Chapter 2: Raven meets Elizabeth

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

••••••Raven's POV•••••

Papunta ako ngayon sa canteen ng isolated campus na'to. Marami rin akong nakasalubong na mga estudyante na tumitingin sa akin dahil sa suot ko. Ano bang pakialam nila? I just gave them a cold stare. Since kanina, hindi ko parin tinatanggal ang hood and mask ko. Habang naglalakad ako, hindi ko namalayan na may tumatakbo pala sa likuran ko.

"Ayy sorry!", humingi siya ng sorry sa akin ng nabangga niya ako, mukha kasing nagmamadali. Hindi nalang ako nagsalita. Besides, may kasalanan din ako kasi masyadong malalim ang iniisip ko.

I continued walking ng--- "Uyy, sorry na!", nilagpasan ko lang siya pero sumabay parin siya sa paglalakad sa akin.

"H-Hey, hindi ko naman sinasadya eh. Nagmamadali kasi akong pumunta sa canteen kasi baka maubusan na ako ng chocolate cake. Marami pa naman ang may gusto nun. Kaya sorry na tala—"

"It's fine.", I said. "You can go on ahead and leave me alone. Plus, you're annoying." At inunahan ko na siyang maglakad and left her dumbfounded. I thought lalayuan na niya ako pero sinabayan niya ulit ako sa paglalakad.

"Okay. Pero sasama ako sa'yo sa canteen. Ililibre na kita para makabawi ako sa---", seriously? Ang annoying ng babaeng 'to! So I cut her off.

"You don't have to so just shut up." Inunahan ko ulit siya sa paglalakad at hindi na ulit siya pinansin.

Nang makarating na kami sa canteen, I just ordered fries and drinks. Naiinis nga ako. Bakit wala silang Red Velvet na cake samantalang sa dati kong school meron. At yung kasama ko, umorder ng chocolate cake. Masaya nga siya kasi may chocolate cake pang natira.

After paying, I looked for an empty seat. Umupo kaagad ako ng makahanap na ako.

"I'm Maura by the way, Maura Hart Taylor." Halos mabuhosan ko na siya ng hawak kong drinks dahil sa biglaang pagsulpot niya sa front ko. "Woah chill lang. Hindi ko kasi nakita ang mga kasama ko eh. Can I share?", ngumiti siya sa akin but like I always do, I just rolled my eyes on her. After taking a seat, nagsimula na naman siyang kausapin ako.

"You're Raven diba?", pago-open niya ng topic. " Infairness yung ginawa mo kanina ah. Sinagot mo talaga si Ms. Angel. Terror pa naman yun. Well terror naman talaga lahat ng mga mentors dito pero iba talaga si Ms. Angel.", she said and ate her cake.

"Teka, pwede bang magta—"

"If you're going to ask why I'm wearing a hoodie jacket and a mask instead of my uniform, it's literally none of your business." Even though I didn't look at her, narinig ko ang paglunok niya.

Habang kumakain, matapos kong sagutin ang babaeng kasama ko ay hindi na siya nagsalita. I just ignored her at pinagmasdan nalang ang mga estudyante dito. If you just take a look at them, aakalain mo talaga na isa silang anghel. But they're not. They're just wearing their Angelic Faces. I clenched my fists habang nakatingin ako sa kanila.

I hate their guts.

"Raven."

•••••Maura's POV•••••

Nakakatakot naman palang kausap to si Raven. Hindi ko aakalain na matatakot ako sa kanya. Maybe it's just her nature? Shemey! Kakamoving up ko lang at may nakakatakot na akong kaklase. Pero may side kasi sakin na gusto talagang kausapin at kaibiganin si Raven. 

Unang kita ko palang kanina sa kanya, naramdaman ko na kaagad ang bigat ng presensya niya. A presence that can surely scare a lot of people. Plus, there's this stare of hers na kapag tititigan mo ay feeling mo mamamatay kana. 

Yung tumingin siya sakin kanina ay feeling ko mamatay na ako anytime. Curious rin akong makita siya. I mean, no one really saw her face clearly dahil sa hood at mask niya. You can see her eyes but barely. You can see it kapag binibigyan ka niya ng 'cold stare'.

May sakit kaya siya? Ayy ewan! Bagay naman sakanya eh.. Feeling ko maganda siya.

Habang kumakain, pinagmasdan ko lang si Raven. It looks like she's also observing the other students. Pero nagulat ako when she suddenly clenched her fists habang nakatingin sa mga estudyante at ang mga tingin niya, yung mga tingin na parang, galit na galit na talaga siya sa mundo.

Kaya nilakasan ko ang loob ko para tawagin ang pangalan niya.

"R-Raven.", she turned to face me. She still has no emotions. "Parang nakalimutan mo na nandito ako. Hehe. Are you ok?" She didn't answer my question. Inalis niya ang tingin niya sa akin at kumain ulit.

I don't know why but I feel safe and comfortable with her. Parang familiar ang ugali niya.

Nagulat ako nang may tumawag sa pangalan ko. "Maura!" I followed the voice.

"Oh Blade, Hades!", bati ko sa kanila when I saw them standing behind me. Ayy oo nga pala! Nakalimutan ko na silang dalawa! Naloko na!

"Where have you been? Kanina kapa namin hinahanap nandito kana pala." Bigti kana Maura! You're making promises you can't keep.

"A-Ah eh Blade, Hades, sorry talaga. Hindi ko kasi kayo nakita pagpunta ko sa library eh. I thought na nandito na kayo kaya nagmadali akong pumunta dito. And I also thought na baka naubusan na ako ng chocolate cake.", pagpapaliwanag ko sa kanilang dalawa.

"Ah ganun ba. Anyway, it's water under the bridge for now kaya pwede maki-share ng upuan? Wala na kasing bakanteng upuan eh. Mamaya mo nalang ako ilibre. Haha!" Tumingin muna ako kay Raven sandali. It looks like she doesn't care kaya tumango nalang ako at pinaupo sila.

"Sege. Ililibre kita bukas." Ngumiti ako kay Blade. Sa aming tatlo ni Blade at Hades, si Blade ang pinakamasayahin habang si Hades naman ang pinakatahimik. But they both get along very well. Silang dalawa ang bestfriends ko.

Tumabi sa akin si Hades at tumabi naman si Blade kay Raven. I looked at Raven again. Wala parin siyang pakialam. Tumingin ako kay Blade na parang hindi niya napapansin si Raven sa gilid niya. Tumingin naman ako kay Hades na nakatitig lang sa pagkain niya.

"Blade, tuloy ba tayo mamaya sa panonood ng movie?", I asked Blade. May gagawin kasi ako sa library mamaya kaya gusto ko na malaman kung matutuloy ba kami so that I can prepare.

"Uh-Huh" Tinangoan ko nalang siya.

"Blade, you already knew that I don't like chocolates. Why did you put this on my plate?", Hades asked sabay turo sa kanyang plato na may chocolates.

"Psh.. Just try eating it Hades. I'm sure you'll love it.", sabi naman ni Blade.

Yup, chocolates are yummy. But not for Hades.

Tiningnan ko lang silang dalawa na nagtatalo parin. Mag-bestfriends talaga. Sana maging bestfriend ko rin si Raven para may bestfriend na akong babae. While I was thinking, I thought of a very great plan. Sasabihin ko na sana yun kay Raven ng ma-sideswipe ng kamay ni Blade ang drinks ni Raven.

"Oops s-sor--" Hindi natuloy ni Blade ang sasabihin niya ng---

*thug*

Biglang hinampas ni Raven ang lamesa gamit ang kamay niya. Nasa amin na ang attention ng lahat dito sa cafeteria dahil sa ginawa niya.

"All of you are annoying." Tiningnan lang niya si Blade with her cold stare. Her cold eyes. Nagulat naman si Blade kay Raven, halatang ngayon lang niya napansin si Raven na katabi niya pala.

"Raven!", tawag ko sa kanya ng tumayo siya at umalis. But she didn't bother to face me at patuloy lang sa paglalakad palabas ng cafeteria. Narinig ko na naman ang bulongan sa cafeteria.

Kahit kailan talaga...

-----

Me, Blade and Hades walked together to our classroom. Tahimik lang kami sa paglalakad until nagsalita si Blade.

"Tss. Ano bang problema ng babaeng yun? Hindi ko naman sinasadya yun ah.", sabi niya. Halatang naiinis siya. "Siya yung transferee hindi ba?"

"Yeah.", tipid namang sagot ni Hades.

"Urghh! Bahala na siya sa buhay niya! Unang tingin ko palang sa kanya ay alam ko na na hindi kami magkakasundo", naiinis na sabi ni Blade habang umaakyat kami sa hagdan patungong second floor.  Nasa second floor kasi ang building namin.

Possible kaya na napansin rin niya ang ugali ni Raven? Is it possible na familiar rin sa kanya yun?

Nang makarating na kami sa second floor, we were about to enter our classroom when Blade suddenly asked me something.

"Pero teka Maura, bakit mo ba naisipang kausapin ang babaeng 'yon? Hindi mo sinabi sa amin ang dahilan. Besides, ramdam mo naman siguro na ayaw niya sa'yo diba? I'm just worried."

"Hindi ko rin alam Blade eh. Ewan ko ba, when I first saw her, parang familiar kaagad sa akin ang presensya at ugali niya. Parang... nakita ko na 'yon dati?", sinabi ko sa kanilang dalawa ni Hades ang nararamdaman ko. Familiar kasi talaga sa akin si Raven eh.

"Sege. Basta mag-iingat ka Maura ha. I don't really trust that person. At...", pinutol niya ang sinabi niya at seryoso akong tiningnan. "She's dangerous."

Kita ko ang seryoso at pagaalala sa mga mata niya. I just nodded at pumasok na kami sa classroom. Nakita ko kaagad si Raven sa kanyang upuan, looking at the window. Kakausapin ko sana siya but I decided not to. Mukhang bad mood pa kasi siya eh.

Baka mamatay pa ako dito ngayon ng di oras. Marami pa naman akong plano sa buhay ko. Hayyy!

Pumasok na yung mentor namin. Pagkatapos ng second subject ay free time na. Medyo mahaba rin ang aming free time. We only have two subjects in the afternoon. Naisipan ko rin na kausapin na si Raven kasi may gusto akong sabihin sa kanya.

"Raven, do you want to come with us later? Magmo-movie marathon kami mamaya sa bahay nina Blade." But instead of receiving an answer, tamad lang niya akong tiningnan at binalik ulit ang tingin sa bintana.

Nagbuntong-hininga nalang ako.

Ang hirap ng babaeng 'to...

Ang ingay ng classroom namin. May iba't ibang mundo. Pinipilit ko parin si Raven na sumama sa amin mamaya but until now, wala parin akong nakukuhang sagot.

I let out a huge sigh again at lalabas sana ng classroom para mag-cr. Nagpaalam muna ako kay Raven even though I know na wala siyang pakialam at kina Blade at Hades. Nagmadali akong lumabas at nagtungo sa cr.

Paglabas ko ng comfort room ay bumalik agad ako sa classroom. I was running kasi maglilinis pa kami sa classroom at may gagawin pa ako sa library. I'm sure na magagalit talaga si Ms. Angel kapag hindi namin nililinis ang classroom. Psh.. Angel talaga?

Sa pagtakbo ko ay may nabangga akong isang babae. Huli na ng malaman ko na siya pala ang nabangga ko.

Elizabeth Mayne.

Siya ang tinaguriang Queen Bee sa batch namin. Famous siya at marami siyang kakampi. Matalino naman siya pero yun nga lang... maarte siya.

Kasama na naman niya ang kaniyang mga best friends na sina Daisy Harkins at Chloe Perez.

"WHAT THE HECK MAURA!", she exclaimed. "WHAT ARE YOU GOING TO DO WITH MY UNIFORM NOW HUH?!" Ngayon ko lang napansin na na spill ko pala ang juice na dinadala niya sa uniform niya.

"El-Elizabeth, so-sorry hindi ko sina---", pero hindi na ako nakatapos nang ibinuhos niya ang natirang juice sa damit ko.

Hate ko pa naman ang juice...

"Pft.. Oh my Gosh! Look at her Daisy, take a picture of her.", natatawang sabi ni Chloe kay Daisy.

"Pft.. I know right.", natatawang reply naman ni Daisy kay Chloe.

"El-Elizabeth, sor---", but she cut me off again.

"Don't you dare call my name, YOU FILTHY WITCH! WALA KANG KARAPATAN NA DUMIHAN ANG UNIFORM KO!", sigaw niya sa akin. Ang sakit ng mga sinabi niya. Marami naring mga estudyante na nakatingin sa amin.

"You don't belong here Maura. Why are you even here? Do you know where you belong?" Pero nanatili lang akong nakayuko. Hoping this tears of mine to stop from falling. "SA LUPA! KUNG SAAN YANG MUKHA MO NABABAGAY!" Alam ko na sasampalin niya ako so I just closed my eyes.

.

.

.

.

.

T-Teka... Bakit parang walang nangyayari?

Parang lumipas na ang ilang segundo pero wala parin akong sampal na nararamdaman.

I opened my eyes slowly at I dropped my jaw dahil sa nakita ko.

I-Imposible.. S-Siya ba talaga 'tong nakikita ko ngayon?

•••••Raven's POV•••••

I went out of the classroom kasi naiirita ako sa boses ng mga kaklase namin. They are so noisy. Pumunta muna ako sa cr. Pagkapasok ko, hinubad ko yung suot kong half mask at hood ng jacket ko.

Wala namang tao dito ngayon.

Ilang minuto rin akong nanatili doon until I heard some commotions outside. Sinuot ko ang hood ko at lumabas ng cr.

While walking, I saw many students blocking my way. What's happening??

Patuloy parin ako sa paglalakad at tumingin narin sa tinitingnan nila. Dun ko nakita si annoying girl with the other 3 girls.

The girl's voice with a spilled juice on her uniform was loud. Pati pa naman dito mag-iingay parin? I heard everything she said to that annoying girl at nakaramdam ako ng galit sa kanya.

Why isn't she fighting??

Akmang sasampalin na sana niya si annoying girl, and to be honest, the next thing happened made me shocked.

.

.

.

.

.

Tsk.. Why did I even bother to save her?

I'm holding this girl's hand tightly now. Maarteng babae. Bakas sa mukha niya na nasasaktan talaga siya.

"You're blocking my way.", I said to her bago ko binitawan ang kamay niya. "And wasting my time." Hindi ko alam kung bakit niligtas ko si Taylor. Basta ang alam ko lang, parang I'm running out of control sa sarili ko. Parang may kumokontrol sa sarili ko at gusto siyang iligtas.

I took a quick glance on Taylor. Nakaupo parin siya sa sahig at nakatulala sa akin.

Nakita ko naman na pumunta kaagad yung dalawang babae sa tabi ng maarteng babae na 'yon.

"WH-WHO ARE YOU? Hi-Hindi mo ba kilala kung sino itong binabangga mo?", asked the girl with the brown hair na halata naman talaga ang takot sa mga mata niya. Tsk. Acting tough.

"Siya si Elizabeth. Daughter of the---", said the blonde haired girl but I cut her off bago pa siya makapagtapos.

"So? Like the hell if I care.", sabi ko sa kanila. Bakas naman sa mukha nilang dalawa na natatakot na talaga sila habang si Taylor naman at yung Elizabeth na 'yon ay nakatulala parin sa akin.

Tiningnan kong mabuti ang Elizabeth na 'yon. She's holding her hand at nakita ko ang pamumula nito dahil sa ginawa ko kanina.

"You're supposed to be the daughter of one of the five richest assassins in the world, not a queen of bullies. So act like one." Yup, I know who she is. I didn't forget her kasi minsan ko naring narinig yung last name niya.

The three of them were shocked to what I just said at nagbulongan na naman ang mga estudyante dito.

Tsk.. They are pathetic.

"Whispering is very childish.", I said seriously to all of them at naglakad na. They immediately stopped whispering. "And by the way, stop blocking the way.", I added.

Umalis naman yung mga estudyanteng nakaharang sa daan and made some way for me to get through. While I was walking, ramdam ko na may tumatakbo papalapit sa akin.

And I know kung sino siya.

"Ra-Raven!", tawag niya sa akin while still catching her breath. I didn't face her at patuloy parin sa paglalakad. But the next thing she said got me frozen in my tracks.

"Thank You."

Those two words and 8 letters were enough for me to face her. Nakangiti siya. How can she even smile in her situation right now?

"Salamat Raven. Thank you for saving me."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro