Chapter 6: Encounter Part 1

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

(Waaahhh gomennasai "I'm sorry" because I accidentally pressed the Publish Button kahit hindi pa ako tapos. Silly me. 😫😫 But don't worry, ito na talaga ang real update. 😎😎)

•••••Raven's POV•••••

Naglalakad ako ngayon kasama si Taylor. Eh kahit saan ako pumunta ay nandoon din siya eh. Kaya hinayaan ko nalang.

"Raven, puntahan natin sina Hades at Blade sa cafeteria. Nag-text kasi sa akin si Blade na nandoon daw sila.", sabi niya. Tinaasan ko siya ng kilay.

"We just got there." Tumawa lang siya ng mahina.

"Sege na please.", pagpipilit niya sa akin. At.. with matching puppy eyes pa? Seriously?

I just rolled my eyes on her. "Fine.", walang gana kong sabi sa kanya. Ngumiti naman siya at hinila pa ako patungong cafeteria. Hinayaan ko nalang siya. Besides, good mood ako ngayon.

Nang makarating kami sa cafeteria, nakita ko kaagad sina Smith and Miyahara. Kumakain si Miyahara na parang ilang taong walang kain while si Smith naman ay umiinom ng soda.

Seriously? Hindi ba nahihiya 'tong Miyahara the jerk na 'to?

Inalis ko nalang siya sa isipan ko and started walking towards them.

"Hey guys!", bati ni Taylor sa kanila.

"Oh Hi Maura and---" Pero napatigil siya nang makita niya ako. Tinaasan ko naman siya ng kilay. "Nandito ka pala." I just rolled my eyes on him as a reply.

"Aba! Ang aga-aga ang sungit.", sabi niya. Sasagot na sana ako nang makita ko ang kinakain niya. I looked at it for a minute.

"Hoy Raisin! Nagugutom kaba? If you want to have some, bumili ka dun sa counter. Marami pa dun.", he said sarcastically.

Pero teka... Raisin? What the heck!

I just calmed myself. I don't want to break my mood at wala rin akong ganang makipagtalo. Tsk ang swerte! Inalis ko nalang yung tingin ko sa kinakain niya.

"No thanks. I just thought it was Red Velvet.", sabi ko at umupo na. While Taylor and Miyahara were busy talking, pinagmasdan ko naman ang paligid. Naramdaman ko kasi na parang may nagmamasid sa bawat galaw namin.

"You feel it too huh." Napatingin ako kay Smith nang bigla siyang magsalita. Kami lang kasing dalawa ang nanatiling tahimik. He's reading a book by the way.

"Yeah. Like someone's watching our every move.", sagot ko naman. Tumingin naman siya sa akin. Magsasalita pa sana siya nang makarinig kami ng sigaw ng isang babae. The four of us looked at each other.

Sinundan namin kung saan nanggaling yung sigaw. Our feet brought us to the Lawn near the fountain, where we saw a woman laying down on the ground. Nandidiri kaming lahat ngayon sa nakita namin.

To be honest, I'm already used to killing but I still feel disgusted.

Walang masyadong nakakaalam kung sino siya dahil wala na siyang ulo. Puno narin ng saksak ang kanyang katawan at punong puno na ng dugo ang uniform niya. We just figured it out na babae siya because of her uniform. She's wearing the uniform for girls. We don't even know kung ano ang assassin rank niya. Until now, I can still smell the blood. It's everywhere.

"This is brutal.", sabi ni Smith habang nakatitig parin sa katawan ng walang buhay na babae.

"I've seen far worse than this." Tanging tango lang ang naisagot ni Smith sa sinabi ko. I took a quick glance on Miyahara and Taylor. Taylor covered her eyes at parang umiiyak.

We looked back at the young lady's corpse. I was surprised nang biglang buksan ni Miyahara ang uniform ng babae.

"Hey what are you---" I tried to stop him but hindi ko na natuloy ang sasabihin ko when I saw the girl's tummy. Parang... Parang... Parang nawalan ako ng napakaraming dugo sa katawan ko.

"This weakling entered the Death Corridor.", Miyahara read the sentence that was written on the girl's tummy. Inukit talaga ito para makita ng lahat dahil napakalalim ng sugat.

T-This feeling again. I-I'm feeling cold. Bakit ko ba nararamdaman 'to?

Tumingin si Miyahara sa akin and I was surprised to the next thing he did.

W-Wait what's he doing? Like he's checking me if I have a fever or something.

"Ok ka lang ba Raisin? Wala ka namang lagnat. Bakit parang namumutla ka?", tanong niya na tila na ko-concern. I punched him on his stomach, pero hindi naman masakit. "Aray! What was that for?", tanong niya na halata namang naiirita.

Tss! Ang OA naman!

"Nothing. Forget about it." Magsasalita pa sana siya nang mag-ring na ang bell. Pumunta na kaming apat sa classroom namin. Hindi lahat nag-sink in sa utak ko. I'm still thinking about the incident happened this morning. My curiosity is killing me.

Who killed that girl? Was it a part of their mission na patayin siya? And just what the heck is this Death Corridor anyway?

-----

Time flies so fast at lunch time na. The four of us went to the cafeteria together. I'm sure na binabagabag parin sila sa nangyari kanina.

"What's Death Corridor?" Hindi ko na nakayanan pa. My curiosity is killing me to death. Nandito na kami ngayon sa cafeteria although they don't seem really hungry.

"Death Corridor ang tawag nila sa territory ng mga 4th Ranked Assassins. The Death Corridor is located at the hell building, a building kung saan puro lang mga 4th Ranked Assassins ang naroon. In other words, mga malalakas at pro assassins lang ang makaka-survive doon.", Miyahara explained. His voice is pretty obvious that he's really getting upset.

"Nandoon lahat ng mga Pro Assassins. Walang nakaka-survive na mga Recruit, Novice, Apprentice, 1st Ranked Assassins, 2nd Ranked Assassins at maging ang mga 3rd Ranked Assassins na pumupunta sa building nila.", Taylor added. Her voice is as the same as Miyahara's ngunit may halong takot rin.

"Now that you mention it, I've never seen any Assassin 4th Ranks since I came here in Blandon High." Hindi pa talaga ako nakakita ng mga Assassin 4th Ranks simula nang makarating ako dito. I thought na baka busy lang sila or ano. "Their I.D Sling color is Brown right? I haven't seen any student wearing that I.D Sling color.", I added.

"They never wear their true I.D Slings Raisin." Napatingin ako ng masama kay Miyahara nang tawagin na naman niya ako sa pangalan nayan. "They always hide their true identities. They wear fake I.D Slings to disguise themselves. That's why we mustn't let our guards down. May team din sila kaya kailangan natin mag-doble ingat." May serious side naman pala 'tong jerk na 'to eh, at may sense rin.

"In fact, may isang studyante na naka survive sa Death Corridor. He's the only one who entered and survived that creepy place.", sabi ni Taylor. Tumingin saglit si Miyahara kay Taylor at yumuko. Nakita ko naman na nangigigil na naman siya. I think I know kung sino ang tinutukoy ni Taylor.

"Oo. Meron. Siya. He survived the Death Corridor na walang kahirap-hirap. He's none other than this school's assassin student council president, Sniper Manigo." Just as I thought. Hindi ako tanga para hindi ko mapansin na everytime we mention that guy's name ay nangigigil siya. Yung gigil na, he really wants to kill that person.

We stopped talking when Smith suddenly put the tray he was carrying on the table.

"Let's take a break. We need food for energy.", seryosong sabi niya. I looked at the tray na nilagay niya. Mga paborito namin to. May chocolates which is Miyahara's favorite, may tuna sandwich naman which is Taylor's favorite and cheese burger which is my favorite. Nalaman ko lang ang favorites nila based sa nakita ko na palagi nilang kinakain.

Taylor and Miyahara thanked him. I looked at my cheese burger.

"Don't you like it?", Smith asked me habang naka-poker face parin. Both Taylor and Miyahara also looked at me.

"Nope. Actually I love it. But there's something missing.", sabi ko. Napakunot naman ang noo nila.

"Ano 'yon Raven?", nagugulohang tanong ni Taylor sa akin.

"I want a Red Velvet Cake." Tinaasan ko ng kilay si Miyahara nang bigla siyang tumawa. "Care to share the reason why you're laughing?", naiirita kong tanong sa kanya. Tawa lang siya ng tawa at napahawak sa tiyan niya kaya si Taylor nalang ang sumagot sa akin. Smith just shrugged his shoulders dahil sa inasal ni Miyahara. Tss!

"Wala silang Red Velvet dito Raven." Medto nairita ako sa sinabi ni Taylor kaya sinamaan ko siya ng tingin. She gulped at halatang kinakabahan kung ano ang sasabihin ko.

I stood up at tinungo ang counter. Actually, alam ko talaga na wala silang red velvet and I don't like it.

If they don't have it, then I'll make them have it.

"Where's your manager?", malamig kong tanong sa cashier.

"H-H-Hindi k-ko p-po a-alam.", kinakabahan niyang sabi. I just gave a serious look at the cashier na naging dahilan upang mas lalo siyang manginig sa takot. But I was surprised when someone spoke behind me.

"Is there a problem?", seryoso niyang tanong. W-Wait, this voice. Dahan-dahan kong nilingon ang taong nasa likuran ko. "Maybe I can help you." Hindi ako nakapagsalita sa nakita ko.

Why is he here?

•••••Blade's POV•••••

Nagulat kami nang biglang tumayo si Raisin at tinungo ang counter. Bakit ba kasi siya naghahanap ng Red Velvet na cake? Ang choosy niya talaga. Nagulat ako ng bigla namang tumayo si Maura.

"Sundan natin siya.", sabi niya.

"Bakit naman? She can take care of herself.", sabi ko and continued eating my chocolates. Tinaasan naman ako ng kilay ni Maura. Bakit kaya palagi nalang nila akong tinataasan ng kilay?

"Didn't you say it earlier na kailangan nating mag-ingat? Alam kong malakas at matapang si Raven but if something happens to her, makakaya mo ba Blade?", seryosong tanong niya sa akin na may halong pagka-irita. I admit, napahinto ako sa pagkain at napaisip sa sinabi niya. "Hindi diba? Even if the both of you are like cats and dogs, hinding hindi mo parin makakaya kapag may mangyayari sa kanyang masama Blade. Kaya tara na." Pagkatapos niyang sabihin iyon ay hinila na niya ako. Hinayaan ko nalang siya. Sumunod naman si Hades sa amin.

Pumunta kami sa counter pero hindi namin nakita si Raisin. Kaya naisipan namin na puntahan ang likod. Doon namin siya nakita. We stopped when we saw her with... bakit magkasama sila? Ano bang pinag-uusapan nila? Nangigigil na naman ako dahil sa nakita ko. Dahil kay...










"Sniper."

*~*~*~*~*~*

Current Rank Achieved: #927 in Mystery/Thriller 👏👏 Lol ayiieee!! Proud ako sobra!! Ngayon ko lang talaga nakita ng maayos ang Ranking. Hindi ko kasi bet yung by tags eh tbh. Sorry. 😔😔 Anyway, Thank You sa lahat ng mga support!! Aylabyoo ebrywan!! 😘😘💕💕💟💟

Credits to ate Suhoberrie for the wonderful bc. 😍😍 Arigatou Gozaimasu again ate!! Ang ganda ni Kanna sobra!! 💞💞💖💖

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro