7

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng


Seven | Ang Diary Ng Wattpader

Dear Diary,

Talaga bang nakatadhana kaming magtagpo?Nakatadhanang magtagpo para sirain ang araw ng isa't-isa.

"Bleeeeee!"

Masaya ako ngayon.

Masaya akong nakikita syang nahihirapan.

Inaasar ko pa sya,dinilaan ko pa para maramdaman nya ng sagad ang nararamdaman ko pag inaasar nya ako.Nakakarami na sya,ngayon lang ako gumanti.

"Kasalanan mo iyon,ano?"Napalingon ako sa katabi kong nagsalita.

"Ang alin,Jeannie?"Maang-maangan kong tanong sa kanya.Inilingan nya naman ako na ikinangiti ko lang.

Oo.Kasalanan ko kung bakit dumaranas ng parusa si Jherongut,naparusahan sya dahil hindi nya dala ang P.E UNIFORM.Ang P.E UNIFORM nya na tinago ko naman talaga.Mahigpit kasing ipinagbabawal ni sir Zandy ang pagiging pabaya sa mga gamit na kung kailan gagamitin saka naman wala.Isa pang rason nya,once a week na nga lang kami papasok sa subject na iyon kakalimutan pa ang pinakamahalagang gamit.

It's my time.

It's time to my revenge!

_____

"Kamusta ka naman?"Binisita ko lang naman si Jherongut na nagpeperform sa gitna ng entablado.Haha!

Bilang kaparusahan kasi.Pinatayo sya ni sir Zandy sa gitna ng stage hanggang maubos ang isang oras at kalahati namin sa P.E time,at alam nyo ang pinaka-wors may makakapal na libro na nakapatong sa magkabilang palad nya habang nakabuka ito.Nakakatuwa syang pag masdan!Ang cute nya!Gusto ko tuloy mag-isip ulit ng kalokohan na mapaparusahan sya.

"Masaya.Gusto mo subukan?"Iyamot nya akong tiningnan na ikinatawa ko lang.

"Wag na,baka nakukulangan ka pa.You want more?Marami pa akong ideya para maranasan mo ang ganiyan haha!"Sinamaan nya ako ng tingin na nakapagpahalakhak sa'kin.

"Magsisisi ka na ginanito mo 'ko."Madiin ang kanyang boses na parang ipinararating sakin na kailangan kung maghanda dahil gaganti siya.

Well,handa na ako sa anumang bagay na gawin nya.

"Galingan mo lang."Muli ko syang tinawanan na hindi nya nagustuhan.
Napansin ko pang parang gusto nyang bitawan ang libro dahil sa panginginig ng muscles nya,pero hindi nya magawa dahil mapapagalitan sya ni sir Zandy.

Bagamat wala dito,pero isusumbong ko naman.Ganun ako kateacher pet pag siya na ang kaharap ko.

Tapos tumutulo na rin ang pawis nya mula noo hanggang leeg.

Nakaisip ako ng kalokohan.Kinuha ko ang panyo ko sa bulsa ng p.e uniform ko at dahan-dahan lumapit sa kanya.

Napangiti ako ng hindi ko maramdaman ang paghinga nya,pinipigilan nya marahil ang paghinga nya o baka hindi sya makahinga ng tama dahil subrang lapit naming dalawa.

Nilapat ko ang panyo ko sa noo nya at dahan-dahan siyang pinunasan.Inaasar ko lang sya.

Inaasar ko lang!

Pero bat ganon?Bigla akong napatitig sa mata nya na parang napapagod na.Kaya ang pagpunas ko tuloy sa kanya'y banayad at walang halong pang-aasar,piling ko binuhusan ko pa ng pagke-care ang kamay ko habang pinupunasan sya.

Bigla akong nagising!

At dali-daling umatras palayo sa kanya.Huminga ako ng malalim habang nakatingin sa kanya.

"Masarap ka pa lang maging asawa haha!"Wika nya na ikinapula ng pisngi ko.Ano bang sinasabi nya?

"Managinip kana lang hindi ikaw si Jeydon Lopez na gusto ko."Matapos kong sabihin yon dali-dali akong bumaba sa stage at wala sa sariling naglakad.

Wala sa sarili kaya hindi ko napapansin ang paligid ko.Lalo na ang mga kaklase ko na masaya at abala sa pagpapasahan ng bola.Volleyball kasi ang sports na tatalakayin namin ngayon,magdidiscuss sana si sir pero may emergency meeting na naman.Masyadong importanteng tao si sir kaya walang palya ang meeting na yon na hindi sya kasama.

"Ouch!"

"AYETH!"Sigaw ng mga kaklase ko ng bigla akong natumba sa sahig.

'Aray ko' sumakit yata ang ulo ko dahil sa pagtama ng bolang yon sa mukha ko.Ang swerte ko ngayong araw sa kamalasan,patong-patong e.

"Kasalanan mo to."

"Sabi kong wag mong lalakasan ang pagpalo."

"Sorry na,hindi ko naman siya nakita."

Narinig ko pang usapan ng mga kaklase ko ng lapitan nila ako.Nagtatalo pa rin sila kung sino ang may kasalanan kahit wala naman sa kanila ang maysala,ako ang may kasalanan kasi ako ang tatanga-tanga.

"Bumangon ka nga d'yan,ang lampa mo naman.Hanggang kailan mo balak lampasuhin yang sahig gamit ang damit mo?"Biglang luminaw ang paningin ko at para akong sinaniban ng power ng marinig ko ang boses na iyon.

Nakita nya ba kung paano ako matumba sa sahig?Omg!Nakakahiya yon.

"Ang hina mo naman dahil lang don knock out ka na."Pang-iinsulto pa niya kaya kahit masakit ang likod ko at ang ulo ko nagpretend ako na walang sakit na naramdaman.

"Ikaw ba pumalo ng bola,Nike.Ang hina mo naman,para kang baklang pumalo."Parang na-spechless ang mga kasama ko dahil sa pagiging hyper ko.

"Tara laro.Talunin natin ang mga baklang yan!"Sigaw ko pa at agad kinuha ang bola para maglaro ng volley ball.

Girls vs. Boys kasi ang laban namin.
Kung ilang boys at girls kayo sa klase  lahat kayo papasok sa court.Palakasan at pagalingan na lang ang laban para manalo.

"Ah,okay!"Ngangang wika ng mga kaklase ko.











_____







Nasa library ako ngayon at hindi na naman ako pumasok sa isang subject para lang masundan si Bluejin dito sa library.

Nasa unahan ko sya ngayon.Alam nyo ba kung ano ang ginagawa?

Tanungin nyo ko,dali!

Naglilinis lang naman siya ng mga librong napuno ng alikabok dahil bihira nang gamitin.

Napahalumbaba na lang ako habang nakatingin sa kanya habang nakangiti.

"Hay,ang guwapo mo talaga!"

Ano ba yan?Nababaliw na yata ako dahil sa kanya.

Aha!

May naisip akong gawin dahil masyado akong natuwa at nacutan sa mukha niyang hindi maipinta dahil sa parusang natanggap mula sa Guidance office.

Kinuha ko ang phone ko at kinunan siya ng picture.

Nataranta pa ako ng tumunog ang napakalakas na flash ng camera ko.Mabuti na lang agad ko itong naitabi sa bulsa ko at agad kong nadampot ang libro para iharang sa mukha ko,para magpretend na rin na abala sa pagbabasa.

Ramdam ko na lumingon sa direksyon ko si Bluejin,sana lang talaga hindi nya ako napansin.


"Bluejin!"

Dahan dahan kong inisod patabi ang libro ko at sinilip ang babaeng narinig kong nagsalita.

"Matagal na kitang gusto."Bahagyang napakunot ang noo ko sa kakapalan ng mukha nang babaeng yon kasing kapal ng makeup nya sa mukha.

Ang desperada ng datingan mo girl!

Hindi ko kilala yong babae pero sa tingin ko may narinig na akong usap-usapan tungkol sa kanya.Sikat sya sa ibang estudyante hindi nga lang sakin dahil wala naman akong pake sa mga tulad nya.

"Naririnig mo ba ako?"Lintana ulit ng desperada nang hindi sya pansinin ni Bluejin.Bute nga!

"I like you Bluejin!"

Again!
Wala na naman siyang respond na natanggap.Nagbibingi-bingihan at nagbubulagbulagan si Bluejin na parang walang babae sa tabi nya.

Nang mapikon ang babae akala ko aalis na sya kasi nga tumalikod na ito kay Bluejin..Pero mali ako,

Nagulat na lang ako ng kabigin ng babaeng yon si Bluejin at hinalikan sa labi.

Literal na napanganga ako at napatayo pa sa kinauupuan ko.

What the hell!

Parang gusto kong lumapit sa kanilang dalawa at hilahin ang buhok ng desperadang yon....

....kaya lang naisip kong wala nga pala akong karapatan kasi nga 'I'm not his girlfriend'

Pero hindi rin naman girlfriend ni Bluejin yon.Bakit nya ba hinalikan ang future husband ko?

Nagulat na lang ako ng makita ang pagbagsak ng desperadang babae sa sahig dahil tinulak sya ni Bluejin.

"Wala kang karapatan na halikan ako dahil walang lasa yang labi mo."Bigkas ni Bluejin sa babae na hindi na nagawang umimik dahil iniwan na sya nito.Parang ako yong nasaktan sa pagkakabagsak nya.Awww!

Mukhang kailangan ko yatang pasarapin ang labi ko para magustuhan ni Bluejin

What?Ano ba tong iniisip ko?











_______







"Ano na naman ba yon?!"Irita kong tanong kay Mira na kanina pa ako kinukuhit.

"Palit kayo ng upo ni Char,may pag-uusapan lang kami tungkol sa partner project natin sa Pilipino."Nagpuppy eyes pa ito sa harapan ko na ikinainis ko.Hindi bagay sa kanya,mukha syang tuta!

"Ayaw ko!"Pagmamatigas ko at hindi na ulit siya pinansin.

Hindi nya pa rin ako tinigilan.

Kinuhit ng kinuhit....

Hanggang sa mabwesit na talaga ako

"Bakit kasi hindi na lang mamaya pagkatapos ng klase kayo mag-usap?"Irita at nanggigigil kong singhal kay Mira na alam kong napansin ng nasa likuran namin.

"Hapon na masyado yon,oras na ng pag-uwe yon.Tsaka isa pa,hindi ba kayo mag-uusap ni Jhero tungkol sa project nyo?"

Mas lalo lang akong nabwesit ng marinig ko ang pangalang yon at ang pinaka-worst pa siya ang kapartner ko sa project project na yan.Pwede namang iba!

"Ayeth,magpalit tayo saglit.May mahalaga akong sasabihin kay Mira."Utos ni Char sa likuran ko a.k.a President.

Asar naman akong tumayo sa upuan ko at nagpalit kami ng pwesto.

"So ano na?"Pamungad kaagad sakin ni Jhero.

"Anong ano na?"Irita kong kausap sa kanya.

"May naisip kana bang topic natin?"

"Wag mo akong pag-obligahin mag-isip dahil wala akong pake dyan."Inis kong singhal sa kanya.

"Bakit kasi hindi mo na lang sabihin na wala kang isip."Aba't!

"Ouch!"

Ayon.Tinuktukan ko nga.

"E di ikaw na ang matalino at ikaw na rin ang gumawa ng project na iyan,hindi kita tutulungan!"

Matapos ko yon sabihin hindi ko na sya hinarap pa.Inisod ko pa palayo ang bangko ko para makaiwas sa jherongut na ito.

"Kala mo naman makakatulong talaga sya!"

"Ano?!"Bubulong-bulong pa kasi.

"Wala!"

Psh!









______







"Sino ang tinatawag nilang Hot Squads?"Tanong ko kay Char na kasalukuyan kong kasama papuntang library.Hindi naman dapat e,pero ang mukong pinilit ako na samahan sya.Sinamahan ko na rin dahil mas ayaw kong makasama si Jherongut.

"Sila ba?Mga Queen bee yon dito sa Wattpad High."Sagot nya.

"Ah!"Tumango-tango na lang ako.

Oo nga pala!

"May tanong ako?Wattpader ba ang may-ari ng school na to?"Huminto siya sa paglalakad at kunot noo akong hinarap.

"Wattpader?Ano yon?"

So hindi nila alam kung ano yon?So bakit pumasok sila sa school na ito na pang wattpader lang ang pangalan ng school?

"Para saming mga estudyante dito normal lang naman ang school na ito katulad ng ibang paaralan.Tungkol naman sa pangalan ng school sumisimbolo yon sa pagiging mag-aaral namin dahil nga gumagamit kami ng PAD."

Muli akong tumango sa paliwanag nya at naglakad na.

"At tungkol naman sa owner nito..I dont know.No one know."


Matapos naming kuhain ang mga librong pinapakuha ni sir Zandy kay Char sa library agad din kaming naglakad pabalik...

..pero dahil inatake na naman ako ng katamaran hindi na ako sumama sa kanya.

Kaya napadpad ako sa rooftop ng school.

Kitang-kita ko ang kabuuan nito maging ang mataas na puno na nakatayo sa mismong school.

Lumingon naman ako sa kabilang building.Nasagip pa ng mata ko ang building na pinagtatayuan ng school nang mga elementary.Yes.Tapatan lang ang school namin at tinatawag itong Wattpad Elem.


"Luhan,hindi mo ako naiintindihan!"
Napatayo ako bigla sa kinauupuan ko nang may narinig akong boses mula sa labas ng pintuan.Kaya bago ito tuluyang makapasok sa rooftop at makasira ako sa usapan nila nagtago na muna ako sa isang tabi na hindi nila makikita.



"Luhan!"

Biglang pumasok ang lalaking tinatawag na Luhan at nagulat pa ako ng makita ko si Jeannie na halos magmakaawa sa lalaking yon.

"Ipaintindi mo sa'kin!"Nangigigil at halos galit na wika ni Luhan.Kita ko ang pagpipigil nito.

Hindi nakaimik si Jeannie.

Lalo lang akong naguluhan sa nakikita ko.

Bakit magkasama si Luhan na isa sa Campus Legendaries at sa tingin ko din hindi lang magkasama may pinag-uusapan silang mabigat na hindi maiintindihan ng makakakita at hindi alam ang istorya.

Ang malinaw lang sakin ngayon,

..kasama ng kaklase ko ang isa sa mga iniidolo ng mga ka-school mate ko.


"H-how?"

"Damn!"

Kinabahan ako dahil akala ko sasaktan na ni Luhan si Jeannie mabuti na lamang sa pader ng rooftop nya ibinuhos ang galit na meron sya.Sinuntok nya ito na alam kong siya naman ang nasaktan.




"Sinira mo ang buhay ko,alam mo ba yon?"Gigil pa ring wika ni Luhan na hindi makatingin kay Jeannie marahil umiiwas rin siya baka masaktan nya ito physically.Kahit galit na galit sya kino-control nya pa rin ang sarili nya.Dapat lang!




"S-sorry!"

Walang ibang masabi si Jeannie kundi ang humingi ng tawad.



"Sorry is not enough..."

Tama.Yon din ang pananaw ko.Yong tipong grabe yong sakit na naramdaman mo tapos isang sorry lang ang kapalit.Hindi makatarungan yon!

Yong nagdusa ka ng husto tapos gusto nilang sa isang sorry lang okay na ulit.Hindi ba nila alam na grabe yong sakit at hirap na dinanas sa SORRY na hinihingi nila.






"Sinira mo ang buhay ko.Ikaw ang dahilan kung bakit ako naging ganito Jeannie my ex-fiance kaya hinding-hindi kita mapapatawad."












Enjoy Reading guys!


_@Knightkiller15

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro