40

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng


Happy new year!

----

"MASYAdong mapanganib kung babalik tayong lahat sa Philipma habang maiiwan natin si Beau dito na nag iisa. Hinde natin pwedeng isugal ang kaligtasan niya. Ngayon pa at alam na ntin na isa si Beau sa mga pinupuntirya ng mga kaalaban." Rinig kong sabi ni Arnaldo. Andito ako ngayon nakaupo sa lapag at nakikinig sa usapan nila gamit ang manipis na Plywood. Hinde nanila ako isinali sa usapan nila kaya nagpasya na lang akong magkulong sa kwarto. Buti na nga lang manipis lang ang dingding ng kwarto ko. At rinig ķo pa rin sila.

Yung nangyari kanina nakakatakot. Muntik na akong mawala sa Earth. Pero buti na lang talaga at hinde ako pinabayaan nila Dyosa Cecilia. 

"Kailangan natin ng kongķretong plano para matapos na itong suliranin natin Masyado nang maraming oras ang nasasayang natin dahil lang sa mga panggulo na mga Geniouse, at naantala na ag tunay nating misyon." Si Alerio ang nagsalita.

Haay.. kailan kaya babalik ang datI kong buhay. Yun bang pagkain lang ang pinoproblema ko, hinde tulad ngayon na patI buhay ko kasali na dahil nadamay lang ako mga ispesyal na uri. Oo special sila. Ang gwapo e. I mean kakaiba kasi sila.

Kakatapos lang namin mag hapunan at nakaupo lang ako at tulala sa kwarto ko. Ang tahimik kasi  e. May tensyon akong nararamdaman galing sa kanila. Pakiramdam ko nga iiwan na nila ako e.

Napatingin ako sa pinto ng bigla itong bumukas.

Si Arnaldo.

Napalunok ako ng wala sa oras.

Napalunok ako hinde dahil sa takot, kundi dahil naka hubad na naman siya.

"Asan ba yung damit mo?" Tanong ko pag katigil niya sa may bintana ko at doon sumandal at pinag krus ang mga braso.

"Oh ano nanaman?" Tanong ko pa. Ang sama nanaman kasi makatingin e. Idagdag mo pa yung bangs niya na aanim lang ata pero nakakadagdag ng karisma niya.

"Gusto lamang kitang makausap." Sabi niya. Ang seryoso. Napalunok ako.

"Tu-ngkol san?"

"Gusto ko lang humingi ng paumanhin sa lahat ng hinde magandang naidulot namin ng mga kasama ko sa iyo."

"Dahil na rin sa paglalagay namin sa buhay mo sa panganib."

"Anong meron? bakit mo biglang sinasabi iyan sa akin? Mamamatay ka na ba?" Napa singhap ako ng bigla nagbago ang expresyon ng muka niya. Very wrong ata ang nasabi ko.

"Kahit kailan lapastangan ka talagang babae ka!"

"Sorry na!joke lang e!"

"Eh kung paslangin kita ngayon din at sabihin ko ding 'joke lang'?"

Luh?

----

Comment?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro