Chapter 17 ¤ Surprise Gone Wrong ¤

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Trixcy's Point of view

Hindi ko aakalain na ang lungkot pala ng pinagdadaanan ni Jiro, pero sa kabila ng 'yun natutunan niya paring kayanin ang lahat, kung ako siguro ang nasa lagay niya ngayon siguro nag suicide na rin ako, pero hindi naman paraan 'yun para mawala ang lahat ng sakit eh. Speaking of suicide, gising na kaya si Jiro? Kanina kasi pinauwi na ako ng Mama niya, sila na raw kasi bahala ang bait naman ng mama niya pero bakit ang sungit niya, siguro dahil malungkot parin siya.

Nang makarating ako sa bahay ay sinalubong naman ako ni mommy.  "Trixcy Baby!" Nakangiti niyang sabi sabay akong niyakap. Pero napansin kong may isang lalaki na nasa around 40's na nakaupo sa Sofa.  

"Mom, who is he?" taka kong tanong kay mommy sabay turo d'un sa lalaki na nakaupo sa sofa habang nakangiti akong tiningnan.

"He's finally here, Trix." Saka niya ako niyakap. Nakakalito naman, ano bang ibig niyang sabihin? "Don't be shock." Kumalas naman siya sa pagkayakap at nakangiting nilingon ang lalaki.

Bakit kailangan ba akong mashock pag nalaman ko kung sino 'yong- Don't tell me boylet niya ang lalaking 'yan? Nagkakamali sana ako ng Akala. Ayaw kong magkaboyfriend ang mommy ko!  "Trixcy baby, he's Harold." at lumapit sa akin 'yung lalaki correction sa amin actually.

"Harold, si Trixcy." pakilala ni mommy sa kanya. Sino naman kaya ang Harold na ito, parang iba tuloy feeling ko parang may kakaiba, kinakabahan ako na ewan.

"Trixcy?" sabi niya, "Trixcy anak." at niyakap niya ako. Ano, anak? Sa pagkakaalam ko wala na akong ama.

"Wait what?" at kumalas ako sa pagkakayakap na parang itinulak siya palayo sa akin. "am I become deaf for a second or I heard you right, did you just call me anak?" taka ko lang tanong sa kanya. Hindi parin ako makapaniwala, baka namali lang ako ng rinig.

"Yes, Trixcy I'm your father, I missed you." masigla niyang sabi. Pero ewan ko ba kung inis ang nararamdaman ko ngayon.

"Sino ka ba para tawagin mo akong anak? Sa pagkakaalam ko wala na akong papa, sorry." pag-iwas ko ng tingin, bakit?

"Trix siya ang papa mo." sabi ni mama. "He's your father, diba hinahap mo siya noon pa?" 

"Anak ang laki mo na!" Saka niya ako niyakap ulit ng mahigpit. Yup! malaki na ako at maganda pa, kaya pagsisihan mong iniwan mo kami ni mommy noon.

"Bitawan mo nga ako, di ako makahinga!" Tinulak ko naman siya at lumayo na ako sa kanya. "Wag mo nga akong tawaging anak! Di kita ama okay!" cold kong sabi, di ko siya tinataboy, galit lang talaga ako sa ginawa niya sa amin noon. I hate him, he abandoned us and now he's back, what for?

"Trixcy, 'wag mong tratohing ganyan ang daddy mo! Kasi kahit babaliktarin mo pa ang mundo ama mo parin siya!" sigaw ni mom na maiiyak na. Hindi ako makapaniwala sa inakto ko. Masisisi ba nila ako?

"Okay, edi d'yan ka na sa asawa mo!" at sabay akong umakyat sa kwarto ko, wala ako sa mood para pag-usapan 'to. Mas mabuti nalang na iiwas ako.

Nang makapasok ako sa kwarto ay agad akong humiga sa kama habang tinatakpan ko ang ulo ko ng unan. Bakit kailangan niya pang bumalik? Masaya na ako ng wala siya sa buhay namin ni mommy pero, ngayon argh!  

"Relax Trix, bumalik na papa mo bakit ka nagagalit dapat masaya ka kasi ito 'yung gusto mo diba, ang magkaroon ng ama, matagal mo ng pinapangarap 'to." Pilit ko mang sabihin sa sarili ay di ko parin kaya. Hindi ako handa sa pagbalik niya. Syete! mababaliw na ako, makatulog na nga!

Ilang araw na ang lumipas pero nalilito parin ako sa nangyayari.

"Hoy! TC anong iniissip mo ha?" bungad sa'kin si Sophia nang makita niya ako dito sa isang sulok na ng canteen na wala sa sarili. Nandito kami ngayon ni Sophia sa cafeteria lunch time na kasi pero wala akong ganang kumain napunta lang ako dito para mag-isip. Iniisip ko pa kasi 'yung tatay ko na bumalik after so many years ngayon niya lang naisipang balikan kami ni mommy? Ano kami choice lang pag narealize niya na kami 'yung pipiliin ay buburahin niya 'yung isa at kami ipapalit dun?

"Uy Trix okay ka lang ba?" Tanong niya saka nilapag ang isang tray ng pagkain sa harapan niya at naupo.
"Ewan ko? Ang dami ng iniisip ko ngayon hindi ko alam kung ano ba talaga ang dapat kong gawin?" Walang gana kong sagot sa kanya.

"Ewan ka dyan, anyare sayo ha? Ah, huhulaan ko dahil ba'to sa nangyari kay Jiro na ikaw ang sinisi ng pinsan niya?" Saka siya sumubo ng sandwich. "Wag kang mag-alala Trix, gising na siya kanina, wag kana malungkot hindi ka pa mawawalan ng prince charming, promise." Hinaplos niya naman buhok ko. Tae naman akala niya sa akin pusa?

"Gaga!" Saka ko tinampal ang kamay niya.

"Aray ko naman Tc!" Ka-inis kaya namomoblema ako sa totoong buhay ko, si Jiro pa talaga ang napiling rason para ikaproblema ko ha.

"Gagita ka hindi si Jiro iniisip ko, puro Jiro nalang lumalabas sa bunganga mo, pakain kaya kita sa Jiro na 'yan!" kainis din kasi eh! Speaking of Jiro, talaga bang okay na siya? Trixcy please wag si Jiro iniisip mo, isipin mo kung paano tanggapin ang papa mo! Aish!

"Kung hindi si Jiro, edi sino? Baka naman may karibal na prince mo dyan ah." sabay niyang subo ng sandwich ulit.

"Tanga pwede ba, kahit ngayon lang tigilan mo muna kakabanggit sa Jiro na 'yun?" 

"Ano ba kasi problema?"

"Kasi nga 'yung pa-" Hindi ko nasabi ng tuloy kasi may umepal sa harapan namin.

"Trixcy Monton right? I'm Fyzer." sabay alok ng shake hands sino naman kaya ang nilalang na ito! Kung sinu-sino nalang nakilala sa akin hindi ko naman sila kilala tae!

"Hey?" nataohan naman ako nang ilapit niya mukha sa akin. "Ha, ah! Oo bakit?"  "Pfft!" Natatawa naman si Sophia.

Fyzer's Point of view

I'm Fyzer, the third known leader of G-Wolves pero si Jiro talaga ang humahawak ng grupo namin, kaya lang umalis na siya kaya ito. Kasamahan nila ako pero hindi ako gaanong sumasama sa kanila dahil busy ako sa organization namin which we call it Galaxy. Isang gangster community pero hawak ng mataas na rangko ng gobyerno.

 Nandito ako ngayon sa school na pinapapuntahan sa'kin ni Joshua, gusto niyang puntahan ko si Trixcy Monton daw, di ko naman to kilala ang Trixcy na'to syempre nanggaling pa'kong Batangas. Pero sabi niya magtanong nalang daw ako sa mga stupidyante este studyante pala dito. Kaya nung mag tanong ako, tinuro ng isang lalaki 'yung babae na si Trixcy, she looks beautiful kahit sa malayo nakaklaro ko ang ganda niya. Anyways malapitan nga. Nang lumapit ako, parang wala sa mood yung mukha niya siguro dahil 'to sa nangyari kay Jiro, pag-ibig nga naman. Nag-uusap sila ng kaibigan niya siguro pero di niya naituloy ang sasabihin niya dahil umepal ako, alam niyo na epal. Mahilig akong umepal lalo na kung OP na ako.

"Trixcy Monton right? I'm Fyzer."  pakilala ko, habang inaalok ko ang kamay para magshake hands sa kanya. Pero nakatingin lang siya sa'kin, hmm... I see nagagwapohan 'to sa'kin naakit siguro siya sa mga singkit kong mga mata, siguro nirape na ako sa utak nito madisturbo nga.

"Hey?" nabigla naman siya. 

"Ha, ah! Oo bakit?" sabi ko na nga eh! Pinapantasyahan ako sa isip nitong babaeng 'to eh!

"Muntik na'kong matunaw sa titig mo brad, gwapo na ba talaga ako?" pacute ko.

"Actually, oo pwede ka na ngang pantakot sa daga eh. Keep it up!" at ngumiti siya ng plastic, muntik naman nabilaokan kasama niya. Hay! pasalamat 'tong babaeng to mabait ako di gaya ni Jiro. 

"Oh well,  pinapunta ka ni Jiro sa condo niya." ang totoo niyan di talaga siya pinapunta ni Jiro, si Joshua lang naman ang may utos sa akin nito. Nabuhayan naman agad siya ng loob.

"Bakit daw, seryoso ka bang si Jiro nag-utos sa'yo, gising na ba siya?" parang nase-sense ako ng babaeng ito ah.

"Aba syempre oo naman!" depensa ko, si Joshua lang kasi nagsabi eh. 

"Are you sure?"

"Okay fine." Parang papatayin niya ko sa mga tingin niya "pero kasi ganito 'yun may katuwaan lang sa condo ni Jiro mamayang ala sais bilang pagwelcome sa kanya, lalabas na kasi siya mamaya sa hospital." hinahon kong sabi ito naman kasing si Jiro, nagsuicide, di paba siya naka move-on sa past? Sabagay mahirap naman talaga mag move-on. Pero may napapansin ako sa babaeng 'to she really have a similar eyes with her. Di bali nalang marami naman magkakamukha sa mundo eh.

"Makakalabas na ba siya sa hospital, magaling na ba siya?"

"Wow concern sunud-sunod ang tanong huh?" sabi ko.

"Kasi, ano nangungumusta lang naman ako." makapout pa siya. 

"Okay na siya, you have nothing to worry about." di ko na alam sasabihin ko.  Aalis na siguro ako. "Ah, sige-" bigla namang dumating si Rocky.

"Uy! Trix lalabas na si Jiro mamaya dapat malinis daw condo niya, bilin niya kasi kanina pakisabi nalang kay kulelat." oo tama 'yun ang nakalimutan kong sabihin, actually scripted ang pinagsasabi ko kanina, akalain niyo ako pa inutusan na walang kaalam-alam. Tsk! "And of course you must be there, Sophia, Joshua needs you." nashock naman siya, ay siya pala si Sophia ang lihim na minahal ni Joshua, maganda rin, bakit lumaalovelife ang mga barkada ko tapos ako wala? Darating din naman ako diyan. Hehe! 

"Ako?"

"Yeah, call him para makasigurado ka." Rocky.

"Sige Trix alis na muna kami." paalam ni Rocky at sabay kaming umalis. "Fyzer, sa tingin ko di mo namemorize ang lahat." pang-asar niya.

"Malamang, ako inutusan niyo na walang kaalam-alam d'yan sa bulok na plano niyo!" kung maka utos kasi sila wagas! Baldado lang si Jiro ini-impersonate na nila.

Trixcy's Point of view

Papunta na ako ngayon sa Condo ni Jiro para mag linis ulit. As usual Trixcy tagalinis. Si Sophia naman nauna ng umuwi, tinawagan na kasi siya ng mama niya, pero alam kong si Joshua naman 'yong kausap niya sa phone kunwari pa halata naman. Nangg makarating na'ko sa condo ay binuksan ko na 'yung door walang ilaw akala ko ba may katuwaan dito dahil lalabas na si Jiro, pero sabagay maaga pa naman. E-o-on ko na sana 'yung ilaw kaya lang, may biglang nagtakip ng bibig ko at tinakpan ang mata ko, at tinali ang kamay ko sa likod.. Ang daming kamay. 

"Teka 'wag mo nalang kaya itali?" Pabulong na sabi ng isa. Owh no! Mamatay na ba ako? naku po hold-up!  Ayaw ko pang mamatay, promise po patatawarin ko na po papa ko pag-uwi ko sa bahay, 'wag niyo lang po akong hayaan Lord ko po.

"Kung hindi natin siya itatali baka makatakas pa siya."

"Tanga ka ba? Paao 'yan tatakas eh nakatakip mata niyan?" Bakit ba sila nagtatalo? 

"Tanga ka ba? Bakit mata ba 'yung naglalakad? Mag-isip ka nga Roc-" Hindi naituloy ng isa ang sasabihin dahil parang tinakpan ang bibig niya.

"Jiro? Ikaw ba 'yan? 'Wag ka ngang magbiro ng ganyan!" Sigaw ko alam ko namang wala si Jiro dito di ko lang kasi alam  ang gagawin ko kaya pangalan niya nabanggit ko. Wala paring nagsasalita nanginginig na ako sa takot, ano ba'to? Pinaupo nila ako sa malambot na upoan, tayka rerepin nila ako? 'Wag naman sana!

"Sino ba kayo ha? Ano ba hoy mga halimaw pakawalan niyo ko!" sigaw ko.

"Sssh! 'wag ka ngang maingay, sabi ng babae na parang familiar 'yung boses. 

"Wag maingay! Eh sino ba kayo ha? Paanong di ako mag-iingay eh, inisip niyo ba 'tong ginawa niyo sa akin, tinali ang kamay ko, at nilagyan ng blind fold mata ko! Isipin niyo nga paanong di ako mag-iingay!" sigaw ko parin, ka-inis di daw mag-ingay, eh patatas lang!  Paanong hindi eh para akong bihag sa ginagawa nila!

"Sophia pakawala mo na nga ang Kaibigan mo, baka palpak pa surprise natin eh!" sabi ng boses lalake. Rocky?

"Wait Sophia?"  taka kong tanong.

"Oo! Kaya tumahimik ka na dyan!" Agad niyang tinanggal ang tali ko sa likod at, sinabay na rin 'yung nakaharang sa mata ko, pagkatapos ay binatukan ko na siya.  

"Trixcy ano ba? Masakit!"

"Ang patatas niyo eh! Bakit niyo ko nagawang itali ha mga animal kayo!" Inis kong sabi sa kanila.

"Pwede ba mamaya ka na magalit dyan, nag text na kasi si Fyzer na papunta na dito si Jiro, pagsuway sa'kin ni Josh  Ano ba talaga ang dalawang 'to ha? Hindi katagalan ay may biglang nagbukas ng pinto at biglang nag-on 'yung ilaw.

 "WELCOME HOME JIRO!" Sabi ng lahat except me, malay ko ano bang alam ko sa kalokohan nila, ang corny pa ng welcome party nila. Anong kakornihan 'to, huhulaan ko ma-embyerna lang ang Jiro na 'yan.

Ngumiti naman ang lahat nang napakalapad habang si Jiro ay nakakunot lang ang noo na nakatingin sa mga design nilang pambata. Yeah, as expected wala talaga siyang paki-alam. 

"Anong kalokuhan 'to? Ano ako batang nagbibirthday at sampung taong di bumalik dito?Maghulos dili nga kayo, di ako bata okay! At lalong ayaw ko ng mga ganito, ang corny!" sabi niya bakit ba ang buang niya! Saka siya na naglakad papuntang kwarto niya, nang nagsalita si Joshua. 

"Hindi ka ba marunong mag-appreciate, Jiro? At mas nagawa mo pang magalit ha!" kinikim-kim na ni Joshua ang kamao niya, pinipigilan ang sarili. Nako baka magwar pa sila dito. 

"Jiro, alam namin ang pinagdadaanan mo, inintindi ka namin bawat oras na nagsusungit ka! Bawat panahon na gusto mong mapag-isa! Pero parang sumubra ka na." 

"Did I asked you to do that? Hindi naman diba?"

"Hoy! bakit ba ang sungit-sungit mo ha, tama naman si Joshua ah! At isa pa kaibigan mo sila maswerte ka nga eh, kasi sa kabila ng pinagdadaanan mo at kasungitan mo may mga kaibigan kang umiintindi sa'yo. Wala ka ba talagang puso! Oh Hirap lang tanggapin sa sarili mo na may kaibigan kang nag-aalala sa'yo, dahil ayaw mong kinaawaan ka diba?" this time nagalit na rin ako kay Jiro, kainis kasi nag effort mga kaibigan niya tapos ito, susungitan niya lang! Oo corny ang pagwelcome nila sa stupidong 'to pero galing sa puso nila 'yan pinaghirapan, nadamay pa nga ako sa lintik na kalokohan na'yun kanina eh! Kahit di ko lubusang isipin kahit Gangster pala ang may kakornihan din. 

"Bakit ba ang epal mo ha!" At nilapitan niya ako "di mo alam ang nararamdaman ko, hindi mo alam ang pinagdadaanan ko, hindi mo alam! Kaya 'wag kang magsalita na parang alam mo ang lahat!" Galit niyang sabi at sabay tumingin sa mga barkada niya, "Alam ko sa sarili ko na mali ang ginagawa ko dahil hindi ito ang gusto niyo, pero ito na'ko wala ng magbabago dun. Kung ayaw niya na leave me alone, I'm won't beg anyone to stay. Saka na siya pumasok sa kwarto niya. Wala talagang puso! Hindi lang arrogante, mayabang pa at maldito!



Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro