5'2

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

MABILIS na kinuha ni Alerio yung isang sako na kulay brown mula don sa kwarto niya daw. Tinanong ko kung anong mga laman nun ang sagot niya lang ay mahalaga daw yun. Hinde ko na rin siya masyadong nausisa kasi nag mamadali yung bawat kilos niya. Pinapanood ko lang siya habang ginagawa yun lahat. Hanggang ngayon kasi iniisip ko pa rin kung bakit ang weird nung babae kanina. Chriziel ba yung pangalan nun? Tsaka bakit gusto niya akong hawakan.

Pagkatapos niyang gawin yung gusto niya mabilis pa rin yung mga kilos niya para makaalis na kami sa lugar na yun.

"Pwede ba tayo mag stay muna dito kahit saglit?" sabi ko kay Alerio habang nasa likod niya at nasa himpapawid na kami patungo doon sa lagusan.

"Hinde maari Beau." Sagot niya. Lumiko na kami dahil malapit na kami sa may lagusan e. "Pag napansin ni Dos Arnaldo na wala ka doon sa tahanan mo ay baka magtaka iyon at hanapin ka. Tiyak mapapahamak ako."

Napanguso nanaman ako. Bakit si Arnaldo yung iniisip niya? Paano ako? "Sige na. Gusto ko lang kumuha ng kahit isang bato dito."

"No bang gagawin mo sa mga bato namin,Beau? Mga bato lang naman iyon."

"Ahm.. Ano.. Wala- remembrance lang ganon."

Napakapit ako bigla ng mahigpit sa kanya ng bigla kamimg bumulusok pababa. Akala ko ng babagsak kami pero mabilis na sampal ng hangin yumg naramdaman ko sa muka ko at sa isang iglap ay nasa taas na ulit kami.

"Para sayo.." napatingin ako sa kanya ng binuklat niya yung palad niya yung palad niya at pinakita sa akin ang ilang piraso ng mga bato. Sa sobrang saya halos mapunit na yung bibig ko sa pagkakabuka nito.

"Oh..em.. Gee!" niyakap ko siya ng napaka higpit. My God! Mayaman na ako! Waaaahh!!!! Salamat kay Alerio.

**

MABILIS kaming nakarating sa may lagusan. Halos hinde na nga matanggal yung ngiti sa labi ko habang tintingnan yung mga bato sa kamay ko. Grabe lang hinde ako makapaniwalang may haaK akong ginto at diamante sa kamay ko. Hinde ako makapaniwala na ganun ganun lang ay mayaman na ako. Hinde na ako magtataka. Kaya naman pala ang daming diamante at ginto ni Arnaldo na binigay sa akin Diyos ko po!  Pinupulot lang pala yung mga yun sa mundo nila.

"Salamat dito, Alerio ha." biglang sabi ko sa kanya pag kalapag niya sa akin. Nasa tapat na kasi kami ng lagusan. Hinde talaga matanggal ang ngitI sa labi ko. Saya.

Tinanguan niya lang ako at binuksan na yung pinto. Sumunod naman ako sa kanya papasok maligaya pa rin akong nag lalakad papasok ng bigla na lang tumigil si Alerio kaya  nabunggo ako sa matigas na likod ni Alerio. Napahawak ako sa ulo ko.

"Huy, ano ba? Bakit ka ba tumigil?" pinalo ko pa yung likod niya bilang ganti.

"Dos Arnaldo.." rinig kong mahinang sabi ni Alerio. Wala sa sariling sinilip ko yung sa harap. Nakaharang kasi siya sa akin. Nakita ko don sila Eduardo,Jarred Jensen, at Arnaldo. Nakatayo sa harap namin. Mga blanko lang ang muka nila pero nung nakita nila akong sumilip ay para silang nakahinga ng maluwag. Samantalang si Arnaldo ay hinde pa rin natitinag ang muka. Nanatiling matalim pa rin niyang tinititigan si Alerio na  blanko rin ang muka. Ramdam kong kinabahan siya pero tinatago niya iyon.

Ako naman ay nakiki ramdam lang. saglit pa silang nag titigan bago nag salita si Arnaldo.

"Sino ang nag bigay sayo nang permisong dalhin siya  sa Philipma?" madilim at madiin na pagkakasabi ni Arnaldo. Kinabahan naman ako. Yung aura kasi ng muka niya ang dilim. Muka na siyang makakapatay sa paraan ng titig niya kay Alerio.

Nilingon ko si Alerio. Akmang sasagot na siya ng inunahan ko siyang mag salita. Gusto kong ako ang mag papaliwanag. "Ako ang nag pumilit na sumama k-kay Alerio kasi naboboringan na ako dito sa b-ahay.. huwag kang magalit sa kanya."

Napalunok naman ako bigla nang bumaling sa akin ang matalim na tingin ni Arnaldo.

"Jensen, Jarred at Eduardo samahan at ipasok ninyo muna si Beau sa loob. Mag uusap lang kami ni Alerio."

Lalapit na sana sa akin si Eduardo ngunit lumayo ako at pumunta sa tabi ni Alerio. Meron sa loob ko na nagsasabing huwag kong iwanan si Alerio mag isa dito. Kahit papaano naman ay medyo kilala ko na si Arnaldo. At ang sinasabi niyang mag uusap lang sila, ay hinde ako naniniwala dun. Alam kong may gagawin siyang hinde maganda.

Nanginginig na yung panga ni Arnaldo habang palit palit ang tingin niya sa amin ni Alerio.

"Sumama ka na kila Eduardo." ani  Arnaldo

Umiling ako. Hinde ko iiwan si Alerio. Ako ang may kasalanan. Ako ang nag pumilit sa kanya na na isama ako sa lugar nila. Kung hinde ako nag pumilit hinde ako sasama ni Alerio kanina.

Hinawakan ako ni Alerio sa balikat. "Beau, ako na ang bahala dito. sumama ka na kila--" hinde na natapos ni Alerio ang sasabihin nang bigla na lang siya tumalsik palayo. Masyadong mabilis ang pangyayari at nakita ko na lang na nasa lupa na si Alerio at inaatake na siya ni Arnaldo ng mga suntok.

Napatakip ako ng bibig. "Omaygash!"

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro