Chapter 1: Raven

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

•••••Raven's POV•••••

~Knock, Knock~

"Ma-Ma'am na-nandito na po ang uniform ni-niyo." I closed the guidebook that I'm reading and headed for the door.

Pagkabukas ko ng pinto ay nakita ko ang maid namin na mahalata mo sa mukha ang takot.

"H-Heto na p-po ma'am Raven." Nanginginig niyang inabot ang uniform ko sa akin but I just looked at it for a minute.

I admit, it's beautiful. Pero hindi ko parin maiwasang mainis. Tiningnan ko ulit ang maid namin na halos mamatay na sa kaba. "M-Ma'am?", nabalik lang ulit ako sa realidad ng magsalita siya. I was about to speak when I suddenly heard a voice.

"Hey is there a problem?", tanong niya and walked towards us. To be honest, maganda naman pakinggan ang boses niya. Napatingin naman kaming dalawa ni... sino nga ulit 'tong maid na 'to? "Ate Ann what's the problem po?"

Kita ko parin ang takot at kaba ng maid namin. And I'm sure na hindi lang ako ang nakapansin nun kundi siya rin.

"S-Sir.. W-Wala na---"

"Put that thing away.", utos ko sabay turo sa uniform na hawak parin ng maid namin.

Nakita ko naman ang reaksyon nilang dalawa na tumingin sa akin.

"Huh? It's your uniform at 'yan ang susuotin mo bukas sa new school mo." But instead na makipag-away pa ako sa kanya ay tamad ko lang siyang tiningnan.

"I don't need it.", tipid kong sabi at nilagpasan sila para kumuha ng tubig.

Tsk! They're breaking my mood at bakit ba kailangan pang magsuot ng uniform kapag pumapasok ka sa school?

"P-Pero ma'am ano pong susuotin ninyo bukas sa school? Maganda naman po ah at sayang din na---", isa pa 'to. Nilingon ko ang taong nagsalita and cut her off.

"If that's what you think then take it. You already have my word. Don't make me repeat myself.", seryosong sabi ko na ikinatahimik niya at dumiretso na ako sa kusina.

Even though na hindi ko na nilingon pa ang maid na 'yon ay nararamdaman ko parin ang takot niya sa akin. Ang isa sa pinakaayaw ko sa lahat ay yung sinusuway ako. Tsk.

After drinking water, I headed back to my room. Wala na akong Ann na nakita pero may stupid naman na nakasandal sa pintoan ng kwarto ko. Bumuntong hininga muna siya bago nagsalita.

"We need to talk."

"Whatever." Seryoso lang akong nakatingin sa kanya. Tumingin naman siya sakin.

"Raven, hindi kaba naawa kay Ate Ann? Palagi nalang siyang takot sa'yo because of the way you're treating her. Maging mabait ka naman sa kanya and show some respect. Kahit mag-'ate' ka man lang." Kita ko sa mga mata niya ang pagaalala.

Umiwas ako ng tingin sa kanya at tiningnan si Ann na kasalukuyang naglilinis sa living room. Naramdaman ko naman na naglakad siya papalapit sa akin.

"She served us for many years at hindi lang siya ang may takot sa'yo, kundi halos lahat ng mga tao natin Raven. Minsan lang tayo nagkakaroon ng maraming mga katulong dito sa bahay. So, please be go--"

"You done?", I cut him off at tamad ulit siyang tiningnan. "Stop telling me what to do. I can call her whatever I want. Mind your own business.", I added.

"Pero Raven---"

"There's only one person that I want to respect. And she's the only person that I want to call 'manang'.", I said seriously and started walking towards my room.

Pero bago paman ako makapasok ay may sinabi siya na ikinahinto ko sa paglakad.

"I'm just helping you." Nilingon ko siya. Inuubos na talaga niya ang pasensya ko.

"Then stop helping me. I don't need it.", seryoso at tipid kong sagot sa kanya at pumasok na sa kwarto ko.

-----

I woke up by the sound of my alarm. 6:00 a.m. Unang araw ko pala ngayon sa new school ko. Napatingin ako sa pinto ng may kumatok dito.

"Raven wake up. Today's your first day of school.", bati niya sa akin na ikinainis ko na naman. Bumangon nalang ako at pumunta sa c.r para maligo at magbihis.

After taking a bath, bumaba na ako para kumain dala ang backpack ko. Binati ako ng mga katulong namin but as usual, hindi ko sila pinansin. I headed straight to the kitchen at nakita ko siya na naghihintay sakin. Napanganga siya ng makita niya ako.

"What are you wearing? Hindi mo ba talaga susuotin yon?" Napafacepalm nalang siya and took a deep breath.

I'm exactly wearing jeans, sneakers, a hoodie, a mask that's covering half of my face and my school I.D. Ayoko kasing nakita nila ang mukha ko.

"Ok just, uhmm kumain nalang tayo. Ako ng bahala.", sabi niya at hihilain na sana niya ang upuan para sa akin ng pinigilan ko siya.

Matapos naming kumain ay hinanda na ng driver namin ang kotse. When I get in the car, na-curious ako ng pinababa niya ang driver. Kinausap niya ang driver sandali at pagkatapos ay umalis na ito at pumasok naman siya sa kotse.

"What are you doing?", kunot noong tanong ko sa kanya habang busy sa pagpapaandar ng kotse.

"Ihahatid ka.", tipid niyang sabi at tumawa pa. I just rolled my eyes on him para mabawasan naman ang inis ko.

Tahimik lang kami sa biyahe. I don't want to open up a conversation with him. Lumilipad rin kasi ang isipan ko. I heard that my new school is very luxurious and that it's every person's dream school. Pero hindi yun ang gusto kong makita. I want to see how deadly that school is. I want to see which is more deadly. My old school or my new school.

"Raven we're here.", I came back to my senses ng magsalita siya. Ngayon ko lang narealize na papasok na pala kami sa isang maganda at malaking paaralan.

Hindi nalang ako nagtaka kung bakit umiba ang dreksyon namin pagpasok sa school. I already knew that this school has an isolated campus. And a person like me--us belongs in there.

Nang makarating na kami sa other side ng school, kita ko ang mga students suot ang kanilang mga uniforms and their different I.Ds. I saw na maraming students ang nagsusuot ng white na I.D sling. Mukhang marami ata ang mga 'recruits' ngayon base na rin sa guidebook na binigay nila sa akin na binasa ko kagabi.

"You okay?", tanong niya sa akin ng makarating na kami sa elevator. I just ignored him.

He pressed the elevator keys at pagbukas nun ay pumasok na kami with the other two students behind us. Inside the elevator, rinig na rinig ko ang bulongan ng dalawa sa likuran namin.

'Ang gwapo nya noh?'

'Estudyante kaya siya dito? Bakit hindi siya naka-uniform?'

'Oo nga noh? Sayang. He's my type pa naman.'

'Oo, ako nga din eh. Baka bagong mentor siya dito? Naku sana nga! Pwede pahingi ng number?'

I just took a deep breath and clenched my fists. Makakapatay ata ako ng di oras ngayon. Nang makarating na kami ay lumabas kaagad ako sa elevator. I don't think I can bear those two anymore.

"Oh ok ka lang ba? Don't worry. Hindi ko naman type ang dalawang yun eh.", sabi niya at tumawa pa. Again, I just rolled my eyes on him.

"As if I care." At inunahan na siyang maglakad. I heared him calling my name but then again, I just ignored it. Huminto lang ako sa paglalakad ng may humarang sa akin. Two guards, mga men in black ata kasi nakasuot sila ng black suit. Tamad ko lang silang tiningnan.

"Who are you at bakit hindi mo suot ang uniform mo?", seryosong tanong sa akin nung isang guard na may malaking shades at medjo may problema sa height.

"Orange. Assassin 1st Rank huh?" Tumingin yung isa na may bushy brows sa color Orange na I.D Sling na suot ko. "Take off your hood and mask para makita namin ng maayos ang mukha mo.", dagdag pa niya with full of authority sa pananalita. Makakapatay na talaga ako ng di oras nito. Hanggang sa may biglang nagsalita sa likuran ko.

"Don't worry she's with me." Nakahabol na pala. This time, seryoso na talaga ang tono ng pananalita niya. Nagulat naman yung dalawang guards sa nakita nila.

"S-Sir Ethan? K-Kasama niyo tong ba-babaeng 'to?", nauutal na tanong nung Big Shades guy sa kasama ko.

"Kakasabi ko lang diba?", seryoso parin siya and when I say he's serious, he's deadly.

"Pa-Pasensya na po. P-Pwede na po siyang makapasok sa loob ng campus.", sabi nung isa pang guard and made some way for us to get through.

Okay. Akala ko mapapatay ko na silang dalawa.

Nang makalabas na kami sa entrance lobby, bumungad sa amin ang isang napakaganda at malaking campus. Marami ring mga estudyante. The school looks so very normal.

"Raven, I gotta go now. I hope you'll enjoy in here.", pagpapaalam niya sa akin na tamad ko lang tiningnan. "Oh and by the way, hintayin mo lang yung magtotour sa'yo dito. Babae siya. She'll be here any minute now.", sabi niya sabay tingin sa kanyang wrist watch.

Hindi ko alam na may tour guide pala ako. Feeling ko pumunta ako sa ibang bansa at hindi sa isang school. May tour guide pang nalalaman.

"Do I still have to go to the headmaster's office?", I asked habang nakatingin sa mga dumadaang estudyante.

"H-Huh? Oh you don't have to!", masiglang sabi niya. I just nodded at tumingin ulit sa campus.

"Raven?" Tumingin ako sa kanya ng tawagin niya ako.

"What?" Kumunot ang noo ko when he gave me a smile.

"I'll miss you.", sabi niya at umalis na.

Okay. What was that all about??

Binalewala ko nalang iyon at naglakad lakad nalang sa campus. May fountain sa center kaya pumunta ako doon. Nakita ko ang kagandahan ng fountain. Sa pagkakaalam ko, matagal na ang school na 'to. But kahit matagal na, the fountain doesn't look old. Instead, it looks so new. Marami ring mga estudyante na nanonood sa fountain.

"Uhmm excuse me, mind if I ask?", nilingon ko ang taong nagsalita sa likuran ko. Tinaasan ko lang siya ng kilay. "I'm Sunny Park, just call me 'Ms. Sunny'. I'm a staff in here.", pagintroduce niya sa self niya. Nilahad niya ang kamay sa akin para makipag-shake hands but I just gave it a cold stare kaya binawi nalang niya iyon. Maganda naman siya pero may something sa kanya na hindi ko gusto.

Tumingin siya sa suot kong I.D at ngumiti ng mabasa niya ang pangalan ko.

"So it's really you Ms. Raven. I'm sure Mr. Asano already told you about a person who will give you a tour around the campus. Well, ako na yung sinasabi niya.", sabi niya at tumawa pa but I just remained serious. "Okay no need to be so serious. Come on at itotour na kita sa Blandon High, the best assassin school."

Tinour niya ako sa iba't ibang lugar dito sa Blandon High. Tinour niya ako sa canteen, garden, sa mga locker areas na hinati according to your assassin ranks at sa iba't ibang lugar pa. And it's boring. What's that idiot thinking anyway at gusto pa akong ipatour.

"Hay... Nakakapagod. Ayaw mo ba talagang kumain?", Sunny asked when we took a break here in the canteen.

"Yeah.", tipid kong sagot at pinagmasadan ang paligid. "What will be the last place that we will be visiting?", seryosong tanong ko sa kanya. Tumingin muna siya sa akin before answering me.

"Sa Death Room Jail." Napatingin ako sa kanya ng sinabi niya 'yon. Naramdaman niya siguro ang titig ko sakanya kaya tumingin siya sa akin at ngumiti.

"Your mentor will be the one to explain you the details about that place. Pero sa ngayon, itotour lang kita doon.", she explained and continued eating.

Matapos niyang kumain ay dumiretso na kami sa Death Room Jail na sinasabi niya. Pagdating namin doon, naramdaman ko na kaagad ang malamig na hangin and the heavy aura that's covering the whole place.

"Para lang siyang ordinary na garden but we call this The DRJ Territory. The DRJ is in there." Tinuro niya yung metal gate na nasa center at dulo ng DRJ Territory. "You aren't allowed to go in there unless you're an Assassin 4th Rank, Master Assassin or a Mentor.", she explained. Seryoso lang akong nakatingin dun sa dulo kung saan nasa loob dun ang Death Room Jail.

The place seems... familiar? Ewan ko ba kung bakit familiar ko ang Death Room Jail.

"Alam mo, sa lahat ng mga estudyante na tinour ko dito, ikaw lang ang hindi nakaramdam ng takot. I can see it in your eyes. Instead of being afraid ay naging curious ka. Ibang klase kang bata." Doon ko lang din napansin na kanina pa pala niya ako tinitigan. "Matanong ko lang, bakit hindi ka naka-uniform? At kanina mo pa yan hindi tinatanggal ang hoodie at mask mo. Takot kaba makilala ng---"

"It's none of your business." Tumawa lang siya.

"I figured you might say that."

"Take me to my classroom now. I'm getting bored." She just nooded at tinuro ang daan.

When we finally reached my classroom, kinatok niya ito.

"Goodluck.", sabi niya sa akin and gave me a wink.

The door opened at nakita ko ang isang babae na may mabigat na aura. At unang kita ko palang sa kanya, alam ko na...

Hinding hindi ko siya magugustohan...

"Oh hey Sunny!", masiglang bati nung babae na mentor ko ata.

"Hey Angel. This girl here is Raven, she's your student. Tinour ko pa kasi siya kaya medjo na late siya.", sabi naman ni Sunny.

"Oh it's okay Sunny naiintindihan ko." I'm not really comfortable with her. "Hey Raven! I'm Ms. Angeleeka Buenavista. But I want you to call me 'Ms. Angel.' okay?", pag-introduce niya sa kanyang sarili sa akin.

Do I really look like I care?

Nag-usap muna silang dalawa sandali bago ako binigyan ni Sunny ng isang ngiti at umalis. Feel ko tinanong niya si Sunny kung bakit hindi ako naka-uniform because while they were still talking, nakita ko na pasulyap-sulyap silang dalawa sa akin.

"Come now dear, your other classmates are waiting for you.", sabi niya sa akin and opened the door for me. Pagpasok ko, bumungad sa akin ang isang maganda at malinis na classroom. Pero hindi ko muna pinagmasdan ng mabuti yun dahil dumiretso muna ako sa bakanteng upuan sa ika 4th row.

Fianlly, nakakapagod yung tour. Hindi naman masyadong interesting. Only the Death Room Jail caught my interest.

Napatingin ako sa harapan ng may tumikhim. Doon ko lang din na realize na nasa akin na pala ang attention ng lahat.

"Don't you wanna introduce yourelf to us Raven? Your classmates are wai---"

"You already know my name.", I cut her off seriously at tumingin sa labas ng bintana since nakaupo ako sa may bintana.

"Pero hindi ka pa kilala ng mga classma---"

"Then tell them." Nilingon ko siya at nakita kong nawala ng ilang segundo yung 'genuine smile' niya pero binalik naman niya kaagad ito so ako lang talaga ang nakakita.

"Let's be fair Raven." Naiinis na talaga ako.

I stood up and put my hands on my hoodie pockets at tumingin sa mga classmates ko. This is why I hate introductions.

"I'm Raven.", tanging sabi ko at uupo na sana ng magsalita ulit yung mentor namin.

"Raven?" Inaasar niya ba talaga ako? That genuine smile of hers is insulting me. I rolled my eyes on her first bago muli nagsalita.

"Saldoviana. Raven Saldoviana."

*~*~*~*~*~*

['K-chan's Note'] Ehemm! Ang haba ng chapter 1. Mag-expect nalang talaga kayo na mahaba ang mga chapters guys. 😹😹 Anyway, I hope you enjoy it. Love ya, happy reading!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro