4

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

"Baka kung ano ang isipin nila"

"Wag kang mag alala,Nga Pala bakit ka bumisita dito?"tanong nya

"hindi Kita binisita sapagkat sinamahan ko lamang ang aking Amiga"tugon ko, bigla ako nakaramdam ng gutom.

"may tanong ako may pagkain ba dyaan?"tanong ko napansin Kong ngumiti ito ng hanggang tenga.

Nakaramdam ako ng kakaiba sakanya
"Anong gusto mong kainin Maria?"tanong nito na pagkabigla na ang aking saya "Gusto ko ng mangang hilaw iyon ang aking nais kaya mo ba iyon?"tugon ko

"Oo naman!"sagot nito tumayo ito at binuksan ang pintuan sa labas

"Emilio Kumuha ka ng mangang dilaw!"bulyaw ni Goro sakanyang kaibigan

"oh? bakit? aba! Hindi mo sinabi Sa amin na nagdadalang tao ang iyong asawa haha!"sagot ng kanyang kaibigan na pagkabigla ko

tumingin saakin si Goro nakangiting walang emosyon ang kanyang mga mata.

"Nako Emilio umayos ka kung ayaw mong mawala ng maaga dito sa mundong hinihingaan mo ngayon"Biro Pa Ni Goro.

"Sige masusunod heneral haha!"Sagot Ni Emilio.

Nagdadalang tao? ako? teka hindi pa ako sinasalubong ng kabuwanan hindi kaya..

"Ernarcio Goro may sinabi ba Saiyo ang iyong manggagamot tungkol saakin"nang maitanong ko iyon ay umupo sya sa tabi ko at tumingin sa taas ng kesame

"Hmm.. Nagdadalang tao ka nang matapos ang nangyari saatin"

ikinabigla ko ito.

nawalan ako ng boses nanlamig ang aking kamay totoong totoo ba ito? ibig sabihin itinupad ng Panginoon ang aking hiling!.

"Totoo ba ang iyong sinasabi? ako bay iyong binibiro?"Kaba Kong tanong

"Kailan Paako nag Biro Saiyo Maria?"malalim nyang boses ang tinugon nya ito,walang emosyon ang kanyang mga mata seryoso at nagdidilim ang paligid ko.

"Maria sabihin mo saakin may Mahal ka ibang lalake at ngayon ay Hindi ka makapaniwala sa aking sinasabi ngayon?"Dagdag nya pa nakaramdam ako ng lamig saaking katawan ang kanyang mga sinasabi.

"Ano ang iyong pinagsasabi? Nakita mo ba akong may ibang kinakasama habang wala ka?"tanong ko

"Sa iyong makinis at malaputing balat na meron ka at sa makulay mong mata sino kayang hindi magkakagusto Saiyo?"tugon nya.

"Hindi ako kagandahan Ernacio"sagot ko

"sino ang kaibigan ko na nagakyat ligaw saiyo noon? nung hindi pa kayo ikinikasal? Si Emilio?"tugon nito

"Ang alam ko balak kapa nga nya noon itanan Tama ba?"dagdag nya pa

nan init ang aking ulo sakanyang sinasabi Napatayo ako at tumingin sakanya ng masama

"matagal nang nangyari iyon at Mali ang pagkakahinala sapagkat hindi pumasok sa isip ko na makipag Tamang sak-"naputol ang aking sasabihin nang lumapit ito saakin malapit saaking tenga

"Tama ka matagal na iyon nangyari pero sabagay nagkaisang dibdib na tayo at wala nang makakaputol doon hindi ba"naramdaman ko ang mata Nyang malamig

Hindi ako makasagot sakanyang sinasabi ngunit nakaligtas ako nang makita ko si Emilio na binuksan ang pintuan na may dalang Mangang hilaw.

"Heneral! Ito na ang mangang hilaw!"

_______________

Tahimik akong Ngumunguya sa manga na aking kinakain samantala si Goro ay nakatitig ito saakin

kanina pinaalis Ni Goro si Emilio nung ibigay saamin ang manga Masama ang tingin ni Goro ngunit buti Nalang pinigilan ko ito nung hawakan ko ang kanyang braso.

"Uuwi naako pagkatapos Kong kainin itong manga at ako'y nanghihina"tugon ko

"Dapat lang sapagkat nais din ng anak natin at ikaw na magpahinga ihahatid kita pauwi"

"hindi na kailangan"

"Ngunit kailangan maria"

"Ayos lang ba?"

"Oo, wala namang masyadong Gawain dito sa tanggapan"

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro