Chapter 18 ¤Abduct¤

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Jiro's Point of view

Pumasok na ako sa kwarto ko, di ko alam kung anong klaseng mga salita ang lumabas sa bibig ko kanina. Alam kong mali 'yun at nasaktan ko sila pero. Ano pa ba ang gagawin ko? Naisipan kong, magpahangin muna sa labas kaya lumabas na ako ng kwarto.

Pero paglabas ko nanatili parin dito sina Rocky at Fyzer nilingon nila ako nang makita nila akong papalabas. Di ko nalang pinansin at nagpatuloy na ako sa paglabas.

"Jiro masaya ka na ba?" sabi ni Rocky nang may galit na boses.

"Jiro pare, pag-isipan mong mabuti ang sinabi mo."

"Ayaw kong pag-usapan 'yan" Sabi ko at sabay nang umalis. Di ko alam kung saan ako dadalhin ng mga paa ko. Iniisip ko parin bakit ko nga ba sinabi sa kanila 'yun, alam ko namang mali. Jiro nagpapadala ka na naman sa emosyon mo! At sabay kong sinipa ng malakas ang maliit na bato, wala akong paki kung saan tumama 'yun di pa matagal ay may sumigaw na babae.

"Aray!" Napasulyap naman ako bigla sa pinanggalingan ng boses sa unahan ko at nakita ko naman na sinamaan ako ng tingin ng babae. Kakaiba ang tingin niya na parang dinudurog niya ako sa mga tingin niya. Galit din kaya siya sa sinabi ko kanina, malamang na galit talaga siya.

Trixcy Monton's Point Of View

Umupo ako sa isa sa mga bench dito sa gilid ng park, bali sa may gilid ng daan, habang nagmomuni-muni. Naiisip ko lang kung hindi kaya namatay si Thea mabait kaya si Jiro ngayon? Paano kung buhay pa hanggang ngayon si Thea magkakilala kaya kami ni Jiro ngayon?
Paano kung hindi gangster si Jiro, buhay pa kaya si Thea ngayon? Bakit nagbabago ang tao.

Paano kung-

"Aray!" Biglang naputol ang pag-iisip ko at sumigaw ng malakas, nang may maliit na bato ang tumama sa ulo ko, syete! Sino ba may gawa nito at ererecycle ko para mataohan. Tumayo ako at lumingon sa direksyon kung saan nanggagaling yung batong tumama sa akin.

Pero pagtingin ko isang lalake na nakapamulsa habang nakakunot ang noo at nagtagpo ang mga kilay na nakatingin sa akin. Sinamaan ko naman siya ng tingin.

"Jiro?"

"Hey, it's just you." Walang gana niyang sabi.

"Pagminamalas ka nga naman!" bungad niya pa.

"Aba't, hoy ikaw kaya ang malas, tingnan mo nga ginawa mo sa akin natamaan ulo ko sa batong tinapon mo!" galit na sabi ko sa kanya. Kainis naman kasi ang sakit kaya ng ulo ko.

"Kasalan ko bang sa'yo tumama 'yung bato! Eh kasalan mo naman eh di ka kasi umilag!" sungit nitang sabi.

"Aba't ikaw pa'tong nagsusungit eh ikaw na nga 'tong may kasalanan. Sige nga isipin mo nga makakailag ba ako sa batong 'yun. Okay sana kung sinabi ng bato na hoy umilag ka papatama ako sa'yo! Anong utak ba meron ka! At di mo naman magamit!" Pagtataray ko sa kanya saka tinaasan siya ng kilay.

"Teka sandali nga lang, bakit kaba nandito?" tanong niya.

"Anong paki mo! Eh ang tanong ko naman bakit ka andito?" Balik ko sa tanong niya.

"Tama bang tanongin ang isa pang tanong?" Sungit niyang sabi.

"Oo sa akin uso 'yan! Bakit sa'yo hindi ba?" pagtataaray kong sabi ulit.

"Hindi!" galit niyang sabi

"Pwes sa akin OO! Bye! Aalis na ako mahihilo ako sa ugali mo di ko maspelling." Tumalikod na ako at sabay na nag lakad pauwi. "Mahulog ka sana sa embornal!" pahabol niyang sabi.

"Che! Kainin ka sana ng lupa!" Mabilis naman ako na naglakad papalayo sa kanya basta malayo sakto na di ko na makita si Jiro.

Habang naglalakad ako ay parang may sumusunod sa akin. Pag tingin ko sa likod ko wala naman, siguro ingay lang 'yun ng paa ko, nagsimula na lamang akong maglakad ulit. Pero para talagang may sumusunod sa akin. And I look at my back again, but I can see nothing. Pagtitripan siguro ako ng Jiro na'yun. Asa ka na naman ba Trix, di ka susundan non uy!

"Ayy!" Napasigaw nalang ako nang may biglang humawak sa kamay ko at agad tinakpan ang mata ko. Teka ano na naman 'to?

"Tayka Hoy! Anong gagawin niyo sa akin ha!" sabi ko ng may kaba sa sarili, ano ba kasi sila?

"Pare sigurado ka bang siya 'yan?" tanong nung lalake sa kasama niya.

"Oo naman!" sagot nung isa. "Madali akong makakatanda ng mukha."

"Wait lang, mga kuya ha! Sino ba talaga kayo ha? at kung sino man hinahanap niyo nagkakamali kayo ng damput wala pa kasi akong naging kaaway no! Di ako 'yung nadampot niyo mali kayo kaya pakawalan niyo na ako." Pakaawa kong sabi, sino naman kasi ang dadamput sa akin eh wala naman akong kaaway.

"Tumahimik ka nga kung ayaw mong ako patatahimik sa'yo!" sabi ng lalake, di ko naman kasi makita kung sino sila eh! Naka blind fold mata ko, at ang kamay ko tinali sa likod.. Tayka parang ito lang 'yung nangyari kanina ahh! Alam ko na kung sino sila.

"Hoy! Joshua, Rocky at Xander! Di na kayo nakakatuwa ha! Kanina pa kayo, pakawalan niyo na nga ako!" Galit kong sabi habang pumipilit na kumawala.

"Siya nga! 'Yung babae na pinag-uutos, kilala niya sina Xander at Rocky. Tara dalhin na natin." Anong kilala ko si Rocky at Xander, 'wag nilang sabihing gangster din sila? O No! O Dos! O Tres! O Kwatro! O Singko! Kung si Rocky at Xander ang sadya nila bakit nila ako kinidnap?

"KIDNAP!" sigaw ko ng malakas

"Tumahimik ka sabi eh!" at agad akong kinarga na parang sakong ng bigas. Nagsimula na ng maglakad sila habang ako karga karga parin ng isang lalaki.

"Kuya! Maawa po kayo sa akin ayoko pang mamatay! Kung si Rocky at Xander po kailangan niyo 'wag niyo na akong idamay please! Marami pa po akong pangarap sa buhay. Mag-aasawa pa po ako at nagkakaanak, at magkakaasawa pa mga anak ko kawawa naman sila kung mawawala ako agad." Sigaw ko habang tinatadyak-tadyak paa ko, Huhuhu paano ako nito ngayon?

"Patahimikin mo na kaya Pare!" sabi naman nung isa. Mommy... Jiro tulongan mo'ko.

Jiro's Point of view

Bakit ba lagi kong nakakasalubong ang babaeng 'yun, aksidente man o hindi ! Tsk! Makauwi na nga.

"KIDNAP!" bago pa ako nakatalikod ay may narinig akong babae na sumigaw teka parang familliar 'yung boses ah. Mabilis naman ako na tumakbo sa dinaanan ni Trixcy kanina pagdating ko may dalawang lalake na naglakad at ang isang lalake ay kinarga si Trixcy. Nakilala ko agad siya dahil sa suot niya at kaingayan.

"Kuya! maawa po kayo sa akin ayoko pang mamatay! Kung si Rocky at Xander po ang kailangan niyo 'wag niyo na po akong idamay, please marami pa po akong pangarap sa buhay. Mag-aasawa pa po ako at nagkakaanak, at magkakaasawa pa mga anak ko kawawa naman sila kung mawawala ako agad." Pagkarinig ko nun ay agad ako na lumapit sa kanila.

"HOY BITAWAN NIYO SIYA!" sigaw ko dun sa mga lalake.

"Jiro! Jiro ikaw ba yan? Waaahhhh! Tulongan mo 'ko, dadamputin ako ng mga ungoy na'to! Hoy! Nandyan na tagapagligtas ko bitawan niyo na ako! Mga Asungot na gung-gong kayo! Argh!" sigaw niya habang nagpupumiglas sa pagkabuhat sa kanya. Grabe talaga ang babaeng 'to parang wala man lang takot sa nangyari, ang dal-dal parin. Napatingin naman sa akin 'yung dalawang lalake at agad naman nilang binaba si Trixcy pero 'wag kayong mag-aakala na mabuti ang pagkababa sa kanya kundi binaba lang siya kaya nauntog ang pwet niya. Masakit 'yun brad.

"Aray! Walang mudo! Kung ibaba niyo naman ako dapat naman 'yung nagbaba kayo ng prinsesa, ano ginawa niyo ha! Mga asungot talaga! Ang sakit ng pwet ko!" She's noisy, ang sakit talaga sa tenga ng boses ng babaeng ito parang nakalunok ng mega phone ang dal-dal!

Lumapit sa'kin 'yong dalawang lalake at aksyong lalabanan nila ako, naunang nasuntok 'yung isa pero nailagan ko naman nang sabay-sabay na silang umatake ay di ko maiwasang mapatumba dahil sa mga suntok nila. Tumayo ako at niresbakan sila natumba 'yong isa sa suntok ko. Nasipa naman ako sa mukha dahilan para matumba ako pero agad naman ako na tumayo at isa-isa silang pinagbubug-bog. Nang manghina ang isa ay akmang sisipain ko pa nang tumakbo agad sila at sumakay ng van sa di kalayuan na dumaan. Sinubukan kong habulin kaya lang nakalayo na ang mga ito, napabaling naman ako kay Trixcy at nilapitan ko siya.

"Trixcy okay ka lang?" I asked her.

"Tangik! Mukha ba akong okay? Tulongan mo nga ako dali, at tanggalin mo 'tong tali sa likod ko ay hindi pala itong nakaharang pala sa mata ko ang unahin mong tanggalin." Grabe talaga anong klaseng ugali ba meron ang babaeng 'to, mas nasaktan kaya ako kaysa sa kanya. "Hoy! Ano ba? Tutulongan mo ba ako o hindi?" umiling nalang ako at tinanggal na ang tali sa likod niya at ang harang sa mata

"Bakit ba ang ingay mo ha! Pasalamat ka pa nga tinulongan pa kita eh!" inis kong sabi matapos matanggal ang nakatali sa kanya.

"Hay! Salamat. Alam mo may kabutihan ka pala naman kahit na sinumpong ka ng kasungitan kanina." napatingin naman siya sa mukha ko. "Wait, Jiro may pasa ka." at hinawakan niya naman ang pisngi ko "Pasa lang 'to, malayo sa bituka." Pag-iwas ko.

"Sure ka!"

"Oo, sino ba 'yung mga 'yun?" tanong ko sa kanya.

"Ah ha. Ewan ko." at napahawak siya sa noo niya.

"Uyy okay ka lang?" taka kong tanong, para kasing di siya okay at pinagpapawisan siya ng malamig.

"Okay lang. Sige alis na ako." tumayo naman siya at naglakad na, pero huminto rin sabay hawak sa noo niya ulit. She's not okay.

"Teka, may-" sabi niya at napatingin sa akin, pero bigla na lang siyang natumba mabilis naman akong tumakbo papalapit sa kanya para masalo siya sa pagkakabagsak.

"Hoy! Trixcy! Nanloloko ka ba? Hoy! Wag ka ngang manloko." sabi ko habang niyuyug-yog ko parin siya, pero wala lang, nawalan na siya ng malay. Ano ba ang nangyari sa babaeng 'to? Bakit bigla nalang hinimatay, baka dipa kumakain. I don't have a choice, kundi buhatin siya.

Hbang binubuhat ko siya ay napatingin ako sa mukha niya ngayon ko lang napansin ang ma-amo niyang mukha, makinis niyang balat, maganda siya ang pinkish ng checks. Di katagalan ay napansin kong may side samukha niya na kamukhang-kamukha ni Thea. Umiling nalang ako baka namamalik matalang ako. Pero magkamukha sila.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro