Chapter 11: Get Along

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

•••••Hades's POV•••••

"Nurse? Kumusta na po si Raven?", tanong na naman ni Blade sa nurse for the nth time.

"She still needs to rest. She has to stay here for a few hours.", sabi nung Nurse.

Worried naman talaga siya kay Raven. Palagi lang niyang dine-deny kapag tinatanong ko na. -_-

Nandito parin kami ngayon sa school clinic, sa harap ng Nurses' Station. Malaki kasi ang clinic namin. Raven's in a room next to Maura. She's been sleeping for like almost 2 hours already. Ang sabi ng doctor, mga 5 hours pa bago siya magising. I guess we'll stay here for 3 more hours.

The truth is, hindi pa alam ni Maura na nandito si Raven sa clinic. Ang plano namin ni Blade ay sasabihin namin sa kanya kapag nakapagpahinga na siya ng maayos.

Narinig ko naman si Blade na nag-buntong hininga. I tapped his shoulder to comfort him.

"Everything will be alright Blade. Tiwala lang. Malakas ang mga kaibigan natin. Lalong lalo na si Raven. Nakita mo lahat diba?", tanong ko. And yes, I treat Raven as one of my friends.

Bumuntong hininga naman siya ulit bago tumango at sinagot ang tanong ko.

"Pambihirang babae siya Hades. Ibang klase. She isn't just an ordinary assassin. Malakas siya. Nararamdaman ko yun. To tell you the truth, matagal ko na yang nararamdaman na malakas siya. But I just ignored it kasi akala ko, imagination ko lang yun. Hindi naman talaga natin siyang lubos na kilala at bago palang siya dito sa Blandon High.", sabi niya sabay buntong hininga ulit. "At kasing bilis ko rin siya. I saw it.", he added.

Blade Alastor Miyahara, one of the fastest assassin I've ever known. He's super fast at kahit ang tinaguriang one of the deadliest students dito na walang iba kundi ang assassin student council president ay hindi kayang pantayan ang bilis niya.

This time, ako naman ang nag-buntong hininga. *sigh*

"Naramdaman ko rin yun. She's absolutely different. You know, I have a feeling that she threatened the president. Dala narin siguro ng galit niya. Even I can't believe that she was able to do that.", sabi ko. Nanlaki naman ang mga mata ni Blade after I said those. Parang ngayon lang din niya na-realize. "Of course, it's just a possibility. Hindi naman siguro totoo yung sinasabi ko diba?"

Well I surely hope na hindi yun totoo. There will be a punishment if sasaktan mo ang kahit sinong member ng student council. Especially sa mga transferees.

"If that's the case na baka tinakot niya si Sniper, at malaman rin ito ng ibang mentors and head ng school, then mapaparusahan siya diba?" Tumango lang ako sa kanya. "Hindi ko hahayaan na mangyari yun." He clenched his fists. I just nodded again.

I won't let that happen either.

"Puntahan muna natin si Maura Blade. Maybe she's already awake. We still have to tell her about Raven.", sabi ko. Blade just nodded in agreement and we entered Maura's room.

Pagkapasok namin, akala namin tulog parin siya pero...

"Blade, Hades!", bati niya sa aming dalawa at kumaway pa.

I miss her smiles.

"Finally, nagsalita kana. How are you feeling?", tanong ko sa kanya. Yumuko naman siya saglit at ngumiti.

"I'm fine. Gusto ko lang sanang mag-sorry dahil nadamay pa kayo sa akin. Ang weak ko kasi. I'm sorry again to put you guys in trouble.", pagso-sorry niya sa aming dalawa ni Blade. Medjo natawa naman si Blade ng mahina.

Kahit kailan talaga, kung may kaibigan naman kami na wala sa kanyang vocabulary ang salitang 'sorry' ay may kaibigan rin kaming kahit sa maliit na bagay lang ay nagsosorry.

"Ano kaba Maura. It isn't your fault okay? Kung meron mang may kasalanan dito, si Elizabeth yun at ang grupo niya. Kaya naming pasukin lahat ng gulo as long as you're safe and sound Maura.", sabi ni Blade and gave Maura a genuine smile.

Tumango lang ako bilang tugon. I'm not really that talkative at mas lalong hindi ako nagbibigay ng mga words of wisdom.

Ngumiti naman si Maura at nagsalita.

"Thank You again you two! Kumusta na nga pala si---Teka nasan si Raven? W-Where is she? El-Eli said that she wants to take revenge on her because of what she did. K--Kaya nasan siya? We need to find her and make sure she's safe." Halata sa mga mata ni Maura ang pag-aalala. She's very worried. Lumapit ako sa kanya at umupo sa may dulo ng kama niya.

"About that, there's something we need to tell you about Raven.", mahina kong tugon. Kumunot naman ang noo ni Maura. I looked at Blade at tumango.

Tumango lang naman din siya. Hindi kasi ako marunong sa ganitong klaseng bagay.

He let out a huge sigh first before talking.

"Actually, Raven's in the next room Maura. Kasi nung hindi tayo pinapasok nang nurse dito sa clinic, pumunta si Raven sa office at kinausap si Sniper. Although she didn't tell us about how she convinced the president, pero may kutob kami na tinakot niya si Sniper." Maura formed a suprised look on her face.

"But we don't know the whole story yet because as far as we know, a simple threat won't fear the president." Tanging tango lang ang sinagot ni Maura sakin at binalik ulit ang tingin kay Blade.

"Sinabihan rin kasi namin si Raven kung paano namin nalaman na nandun ka sa locker room ninyong mga babae. Pagkasabi namin sa kanya sa lahat ng nangyari, parang na triggered siya at sinugod sina Elizabeth." Umupo muna siya at kumuha ng tubig sa despenser. "She's one of a kind Maura. Malakas siya. Pinatumba niya ang mga kagrupo ni Elizabeth sa isang iglap lang na mag-isa. Kahit ako, hindi ako makapaniwala na kayang gawin ng isang Raven Saldoviana iyon." At ininom na niya ang tubig na kinuha niya.

Nanlaki naman ang mga mata ni Maura na tila, hindi makapaniwala sa kinuwento ni Blade.

"T-T-Talaga? Raven d-did that?", di makapaniwala niyang tanong. "Gusto ko siyang makita.", sabi niya.

Nagkatinginan naman kami ni Blade. *sigh* May magagawa paba kami?

Pagkalabas namin ng kwarto ni Maura, pumunta kami kaagad sa kwarto ni Raven. When we entered her room, ang sobrang tahimik ng kwarto niya.

We approached her carefully because we thought she's still asleep but...

"Why did you bring me here?" Bumangon siya sa pagkahiga para umupo. Agad naman kaming naging alerto at lumapit si Blade kay Raven para alalayan siya.

"Hey easy. Chill lang Raisin. Just for once huwag ka ngang masungit. Swerte ka't binuhat kita kahit mabigat ka at dinala dito.", pang-aasar ni Blade. Tinaasan lang siya ng kilay ni Raven.

Here they go again.

"Why? Did I tell you to carry me and bring me here? Hindi diba?", sabi naman ni Raven na halatang naiinis kay Blade.

Nagsasalita narin siya ng tagalog saamin. Feeling ko, unti-unti na niya kaming tinuturing bilang isang kaibigan.

"Aba! Aba! Ikaw pa ang tinutulongan ikaw pa ang magagalit? Wow ha! Nahihiya naman ako sa'yo.", pagsasagot naman ni Blade kay Raven na mas lalo pa niyang kinaiinis.

And they started arguing again. Pero hindi rin nagtagal ito nang magsalita si Maura.

"Uh-Uhmm Raven, Thank You... Again.", sabi niya and gave Raven a smile. Base on her voice, parang nahihiya siya.

Tumigil naman silang dalawa ni Blade at nilingon si Maura.

"How many times do I have to tell you that you don't have to thank me? Besides, hindi ako sanay sa mga gan---", but Raven stopped when Maura suddenly hugged her and thanked her again.

Halata naman sa mukha ni Raven ang gulat. Although she hugged Maura back.

"F-Fine. Your sister won't hurt you again I promise." Humiwalay naman si Maura at ngumiti ulit kay Raven.

"Pero Raven, kailangan mo nang mag-ingat ngayon. Especially sa mentor natin na si Ms. Angel kasi favorite student niya ang kapatid ko. Paboritong-paborito niya si Elizabeth kaya nga walang maglalakas ng loob na pagtangkaang patayin siya because if they do that, ipapakulong sila ni Ms. Angel sa DRJ. Pero Raven, hindi namin hahayaan yun. Siguro by now, alam na niya ang balita tungkol sa ginawa mo sa kapatid ko kaya dapat tayo mag-doble ing---pero teka, how did you know that Elizabeth's my sister?", kunot noong tanong ni Maura. What a long speech she gave though.

Raven looked at all of us na naghihintay rin sa sagot niya. She let out a sigh first before answering the question.

"Simple. Because I heard her talking to her two close friends at tinawag ka niyang 'Dear Sister' and besides, medjo meron din kayong similarities. I noticed that on the first day.", sabi niya. Hindi naman napakapaniwala si Maura at tumawa nalang.

She really is different. She has great skills of observing other people. Hindi naman kasi ganun ka obvious ang similarities nila eh. But she saw right through it. In other words, observative.

"Grabe. Two hours palang at gising kana. Supposed to be, may 3 hours pa bago ka magising.", sabi ni Blade habang nakatingin sa wrist watch niya. Ngayon ko lang din ito namalayan.

"Tch. Shut up idiot. I'm not a weakling like the others.", mataray na sabi ni Raven. Tinaasan naman siya ng kilay ni Blade at nag-away na naman sila.

Tumawa nalang si Maura habang pokerface lang ako na nakatingin sa kanila. Pero deep inside...

Masaya ako. Masayang masaya.

•••••Maura's POV•••••

Whole day kaming hindi pumasok ngayon. Nakakapagod ang araw na 'to. Whole day lang din kasi kami dun sa clinic ng dahil sa nangyari.

I'm on my way home now and I'm just silently looking outside my car window.

"Ma'am, ok lang po ba kayo? Kanina pa po kayo tahimik eh. At kumusta na po yang mga sugat nyo?", manong driver asked, breaking the silence.

Tiningnan ko lang siya at *sigh*

"Manong naman eh. Parang hindi pa po kayo sanay. I'm always like this. And don't mind my wounds. Wala lang to. Resulta po ito sa pagiging careless ko.", pagsisinungaling ko. Tumango lang naman siya.

Oo madaldal ako, pero kapag nasa bahay? Para akong nasa simbahan na hindi umiimik at palagi lang nakikinig sa mga nakakatanda o sa mga nagsasalita.

For sure wala na naman sina mommy at daddy ngayon. Palagi kaya silang busy. I think twice a month ko lang sila nakikita.

I'm so careless kaya for sure, hindi na magtatanong ang mga katulong namin sa bahay about sa mga sugat ko. Sanay na ako sa mga ganito.

Pagdating namin sa bahay, pagkatapos pinark ni manong driver ang kotse namin, agad akong pumasok sa bahay.

As usual, the maids welcomed and greeted me...

Pero walang 'good' sa evening ko ngayon.

Pagpasok ko, nakita ko siya kaagad sa sala na nanonood ng t.v. As expected.

I walked towards her at kinuha ang remote to turn off the t.v. She just stared at me for what I did kaya tinaasan ko siya ng kilay.

"Why did you do that to her huh Elizabeth?! Kaya nga ako pumayag na saktan niyo ko kasi ayoko pa siyang madamay diba?! We talked about this at pumayag ka! Pero anong ginawa mo?! DINAMAY NIYO PARIN SIYA!! I endured all the pain you gave to me para hindi kana gumanti sa kanya pero ano?! GINAWA MO PARIN!! Ganyan kana ba talaga nagbago Elizabeth?! Ganyan kana ba talaga ka desperada??!! Even if she's strong enough to handle you and your group, that still doesn't change the fact na sinaktan niyo parin siya! Kahit ako nalang sana ang sinaktan mo! KAHIT AKO NALANG!!" Hindi ko na kasi kaya eh. Sumusobra na siya.

Hindi lang siya umimik at seryoso paring nakatingin sa akin.

"Mabuti nalang talaga at natalo niya ang grupo mo."

Wala akong pakialam kahit nag-echo pa ang boses ko dito sa bahay namin at mas lalong wala akong pakialam kahit na pinagtitinginan na kami ng mga katulong namin dito.

Nagulat naman ako ng bigla siyang tumawa ng mahina.

"The battle hasn't even started yet." Tumayo siya at kumuha ng isang ballpen at pinaikot ito sa kamay niya.

"If that's the case then hindi mo talaga napapansin.", she started walking towards me. "Ang tinatagong sikreto ng isang Raven Saldoviana.", napakunot naman ang noo ko sa sinabi niya.

A-Ang tinatagong sekreto?
Ang tinatagong s-sekreto ng isang Raven Saldoviana?

Anong ibig niyang sabihin?

*~*~*~*~*~*

Konnichiwa minna! Finalmente! Tapos narin yung 1st Periodical Exam namin. Haysst nakakapagod! Especially yung MATH! MATH killed my brain cells for Pinkie's sake! 😪😪😔😔 But I got over it. 😹😹

Anyway, since our intrams will be tomorrow (na move kasi yung intrams namin. Aug. 11 and Aug. 18 na) and Periodical Test is over, I was inspired to update. Ayiiee skl 😂😂😂 May inedit rin ako sa previous chap. Sa chapter 5 I guess? Not so sure but only some. Promise, you won't even notice that I changed it. I'm a very lazy person to edit so many words. 😉😉

And btw, si Elizabeth yang nasa multimedia section. ❤❤ Happy Reading! 😘😘

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro