Chapter 7: Encounter Part 2: Hatred

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

•••••Blade's POV•••••

"Sniper.", pagtawag ko sa pangalan niya. Lumingon silang dalawa ni Raisin sa amin.

"Blade.", pagtawag naman niya sa pangalan ko. I clenched my fists para tumigil ang panggigigil nito. Naramdaman ko naman ang pagtapik ni Hades sa balikat ko.

"Ano pong ginagawa niyo dito President Sniper?", tanong ni Maura na halatang nagugulohan kung bakit nandito itong taong 'to. "May nangyari ho ba?", tanong niya ulit.

Pagkatapos kasi ng klase or during class breaks, doon lang kasi siya nagsta-stay sa Student Council Office. Sa opisina niya. Once in a blue moon mo lang siyang makikita na naglalakad dito sa campus.

Mostly kasi, ang vice president lang ang maglilibot dito sa campus which is Max Park. Hindi lang siya isang ordinaryong staff member dito sa school. Grabe at nakaya niya lahat ang mga gawain niya. Psh.

"Wala naman. Napag-isipan ko kasing lumabas muna sa opisina. Pumunta ako dito sa canteen para bumili sana ng pagkain. Pero siya ang nadatnan ko..." Tumingin siya kay Raisin na poker face lang na nakatingin sakanya. "...kinakausap ang cashier. I just thought na may problema so I approached her and asked kung anong problema.", he continued.

Teka? Tama ba yung narinig ko? Bibili sana siya ng pagkain? Parang impossible naman ata 'yon. Palagi siyang may dalang pagkain at ayaw rin niyang sumama sa maraming tao.

"Ahh.. Ganun ba.", walang ganang sagot naman ni Maura at tumingin kay Raisin.

Matagal na naming kilala si Sniper kaya alam naming tatlo nina Hades at Maura kung sino talaga siya.

"I'll ask you again, is there a problem?", seryosong tanong niya kay Raven.

"I just want a Red Velvet cake. That's all I ever wanted.", malamig niyang sabi at halata parin sa mga mata niya na wala talaga siyang pakialam kahit isa na sa mga tinatawag nilang deadly student ang kinakausap niya.

Medjo nagulat rin ako sa sinabi ni Raven. Seryoso talaga siya sa Red Velvet na yun? Natawa naman ng mahina si Sniper dahil sa sinabi niya.

Red Velvet... Red Velvet... Speaking of it, parang may kakilala akong favorite rin ang cake na Red Velvet.

"We don't have that one in he---" Pero hindi siya nakapagpatuloy dahil nagsalita na si Raven.

"If you don't have it then I'll make you have it." Bigla kaming napalunok ni Maura matapos niyang sabihin yun. I'm used to Hades. Wala rin kasi yang emosyon minsan.

Binigyan ni Raven si Sniper ng isang napakalamig na tingin. Tinitigan lang din siya ni Sniper at ngumisi.

"Fine. We'll have your request by tomorrow.", sabi niya at tumalikod sa amin para umalis.
Tumalikod narin si Raven at halatang aalis narin. Pero bago paman makaalis si Sniper ay may tinanong muna siya kay Raven. "What's your name?"

Tumigil si Raven sa paglalakad at nagsalita. "Raven.", tanging sagot niya at hindi na hinintay ang sagot ni Sniper at tuluyan nang umalis. We just followed her. Habang sinusundan namin si Raven, hindi ko maiwasang lingunin si Sniper. Nakatayo parin siya na parang hindi makapaniwala sa narinig niya. Inalis ko nalang siya sa isipan ko at tumingin ulit kay Raven na nauna nang maglakad.

•••••Raven's POV•••••

Naglalakad kami ngayon papuntang classroom. Tsk! I still have many things to find out about this place. Dumagdag pa talaga ang president na 'yon.

But there's something about him, I can feel it. Parang ang sobrang familiar ng aura niya saakin?

Habang naglalakad kami, walang kahit isa sa amin ang gustong magsalita. We just let the silence ate us. Pero hindi rin nagtagal iyon nang may isang tumigil sa paglalakad at nagsalita sa amin.

Kahit kailan talaga, wala na talaga siyang ginawa kundi painitin at pakuluin ang dugo ko.

"Hoy Raisin tumingin ka nga sa akin.", he said arrogantly. Napatigil naman kami sa paglalakad. Nakakairita talaga 'tong taong na 'to kaya nilingon ko siya habang nakaseryoso ang mukha ko, like always. Tinaasan ko siya ng kilay.

"What?", naiirita kong tanong sa kanya.

Tsk! Kita nang bad mood na tayo!

"What was that?" Mas lalo akong nairita sa tanong niya. Ano ba talagang problema ng lalaking 'to?

"The what?", pabalik ko namang tanong sa kanya.

Isa nalang. Naiinis na talaga ako.

"Yung ginawa mo kanina. Sinabi mo kaagad kay Sniper ang pangalan mo so meaning, you trust him more than you trust us. Wow ha! Ganun naba yun Raven?"

"Tsk. Definitely not your concern."

"What the---Ehh kung tutuusin mas trusted pa kami kaysa sa kan--"

"Just shut up Miyahara."

Tumalikod na ako para pumunta na sa room namin. Tsk! Ayoko pa namang malate. Kung wala lang sanang isang annoying rat edi sana nasa room na kami ngayon.

Pero nakailang hakbang palang ako nang magsalita ulit siya. At ang sinabi niya ay mas lalo pang nagpainit ng dugo ko.

"What the heck! Wala kaba talagang pakialam Raven?! Hindi mo ba talaga kami tinuturing bilang isang kaibi---"

"Pwede ba? Pwede ba tumahimik kana?" Seryoso ko siyang nilingon. Nakita ko naman sa mga mukha nilang tatlo ang pagkagulat sa sinabi ko. Besides, ngayon lang naman din ako nagsalita ng tagalog ulit. He's really PISSING me off. "Ang ingay ingay mo. You're too annoying. You don't have any idea who I am so stop being such an annoying rat. Kung tutuusin, it's really okay if you can't trust me. Besides, I never really expected the three of you to trust me from the very first place. At mas lalong wala akong pakialam kung magagalit kayo sa akin. Pero wag na wag mo lang babanggitin ang salitang iyon sa harapan ko kung ayaw mong papatayin kita ngayon sa kinatatayuan mo." Napaatras naman siya ng isang beses right after I said those words. I already told him to shut up pero ang tigas parin ng ulo.

Tumalikod na ako sa kanila at tumingin ulit sa dinadaanan ko.

There's something I don't want them to see.

"You have no idea what I can do Miyahara.", malamig kong sabi and just left them dumbfounded. Inuubos niya ang pasensya ko.

Nang marating ko na ang building namin, I quickly pressed the elevator buttons. When I entered the elevator, napahawak ako sa ulo ko nang bigla itong sumakit.

N-No not n-now.

Nakahinga ako ng maluwag when the pain stopped. Medjo kumalma narin ako. Buti nalang walang nakakita at ako lang mag-isa dito sa elevator.

TIME FLIES so fast at uwian na. Hindi ko muna sila kinausap. I think it's for the best at parang ayaw naman din nila akong kausapin, especially that Miyahara jerk. Before I left the classroom, I heard Taylor calling my name. But I just ingnored her and left the room.

Nang makarating ako sa bahay, siya kaagad ang bumungad sa akin.

"Hey Raven! I prepared dinner. Come on let's eat.", he said enthusiastically. "I know you're hungry." Nilagay ko muna ang bag ko sa sofa at tinungo ang kusina.

There, I saw the foods that he prepared. Masasarap at sweet desserts ang aking nakikita ngayon.

Tch! He really knows my favorites.

"I know you like them Raven. Just spill it you know.", sabi niya habang binibigyan ako ng isang matamis na ngiti.

"I think there's no need for me to tell yo---" Pero hindi ko na naipatuloy ang sasabihin ko nang bigla na namang sumakit ang ulo ko.

I-Its happening a-again.

Bigla siyang napatakbo sa akin at tinanong kung ayos lang ba ako. Inalayan niya ako papuntang living room at umupo sa sofa.

"Raven did something happen? Don't tell me you..." Halata sa mga mata niya ang pag-aalala.

"Ayos lang ako. I just need a little rest." Nanlaki naman ang mga mata niya pagkatapos kong sabihin iyon.

"Oh God!"

Tinaasan ko siya ng kilay at tinanong.

"What?"

"Is this real Raven? Nagsasalita kana ng tagalog?", hindi makapaniwalang tanong niya. I just rolled my eyes on him.

I nearly forgot that this guy is also a complete jerk.

"Whatever. Anyway, I'm fi---" I wasn't able to continue when I felt pain again. This time, napahawak na ako sa mga mata ko.

"Wa-Wait here Raven. I'll get your medicine. Manang, bantayan niyo muna si Raven at paki kuha nalang po ng tubig.", utos niya sa isa sa mga katulong namin.

"Y-Yes sir." At kumuha na nang tubig yung katulong namin. Naramdaman ko naman na umakyat siya sa taas. Minutes passed at nakabalik na siya.

"Here. Drink this Raven.", he said at tinulongan akong makainom ng gamot. Medjo hindi na rin kasi ako makakita. My head's spinning.

I don't know kung bakit nangyayari sa akin ito everytime na marami akong iniisip. O kung minsan ay nagagalit ako.

After drinking the medicine, medjo naging ok narin ang pakiramdam ko and I can see clearly now. It's really a good thing that my medicine takes effect on me so easily.

"How are you feeling?", tanong niya sa akin. I can still see those worried eyes of his. I don't know if it's real or fake though. "What happened? May nangyari ba na ikinagalit mo sa new school mo?"

"Nothing happened. I'm fine...", I stopped for a second at walang emosyong tiningnan siya. "...Ethan." Ngumiti naman siya pagkatapos kong banggiting ang name niya. Tumayo na ako at nagsimulang umakyat papuntang kwarto ko. I don't feel like eating anymore.

"Raven tell me, have you already met a..." Pinutol niya ang kaniyang sinabi. Napatigil rin ako dahil dun sa sinabi niya.

I know what he means. Alam ko kung anong sasabihin niya. At kahit kailan, hinding-hindi ako magkakaroon ng isang bagay na walang ibang gawin kundi husgahan, traydurin at iwan ka lang sa huli,

Kaibigan...

I looked at him at nakita ko naman na nakatingin rin siya sakin, straight to my eyes.

"No. And I don't think I will ever be.", sabi ko at nagsimulang umakyat ulit papuntang kwarto ko.

"Raven..." I don't know why but it was like someone's controlling my own body at bigla nalang ulit akong napahinto sa pagakyat sa stairs namin, without facing him.

"...Masaya ako dahil tinawag mo na ulit ako sa first name ko."

And again, I don't know why but I just felt something warm in my heart after he said those words.

*~*~*~*~*~*

Hmmm, sino kaya si Ethan sa buhay ni Raven? May hula na ba kayo guys? 🤔🤔🤔

Anyway, dahil brokenhearted---este KINDhearted at nasa mood ang author niyo ngayon, 😂😂 I decided to update 2 chapters. Basahin niyo na ang next chap. minna-san. Go lang ng go. 😻😻😅😅😘😘

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro