53

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

HINDI ko na alam kung anong gagawin ko para lang tumigil sila sa pag aaway. Nakapaligid na sila  Eduardo pero ayaw pa rin nila tumigil.

"OmyGod!" hiyaw ko pa. Nakita kong nasuntok rin ni Alerio si Arnaldo sa pisnge niya saglit napa hinto si Arnaldo tsaka mabilis din gumanti ng sipa kay Alerio. Sinabayan pa niya iyon ng suntok sa tagiliran nito nakita kong napadaing si Alerio.  Ako yung nasasaktan para kay Alerio. Ang sama sama talaga ni Arnaldo. Paano niya nagagawang saktan si Alerio ng ganon.

Ang sama na ng tingin ko kay Arnaldo.. Ka uri niya si Alerio. Nagalit siya kay Alerio samantalang ako naman yung may kasalanan.

Kung nakakasakit lang siguro yung titig ko paniguradong nasaktan na siya ngayon.. Gusto ko siyang masaktan! Gusto ko siyang mamilipit sa sobrang sakit! Gusto  ko siyan--

Napa kunot yung noo ko nung nakita kong biglang napatigil si Arnaldo sa pagsuntok kay Alerio.

"Dos Arnaldo?" nag tatakang tanong ni Alerio kay Arnaldo. Nakikita kong lumulukot pa yung muka niya dahil sa sakit ata.

"Dos Arnaldo? Anong nangyare sayo?"  nag aalalang tanong rin ni Jensen. "Alerio, anong ginawa mo?"

"Wala!" mabilis na sagot nito. "Nakita mo naman na ako ang pinapatamaan niya ng suntok at hinde nga ako nakakaganti."

Di ko na napigilang lumapit. Tinignan ko si Arnaldo. Dumadaing siya. Napatingin siya sa akin..

"Sinabi ko sayong ako ang nag aya kay Alerio sa mundo niyo! Hinde mo siya kailangan bugbugin ng ganon! Napakasama ng ugali mo!" hiyaw ko sa kanya. Nilapitan ko pa si Alerio at tinulungan na makatayo.

"Sorry dahil sa akin nasaktan ka.."

"Wala iyon, Beau.." nilingon ko ulit si Arnaldo. Dumadaing pa rin siya.

"Napakasama mo talaga, Arnaldo."

Namimilipit na nga siya sa sobrang sakit. Siguro karma niya iyan dahil sa ginawa niya kay Alerio.

"Beau, huwag ka ng magalit ka Dos Arnaldo.." napatingin ako kay Jarred ng mag salita ito.

"At bakit hinde ako magagalit sa kanya? Sinaktan niya si Alerio, saamantalang wala naman diyang ginagawa. Sinabi ko na ngang sko ang may kasalanan tapos si Alerio pa rin ang sinaktan niya!"

Hinawakan ako ni Eduardo sa braso. Napatingin ako sa kanya. "Beau, maaari bang mamaya ka na lang magalit kay Arnaldo? Kumain ka na lang muna alam kong nagugutom ka na.."

Napahinga ako ng malalim doon.. Bigla naman kumalam ang tiyan ko.

"Sige na Beau, mamaya  ka na langg magalit sa kanya.." nilingon ko ulit si Arnaldo. Halos namumutla na siya puro daing lang ang nagagawa niya.

"Okay.." sabi ko. "Hindi na ako galit.." ngumiti pa ako. Kay Eduardo. Kasabay naman nun ang pag bagsak ni Arnaldo sa sahig. Nagtaka naman ako.

"Dos Arnaldo!" agad siyang dinaluhan nila Jarred at inalalayan para makatayo.

Napanguso ako. Ano ba nangyayare sa kanila? Ang weird.

"Alerio, ipasok mo na si Beau, mag pahinga na kayo.. ngayon na.."

Agad naman akong sinamahan ni Alerio sa loob nilingon ko pa nga sila Eduardo na tinutulungan si Arnaldo.. Nahihirapan pa din siya. Pero sa tingin ko guminhawa naman ang hitsura niya kaysa sa kanina.

May pagtataka pa rin ako pero binaliwala ko na lang yun. Karma niya siguro yun dahil sa psnanakit niya kay Alerio ng walang dahilan.

Pagkapasok pa namin sa bahay ko ay nakuta kong pababa ng hagdanan si Cecilia.

Nginitian ko siya ng napatingin siya sa gawi namin.

"Beau, nandito ka na pala. Kanina ka pa hinahanap nila Dos Arnaldo." tanong niya sa akin pagkalapit. "Saan ka ba nagtungo?"

Napakamot ako sa ulo ko. At napayuko. "Pinilit ko kasi si Alerio na isama ako sa mundo niyo.. Dun kami galing.." ilang sandali siyang hinde nagsalita. Dahan dahan ko naman inangat yung ulo ko. Galit rin ba siya sa akin? Kay Alerio?

Nung nakita ko si Cecilia. Nakahinga naman ako ng maluwag nang maayos yung mukha niya. Maaliwalas at nakangiti pa siya.

"Hin..di ka galit?" maingat na tanong ko.

Umiling siya. "Hinde. Wala naman rason para magalit ako. Mabuti nga naipasyal ka ni Alerio, alam ko naman na malungkot ka dahil wala kang ginagawa rito sa tahanan mo."

"Kamusta naman ang pag pasyal mo sa Philipma?" tanong niya habang paupo kami sa sofa. Nakahinga ako talaga ng maluwag dahil sa reaksyon niyang hinde marahas. Hinde tulad nung kapatid niyang puro kaharasan lang yung nasa utak.

"Oo. Nag enjoy nga ako." dinukot ko sa bulsa yung mga bato at ipinakita sa kaniya. "Meron pa nga akong remebrance oh? Grabe? Seryoso, diamante at ginto dinadaanan niyo lang?"

"Itong mga bato na ito?" kinuha pa niya yung isa sa kamay ko. "Maraming ganito sa mundo namin. At marami pang bagay na mas maganda pa dito.."

"Wala ng mas gaganda pa dito, no.." bulong ko.

"May sinasabi ka Beau?"

"Ahh! Wala ano ka b---"

"Diyosa Cecilia.."

Napalingon kaming talo sa pintuan.. Nandun sina Jarred inaalalayan si Arnaldo. Napataas yung kilay ko. Kung alam ko lang nag kukunwari lang yang isa na yan! Eh halos mapatay na niya si Alerio kanina kung maka suntok siya tapos ngayon hinang hina? Napairap ako.

"Anong nangyari kay Dos Arnaldo?" tarantang tanong ni Cecilia at mabilis na lumapit don.  "Ihiga ninyo siya rito.." sumunod naman sina Eduardo at inihiga si Arnaldo sa sofa. Napaurong naman kami ng konti ng lumuhod si Cecila para tignan ang kapatid. Nilingon ko si Alerio. Bakas din sa muka niya yung pag aalala.

"Ano ba ang nagyari sa kanya?" tanong muli ni Cecilia. "Napalaban nanaman ba kayo?"

"Nagka initan sila ni Alerio kanina.."

Mabili na tumingin si Cecilia sa likod ko. Kay Alerio.

"Alerio?"

"Hindi si Alerio ang may gawa niyan kay Dos Arnaldo." paliwanag ni Jarred.

Nalilitong tumayo si Cecilia at hinarap ang mga lalaki. "Anong ibig mong sabihin? Sinabi ninyo na si Alerio lang ang nakalaban niya.."

"Oo. Pero alam naman nating lahat na walang makakatalo kay Dos Arnaldo pagdating sa labanan." sabi ni Jensen at nilingon ako.

"Sinong may gawa nito sa kapatid ko, kung ganon?" gigil na sabi ni Cecilia.

Tumingin sa akin si Jensen. At humingang malalim. Kinabahan ako. "Si Beau, ang may gawa niyan kay Dos Arnaldo."

Nanlaki ng mga mata ko.

"A..ko?"

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro