Chapter 12: Finding Her

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

•••••Maura's POV•••••

"A-Anong ibig mong sabihin?", nagugulohang tanong ko kay Elizabeth.

She laughed and walked towards me.

"Outdated kaba talaga sister dear? O sadjang TANGA ka lang talaga?" - Elizabeth, obviously emphasizing the word 'tanga'.

Pinagkatinginan na kami ng mga katulong namin at nagbulongan kaya tiningnan ko sila ng masama. Iniwas naman nila kaagad ang kanilang mga tingin at nagsi-alis rin kaagad.

"Aww. Is my sister pissed now? How cute.", tiningnan ko ulit ang kapatid kong walang ibang magawa sa buhay kundi manira ng buhay ng iba. "You're starting to show everyone your true color again. Psh. Acting as an angel even though you--"

*pak*

"Shut up.", tanging sabi ko habang siya ay gulat na gulat parin dahil sa ginawa kong biglaang pagsampal sa kanya.

Mahihirapan talaga akong kontrolin ang sarili ko kapag galit na ako.

Pero nagulat ako ng tumawa siya but this time, malakas na. Kita ko parin ang mga pisngi niyang namumula.

"Pingtatanggol mo si Raven kahit hindi mo pa siya lubusang kilala? Psh. How pathetic. Ni hindi mo nga alam kung ano ang mga ginawa niya bago siya dumating sa Blandon High eh!" Base sa tono ng pananalita niya ay naiinis na siya.

"You're saving a demon Maura for crying out loud! Hindi mo ba napapansin yun?!" Kahit siya ay wala naring paki kahit na nag-eecho na ang mga boses namin sa bahay. Hinawakan niya ang pisngi niya for a minute.

Hindi lang ako sumagot sa mga sinabi niya.

She's right. But there's a part of me that's telling me to believe Raven. To trust her.

Napatawa nalang ako ng mahina. And this time, siya naman ang nagulat.

"She may be mysterious Elizabeth, but sticking to her like a leech is not a problem. Sasamahan ko siya dahil---"

"Dahil magkamukha sila?", pagdugtong ni Elizabeth sa sinabi ko. My eyes widened kaya napatawa na naman siya. "Pft. Then it isn't true friendship."

I slowly clenched my fists.

"Kung kinakaibigan mo lang siya dahil magkamukha sila then it isn't true friendship. Kung hindi sila magkamukha from the very beginning, eh hindi ka dapat kumakaibigan sa kanya hindi ba? And you woudn't have to risk your life just for that bitch. Face it Maura. Hindi lang ako ang plastic dito, kundi, ikaw r---"

"Shut up or I will kill you."

•••••Elizabeth's POV•••••

"Shut up or I will kill you.", banta ng kapatid ko sa akin na ngayon ay nasa likod ko na at tinutukan ako ng kutsilyo. Kung saan man niya nakuha iyon ay hindi ko na alam.

Tsk. Unti-unti ng lumalabas ang pagka-demonyo ng kapatid ko. Besides, demonyo naman talaga siya since she was born. She just doesn't want to admit it kasi siya mismo ay takot sa sarili niya and she's also afraid to accept the truth.

"One wrong word Elizabeth at mamamatay kana talaga.", pagbabanta pa niya.

"At puputulin mo ang dila ko?"

I just smiled at sinipa ang tiyan niya. Nabitawan niya ang knife pero sinalo ko ito kaagad.

And now, siya naman ang tinutukan ko ng kutsilyo.

"Sorry but I won't let you do that to me."

For now sister dear... For now...

"Listen my dear sister, think of this as a warning. She is dangerous. And you, a fool, should stop saving a demon. Akala ko ba anghel ka but why are you helping a demon?" Napatawa ulit ako ng mahina. Why is my sister so funny anyway? Her face is sooooo priceless.

"Kung sa bagay, demonyo ka rin naman pala sa simula palang kaya for sure magkakaintindihan kayo. You're just afraid to accept it."

She stood up at tumawa ng mahina na ikinagulat ko. Nagulat nalang ako ng bigla nalang akong napaluhod sa sahig habang hawak-hawak ko ang tiyan ko.

Shit. I let my guard down.

She didn't pick up the knife na nabitawan ko but she walked towards me at tiningnan lang ako derecho sa aking mga mata.

Dalawang beses ata akong napaluhod sa isang tao ngayon. Ay hindi, sa isang demonyo pala.

Una kay Raven at ngayon, sa mismong kapatid ko naman.

"She is a demon and I can feel it. But hindi ako nakipagkaibigan sa kanya just because magkamukha sila. You don't know anything. Besides, why do you care anyway? Like I said, she may be mysterious but I know that she has a reason why she's hiding it from us. And when the right time comes, alam kong sasabihin din niya sa amin yun.", sabi ni Maura at naglakad na papunta sa kwarto niya.

Kahit kailan talaga, ang tanga-tanga mo Maura.

Ngumisi ako at tumayo. Baka makita pa ako ng mga maids namin dito at pag-usapan na naman kaming magkapatid.

Kung alam mo lang sana kung ano yung nakita ko kanina habang naglalaban kami nung babaeng yun Maura. Kung nakita mo lang sana ang nakita ko.

Pero bago paman siya tuluyang makarating sa kwarto niya ay may binulong muna ako. Bahala na siya kung narinig ba niya o wala.

"I wouldn't be so sure Maura. Kasi baka, hindi mo mapigilan ang sarili mo kapag malaman mo na ang totoong pagkatao ng isang Raven Saldoviana."

•••••Maura's POV•••••

~At school~

Lumilipad parin ang isipan ko habang naglelecture ang mentor namin sa front. Hindi ko parin maalis sa isipan ko ang away namin ni Elizabeth kagabi. At alam kong meron siyang binulong pero hindi ko lang masyadong narinig.

And now, hindi kami nag-uusap. Kahit magtitigan. Hindi narin niya ako kinukulit o binubully. She left early for school kanina kaya pagising ko ay hindi ko na siya naabutan.

I just shook my head at nag-focus nalang. Baka kung ano pang isipin ng teacher namin at bigyan ako ng isang napakahirap na special assignment.

Nang tumunog na ang bell ay agad nagsilabasan ang mga classmates namin.

I received a tap from Raven on my shoulder.

"Are you doing alright now?", she asked. I just nodded and stood up.

Until now, I'm so happy kasi kahit na nag-aaway parin minsan sina Blade at Raven ay at least, sumasama na si Raven saming tatlo.

At nagsasalita narin siya ng tagalog sa amin! Oo, sa amin lang. Dumudugo na kasi yung ilong ko kakaenglish eh. Kakaiba talaga 'pag may kaibigan kang englishera noh? Hahaha!

"Hey. Ayos ka lang? What are you smiling at?" See? May halong tagalog na mga bes! Hahahaha!

"Y-Yeah I'm fine. Natawa lang kasi ako sa iniisip ko eh." Ngayon ko lang napansin na nakangiti na pala ako na parang baliw. She just shrugged her shoulders though.

"Tara na sa canteen, gutom na ako eh.", pagyaya ni Blade samin. Tumango nalang kami at aalis na sana when suddenly, nakita namin si Kristine na tumatakbo papalapit sa amin.

"R-R-Raven w-wait a-a m-minute." - Kristine, while still catching her breath. Nakita ko kung paano tinaasan ni Raven ng kilay si Kristine.

And nasabi ko na ba sa inyo na until now tanging kami lang ang kinakausap ni Raven? Well ngayon alam niyo na. Kalat na sa buong school ang nangyari kina Raven and Elizabeth. And of course, alam narin ni Ms. Angel ang balita.

Marami naring takot kay Raven ngayon. Even trying to talk to her ay hindi nila kayang gawin.

"P-Pinapatawag ka ni Ms. Angel sa f-faculty." Sa wakas at nagsalita na rin siya after catching her breath. Pero obvious sa mukha niya ang takot na nakatingin kay Raven.

Raven sighed at nagsalita.

"Here. Buy me a red velvet cake.", sabi niya at tiningnan si Blade. Binigyan niya ito ng pera.

At oo, may red velvet na sa canteen. Tinupad nga ni President Sniper yung pangako niyang magkaroon ng red velvet dito sa school.

Tinaasan naman siya ni Blade ng kilay.

"Inuutosan mo ba ak---"

"Yes I am and that's it. Don't make me repeat myself.", seryosong sabi ni Raven and gave Blade a death glare.

Napalunok naman kaming dalawa ni Blade habang si Hades naman ay chill lang na nakatitig kay Raven.

Medjo parehas talaga silang dalawa ng 'babaeng' 'yon.

No choice si Blade kaya tinanggap nalang niya ang pera. Umalis na kami papuntang canteen kahit na kinakabahan ako sa mga possible na mangayayari kasi sinabihan kami ni Raven na mauna na raw kami doon. There was only one thing in my mind...

Raven, please be careful.

•••••Blade's POV•••••

Naglalakad kami ngayon patungong canteen.

Urgh kainis! Bakit ba ako ang inutusan ng babaeng 'yon? Pwede namang si Hades o kaya si Maura ang utusan niya ah.

Pagkarating namin sa canteen, nag-order kaagad ako ng chocolate at red velvet cake.

Tsk! Kainis talaga!

"Guys, I don't wanna say this this but, magkaparehas talaga sila ano?" I came back to reality when I heard what Maura said.

Napatingin ako sa red velvet cake na binili ko.

Now that I think about it, kaya pala medjo familiar rin ito sakin. Red Velvet rin kasi ang favorite 'niyang' pagkain.

Me and Hades just shrugged our shoulders at kumain ulit.

Nagkataon lang siguro na magkaprehas silang dalawa.

-----

HAYY sa wakas! Dismissal narin! Pero what the heck! Nasan naba yung Raisin na iyon?

Simula nung pinapatawag siya ni Ms. Angel sa faculty ay hindi na siya bumalik.

May nangyari kaya?

"Maura, nakita mo ba si Raisin? Nasaan naba siya?", tanong ko kay Maura na kasalukuyang nagliligpit ng mga gamit niya.

"Wait lang. Magtatanong muna ako. And besides, magkasama naman tayong tatlo ni Hades whole afternoon diba? Syempre hindi ko siya nakita. If I were you Blade, bumili kana ng bagong red velvet na cake baka magalit na naman yun si Raven sa'yo.", she answered at nagsimula ng magtanong sa iba naming kaklase kung nakita ba nila si Raisin.

I looked at Hades but he just shrugged his shoulders.

Oo, kinain ko yung red velvet na cake na para sana kay Raisin na binili ko. Ang tagal niya kasi eh kaya kinain ko nalang. Sayang naman kung hindi ko kakainin diba? Marami pa naman ang bumili nun kanina.

Nagbuntong hininga ako tapos tumingin si bintana. I was busy looking at the birds flying when suddenly, something just caught my attention.

What the heck?

Lumabas ako sa classroom. Binalewala ko nalang ang pagtawag ni Maura sa pangalan ko.

Pagkarating ko sa lawn kung saan ko siya nakita, agad kumulo ang dugo ko.

"Buti pumunta ka dito.", he said and gave me a smile.

Isang ngiting mapang-asar.

"What the heck do you want Max?", iritang tanong ko sa kanya.

At oo, you heard it right. Wala akong ibang kausap ngayon kundi ang vice president dito na si Max Park.

"Nothing really. I just want to tell you something. You need to save her now.", seryosong sabi niya na naging dahilan upang mapakunot ang noo ko.

"W-What do you mean?"

Tumawa siya ng mahina at nilagpasan ako pero may sinabi pa rin siya.

"Someone locked her up in a room. So stop wasting any more time or she will die."

Lumingon ako para tanungin pa sana siya pero wala na siya. He just disappeared like he wasn't even here a few seconds ago.

Sinong 'she' ang sinasabi niya? H-Hindi k-kaya...

"Blade!", I came back to my senses when someone called my name.

I looked back and saw Maura and Hades running towards me.

"H-H-Hindi r-raw n-nila n-nakita s-si R-Raven e-eh.", Maura said with her hands on her knees and still catching her breath.

"If they didn't see her, then where could she be?", tanong ni Hades na naging dahilan upang mas kabahan pa ako.

Shit! Bakit ba ako kinakabahan ng ganito?

Hindi ko na namalayan na tumatakbo na pala ako papunta sa isang lugar na alam kong pwede rin gawing kulongan. Hindi ko na pinansin pa ang pagtawag ni Maura at Hades sa akin.

Damn! Huwag ka lang sana mamatay Raven! Kasi...











May gusto pa akong ikumpirma sa'yo... At sana... "Hindi" ang magiging sagot mo.

*~*~*~*~*~*

Akai berubetto wa totemo oishīdesu 😋😋 (Kayo nalang ang bahala mag-search sa meaning if you're curious. 😹😹) Naglalaway ako sa red velvet na nasa multimedia 😍😍

To the person to whom I dedicate this chapter to, nandito na request mo bes! Updated na! 😂😂👌👌 I also hope you'll update your story soon. ❤❤

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro