V. Saan Aabot ang Bagong Brief Mo? (Theo Eizon)

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

TUMINGIN sa kanilang classroom, hinintay ko na matapos ang klase ng kaibigan ko. I wasn't really the type of girl that would leave without my bestfriend. Hindi kasi ako sanay umuwi ng walang kasabay. It's better to have someone by your side just in case something happens.

Nang ibinalik ko ang atensyon ko sa malaking hallway, napansin ko ang crush ko na naglalakad kasama ng mga kaibigan rin niya. Teammates, in other terms. Siya kasi 'yong Team Captain ng Basketball dito sa Far East University.

Nakakarinig ako ng mga rumors na siya raw ang magaling sa kanilang grupo bukod kay Maxel Winston na kaka-transfer lang galing America. I wasn't sure about that but I guess rumors will stay rumors as long as I haven't seen it.

Nagulat naman ako nang lumingon siya sa akin bago binigyan ng ngiti. Well, I wasn't exactly shocked. Just a bit surprised that he'd look in my direction. Wait, did I even mention that he was my childhood bestfriend?

Nang lumapit siya sa akin, binigyan niya ako ng isang matamis na ngiti.

"Sinong hinihintay mo, Lyra?" tanong niya sa akin habang nanatili ang ngiti niya. I blushed, seeing those dimples that I couldn't seem to forget since childhood.

"Ah, si Bea. Kanina pa kasing nagtuturo si Mr. Harver kaya hindi pa siya makalabas ng klase," paliwanag ko habang tumango naman siya.

"Matagal pa 'yan. Masyado kasing may galit sa mga estudyante," bulong niya sa akin habang saktong sakto naman lumabas si Mr. Harver mula sa classroom.

Kitang kita ko ang galit sa mga mata ni Mr. Harver habang napalunok na lang si Theo sa takot. My adviser always had this death glare that could literally kill a student on the spot. Luckily, I was his best student. And I'd rather stay in my room rather than getting detention for life without leaving until your punishment is lifted.

"Mr. Eizon Theo, meet me at the principal's office after your training." Pagkatapos noon, naglakad na ulit ang adviser ko habang huminga naman ang kaibigan ko ng malalim.

"Well, that was fast. Anyway, see you tomorrow, Lyra?" tanong niya sa akin habang tumango naman ako. Nakita ko naman siyang sumunod sa mga ka-teammates niya bago nakipag-usap muli sa mga ito.

▬▬▬▬▬▬▬▬

NAPANSIN ko na malapit na mag-ring ang bell kaya agad agad akong tumakbo papasok ng university. Shoot, I'm going to be late! Hindi kasi naka-set up ang alarm clock ko kaya nang gumising ako, napansin ko na mala-late na ako.

Nang makasalubong ko si Theo, kumaway na lamang ako at sabay pumunta sa aking classroom, hindi man lang napansin ang brief na nakalagay sa kanyang balikat.

Nang umupo ako sa aking upuan, napatingin si Felizia sa akin at napangiti. Kitang kita kasi niya na nagmamadali ako pagpasok.

Felizia was more like my sister rather than a bestfriend. She understands me a lot better than others anyway. Magkaparehas rin kami ng gusto at parehas kaming mahilig manood ng basketball rather than shopping on malls.

"Hindi na naman ba nag-alarm 'yong clock mo?" tanong niya sa akin habang tumango na lang ako, tila pagod na pagod pa rin sa pagtakbo.

"Oo, hindi ko alam kung anong mayroon do'n sa orasan kong iyon. Minsan mag-aalarm, minsan hindi," paliwanag ko habang napailing na lang siya at napangiti.

Bago ko pa man makuha ang cattleya ko sa bag, agad niya akong kinulbit at nagsalita sa akin. Kitang kita ko ang pagtataka na nakapaskil sa kanyang mukha.

"Nakita mo ba si Eizon kanina?" Tumango naman ako habang nagpatuloy siya.

"Nakita mo ba 'yong brief niya na nakalagay sa kanyang balikat? I thought that it was his towel at first but I was wrong!" wika niya sa akin habang napatawa naman ako.

Theo Eizon with his brief on his shoulders? Not a chance.

"Brief? Ayan ka na naman, Felizia. Siguro ini-imagine mo si Theo na naka-brief. I'm sure that you're just imagining things. Malabo na kasi 'yan mata mo," panigurado ko sa kanya habang umiling ulit siya.

"I'm serious, Lyra. Brief talaga 'yong nakita ko do'n sa kanyang balikat," sambit niya habang napatawa ulit ako.

"Towel niya 'yon, Felizia. Stop imagining things," sambit ko habang pumasok na kaagad si Mr. Harver sa aming classroom. Pagkatapos noon, hindi ko namalayan na hindi na pala magiging normal ang araw ko pagkalabas ko ng klase.

▬▬▬▬▬▬▬▬

NAGULAT ako nang lumapit sa akin si Eizon, ngiting ngiti sa akin. Right now, we were at the cafeteria, nag-oorder ng aming kakainin. And actually, I was weirded out. Kitang kita ko na pawisan si Theo pagkatapos ng kanilang training kaya't ipinampunas niya towel niya.

At hindi ko naman alam na tama pala ang sinabi ni Felizia.

At dahil nakapikit siya, halos pinipigilan kong tumawa nang feel na feel pa niya ang pagpahid nito sa kanyang mukha. Nang ilagay niya ulit ito sa kanyang balikat, napangiti na lang ako.

"Okay ka lang ba talaga, Theo?" tanong ko habang napakunot naman ang noo niya sa akin.

"Oo naman, bakit? May problema ba, Lyra?" tanong niya pabalik habang pinigilan ko pa rin ang pagtawa. Nang nakita niya ang reaksyon ko, bigla niyang inamoy ang kanyang jersey.

"Nangangamoy ba ako?" Halos hindi ko na mapigilan 'yong tawa ko nang sinabi niya sa akin 'yon. Ngumiti na lamang ako bago nagsalita.

"Hindi naman, Theo. 'Yong brief mo kasi..." napatigil naman ako sa pagsasalita nang lumingon siya sa kanyang balikat at nagulat. Nanlaki ang nga mata niya na halos hindi niya alam na kanina pa pala itong nandoon.

Mga ilang segundo ang lumipas, tumingin siya sa kanyang kaibigan at binigyan ito ng masamang tingin.

"Hayop ka, Jerome Queñido!" sigaw niya sa kanya habang humagalpak naman si Jerome ng malakas, rinig na rinig ang kanyang tawa sa buong cafeteria.

"Sorry naman, pare. 'Di bale, bagong bili naman 'yan!" sigaw ni Jerome pabalik habang iritang iritang tumayo si Theo at inihampas ang brief sa mukha ng kanyang kaibigan.

"What the f*ck!" sigaw ni Jerome bago inalis ang brief sa kanyang mukha. Nang bumalik si Eizon sa kanyang upuan, agad naman siyang humingin ng tawad sa akin.

"God, this is embarrassing. I humiliated myself in front of you. Can I at least make it up to you though?" sambit niya sa akin habang napangiti sa kanya.

And of course, I accepted his offer and nodded.

"It's a date then," huling sinabi nito bago umalis, hinayaan akong magulat sa kanyang huling sinabi.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro