Kabanata 6

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

A Vow

"Who are they?" tanong niya sa asawa habang papalayo kay Jude at Caeli.

Halatang gusto pang makipag-usap sa kanya ng babae pero hinila na siya ng asawa. Bilasa ito at butil-butil din ang pawis sa noo. Ramdam din niya kung paanong unti-unting nanlamig ang mga kamay nitong nakahawak sa kamay niya.

"What's the matter, Gael? Are you okay? Masama ba ang pakiramdam mo?" muling tanong niya at siya na mismo ang huminto sa paglalakad upang mapahinto ito.

Wala ng mga tao sa kung nasaan sila dahil lubha na silang nakalayo. Sa bilis ng paglalakad na ginawa nila ay tila naubos ang lakas niya at hingal na hingal siya ngayon. Wala siyang ideya kung ano ang nangyari sa asawa at ganito na lang ang inakto nito pagkatapos makita ang dalawang kakilala kanina. Alam niyang kilala niya rin ito noong hindi pa nawawala ang memorya niya, pero kung hindi pa nais ni Gael na muli niyang makilala ang mga ito ay kailangan niyang respituhin ang desisyon ng asawa.

"Mukhang hindi maganda ang pakiramdam mo. Magpahinga muna tayo." Nilingon niya ang paligid nila. May nagtitinda ng ice cream sa kabilang sulok ng kalsada. Itinuro niya iyon. "Gusto ko ng ice cream," sabi niya at ngumiti.

Pilit niyang ibinabalik ang atmosphere na mayroon kanina noong hindi pa nila nakikita ang mga kakilala. Ayaw pa niyang umuwi kaagad, hndi pa niya nasusulit ang bayan.

"Adi, mas mabuting umuwi na lang tayo," sambit ni Gael sa mga salitang ayaw niyang marinig.

Umiling siya. "Pero hindi ko pa nakikita ang bayan, sa simbahan mo pa lang ako dinala. Nangako ka," malungkot niyang tugon at walang ganang kinain ang mint chocolate chip ice cream na binili sa kanya ng asawa.

Bumuntonghininga si Gael, alam ni Adi na hindi naman siya matitiis ng asawa. He is protective all the time, but to be honest, he is a marshmallow inside. Ang napansin niya sa lalake ay lagi siya nitong pinagbibigyan tuwing malapit na sa pag-iyak ang tono ng boses niya. He is protecting her but at the same time, he is spoiling her.

"Fine, saan mo pa ba gustong pumunta?" tanong nito hudyat na nanalo siya.

Nagkibit-balikat siya. "Hindi ko alam. Ano bang pwedeng puntahan dito? Show me, please." She didn't want to use her puppy eyes technique, but she can't stop it lalo na kung may gwapo kang kaharap.

He softly chuckled. "Okay, finish your ice cream first."

To her surprise, he dropped a light and soft kiss on her lips, probably tasting the ice cream she's eating. Hindi na siya nagtanong o nagsalita pa. Normal lang naman sa mag-asawa ang mag-kiss, hindi ba? Hindi lang siya sanay at nasa pampublikong lugar pa sila. Nahihiya siya.

Tahimik niyang inubos ang ice cream habang pinanonood lang siya ni Gael na pangiti-ngiti sa kanya. She didn't find it creepy at all, he looked so cute while staring at her. Tila ba mawawala siya sa oras na lubayan siya nito ng tingin.

Nang makalabas sila sa ice cream parlor ay bahagyang madilim na. Nagsimula na ring magsindi ng mga ilaw ang mga tindahan at mas lalong kumapal ang mga tao. Mas lalong nasabik si Adi nang makita niya ang isang malaking ferris wheel. Nang tuluyan silang makalapit sa peryahan ay mas lalo pang dumami ang mga taong nakikita niya at hindi lang ferris wheel ang nandoon. May carousel at iba pang mga extreme rides.

"We can't ride that," may pinalidad na sagot sa kanya ni Gael nang ituro niya ang maliit na roller coaster.

"Why?" pasigaw na tanong niya dahil hindi sila magkarinigan sa kapal ng tao sa paligid.

"It's too dangerous. Next time, sa legit na amusement park tayo pupunta kung gusto mong sumakay sa mga ganyan. Not here. Look, kinakalawang na ang mga bakal. It's not safe," he answered.

Kaya ang ending ay umalis sila sa peryahan at pumunta sa mga food stall at binili lahat ni Gael kung ano man ang ituro niya. Hindi siya nito pinigilan na kainin kung ano man ang gusto niya, bahala na ang tiyan niya bukas. Ang pinakapaborito niya sa mga binili ay ang takoyaki na may cheese kaso napaso ang dila niya, pinagtawanan lang siya ni Gael. Nang mapagod sila nang kalalakad ay naupo siya sa isang bench. Dala ni Gael ang isang bottled water at isang bimpo na pinamumunas nito sa mukha niya at likod.

"Pagod ka na?" Umupo ito sa tabi niya.

"Medyo, ayoko pang umuwi, ha? Dito muna tayo," sagot niya at humilig sa balikat ng asawa.

Umayos ito ng upo para maging komportable siya. This is the feeling they both wanted, free and peaceful despite the chaos outside. She didn't know that it was possible at all.

"Halatang nag-enjoy ka. Mukhang mahihirapan na akong kulungin ka sa bahay," tumatawang sabi ni Gael at hinaplos ang braso ng asawa.

Malamig na, ang hangin ay nakapangingilabot pero pawisan pa ang asawa kaya hindi pa nito nararamdaman iyon. Hindi siya nakapagdala ng beanie o ng manipis na jacket man lang para hindi malamigan. Ang akala niya ay hindi sila gagabihin, baka magkasakit si Adi.

"Wow! Fireworks!" Napaalis mula sa pagkakasandal sa kanya si Adi nang magsimula na ang firework display.

He watched her as she admires the different colors of light that shinning through her eyes. She always bloom in his eyes. Naalala niya pa noong sabay nilang pinapanood ang paglubog ng araw, parang palaging bagong tanawin sa mga mata niya ang asawa, hindi nakakasawa. He was very lucky that he still hears her laughters after what happened. Hindi na niya kayang maulit pa iyon. He wanted to be gone first before his wife, mas kakayanin niya iyon.

"That was fun!" Pumalakpak si Adi sa tuwa nang matapos ang pailaw.

Nadatnan niya ang asawa na nakatitig sa kanya. Hindi niya alam kung bakit ito ganoon tumitig. Walang anu-ano ay sinalo niya ang magkabilang-pisngi nito at hinalikan ng mariin ang mga labi nito. Hindi niya alam kung bakit niya iyon ginawa, but her mind said that this was the right thing to do. He kissed back so it's fine. Nagulat man sa umpisa pero humagod naman ang mga labi nito sa masarap na sensasyong palagi niyang natatamasa sa tuwing magdidikit ang mga labi nila. Hindi sumapat na pinanood lang niya ang fireworks kanina, she needs to feel it and this is her now, exploding with the delicious feeling.

Nagulat man si Gael sa biglang paghalik ng asawa ay hindi naman niya mapigilang hindi tugunin ang maiinit nitong mga labi. Bakit nakukuha pa niyang nagugulat? Ganito naman ang Adi na kilala niya. Ang Adi na nagustuhan at minahal niya.

"That was epic," sabi nito nang matapos ang halik.

He wiped the side of her lips and he knew the drill. She always gets thirsty after a torrid kiss. Inabot niya ang bottled water dito at mabilis namang ininuman ni Adi iyon. He laughed at that view.

"Uwi na tayo?" tanong niya pagkatapos nitong uminom.

Umiling si Adi at matamang tiningnan ang asawa. "Tell me about Jude and Caeli first," lakas-loob niyang sabi.

Mariing napapikit ang binata. Hindi niya inaasahang pagbibigyan siya nito sa gustong malaman. Nagbakasali lang siya.

"Caeli is your friend since high school and Jude is my friend since high school too, they are a couple. You pushed them to be one," sagot ni Gael.

"Bakit ka natatakot na malaman ng mga magulang ko na nandito ako?" Sinamantala niya habang gusto pa nitong sagutin ang mga tanong niya. Ayos lang din naman kung hindi ito sasagot.

"Kukunin ka nila sa akin, Adi, paghihiwalayin nila tayo. Remember what I have told about that long stitch, they knew it and they are furious. Hindi nila ako naiintindihan. I always fear for your life, but they seem not to care. Ako palagi ang mali sa tingin nila." He sighed. He looked at her. "Sasama ka ba sa kanila kapag kinuha ka nila sa akin?"

"May dahilan ba para sumama ako sa kanila? Wala naman, hindi ba?" Hinawakan ni Adi ang kamay ng asawa. Kagaya kanina nang makita nito ang mga kaibigan ay napakalamig no'n. She rubbed her hands to make his warm.

"Naalala ko ang narinig ko sa chapel noong isang araw, may kinakasal kasi. Nagpunta kami nina Lolita at Mandy para manood. I heard what the lady in white uniform read in that book, ang sabi ang tao ay iiwan ang magulang para makasama ang kanyang asawa." Tumingin siya kay Gael at ngumiti nang matamis. "Asawa kita kaya ikaw na lagi ang sasamahan ko. I don't want my parents getting in our way anymore. Kahit wala akong maalala, alam kong mali na nangingialam pa sila sa desisyon nating dalawa. We are now two separate families, we have own decisions and perception. Kung mali sa kanila ang paniniwala natin ay hindi na nila dapat iyon pinakikialamanan pa. I respect my parents, but what they are doing to us is too much. Kinailangan pa nating magtago para lang matahimik."

Kung mayroong mang nagbago kay Adi matapos mawala ang kanyang alaala ay marahil ito na iyon. She never talked ill to her parents, palaging sumusunod at tatanggapin lang kung ano ang ibigay, hindi magrereklamo at madalas ay agrabiyado. Mas gusto ni Gael na ganito ang asawa.

"Why are you smiling?" tanong ni Adi sa kanya.

Umiling siya. "Sasama ka sa akin kahit saan tayo magpunta?" He has to asked twice. Mahirap na, baka dala lang ng emosyon ang lahat.

"Of course! Walang dahilan para hindi ako sumama sa iyo. You care for me too much, you didn't harm me for the past weeks, and you sheltered me. Ano pa ang magiging dahilan para hindi ko malaman na malalim ang pagmamahal mo sa akin?" She wet her lips. "Hindi ko alam noong una kung bakit ganito mo na lang ako pahalagahan, until Mandy told me about what love can do to a person. We read romance novels, Mandy keeps asking for a perfect man described in the book. I realized that I have that kind of man in my life. It is you, Gael. I failed to realize it at first but now I know. You love me more than yourself," she said without any doubts. She was so sure.

"I am so glad you figured it out by yourself. Love is not a shallow thing or a feeling you can just feel all of a sudden. Love needs to root deeper to stay. It took me years before I realized that I need you in my life. Our high school days were not pure rainbows and butterflies, I was shallow and you are already deeper than I can reach."

It didn't take time for Adi to know what her husband was trying to say. "I fell first..." It was almost a whisper.

"But I fell harder and still falling, my sweet." Nilapit nito ang labi sa pisngi niya. He inhaled her sweet scent. He will never get tired of this.

With a contented smile, Adi stood up and pulled her husband. "Uwi na tayo." She wants to cuddle.

Mabilis siyang pinagbigyan ng asawa. Madalim na ang daan pauwi pero hindi iyon alintana ni Adi dahil kasama niya ang asawa. She felt safe, nothing to worry about. When they got home, they cleaned themselves and get ready for bed. Habang naghihilamos ay may naalala si Adi na mga salitang hindi niya alam kung galing ba sa isang tula o libro. O baka naman napinggan niya sa mga awitin. Hindi niya alam, but those words were too familiar.

"Anong iniisip mo at hindi mo na natapos ang pagsusuklay?" tanong ng asawa niyang naka-boxer na lang, ibig sabihin ay matutulog na.

Kinuha nito ang suklay sa kamay niya at ito na mismo ang nagsuklay sa kanya, pati ang bangs niyang tumutusok na sa mga mata niya ay sinuklay nito.

"Do you want to cut your fringe? Natutusok na ang mata mo," tanong nito.

"I want to, pero hindi ako marunong." Ngumuso siya. Sa katunayan ay iritable na nga siya roon.

"We'll cut it tomorrow. I am planning to shave my hair too," anunsyo nito na ikinagulat niya.

"Why? Hindi mo na gusto ang buhok mo?" Gusto niya ang buhok ng asawa. Makapal at makintab. Bakit nito aalisin iyon?

"I'll shave it a little, masyado nang makapal. Don't worry, I always know that you love my hair." He smirked.

Ang yabang!

"Gael?" tawag niya habang pinapatay nito ang ilaw.

"Yes?" Humiga ito at hinarap siya.

Nakatingala siya sa kisame ng bahay nila habang paulit-ulit na tumatakbo sa isipan ang mga salitang napakapamilyar sa kanya.

"Do you know where did I hear this... my stars are finally aligned and my song is already tuned. The waves calmed down and the sun is not harsh anymore. The sky becomes clearer to my sight as you came into my life...?"

Pinalupot ni Gael ang braso sa katawan ng asawa. Mahigpit niya itong niyakap, pinipigilang mapaluha sa harapan niya. "You didn't hear that somewhere because you made that phrase. That was in your vow when we got married."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro