Kabanata 39

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

"PAanong nangyari iyon? Pano nakarating ng silid ni Beau ang isang Geniouse ng hindi natin namamalayan?!" Malaķas na sigaw ni Arnaldo. Nandito kami sa sala lahat. Habang si Arnaldo ay nakatayo sa harap namin palakad lakad. Mainit ulo.

"At si Ikaw Chrislyn? Nasaan ka habang nag kaka gulo dito?" Baling nito kay Chrislyn.

Tinignan ķo si Chrislyn. Disoriented pa siya. Kakagising lang.

"Papunta na ako sa silid ni Beau nasa hulihan ako ngunit narinig kong tinawag ako  ni Eduardo at sinasabi niya na pinapasunod ako ni Dos Arnaldo. Sumama ako ngunit bigla lamang nawalan ako ng malay. At nagising na lamang ako dito."

Naabutan kasi namin siya na nakahiga lang dito sa sofa. Nung una nga pinag hihinalaan pa siya ni Jarred na Impostorb pero kalaunan naging tunay naman.

"Paano nangyarI iyon? Kasama ko buong oras ng pakikipag laban si Eduardo." Si Arnaldo."Nag sasabbi ka ba ng totoo?"

"Ano bang makukuha ko pag nag sinungaling ako?"
Sabi pa niya. Napatango naman ako. Tama nga rin naman. Sa totoo lang maliban kay Jarred isa si Chrislyn sa mga pinag kakatiwalaan ko. Kaya naniniwala ako sa kanya.

"Tingin ko talaga parang ginaya lang yung pag ķatao ni Chrislyn para palabasin na isa siyang kaaway at--"

"Huwag kang mag salita wala kang karapatan mortal!"

Napatalon pa ko konti sa kina uupuan ko dahil sa sigaw niya. Bastos talaga.

"Hoy! This is a free country I can say whatever I--"

"Tumahimik ka!"

"Edi wow." Sabi ko na lang. Masyado akong pagod at masakit pa ang sugat pa para makipag sagutan sa walang kwentang uri na to.

"Arnaldo huwag mong sigawan si Beau!" Pigil ni Dyosa Cecilia.

Binalingan naman siya ni Arnaldo.  "Isa ka pa Cecilia. Kung nakinig ka lamang kay Jarred edi hinde ka sana nasaktan!"

Napatayo na rin si Dyosa Cecilia. "Kinakailangan ni Beau ng tulong! Ang gusto niyo bang gawin ko ay tumunganga na lamang? Hintayin na mapahamak at mawalan siya ng  Ganoon ba?" Mariin na sabi niya. Tinignan niya ng matalim si Jarred at bumalik kay Arnaldo. "Kailanman hinde ako tinuruan ni Uno Samba ang iwan ang nangangailangan maging taobon man yan o mortal walang pag kaka iba. Huwag niyo kong itulad sa inyo na duwag at walang gawa." 

"Hinde mo kailangan gawin iyon dahil ako ang gagawa nun."biglang sabi ni Jarred naka yuko pa rin.

"Hinde nga? Totoo ba? Ang alam ko sa nangyare kanikanina lamang ay wala kang ginawa."

"Dahil nagmamadali ka! Tanong ko sayo alam mo bang tatlo ang Geniouse sa silid kanina? Malamang hinde! Dahil masyado ķang mapangaahas! Hinde ka marunong mag isip!" Kitang ķita ko rin kung pano mamula ang divdib ni Jarred kakasigaw. Lahat sila don walang pang itaas.

Natahimik naman si Dyosa at nanatili lamang na nakatitig sa iritadong si Jarred.

"Oh bakit wala kang masabi? Dyosa Cecilia." Binigyang diin ni Jarred ang pangalan nito.

"Jarred tama na." Mahinahon na pigil ni Arnlado.

Umiling si Jarred. "Hinde Arnaldo. Kailangan Malaman ng kapatid mo kamangmangan na nagawa niya." Anito. "Ngayon sino ang sinasabihan mo ng duwag? Sa nangyari kanina habang kinakalaban mo ang impostor na iyon at wala kang kamalay malay malamang wala ka na dito at hinde  na nag sasalita ng mga walang kwentang salita."

"Naisip mo ba ang maaaring mangyare kanina kung nagpadalos dalos ka? Habang nag papaka bayani ka roon at may nag tatangkang pumaslang sayo naisip mo ba na maaaring hindi si Beau ang pakay nila kung hinde ikaw?"

"P-paano m-"

"Paano ko nasabi? Kasi ang duwag lang naman na katulad ko ay napansin na ikaw lagi ang puntirya nila. Oo binihag nila sI Beau pero hinde ka ba nag nag taka dahil kahit hawak na niya ito ay hindI niya ito pinaslang? Dahil ikaw ang puntirya nila! Ikaw ang gusto nilang paslangin at hinde si Beau!"

Gosh. Wala akong masabi. Ang talino ni Jarred. Ang gulo. Bakit ba ako nadamay dito?

"Bakit a-ko?" Ngayon yung mukha ni Dyosa putla na.

"Ayan ang aalamin natin." Ani ni Arnaldo. "Katulad ng nakalaban namin kanina sa lagusan. Si Cecilia rin ang hanap nila." Napaka seryosong sabi nito.

"At sa tingin ko hinde lang si Cecilia ang puntirya nila. Maging si Beau rin. At may nadinig akong may binanggit silang Rama."

"Rama?" Gulat na tanong ni Chrislyn.

"Bakit ganyan ang reaksyon mo? May nakikilala ka bang may ngalan na ganoon?" Tanong ni Alerio.

Dahan dahan na tumango si Chrislyn na may takot sa mata.  Parang may alam siyang hinde namin alam. At ikinatatakot niya iyon.

"Chrislyn anong meron sa pangalan na iyon?" Tanong ni  Arnaldo.

"Si Rama ang panganay na anak ni Bathalang Philipma sa isang Geniouse."

"May anak si Bathalang Philipma sa isang  Geniouse?" Gulat na sabi ni Alerio. "Pero hinde ba't isang Tao ang kanyang naging asawa kung kaya't ikinulong siya ng kanyang ina at pinarusahan upang maging Parte ng g mundo? Ang ibig sabihin mali ang alam natin tungkol sa buhay ni Bathalang Philipma?"

"At sa pag kaka alam ko Lillette  ang pangalan ng anak nito." Dag dag pa ni Jensen.

"Sa kadahilanan na hinde ķailanman kinilala ng nga uri ng Taobon ang sI Rama." Ani ni Chrislyn.

"Bakit naman?" Di ko napigilang tanong. Nakaka curious kasi yung pinag uusapan nila. Ang interesting lang para sa akin. Mayroon sa loob ko na gustong malaman kung ano ba yung sinasabi nila.

"Dahil hindi katanggap tanggap ang mga ganoong uri. Hinde pinapayagan sa Philipma ang dalawa ang dugo ang nananalaytay sa isang Taobon. At pinatay rin ito dahil isa ito sa mga parusa na ntamo ni Philipma mula ng umibig siya sa isang tao." Paliwanag ni Chrislyn. "Kaya hindi ko maintindihan kung paano nangyari na si Rama ang pinuno ng mga sumugod sa atin kanina. Dahil alam ng lahat patay na ito. Sanggol pa lamang."

---

Trying hard pero Ipu-push pa rin. :)

- :Db.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro