5

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

FIVE | Ang Diary Ng Wattpader

Dear Diary,

Bakit ganon?Bakit may binigay na sagabal sa lovelife ko.Hindi ako naniniwala sa kasabihang THE MORE YOU HATE,THE MORE YOU LOVE kasi paano mo mamahalin yong tao kung puro galit at inis lang ang mararamdaman mo dito?

"Bwesit ka talaga!"Gigil kong wika at inirapan sya.

"Hahaha why?"Natatawa at painosente pa ng Jherongut  na to.

"Lumayo ka sa'kin baka masapak pa kita."Banta ko sa bwesit na Jherongut na ito at pinakita pa ang palad ko.He always make me mad at nagiging sagabal na rin sya sa mga palano kong gawin.Tsaka hindi man lang umusad ang status namin ni Bluejin from stranger lang ako sa kanya dahil sa tuwing gagawa ako ng hakbang saka naman dumadating ang asungot na ito.Palagi nya akong pinagtatawanan at pinapahiya pa sa harapan ng taong gusto ko.

Like what he did kanina lang...

Nandito ako ngayon sa basket ball court palihim at patagong sinusulyapan si Bluejin na ang hot ng dating dahil umaagos ang kanyang katas-----ng pawis dahil sa paglalaro ng basket ball nang mag-isa lang.

Sinwerte ako sa araw na ito dahil lumabas ang team mate nya at base sa pagkakadinig ko kanina kakain sila sa cafeteria na pumabor sa'kin.Masosolo kona si Jeydon Lopez new version.

Nasa ganon akong sitwasyon at para akong tanga na pinagpapantasyahan sya.Ang guwapo ng datingan nya at lahat ng makakakita maaakit sa kanya lalo na't bakat na bakat sa sando nyang puti ang six pack abs.O!my!Goood!Chalap!Chalap!

"Nyemas!"

Shit!

"Sino bang punyetang tumulak sa'kin?!"Hindi ko napigilang sumigaw dahil sa inis at gulat.

Kita ng abala yong tao,aabalahin rin.Napakawalang kwenta talaga nang taong yon!

"Ako!"

"Ikaw na naman!Nakakahalata na ako ha!Sinasadya mo ang lahat ng ito,ano!"Im not asking.Pagbibintang na talaga yon dahil araw-araw nyang ginagawa sakin to.

"Of course not."Sagot naman ng asungot na si Jhero.

"Alam mo mahahampas na kita ng sapatos ko!"Gigil na gigil na ako sa lalaking ito hindi ko lang mahampas ng sapatos ko dahil ayaw kong madala sa principal office at mas lalong ayaw kong mabigyan ng punishment.

Tsaka isa pa nandito ako sa court----

Shit!Si Bluejin?

Omg!Hindi nya ako pwedeng makita dito?Baka kung ano ang isipin nya at mawerduhan na sya sa'kin.

Huminga ako ng malalim"hinga Ayeth!Hinga lang nang hinga!"

Tapos iniikot ko ang ulo ko para masulyapan si Bluejin kahit nahihiya ako....

And I'm dead dahil huminto na sya sa paglalaro at nanonood na lamang siya...

...nang live show war namin ni Jhero asungot.Nakakahiya at para akong nakakain ng sili dahil hindi ako mapakali.Gusto kong tumakbo pero parang ang pangit naman non kung tatakas na naman ako at baka mahatulan pa ako ng guilty sa pamboboso ko kay Bluejin.

"Bakit kayo tumigil?Gusto ko pang manood ng war nyo."

What?

Ano bang sinasabi nya?Natutuwa sya....






...na makita ako dito.

O!m!G!

"Ang title ng palabas na pinapanood ko ngayon is 'THE MORE YOU HATE,THE MORE YOU LOVE kaya hindi na nakakapagtaka kong magiging kayo someday."Wika niya at matapos nyang sabihin yon maangas nya kaming tinawanan at umalis na sya.

What the hell Bluejin!

Hindi ang lalaking to ang gusto kong makasama someday,kundi ikaw at walang iba.

Hindi nakakatuwa ang eksenang yon kaninang tanghali at sirang-sira ang mood ko non kaya si Mira ang napagbuntungan ko ng galit.Lalo namang sinasagad ng Jherongut na to ang pasensya ko.

"Bumalik kana nga sa upuan mo,Jherongut!"Inis kong panunulak kay Jherongut.Galing kasi sya sa labas ng room na ikinatuwa ko dahil akala ko uuwi na sya pero bigla na namang nasira ang mood ko ng bumalik ito at sa pagbalik nito mas lalo niya akong ginagalit.Huminto pa talaga sa tabi ko para lang mang-asar at sa bandang likuran ko lang ang pwesto nya katabi ang presidente nang room namin na si Char na hindi ko nagustuhan.

"Bakit ka kasi nandon Ayeth?Siguro namboboso ka kay Bluejin?"Wika ni Jea na ikinapula ng pisngi ko na sinamg-ayunan naman ng iba ko pang mga kaklase.Ayan na naman sila,inaasar na naman ako.

"Of course not.Napasilip lang ako kasi nga,diba?Nagpaalam ako sa inyo na magc-cr muna."Palusot ko.

"Almost one hour kang wala at halos ubusin mo ang lunch break natin kanina tapos sasabihin mo nag-cr ka lang?Ilang balde ba ng ihi ang lumabas dyan sa pempem mo?"Paninimula na naman ni Brando na mas lalong ikinatuwa ng buong klase.

"Tigilan nyo nga ako.Tsaka ikaw na jherongut ka umalis ka dyan,ha!"Hinampas ko sya ng notebook kong pinalabas ni sir Zandy kanina bago sya nagpaalam na sasaglit lang daw sa office dahil pinapatawag siya ng principal.Kaya walang sumasaway sa mga kaklase ko dahil walang tagasaway at hindi pabor sakin na wala si sir Zandy.

"Itlugan ka naman."Jhero na ayaw talagang magpalamang.

"Classmates,remember the first day of school na nagpa-over all exam si sir Zandy?"Bwesit talaga itong si Jherongut.Talagang gustong-gusto akong ipahiya sa mga kaklase namin.

"Yeah!I remember the day Ayethea got zero point over one hundred item!"Sa sinabing yon ni Jeannie na may pagkanta pa  nagtawanan ang buong klase na ikinainis ko lalo.Tanggap ko naman na naka-zero ako nong araw na iyon at ang mas malupet pa ako lang talaga ang nakakuha nang ganong score,hindi ko nga alam kong score pa ba ang tawag sa zero point?

Humagikhik naman si Jherongut na hanggang ngayon nakatayo parin sa tabi ko habang ako nakaupo lang dito nagpipilit na huwag masapak ang lalaking bwesit sa buhay ko.

"Itlugan!"

The heck!

"Itlugan!''

"Kakaasar ka!"Tuluyan nang nasagad ang pasensya ko kaya hinampas ko sya ulit ng notebook ko.

"Masakit yon!"Reklamo niya na ikinairap ko lang pero hindi pa rin siya natinag mukhang nag e-injoy pa syang asarin ako.

"Ayaw ko na ha!Hindi na ako natutuwa.Ang bad nyo sakin!"Muli ko silang inirapan bago ko itinago ang mukha ko sa upuan ko.Narinig ko naman ang tawanan ng buong kaklase ko kaya tinakpan ko ang teinga ko.Pero walang silbi yon dahil sa lakas ng boses ni Mira na nasa tabi ko lang.

"Anong nangyayari dito?"Tumigil ang lahat sa biglaang pagpasok ni sir.Zandy.Mabuti naman bumalik na sya para matigil na ang kaligayahan ng mga ito.

"Jhero,bumalik kana sa upuan mo."Wala akong narinig mula sa bibig ni Jherongut pero naramdaman kong bumalik na sya sa upuan nya.

"Sinunod nyo ba ang bilin ko na basahin ang note na pinasulat ko kahapon dahil may itatanong ako pagbalik ko?"Paninimula ni sir Zandy.Hindi sya terror mukha lang,gusto nya kasi kapag oras ng klase pag-aaral lang ang inaatupag.Para sa kanya may oras ang ibang bagay bago ito pagtuunan pansin.

Buong maghapon ganito sya,mabuti na lamang last subject na namin ngayon.











"Mommy,nandito na ang maganda mong anak!"Sigaw ko pag-apak ko pa lang sa pintuan ng bahay namin.

"Nandito ako sa sopa,anak!"Narinig kong sigaw din niya kaya pumunta muna ako dito bago tumuloy sa kuwarto ko.

"May niluto akong spaghetti don,mag meryenda ka muna."Sambit ulit ni mommy pagkatapos kong mag-blessed sa kanya.

"Aww!aww!"

Ano yon?Tahol ng aso?pero wala kaming aso.

"What's that mommy?!"

Gulat pa akong napatingin sa asong lumabas mula sa likuran ni mommy.

"Ayan tuloy nagising,ang ingay mo kasi Ayeth.Sleep kana ulit baby!"Ngumiwi na lang ako sa pinakita ng mommy ko.Gawin ba namang baby ang tutang yon.

"Mom,im your baby!"Irita kong singhal kay mommy at sinamaan nang tingin ang tuta.I don't like pet,specially dog.Kung hindi to palalayasin ni mommy baka magarute  o kaya mapatay ko lang iyan wala sa oras.

"Your not baby anymore Ayeth."Mom.

"Okay,fine.Im not your baby but you can't treat a dog like a baby."

"At sino ang baby ko?"Mom again.
I know im not enough na isa lang ako sa buhay nya at alam ko rin na she need more pero hindi na pwede pa dahil ako lang ang ibinigay sa kanya.Kung titingnan nga muka lang kaming magkapatid e at hindi mag-ina.Lahat ng taong bago pa lang kami makikilala yon na ang first impression samin ni mom at nakakainsulto yon sakin,

...ibig kasing sabihin non muka na akong nanay,,

...nanay ng magiging anak namin ni Bluejin!Char truth!

Bata pa kaya ako!

"Make your own baby!"Dahil sa sinabi kong yon binato nya ako ng tsinelas nya.

"Mom!"Saway ko dito habang nakabusangot.

"Umakyat kana nga sa kuwarto mo at magpalit ng uniform."Utos nito sakin.

"But---"

"Awww!awww!awww!"

Hindi ko na lang tinuloy ang sasabihin ko dahil umepal na naman ang tutang yon.Umakyat na nga lang ako sa kuwarto ko para magbihis.










"The heck!What are you doing here?"
Bigla na lang akong napasigaw ng magising ako sa kalagitnaan ng gabi dahil sa tutang ito.Nahulog pa nga ako sa sahig dahil sa gulat mabuti na lamang mababa lang ang binagsakan ko kaya hindi ako nabalian.

Pinunasan ko pa ang pisngi ko dahil sa tingin ko dinilaan nya pa ito,piling ko kasi medjo basa.Sinamaan ko tuloy siya ng tingin na ikinainis ko.Bakit hindi nya ako pinapansin?Isnoberong tuta!

"Umalis ka nga dyan!"Inis kong wika sa tuta at dahan-dahan hinila ang kumot ko.Sosyal din kasi ng tutang to,don ba naman nahiga sa kumot ko mismo.

"Sabing alis!"Tinulak-tulak ko pa sya ng dahan-dahan pero ayaw talaga umalis.

"Isa!Paghindi ka umalis leletchonin talaga kita!"

"Sabing alis,alis,alis!"

Ang tanga ko sa lagay ko ngayon.

Kinakausap ang aso kahit hindi naman naiintindihan

Pinapaalis ko pero hindi ko naman nilalakasan ang ang pagtulak.

Kahit kasi papano I have a heart!

Kaya sa bandang huli napasuko ako ng tutang ito ay ako ang sumuko sa away naming dalawa kaya hinayaan ko na lang siya sa ganong pwesto at naupo na lang ako sa kalapit niya.

Tumitig pa ako sa tuta then.....

"Epal ka talaga!"Pinanggigilan ko pa ang teinga nyang maliliit.Tumahol naman siya na di gaanong malakas dahil tuta pa nga lang.

"Meron tuloy akong taong naaalala dahil dyan sa kaepalan mo."

"Yeah,kaperoho mo nga sya,epal.From now on tatawagin kitang Jherongut."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro