Kabanata 26

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

TW: Süicíde

Killing Pain

Year 2015...

Mommy, daddy hurt Klare!

Natulala na lang si Viana nang mabasa ang note na iyon na nakaipit sa diary ni Mia, kung sino man si Mia! Ilang beses niyang tinago ang diary na iyon ngunit nalilingat na lang siya ay sumusulpot iyon sa bookshelf niya. Ngayon, ito namang si Klare ang nagsulat. What is going on?!

"What happened last night?" tanong niya sa asawa na may dalang ointment para sa pasa niya sa palapulsuhan.

Nag-iwas ito ng tingin sa kanya. "I think I forced you."

She blinked twice. "Force me to do what?" Her body hurts so bad.

"To have sex with me. Nakainom ako nang makauwi, and you are acting like a child. I need you, okay? Sorry," malumanay nitong sabi at saka umupo sa tabi niya.

Nilagyan ng asawa ng ointment ang mga pasa niya na mayroon din sa gilid ng labi niya. Hindi siya makapagsalita dahil wala siyang naalala sa mga nangyari kagabi. Ngayon ay sigurado na siyang may nangyayari sa kanya na hindi niya alam.

"You don't remember what happened?" tanong ni Gael at kumunot ang noon. "Nakalimutan mo na naman?"

Alangan siyang ngumiti at saka umiling. "Tinanong lang kita, baka sakaling maisip mo kung ano ang mali sa ginawa mo kagabi sa akin."

Pumikit ito nang mariin, halatang nagsisisi sa ginawang pagpwersa ng sarili sa kanya. "I'm so sorry, patawad. Hindi ko napigilan ang sarili ko. Kahit lasing ako, mali pa rin ang ginawa ko. Hindi ko na iyon uulitin. Patawad, Adi."

Tumango na lang siya at pinigilan ang luha sa pagpatak. Hindi nga niya alam na umuwi ito mula sa trabaho kagabi, wala rin siyang maalala kung ano ang nangyari kahapon. Parang tumatalbog ang oras sa kanya. Hindi niya maipaliwanag ang mga nangyayari sa kanya, kung paano niyang nakakalimutan ang mga nangyayari o ang mga ginagawa niya.

"I love you, Adi. Sorry at masyado akong abala ngayon. Hindi nakita naasikaso, baka nagtatampo ka na," bulong ni Gael pagkatapos nilang magtalik nang araw na iyon.

Mapait siyang napangiti na hindi niya maipakita sa asawa. "Naiintindihan ko naman kung gaano kahirap ang trabaho mo. Alam ko rin naman na masaya ka kaya sino naman ako para pigilan ka?"

"You are my wife, you deserve all of my attention. Ikaw dapat palagi ang una. Pangako, kapag nakakuha ako ng bakasyon, pupuntahan natin ang dagat na sinasabi mo." Gael kissed her forehead.

Sapat na sa kanya ang ganoon basta hindi lang niya nababalitaan na may umaaligid na babae sa asawa. Kahit konting oras lang silang magkasama dahil sa trabaho nito ay wala namang kaso iyon sa kanya, naiintindihan niya.

Bumangon siya at kinuha ang diary ni Mia. Kinuha niya ang sulat ni Klare. Nanginginig ang kamay niya habang kumukuha ng panulat, nangingilid din ang mga luha niya habang sumusulat sa papel.

Daddy is sorry for what he did, Klare.

She doesn't know what to do anymore. Araw-araw, pabigat nang pabigat ang nararamdaman niya. Tumingin siya sa asawa na mahimbing na ang tulog ngayon, it doesn't feel the same anymore. She feels restless. Ang dating pahinga niya ay unti-unti ng naging bigat sa buhay niya. What happened? Hindi na niya gusto ang mga nangyayari.

Pumikit siya nang mariin habang kaharap si Jude na walang tigil ang pagluha sa harapan niya. Wala siyang ideya kung bakit siya nito tinawagan o kung bakit umiiyak ito sa harapan niya. May problema ba sila ni Cha? Ilang buwan pa lang noong ikasal ang dalawa at mukhang may problema na ring hinaharap.

"What's wrong, Jude? Nag-away ba kayo ni Cha?" tanong niya na dahil parang balak ang binatang kausapin siya.

Umiling ito at suminghot bago nagsalita. Ngayon niya lang nakita na ganito ang lalake, hindi rin niya batid kung bakit nasasaktan na siya kahit wala pa naman itong sinasabi.

"Viana, si Cha..." Napahinto dahil muli na naman itong napaiyak. "Si Cha, may sakit siya, ayaw niyang ipasabi sa inyo pero gusto kong malaman niyo."

Bumuga siya ng hangin at pinakalma ang sarili. "Ano raw ang sakit niya? Kumalma ka muna, Jude." Hinaplos niya ang likod nito at pinainom ng tubig.

"Alzheimer's daw sabi ng doktor. Hindi raw nagagamot." Napasabunot sa sariling buhok si Jude at nasapo ang noo. "Ano ang mangyayari kay Caeli, Viana? Paano kami? Kawawa naman si Cha," sabi ni Jude na parang nagtatampong bata.

Mabuti na lang at pinili ni Viana na sa isang pribadong lugar sila mag-usap dahil kahit papaano ay nailalabas ng kaibigan niya ang sama ng loob nito.

"Nag-research ako tungkol doon, natakot ako. Natakot ako kasi ang bata pa niya para magkaroon ng gano'n. Sa dinami-rami ng pwedeng madapuan na inaaksaya lang ang buhay, bakit ang asawa ko pa na maraming plano sa buhay? Tangina! Makakalimot siya! Makakalimutan niya tayong lahat hanggang sa wala nang matira sa kanya." Tumayo si Jude at pinagsisipa ang mga upuan sa loob ng kwarto.

Pinunasan niyang ang sariling luha. Hinawakan niya ang dibdib at pilit na binuhat ang bigat doon.

"Kapag nakalimot siya, nandoon naman tayo, hindi ba? Naalala naman natin siya. She has you, too. I know you will take care of her. Kung matatakot ka, matatakot din si Caeli. Lakasan mo ang loob mo para sa asawa mo, kailangan ka niya ngayon. Lalaban si Cha kasi alam niyang kasama ka niya. Naiintindihan ko na masama ang loob mo pero wala na tayong magagawa."

Nanlalambot siyang naglalakad papasok ng bahay. Nawala lahat ng lakas niya, wasak na wasak ang puso niya at basag na ang buong pagkatao niya sa pinagdaraanan ngayon. Sana pala hindi na lang sila tumanda, sana sila pa rin iyong magkakaibigan noong high school. Ang hirap pa lang magkamalay at maging mag-isa. Gusto na lang naman niyang magpahinga, iyon lang gusto niyang gawin ngayon. Bakit patuloy siyang binubugbog sa sakit at parusa? Ano ba ang kasalanan niya?

"Oy, Viana, ano ang ginagawa mo at nakatulala ka d'yan? Nasa taas na ang asawa mo, pagsilbihan mo naman!" sabi ng mommy niya nang madatnan siya sa living room.

Hindi niya ito pinansin. Isa pa ang mga magulang niya, hindi alam ng biyenan niya nag-aalaga ito ng mga ahas sa loob mismo ng bahay niya. Wala man lang awa sa kanya ang mga magulang. Hindi man lang siya pinakinggan na ihinto na ang ginagawa sa kompanya ng pamilya ng asawa. Hindi naman niya masabi sa biyenan dahil kahit papaano naman ay magulang pa rin niya ang mga ito. Natatakot siya sa kahihinatnan ng dalawa kung sakaling magsumbong siya.

"Adi, saan ka galing?" bungad sa kanya ng asawa na nagbabasa ng libro habang nakaupo sa kama.

Inalis niya ang sapatos at mabilis na sumampa ang asawa para mayakap ang asawa. Wala siyang ibang malapitan at masabihan ng problema kung hindi ang asawa lang pero hindi naman siya komportable.

"Adi, what's wrong? Why are you crying?" tanong nito.

Everything! I think something is wrong with me. Caeli is sick and Jude is devastated. Yena is heartbroken because of Zeno. And you! You are not the same Gael I knew, you are not the man I loved before.

Umiling siya. "Nothing, I just miss you. Kailan tayo magbabakasyon?"

Sumimangot si Gael. "I'm sorry, wala pa akong chang makapag-day off. Maybe sa Christmas na lang or around Ber Months."

Wala pa sa kalahati ang taon at napakatagal pa ng hihintayin niya.

Gayunpaman ay isang matamis pa rin na ngiti ang sinagot niya. "Sure, no problem."

Natulog na naman siya na may dinadalang bigat sa dibdib. Hanggang sa panaginip niya ay sinusundan siya ng mga hindi magandang pangyayari. Ang kadiliman sa paligid niya ay tuluyan na siyang nilalamon hanggang maging siya ay mabulag na.

Hingal na hingal siya nang idilat niya ang mga mata. Naramdaman din niya ang pagtulo ng pawis niya mula sa kanyang noo. Napabango siya at unang hinanap ang asawa na wala na sa tabi niya. Niyakap na lang niya ang sarili. She comforted herself from that scary dream she can't explain.

Lumabas si Gael mula sa banyo na tuwalya lang ang takip sa maselang bahagi ng katawan. Naghahanda na ito sa pagpasok pero gusto itong pigilan ni Viana.

"Pwedeng huwag ka munang pumasok ngayon?" tanong niya pero ang totoo ay hindi naman niya kailangan ang pagsang-ayon o pagtanggi nito. Gusto niya itong manatili sa tabi niya.

"I can't, may kailangan kaming attend-an na hearing ni Fiona. I know you don't like me working with her but I keep everything professional between us." Nagbihis na ito ng tuxedo at nagmamadaling hinalikan siya sa noo bago lumabas ng kwarto.

I need you, Gael. Why can't you stay for me?

"Sinasabi ko sa iyo, Viana! Ayan, tingnan mo! Ni ayaw ka nang makasama ng asawa mo at panay na ang alis," sermon ng nanay niya habang nag-aagahan sila.

"May trabaho siya, mommy. Kailangan niya talagang umalis," sagot niya na parang wala lang rito.

"Eh, kailan ka mabubuntis? Ilang taon na kayong kasal, dapat ay may anak na kayo ngayon!" singhal nito.

Hindi na siya nakapagpigil at naibagsak na ang hawak na kubyertos na ikinagulat ng mga magulang niya. Matalim siyang tumingin sa ina, na kung nakakamatay lang ang tingin ay humandusay na ito sa sahig.

"Bakit mo ba ako minamadali, mommy? Ayoko pang magkaanak, marami pa kaming inaasikaso ni Gael, hindi pa kami binibigyan at ayaw pa kaming bigyan. Ano ba ang hindi niyo maintindihan doon?!" Natawa siya sa napagtanto. "Dahil ba gusto niyong palitan ko si Ami kasi hanggang ngayon sinisisi niyo pa rin ako kung bakit siya namatay?! Mommy, wala na si Ami! Kahit mag-anak pa ako ng sampu, dalawampu, hindi ko kayang palitan ang kakambal ko. Patay na siya! Wala na si Ami! Tama na, mommy!"

Isang malakas na sampal ang natanggap niya sa ina bago ito naglakad paalis ng hapag-kainan. Napahawak siya sa pisngi, masakit ang sampal ng ina niya pero mas masakit ang dulot ng mga aksyon nito sa puso niya. Mas mahalaga pa rin pala rito ang namatay niyang kakambal. Kahit minsan pala ay hindi nagbago ang lahat para rito. Si Ami pa rin pala ang gusto nitong makasama kahit siya ang nandirito at nagpapakahirap sa piling nila.

"Hi, Viana," bati sa kanya ng psychiatrist na ilang linggo na rin niyang pinupuntahan. "Kumusta?" tanong nito at pinaupo siya sa sofa sa tapat ng office table nito.

"I brought something," sagot niya at hinigpitan ang hawak sa diary ni Mia na may mga nakaipit din na sulat ni Klare.

Ngayon ay handa na siyang buksan ang kalooban niya. Noong una ay takot na takot siya sa malalaman pero wala namang magagawa ang takot niya, lalamunin lang siya nito.

"Hindi mo naaalalang sinulat mo ang mga ito? Hindi mo rin kilala ang mga taong sumulat nito?" tanong ni Dr. Maricar pagkatapos basahin ang diary ni Mia at mga sulat ni Klare.

"Ang alam ko lang, Klare ang ipinangalan ko sa dapat sana ay unang anak namin ng asawa ko. Ako lang ang nakaaalam na pinangalanan ko siya, kahit asawa ko ay walang alam. Gusto ko lang naman mabawasan ang guilt na nararamdaman ko kaya binigay ko sa kanya ang tanging karapatan niyang maibibigay ko. I named her kahit hindi ko alam kung babae ba siya o lalake. Gusto ko maramdaman niya na mahal na mahal ko siya kahit hindi kami nagkasama. Gusto ko malaman niya na nasaktan ako sa pagkawala niya. Kahit sa pangalawa ko sanang anak na hindi ko na lang din pinangalan kasi masakit din pa lang panghawakan ang isang tao na hindi mo na makakasama kahit minsan." Kinulong niya ang mukha sa dalawang palad. "Sorry, mga anak. Mommy is such a failure. Nabigo ko kayo, ang daddy niyo, at ang grandparents niyo. Sorry..."

Ang akala niya, sa pag-iyak niya ay mapapakawalan ang lahat ng hinanakit sa dibdib niya ngunit mas lalo lang pala siyang nakulong. Lumipas pa ang mga buwan, pakiramdam niya ay wala nang nakakatulong pa sa kanya. Wala na ang kasiyahang natitira sa kanya. Nagagawa niyang ngumiti ngunit hindi para sa sarili niya, para lang makita siya ng mga tao sa paligid niya na masaya siya at walang problema.

"Adi, smile ka na, magbabakasyon na tayo. Ito ang gusto mo, hindi ba?" Tumingin sa kanya ang asawa na may matamis na ngiti.

Tumango lang siya at pinagmasdan ang binabaybay nilang daan patungo sa beach na gusto niya. Tanaw na niya ang dagat at ang mabatong talampas na nakapalibot dito. Siguro kung noon pa nila ito napuntahan ay baka nagtatalon pa siya sa tuwa, makakasama rin sana sina Yena, Jude, at Caeli, pero dahil may sakit si Cha ay hindi na nakasama ang dalawa.

Sino ang mga kasama nila?

Ang mga kaibigan ng asawa sa trabaho nito, kasama rin si Fiona. Ni hindi man lang nakasama si Mommy Nika na tanging nagpapagaan ng loob niya ngayon. Nagsabi naman ito na susunod na lang kung kakayanin.

"Ang sexy ni Fiona, oh!" Pumito pa si Mr. Roman habang pinapanood ang babaeng nagbabad sa tubig ng dagat.

Nag-iwas siya ng tingin at napatitig sa asawa na nakatingin din pala sa babae. Nag-igting ang panga niya at napagdesisyunan na lang umalis sa cottage nila at bumalik sa hotel room.

"Adi, saan ka pupunta? Ang sabi mo gusto mong magbakasyon sa dagat, nandito na tayo ngayon pero parang hindi ka naman masaya?" tanong ng asawa niya na sinundan pala siya.

"Pabayaan mo muna ako, Gael. Mas mag-e-enjoy sana ako kung hindi mo sila sinama, tayong dalawa sana." Nasapo niya ang noo at umiling. "Huwag mo akong pansinin, pagod lang ako."

Tumakbo na lang siya nang mabilis para hindi na siya nito mahabol. Hindi sa hotel room ang destinasyon na napili ng mga paa niya kung hindi ang talampas na nasa gilid lang dagat. Matarik iyon pero nagawa niyang makarating sa tuktok. Nagawang mapunit ng laylayan ng bestida niya dahil sa mga matatalim na batong nandoon pero hindi niya iyon alintana. Dinama niya ang malamig na hangin na humahampas sa mukha niya. Sa katahimikan ay isa-isa niyang naririnig ang mga boses na hindi na niya gustong marinig pa. Unti-unti ring nanunumbalik ang mga sakit ng mga problemang akala niya ay tapos na.

Hindi na siya masaya, wala ng paraan para sumaya pa siya. Gusto na lang niyang tapusin ang lahat. Gusto na niyang magpahinga.

Viana...

Napadilat siya nang marinig ang boses ng kakambal. Nakita niya ang imahe nito na ngiting-ngiti sa kanya. Sinubukan niyang abutin ito pero nagtatakbo lang ito at humagikgik pa. Hindi man lang nagbago ang itsura nito, napakaganda pa rin. Napakasaya rin nito, malayong-malayo sa kanya na hindi na magawang tumawa ng totoo.

Napangiti siya at hinabol kung saan man ito pumunta. Siguradong maligaya sa pupuntahan ng kakambal niya. She giggled like she was a seven-year-old once again.

"Ami, huwag mo na akong iwan ulit. Sama mo na ako kung saan ka pupunta. Ayoko na rito," kausap niya sa kakambal na ngayon ay nasa harapan na niya at ganoon pa rin kalaki ang ngiti.

Isang hakbang na lang ay abot-kamay na niya ito. Isang hakbang na lang ay matatapos na ang lahat ng paghihirap niya. Isang hakbang na lang ay makakasama na ulit niya ang kakambal niyang matagal din siyang nangulila. Sa isang hakbang ay muli siyang magiging malaya...

Viana didn't hesitate to grab her twin's arm and ended everything that makes her suffer...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro