6

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Six | Ang Diary Ng Wattpader

Dear Diary,

Bakit ganon?Palagi kaming pinagtatagpo.

Pinagtatagpo sa maling panahon at pagkakataon kaya hindi kami nakatadhana.

"Ayeth,yan ba ang routine mo tuwing weekend?"Sinamaan ko ng tingin si Reijan ng hampasin nito ang lamesang nasa harapan ko.

"Kung naiirita ka,pwede mong sabihin dahil aalis ako dito."

"Damn you,Ayethea!"Minura na naman ako ng gago.

"Tigil-tigilan mo pagmumura mo ,Reijan."Pagbabanta ko dito.Ahead siya sa'kin ng isang taon pero same level lang kami pagdating sa school.

"Okay,ano ba kasing ginagawa mo dito?Ang aga-aga pa o,tapos ikaw pa ang sumira sa panaginip ko."Hindi ko sya pinansin.Ibinalik ko lang ang atensyon ko sa binabasa ko.

"Reijan naman e!"Irita at parang bata kong sigaw dito ng hilahin nya ang libro ko.

"Ibalik mo yan!Nandoon na ako sa part na si Jeydon ang nag po-point of view!"Kakainis ka Reijan!Kung kailan naman nasa kasarapan na saka mo naman ako binitin.

Hindi ko kayang hintayin na lang na ibigay nya ng kusa yon dahil alam ko naman na walang pagkukusa yang pinsan ko.Kaya nilapitan ko sya at pilit inagaw yon,pero ayaw nya talaga magpatalo at ayaw ko rin magpalamang kaya kumapit ako sa likuran nya at balak ko pang abutin ang balikat nya para wala na syang kawala.

Hindi ko sya binitawan kahit para akong lalaking kumapit sa kanya,kahit maramdaman pa nya ang maseselan kong katawan,basta makuha ko ang libro ko okay na.

"Akin na'yan!"Unti-unti ko ng naaabot ang libro ko mula sa kamay nyang mataas,nahirapan ako kasi di hamak na mas matangkad pa sya sa'kin.

Hindi ko pa ba nasasabing maliit ang lahi nila mommy,mabuti na lang mas matangkad pa ako dito.Siguro sa side nang  daddy ko namana ang saktong height kong to pero di hamak na nalakihan pa ako ni Reijan na namana nya sa mommy nya.

"Ouch!Oo na,ibibigay na!"Napangisi ako ng marinig ko ang pagsukong yon.Wala na syang ibang choice pa dahil napupuluputan ko na sya.

Binitawan ko na sya.Sinamaan pa nga niya ako ng tingin na ikinaismid ko lang sa kanya.

"Magpakababae ka naman."Inis niyang sambit bago iniabot sakin ang libro.

"I am."

"Hindi ganyan,kumilos ka na umaayon sa'yo.Babae ka nga,kung kumilos naman parang lalaki.Babae ka kaya dapat maselan ka.Babae ka kaya dapat maingat ka.Babae ka kaya dapat ingatan mo yang sarili mo."

"Opo,father."

"What the hell,Ayethea!"Napakamot na lang siya sa kanyang ulo dahil sa naging sagot ko.

"Bahala kana nga!"Nayayamot nya akong iniwan sa sopa kaya napangiti ako.

Edi,Wala ng sagabal!

Hindi ko na napansin ang oras,ni hindi ko nga alam kong ilang oras na akong nakaupo sa sofa nila Reijan basta ang alam ko lang nakatapos ako ng higit sampong chapter sa mag-tanghaling ito.

"Haaay!"

Tumayo ako mula sa pagkakaupo at humikab at nag inat-inat ng katawan.

Lumingon pa ako sa bandang kusina dahil simula ng ewan ako ni Reijan dito hindi na sya bumalik pa para guluhin ako.Napagod na yata sa katigasan ng ulo ko.

Nakaramdam ako ng gutom kaya nagpasya akong iwanan na muna ang libro ko sa sofa at pumunta ng kusina.

Wala naman akong Reijan na naabutan kaya tumungo ako sa pool area na paborito nyang tambayan.

Hindi nga ako nagkamali.Mag-isa syang nakaupo sa lamesa habang tumitipa ng guitara.Isa sa mga paboritong laruin ng pinsan ko ay ang gitara.

"Eyyy!"Pagkuha ko sa atensyon nya.Tiningnan nya lang ako at muli ng bumalik sa paglaro sa guitara nya.

Umupo naman ako sa harapan nya at ininom ang basong may lamang juice.Napansin ko pa ngang dalawang baso ang nakapatong sa lamesa,yong isa ubos na.Napaisip na lang ako,matakaw talaga itong pinsan ko.

Nasa ganon akong sitwasyon,umiinom ng juice habang nilalasap ang hangin nang....





"Putangina!"

Nagulat na lang ako dahil may pumatak na kong ano sa harapan ko.Ipis!

Tiningnan ko ng masama ang taong yon.

"Papatayin mo ba ako sa gulat,Jherongut?"

Oo.Si Jhero nandito a.k.a Jherongut.

Lumabas na naman asungot ng buhay ko.Siguro kahit saan ako magpunta kadugsong ko na ang asungot na to para sumira ng bawat araw ko.

Hindi lang sya asungot ng buhay ko sa school,pati weekend ko sinakop at hindi nya pinalampas.

"Nakita ko ang dalawang butas ng ilong mo nong nagulat ka,ang laki pala hahaha!"Litse talaga!

Bigla na naman agad akong sinaniban ng kasamaan dahil sa pagdating ng asungot.

"Anong pake mo?!"Inirapan ko sya bwesit na bwesit na naman kasi ako.

"Siguro pag-nangungulangot ka ginagamit mo ang pointer finger mo,ang laki kasi nang butas nito haha!"

"Dugyot!Reijan o,paalisin mo nga yang jherongut na yan!"Pagsusumbong ko kay Reijan na parang bata.

"Aysus!Sige lang,ituloy nyo lang yang lambingan nyo kunwari wala ako dito."Sinamaan ko ng tingin ang pinsam ko na hindi man lang ako kinampihan.

"Umuwe kana nga,pati ba naman dito sinusundan mo ko!"Pagtataray ko kay Jherongut.

"Para sabihin ko sayo,hindi ako nandito para sayo,baka nakakalimutan mo kaibigan ko si Reijan."Nginisian pa ako ni Jherongut na ikinaasar ko lang lalo.

"Edi magsama kayo,dyan na nga kayo!"Ako na lang ang umalis dahil ayaw kong makita ang nakakairita nilang pagmumukha.

"Itlugan,nasa likuran mo ang ipis!"

Huminto ako bigla at para pa akong nafreeze sa sinabi nya.No!

"Omg!alisin mo!"Bumalik ako sa kinaroroonan ng dalawa dahil takot talaga ako sa ipis.

"Myghad!Alisin mo Jhero!Reijan tanggalin mo!"Para akong bulating hindi mapakali dahil sa ipis na yon,nagtatayuan nga ang balahibo ko dahil takot talaga ako sa ipis.

"Hahahaha!"

Muli akong napatigil,nang marealize kong pinagtitripan nila akong dalawa.

Mamaya ihahampas ko sa kanila ang gitarang hawak ni Reijan.Oo man,asarin lang nila ako.

"Bwesit ka!"Hinampas ko sa balikat si Jherongut dahil sa inis.Pati ba naman ngayong araw hindi nya pinalampas,talagang nasasayahan na makita akong naaasar nya.

"Hahahaha I got you,Ayeth!"Tatawa-tawang wika ni Jherongut na hiniling ko na sana mamatay na sya sa kakatawa.

"Tse!"

Kahit siguro tarayan ko sya ng tarayan,patuloy nya pa rin akong pagtatawanan.

"Tumahimik ka nga,naiirita na ako sa'yo!"

Pero kahit anong pananaway ko dito patuloy nya pa rin akong inaasar.Tapos idagdag nyo pa si Reijan na may ibang trip....

"Mahal tandaan mo,hindi ako susuko sa'yo!"Kumakanta sya,kaya bumabagyo na.Nagagawa nya pang kumanta sa pagitan ng pag-aaway namin ni Jherongut.

"Wala ka non!"

"Wala ka non!"

Pareho kaming napatigil ni Jherongut dahil sabay at pareho kaming nag-react sa kakaibang trip ni Reijan.

Bumwelo naman siya ng tawa na ikinaasar ko lalo.

"Aha!Mutual thinking,beke nemen bukas mutual feeling na hahaha!"

"In your dreams!kahit kailan hinding-hindi ko magugustuhan ang jherongut na to!"

Talagang isinigaw ko pa sa mismong mukha niya para damang-dama nya.

"Wala naman nagsabi sa'yo na gustuhin ako,I have my own way para magustuhan mo ko."

Huwat!Don't tell me talagang gusto nya ko?

Piling ko nag-iinit ang pisngi ko.

"Your blushing!"

"No.I'm not!"

Shit!

"Hahaha kinikilig ka,no?"

"Of course not!"

Tangi ko.At dahil hindi na ako makahinga sa pang-aasar ni Jherongut at hindi ko na kaya marinig ang tatawa-tawang pinsan ko muli kong dinampot ang basong may laman pang juice at ininom ito.Nanuyo ang lalamunan ko,grabe!

"So,you want me to kiss you,huh?"
Napahinto at halos mabilaukan yata ako sa sinabi nyang yon.

May sinabi ba ako na halikan nya ako?

"W-hat?Ma-may sinabi ba ako?I mean no."The hell!Ano bang ginagawa ko?Halos hindi ako makapagsalita ng maayos dahil sa mga binibitawan nyang salita.

"Hahaha!yang basong ininuman mo,ginamit ko na rin yan.We're kissed undirect.You want more in direct?"





_______

"Ayeth,buksan mo itong pinto.Kuwarto ko yan at hindi sa'yo."Narinig kong sigaw ni Reijan mula sa labas.

Bahala ka dyan!

Matapos mo akong asarin kanina tapos susundin kita.Neckneck mo!

"Gabi na din,kumain kana."

Oo inabot ako ng gabi sa bahay nila.Alam naman ni mommy kaya no need to worry.Wala rin naman si tito Rene at Tita Dania nasa out of town kaya okay lang na dito muna ako pansamantala.

"Lumabas kana dyan.Kanina ka pang tanghali nanjan,ako naman."Kinalampag nya pa ang pintuan ng kuwarto nya.Bahala siya,hindi naman ako ang magpapaayos nyan kapag nasira.

Simula kasi kaninang tanghali nagkulong na talaga ako sa kuwarto ni Reijan para hindi maasar ni Jhero dahil hindi ko din alam kung hanggang kailan sya nandito.Ngayon nga,hindi ko alam kong nandyan pa sya sa baba.Basta ang alam ko ayaw ko syang makita.

"Ayethea!"Mas lalong lumakas ang kalampag sa pintuan,kasing lakas ng pagkakainis sakin ng taong kumakalampag don.

"Kapag hindi mo to binuksan sisirain ko na to."

"Go!"

"The hell Ayethea!Isa pa,tatawagan ko na si grandpa!"Nang marinig ko si granda dali-dali akong tumayo mula sa pagkakahiga at binuksan ang pinto.

"Sa dami ng pagsusumbungan mo si grandpa pa talaga.Are you out of your mind?"Sermon ko kaagad dito.Nginitian naman ako ng gago na parang aso.

"Syempre sa kanya ka takot e,tsaka isa pa hindi ko naman gagawin tinatakot lang kita."Kita mo to inasar na naman ako palibhasa mabilis akong kumagat sa mga pain nila.

"Ewan ko sa'yo.Tsaka pinaalis mo na ba?"

"Huh?Sino?"Maang-maangan nitong tanong.

Binatukan ko sya "Umayos ka nga.Yong asungot ng buhay ko."Ginigigil nya na naman ako.

"Hahaha yong boyfriend mo ba?Oo,kanina pa."Muli ko syang binatukan dahil sa sinabi nya.

"Hindi ko sya boyfriend!"Sigaw ko bago sya nilayasan.Naaasar na ako e,baka masapak ko pa sya.

Pero narinig ko pa rin ang huli nyang sinabi "Future mo lang!"

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro