Kabanata 7

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

A Promise

Aliviana

Class 2008

Hindi ko batid kung ano na ang mayroon sa amin ni Gael. Ayokong magtanong dahil baka mabigo lang ako. Kung magkaibigan lang kami ay bakit naghahalikan? Bakit niya ako hinahalikan at gustong-gusto ko naman? Alam kong malandi talaga ako pero kay Gael lang naman lumalabas iyon.

"'Yung totoo? Kayo na ba ni Gael?" tanong ni Cha habang nagde-decorate kami ng booth namin para sa intramurals.

"Hindi pa. Hindi pa naman nanliligaw." Lumukot ang noo ko at nagpatuloy sa ginagawa.

"Hindi nanliligaw pero nanghahalik, payag ka?" Nagtaas ng kilay si Cha at nagtawanan sila ni Yena.

Grabe mang-asar ang dalawang ito. Ano nga ang magagawa ko kung ayaw manligaw? Takot yata sa commitment at ayaw ng label. Sino ba ang ayaw na maging boyfriend si Gael? Halos lahat ng babae sa batch namin, maski sa lower year ay may mga crush sa kanya.

"Wala pa kayong kinasal pero ang dami niyo ng kinita? Paano nangyari 'yon?" usisa ni Cha sa katabi naming Marriage Booth.

Dumating ang grupo ng mga babaeng galing sa batch namin at nagtitilian pa habang tinutulak si Alessandra. Ang muse ng section B.

"Kasal niyo 'to kay Gael!" sigaw ng isa sa mga babae.

"Nagpaalam ba kayo? Inaaksaya niyo pera ng tao," tanong ni Renzo na leader ng Marriage Booth bago kumuha ng isang gawa-gawang marriage contract.

Tinawag din niya ang isa sa mga kasama niya para yata ayain si Gael sa booth. Inayusan na nila si Alessandra ng props na white veil at may bouquet pa ng flowers. Mag-iinit talaga ang dugo ko kapag pumayag si Gael na ikasal sa babaeng ito! Wala akong paki kahit kasal-kasalan lang ito! Sasabunutan ko ang babaeng ito!

Maya-maya lang ay bumalik ang lalakeng inutusan para makuha si Gael. Umiling-iling ito at inabot ang fifty pesos kay Renzo.

"Ayaw talaga! Ito, nagpiyansa na naman." Humalakhak ang lalake.

Bumaling si Renzo sa grupo ni Alessandra. "O ano? Alis na. Sabi kasi sa inyo. Busy ang tao, inaabala niyo."

Naalis ang tuwa sa mukha ng mga babae at dismayadong umalis si Alessandra. Mabuti dahil makakakita sila ng other woman na may kinakaladkad na babae palayo sa altar!

"Kita niyo kung paano kami effortless na kumikita? Kay Gael pa lang 'yan!" Ngumisi si Renzo at pinagmalaki ang perang nahuthot kay Gael.

Bakit kasi kissing booth ang naisipan namin? Sinong matinong tao ang maghahalikan sa public place at may live audience? Wala tuloy kaming kita!

"Hmm, gusto niyo bang makitang ikasal si Gael?" tanong ni Cha na parang iba ang pakiramdam ko.

"Kung sino man ang magpapaakyat sa kanya rito, hindi ko na pagbabayarin at bibigyan ko pa sila ng pang-date," hamon ni Renzo.

"Deal!" sigaw ni Cha at kinuha ang listahan ng mga ikakasal.

Nakita kong puro Gael ang katabi ng pangalan ng mga babae roon, puro unmarried ang status. Pang-labing-pito na ang pangalan naming dalawa sa listahan. Ibig sabihin lahat ng ito ay binayaran ni Gael para lang hindi siya maikasal?

"Ayan, lagay natin ang pangalan ni Viana at syempre ni Gael. Huwag niyo akong hinahamon at matatalo lang kayo," mayabang na sabi ni Cha habang nililista ang pangalan ko at ni Gael.

Si Yena naman ay natatawa lang sa gilid at panay pa rin ang gupit ng colored paper para sa design ng booth namin.

"Ako ang nahihiya sa pinaggagagawa mo, Caeli!" Wala na akong magawa nang hilahin niya ako paupo para makabit ang belo at ibigay sa akin ang bulaklak.

"Sa akin na lang ang libreng pang-date niyo tutal marami namang pera si Gael." Humalakhak siya.

Nang hindi siya nakatingin ay napangiti ako. Normal lang naman sigurong umasa na papayag si Gael. Paano kung hindi? Gagastos lang si Caeli at mapapahiya pa kami. Kahit pumayag na lang si Gael para hindi ako mapahiya o sana naubusan na siya ng pambayad.

"Wow, anong mayroon sa inyo, Viana?" Ngumuso si Renzo para ituro ang nasa likuran namin.

It was Gael walking with the man who fetched him. Nakangiti siya habang kausap ang lalake. He is wearing his signature white polo uniform and slacks. Inayos niya ang salamin niya at pinunasan ang noo na malamang ay pawisan dahil sa init ng araw. Mas lumaki ang ngiti niya nang makita ako pero kaagad ding bumalik ang masungit na mukha. O bakit?

"Can we make this fast? Marami akong ginagawa," bungad niya pagkapasok sa booth.

Natipon ang estudyante sa paligid ng booth at mas lalong lumalala ang hiya ko. Samu't saring bulungan ang naririnig ko sa paligid ko. May naririnig pa akong nagtanong kung ano raw ang pinakain ko kay Gael! Nguso ko ang sagot!

"Naubos na ba ang pambayad mo kaya napilitan ka nang pumunta?" tanong ko at ngumuso.

Umiling siya. "Akala mo ba hindi ko pinaghandaan ang araw na ito? I prepared enough money para hindi ako maikasal sa lahat ng babae rito sa school. Don't be silly, you know why I am here."

Ano nga ba ang dahilan? Are you falling in love with me, Gael? Sana oo kasi hulog na hulog na ako.

"Viana landi talaga! Pati si Gael hindi nakaligtas sa kalandian." Naghalakhakan ang mga estudyante nang marinig ang sinabi ni Fiona.

Tumikhim si Renzo na nakabihis na nang pang-pari dahil siya ang magkakasal sa amin kuno.

"Adi..." Marahan ang boses ni Gael nang banggitin niya ang palayaw ko na siya lang ang may karapatang gumamit.

Tinaas ko ang tingin ko sa kanya. Naririndi ako sa bulungan ng mga tao sa paligid, gusto ko na lang matapos ito. Pakiramdam ko kasi ay sasabog na ang ulo sa paulit-ulit na sigaw nila ng 'Viana landi!', halos mga babae pa ang sumisigaw. Bakit sila ganyan?

"Smile," he said. Hinawakan niya ang kamay ko at humarap kay Renzo.

Umiling ako. Paano ako makakangiti kung panay ang lait sa akin ng mga tao? Hindi naman totoong malandi ako. Hindi iyon totoo.

"By the power vested in me by this Marriage Booth, I now pronounce you Mr. and Mrs. Veda for a day. Pwedeng mag-kiss kung gusto niyo." Ngumisi si Renzo sa amin at saka lumapit para bumulong. "Para lalong mainis ang mga basher niyo."

Hihimatayin yata ako sa oras na maisipan ni Gael na halikan ako rito. Hindi na talaga ako maliligtas sa mga panlalait ng mga kampon ni Fiona.

Humarap sa akin si Gael, napalunok ako nang makita ang pagngisi niya. Bumaba ang tingin ko sa plastic na singsing na suot naming dalawa. Dati ay pangarap ko lang ito tuwing intramurals. Palagi akong nagtatago at umaasa na baka ipatawag ako sa marriage booth para ikasal kay Gael, ngayon ay nagkatotoo na.

"Gael, ano ba tayo?" wala sa sariling bulong na alam kong dinig niya.

"Ano bang ang gusto mong mayroon sa atin?" napapaos niyang tanong.

Nag-angat ako ng tingin, parang panaginip pa rin ang lahat. Simula noong una niya akong mapansin hanggang ngayong kaharap ko siya. Hindi sana magtapos lang sa isang pekeng kasal ang lahat.

"G-gusto kong maligawan." Nag-init ang mukha ko sa sinabi kaya napabitaw ako sa kanya.

He chuckled. "Sure."

Bakit palagi pa akong nagugulat? Dapat ngayon pa lang ay alam kong puno na ng surpresa si Gael. Hindi ko pa siya lubos na kilala. Ang alam ko lang ay ang panglabas na ugali niya. Ni hindi ko mabasa ang nasa isip niya o kung ano ba talaga ang halaga ko sa kanya. Kasing lalim kaya ng nararamdaman ko sa kanya ang nararamdaman niya sa akin? Hindi kaya gusto niya lang ng experience?

"Sigurado ka ba? Hindi ka ba nagbibiro lang?" Kasabay ng kasiyahan sa puso ay ang pagdududa ng isipan ko.

Gusto kong maniwala pero paano? Paano ko mapaniniwala ang sarili kong nahuhulog na nga ang loob sa akin ng isang Gael Dominick Veda? Napakalayo niya sa akin.

"Why are you even asking that? Hindi pa ba sapat ito? Kulang pa?" Hindi mapakali ang mga mata niya na parang may hinahanap sa mukha ko.

Naramdaman ko ang lamig ng kamay niya nang hawakan niya akong muli. Wala na ang mga nagsisigawan kanina pero may iilan pa ring nanonood. Inangat niya ang baba ko at sa gulat ko ay hindi ko man lang napaghandaan ang sandaling paglapat ng labi niya sa mga labi ko. It was a short kiss, hindi ko nagawang ipikit ang mga mata ko. Tuluyang nanahimik ang paligid.

"I almost got expelled when I punched the man who insulted you. Hindi ko alam kung bakit pero nang-iinit ang ulo ko tuwing nakakarinig ng mga pang-iinsulto sa iyo. They don't even know you."

Hindi na talaga ako magtataka kung bakit napakaraming nakakagusto kay Gael. Napakaswerte ko na siguro na ako ang gusto niya.

"Sabi ni Renzo ililibre niya tayo ng pang-date pero kukuhanin daw ni Cha kasi marami ka naman daw pera," nahihiyang usal ko.

Pinagmasdan ko ang paligid ng marriage booth na halos wala nang natirang tao. Nag-alisan sila pagkatapos nilang malaman sa tanong nila na kung ano ang pinakain ko kay Gael. Ma-disappoint man sila ay wala na akong paki. Bahala sila! Akin na si Gael!

"Ihahatid kita sa bahay niyo," sabi niya pagkatapos magpalit ng damit.

Tapos na ang unang araw ng Intramurals at siya ang pinakaabala kaya siya rin ang pinakapagod. Kami naman ni Cha ay nakatambay lang sa booth namin na madalang ang pumupunta.

"Magpahinga ka na lang, pagod ka. Kaya ko namang umuwing mag-isa," pigil ko sa gusto niyo.

"No, ihahatid kita," mariin niyang sabi at hinawakan ang kamay ko.

Nagpunta kami sa sasakyan niya na naghihintay na sa kanya.

"Don't start, manong," babala kaagad ni Gael nang mapansin ang mapanlokong ngiti ng driver niya.

"Wala pa akong sinasabi, Sir Gael, pero alam mong matutuwa ang mommy mo kapag nalaman niyang binata na ang unico hijo niya."

Sina mommy at daddy kaya? Matutuwa ba silang may manliligaw na ako? Siguro ay hindi at hindi rin naman magagalit, wala naman silang pakialam sa akin.

"Liligawan mo na talaga ako?" tanong ko habang bumabyahe kami.

"Yes and you can't stop me," he answered.

Hindi ko naman siya pipigilan. Gusto ko nga, eh. Gustong-gusto. Pinigilan kong mapangiti sa harapan niya. Buhay na buhay ang dugo ko at ito na yata ang araw na kahit wala naman akong ginawa ay sobrang napagod ang dugo ko.

"Promise me that you will never get tired of me at hindi lang hanggang wedding booth ang kasal natin." I don't want to be that demanding but the world is full of burglary. If you don't claim what's yours, others will start to think that it's theirs.

"I promise, Adi."

Hindi rin nagtagal ay narating namin ang bahay ko. Ngumiti ako nang magpaalam siya at sinabing baka masundo niya ako bukas. Ganito pala kapag may manliligaw na.

"Viana!" sigaw ni mommy sa akin pagkapasok ko pa lang sa pinto.

Nagulat ako sa pagsigaw niya, pulang-pula ang mukha niya dahil sa galit. Hinablot niya ang braso ko. Madiin ang pagkakahawak niya sa akin, ang mahahaba niyang kuko ay bumabaon sa balat ko.

"Mommy, nasasaktan po ako," daing ko na hindi niya pinakinggan.

"Kaya pala tawag sa iyo ng mga kaklase mo ay Viana Landi! Totoo pala! Ang bata-bata mo ay kung sino-sino na ang humahalik sa iyo!" galit na galit na sigaw niya. Pinakita niya sa akin ang cellphone niya na may mga litrato ko na may kahalikang iba't ibang lalake.

"Mommy, hindi ko po alam 'yan. Hindi ako 'yan, mommy." Tumulo ang luha ko nang makitang may sugat at dugo na ang braso kong hawak niya. "Mommy, tama na po."

"Anong hindi ikaw? Sino 'to? Ang kakambal mo? Patay na si Amelia! Patay na ang kakambal mo! Ikaw 'to! Malandi kang bata ka! Kapag nabuntis ka nang maaga sinasabi ko sa 'yo! Wala kang aasahan sa amin ng daddy mo!" sigaw niya at tinulak ako sa sahig.

"Mommy, hindi nga po alam 'yan. Hindi ko alam. Mommy, hindi ko po talaga alam. Mommy, sorry." Lumuhod ako at halos hindi na makapagsalita nang maayos dahil sa pag-iyak. Sinampal niya ako kaya napaupo ulit ako sa sahig.

Hindi ko talaga alam. Si Gael lang naaalala kong humahalik sa akin.

"Tama na! Pinagbibigyan kita pero sobra na ito. Alam mo bang pinag-uusapan na tayo ng mga kapit-bahay? Inagaw mo pati boyfriend ng anak ni Chloe, saan mo nakukuha ang kati mo sa katawan? Hindi pa ba sapat ang isa? Kulang pa ba ang isang lalake para kamutin 'yang kakatihan ng singit mo?!" Mommy was angry and sounded disappointed at the same time.

Alam niyo kung ano ang masakit? Iyong kahit sarili mong magulang ay hinuhusgahan ka. Kung anu-ano ang mga sinasabi sa iyo kahit hindi ka pa nakakapagpaliwanag. Sarado na kaagad ang isip sa iyo at bukas naman para sa iba. I know that there is something wrong with me. Hindi ko alam kung may sakit ako at ganito na lang kung makalimot ako. Gusto kong malaman kung bakit? Paano ko nahahalikan ang mga lalakeng iyon nang hindi ko man lang nalalaman?

"Mommy, sorry po." Iyan na lang ang natatangi kong nasasabi dahil hindi ko na alam kung paano pa ipagtatanggol ang sarili ko ngayong sarado na ang isip niya.

"Sana ikaw na lang ang nawala kaysa si Amelia," sabi niya na bumaon sa puso ko.

Paulit-ulit kong naririnig iyon hanggang sa pagtulog. Alam kong hindi ko mapapantayan si Amelia. She was my mommy's favorite.

Gael:
Good night.

Hindi ko na sinagot ang mensahe ni Gael, nanghihina ako, wala akong gana sa lahat. Ang sikip-sikip ng dibdib ko. Ang salita ni mommy ay paulit-ulit na pinapatay ang buhay na mayroon ako. Masakit, sobra! Kung sa ibang tao lang sana ay ayos pa pero mismong sa sarili mong magulang marinig mga salitang iyon, na sana ako na lang ang nawala para na rin akong namatay.

Gael:
Siguro tulog ka na. I just thought we could talk for a minute.

Gael:
See you. Yeah, good night. Sleep well, my sweet.

Mas lalong bumuhos ang luha ko. Sana hindi magsawa sa akin si Gael. Sana hindi siya katulad ng mga magulang ko. Sana magtagal siya sa akin.

Napapikit ako nang mariin bago lamunin ng dilim ang paligid ko.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro