 25

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Pressured

Year 2015...

Viana didn't even bother to try again for the third time, she got tired. Napagod na siyang sumubok at umasa pero sa huli ay babawiin lang din naman. Isa pang inaalala niya ay kung ano ang nangyayari sa kanya kaya naman tuluyan na siyang nawalan ng gana. She wants to be happy for her husband's success, he's finally graduated from Law School and now will take a Bar Exam to become an attorney. Kahit pa ganoon, hindi man lang naalis sa isipan niya ang kalokohang nakita niya noon.

Hindi man lang nito nagawang banggitin sa kanya na naging kaklase nito si Fiona at sa iisang building lang silang nakatira dahil iyon ang malapit sa university nila. Sobrang sama ng loob niya pero wala siyang mapagsabihan. Kinimkim na lang niya sa sarili niya ang mga nalaman dahil hindi niya gustong mandamay pa ng ibang tao sa problema nilang mag-asa. Isa pa, kapag nalaman ng mommy niya iyon, isang katakot-takot na pananalita na naman ang matatanggap niya.

Ngumiti siya nang makitang papalapit ang asawa sa direksyon niya. May selebrasyon kasing nagaganap para sa pagtatapos nito sa Law School.

"Come on, ipapakilala kita sa mga kaibigan ko." Hinawakan siya nito sa bewang at dinala sa direksyon kung nasaan ang mga naging kaibigan nito sa Law School na kasama rin niyang pumasa.

"That's my man!" bati kaagad sa kanila ng isang lalakeng naka-tuxedo. Tinapik pa nito sa balikat si Gael.

"Gentlemen, this my wife, Aliviana Dianne Fallon Veda." Tumingin sa kanya ang asawa at minuwestra ang mga kaibigan. "Adi, this Roman Espinosa." Turo nito sa lalakeng unang bumati sa kanila. "And this is Yohan Ansalone, he is not a law student. I just met him somewhere. He is a pilot though."

Kinamayan ni Viana ang mga bagong kaibigan ng asawa. Ang masasabi lang niya sa mga ito ay malayong-malayo ang awra ng dalawa kay Jude at Zeno. Hindi naman sa hindi niya gusto iyon, nayayamot lang siya dahil ngayon ay nakita na niya ang isa sa mga pagbabago sa asawa. Hinihintay pa rin niya itong magsabi na kasama niya Fiona sa apat na taong magkahiwalay.

"Congratulations, Gael," bati ni Jude. "Wow, attorney ka na!"

"Ikaw naman, malapit nang maging principal." Ngumiti si Gael sa kaibigan.

Gusto sana ni Viana na maging masaya ang pagkakataong ito pero hindi niya kayang magpanggap. Sobra-sobra na yata ang kalungkutan sa puso niya na hindi na niya kinakayang ngumiti kahit kunwari lang. Patong-patong ang problema niya mula sa sariling mga magulang hanggang sa asawa, idagdag pa ang pagkakakunan niya ng dalawang beses. Mag-isa niyang hinaharap ang mga iyon at wala man lang nakaalam kahit isa sa mga tao sa paligid niya kung paano siya nababaon sa sakit at kalungkutan.

"Pagod ka na ba?" bulong ni Gael.

Wala sa sarili siyang tumango. "Pwede na ba akong magpahinga?"

"We can't leave yet, nandito pa ang mga kaibigan natin." Hinaplos ng asawa ang likod niya at saka pinaupo sa upuan na malapit sa kanila.

Binaba niya ang hawak na wine glass. Tumingin siya sa paligid na wala naman na siyang kakilala ni isa. Umuwi na si Caeli, Yena, at Jude dahil malalim na ang gabi. Wala na siyang kaibigan dito at puro mga kakilala na lang ni Gael. Hindi na rin siya makasunod sa mga pinag-uusapan ng mga ito. Gusto na lang talaga niyang magpahinga.

"Sorry, na-late ako."

Nabuhay ang dugo niya nang marinig ang boses na iyon. Kaagad hinanap ng mga mata niya kung saan iyon nanggaling at hindi nga siya nagkamali. Si Fiona iyon kasama ang isang matandang lalake na mukhang tatay niya.

"Congratulations sa atin!" magiliw na bati ng mga babae sa mga kaibigan ng asawa.

Aba at imbitado pala ito at hindi rin nag-abala ang asawa niyang sabihan siya. Napatayo siya at mabilis naglakad patungo sa asawa na balak na sanang lapitan ni Fiona.

"Oh, nandito pala si Viana. You didn't tell me that you will be bring her, Gael. I should have wear my red dress." Ngumiti ito sa kanya na parang nang-iinis.

"Oo nga, dapat sinabi mo sa akin na imbitado siya para nakadala ako ng pangkamot sa kati." Nag-igting ang panga niya.

"Aliviana," nagbabantang usal ng asawa niya.

"Ha, 2015 na, Viana, naiwan pa rin sa 2008 ang mga banat mo. Mahirap talagang kalimutan kung saan ka nagsimula," sabi ni Fiona at nagtaas ng kilay. "By the way, let's make a toast for our success, konti na lang, mga attorney na tayo."

Binitiwan niya si Gael at walang lingon na nilisan ang event hall. Parang nasusuka siya sa mga nangyari at hindi na kayang manatili pa roon. Hindi na niya kayang ngumiti pa sa lugar kung saan nandoon ang mga taong nanloloko sa kanya.

"Adi, where are you going?!"

Nakasunod sa kanya si Gael na walang ideya sa kung ano ang nangyayari sa asawa. He didn't like her attitude earlier, it could become worst if he didn't stop the tension. Alam niya ring hindi magkakaganoon ang asawa nang walang malalim na dahilan. Siguro ay talagang pagod na ito.

"Wait, Adi. What's wrong?" Hinuli niya ang mga braso nito at pinaharap sa kanya.

Punong-puno na ng luha ang mga mata nito at hindi na makausap sa labis na paghikbi. Tinaas niya ang kamay para sana punasan ang mga luha nito pero kaagad itong lumayo.

"Why are you crying? Tell me, what's wrong, my sweet?" malumanay niyang tanong dahil ayaw na niyang madagdagan pa ang bigat ng nararamdaman ng asawa.

"Naiinis ako! Naiinis ako sa 'yo!" sigaw nito sa kanya. "Gusto kong maging matagumpay ka pero ayoko nang ganito! Ayokong nakikitang nagbabago ka!"

Kumunot ang noo niya. Hindi niya maintindihan ang sinasabi ng asawa. "I did not change."

"Yes, you did! You are not honest with me anymore! Mas gusto mo nang kasama ang mga kaibigan mo sa Maynila kaysa sa akin, sa amin nina Jude! You cheated on me too!" Mas lalo pang lumakas ang pag-iyak ng asawa at halos marinig na iyon sa buong bahay.

Walang pakialam doon si Gael. Ang tumatak sa isip niya ay ang huling sinabi ng asawa. "I did not cheat, Aliviana. Sinubsob ko ang sarili ko sa pag-aaral doon sa Maynila para makauwi kaagad dito kaya huwag mo akong pagbibintangan ng ganyan!" He can't help himself but shout on her. Higit sa lahat ay ayaw niyang napagbibintangan ng isang bagay na hindi naman niya ginawa.

"Oh, really? I saw you! I saw how Fiona kissed you and you just don't care. Magkasama pala kayo sa iisang building, hindi mo man lang pinaalam sa akin? Ano ba ako rito, Gael? Display? A spare? Kapag nagsawa ka kay Fiona ay uuwi ka naman sa akin?!" bulyaw sa kanya ni Adi na wala nang preno ang bibig sobrang galit. "You a fucking asshole cheater!"

Nagpanting ang tenga ni Gael at nandilim ang paningin niya. Sa kauna-unahang pagkakataon ay napagbuhatan ng kamay ni Gael ang asawa. Isang bagay na alam niyang pagsisisihan niya hanggang nabubuhay siya. Nawala sa siya sarili at malakas na nasampal ang asawa na ikinabigla rin nito. Nang makabawi siya ay mabilis niya itong dinaluhan ng yakap.

"I'm sorry, I'm so sorry, Adi," paulit-ulit niyang sabi at mahigpit na niyakap ang asawa na panay ang piglas.

"No! No! Let go of me! If you don't want me anymore, you could just fucking tell me. Hindi mo ako kailangang saktan, tarantado ka!" sigaw nito at pinaghahampas siya. "Putangina mo, magsama kayo ng kabit mo!"

Kahit pa nagugulat si Gael sa mga lumalabas na salita sa bibig ng asawa ay hindi niya pa rin ito binibitiwan. Parang ibang tao ang kaharap niya ngayon, siguro ay dahil sa galit na rin at sa mga hindi pa nasasagot na tanong.

He did not cheat. He can't do that. Ang mali niya lang ay napagod siya sa pagtaboy kay Fiona hanggang sa lumagpas na ito sa linya. Maybe Adi saw that kiss he didn't expect that Fiona will do. Bakit niya inignora ang ibinalita sa kanya ng mommy niya na pinuntahan siya ni Adi sa Maynila?

"I'm sorry, Adi. Please, listen--"

Isang malakas na sampal ang natanggap niya rito na nagpahinto sa kanya.

"Don't ever try to explain why you cheat. You are still a cheater no matter what you say." Tinulak pa siya nito at dinuraan pa siya sa mukha.

Hindi siya kaagad nakabawi kaya nakawala sa hawak niya ang asawa. Pinunasan niya ang mukha at nagpipigil na sinuntok ang pader na katabi lang niya. Kung kaya lang niyang suntukin ang sarili ay malamang sa kanya dumapo ang kamao niya. Pinunasan niya ang mga luha at saka sinundan ang asawa na malamang nagkulong na sa kwarto nila. Kailangan niyang humingi ng tawag kahit gaano pa katagal ang abutin bago siya nito mapatawad. Mali siya, maling sinaktan niya si Adi. Hindi na dapat niya sinabayan ang galit ng asawa. Dapat nagpaliwanag na lang siya para naliwanagan na ito.

Nasalubong niya ang ina na pulang-pula ang mukha at nag-aapoy sa galit ang mga mata. Isang malakas na sampal ang natanggap niya rito at alam na niya kaagad kung para saan iyon.

"Ano'ng ugali ang meron ka ngayon, Gael, at pinagbuhatan mo ng kamay ang asawa mo?! Ganyan ba ang itinuro ko sa iyo? Ang manakit ng babae?!" nagpupuyos sa galit na usal nito.

"Mommy, hindi ko sinasadya, nawala ako sa sarili," napapaos niyang sagot.

"Kahit na pa! Mawala ka man sa sarili o kagustuhan mo man iyon, hindi magbabagong sinaktan mo ang asawa mo! Nagkasakitan kayo dahil lang hindi ka nagsabi ng totoo. Ano yung sinabi niyang nagloko ka?!" Gigil na gigil ang mommy niya at parang gusto pa siya nitong sampalin.

"Mommy, gusto kong makausap si Adi ngayon. Bukas na ako magpapaliwanag sa iyo. Nasa kwarto ba siya?" Hindi niya alam kung bakit bigla na lang siyang napagod.

"Huwag mo munang puntahan at mainit pa ang ulo, hindi rin kayo magkakaintindihan. Sinasabi ko sa 'yo, Gael, umayos ka. Hindi ka pa nakakabawi sa asawa mo. Naiintindihan namin na nag-aaral ka at nagpapakahirap para makatapos, alam namin 'yon pero huwag naman umabot sa puntong masisira na kayo ni Viana. Ang dami nang pinagdaanan ng asawa mo, sana maintindihan mo rin 'yon. Noong mga panahong kailangan ka niya, hindi ka niya inobliga na umuwi kasi alam niyang nag-aaral ka at mahalaga iyon para sa iyo." Dinuro siya ng ina. "Ayusin mo, Gael. Kapag naghiwalay kayo ni Viana, palalayasin kita sa bahay ko at siya ang aalagaan ko."

Nilubayan siya ng ina at ang hula niya ay nagpunta na sa event hall ng mansion para tapusin na ang party. Siya naman ay nagdiresto sa kwarto nila ng asawa. Kagaya ng inaasahan niya, naka-lock ang pinto. Hindi na niya sinubukang kumatok o buksan pa ang pinto. Kagaya ng sabi ng mommy niya, hindi lang sila magkakaintindihan. Palalamigin niya muna ang ulo ng asawa. Nanatili muna siya sa labas ng kwarto hanggang sa alas tres na siya ng madaling araw nagdesisyon na pumasok.

Madilim ang kwarto at napakatahimik. Ang asawa niya ay balot ang katawan sa comforter. Tipid siyang napangiti, iyon kasi ang komportableng posisyon nito sa pagtulog lalo na kapag walang katabi. Bigla siyang nakaramdam ng takot, pwedeng-pwede kasi siyang iwanan ni Adi at hindi niya iyon makakaya. Mababaliw siya kung iiwan siya ng asawa.

Bumuntonghininga siya at pumasok sa banyo. Humarap siya sa salamin para makita ang pasa sa kanang pisngi at mga sugat galing sa karmot at kurot ng asawa. Natawa siya, hindi niya akalaing may ganoon pa lang side si Adi, kayang-kaya pala nitong ipagtanggol ang sarili. Pagkatapos niyang linisin ang katawan ay dahan-dahan siyang tumabi sa asawa at sinaluhan ito sa comforter. Mahigpit niya itong niyakap, hindi naman sobra, tama lang para maradaman nito ang init niya.

"Sorry, Adi. Mahal kita. Patawarin mo ako," bulong niya at siniksik ang sarili rito.

Hindi niya alam kung ano ang dadatnan niyang bukas pagkagising niya. Kung pwede lang baguhin ang nangyari ngayong gabi ay baka ginawa na niya. Masyado siyang insensitive, dapat ay inalala niya ang asawa kaysa inuna ang sarili. At kahit sa panaginip niya ay humihingi pa rin siya ng tawad sa asawa.

Nagising siya nang may maramdamang dumadamping malamig sa braso niya. Naidilat niya ang mga mata at napagtantong umaga na pala. Babangon na sana siya nang makita ang asawa sa tabi niya, ginagamot ang mga sugat niya sa braso.

"Adi," tawag niya.

"Good morning, Gael. Masakit ba ang mga ito? Ano ang nangyari sa iyo kagabi at ang dami mong sugat?" tanong nito na ipinagtaka niya.

"You didn't remember?" Napaupo siya sa kama at tumitig dito.

"Remember what?" Umiling ito. "Alam mo na pala na nagpunta ako sa condo mo noon at nakita ko kayo ni Fiona na naghalikan."

"I'm sorry, Adi. I swear, hindi ko iyon ginusto." Ito na naman.

Tumango lang si Adi na ikinagulat ni Gael. "Why? Why did you let her kiss you? Ano ang nangyari? Tell me, I'll listen. I don't want to ruin our marriage just because of her." Mahinahon ang bawat salita nito na parang ingat na ingat na hindi siya masaktan.

Mas lalong naguluhan si Gael sa inasal ng asawa. Hindi ito ang Adi na kaharap niya kagabi. This is her Adi, then who the hell is that girl she was talking to last night?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro