VI. Misunderstanding ( Zenniel Kim ) [Part One]

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

TININGNAN NG ILANG SEGUNDO ang relong nasa kamay ko, agad kong ibinaling pabalik ang atensyon ko sa kalsada. Halos mabilisan ang takbo ng mga sasakyan kaya hindi pa ako makatawid. And to be honest, the light was still red. Hindi pa ito nagbabago ng kulay kaya halos kaming lahat maluko-luko na dahil sa tagal.

Nandito ako ngayon sa Seoul kasi kinailangan kong puntahan ang aking mga magulang at kausapin sila tungkol sa kompanya. I didn't really want to take place on the position as CEO. That wasn't in my blood.

My sister told me that I could be a perfect CEO. Pero, hindi ko gusto iyon. I hated obligations. Hindi ko gusto ang mga kontratang pipirmahan na tila ginagamit ang pangalan ko.

At para saan pa? Para kapag nagkamali, sa akin ang sisi ng mga tao?

No thanks. Mas gusto kong mamuhay ng tahimik.

Inip na inip sa paghihintay, sumipol ako habang sinusubukang itono ito sa paborito kong kanta. Bago pa man ako makarating sa chorus, nagulat na lamang ako nang may bumangga sa tagiliran ko.

Halos matumba ako ngunit nakuha ko pa ring pigilan ang sarili ko. Sisigawan ko na sana iyong taong nakabangga sa 'kin ngunit agad kong napansin na isang babaeng ang tila abalang abala sa paghingi ng tawad sa akin.

Pero, hindi kahit anong gawin ko, hindi ko siya maintindihan.

Sa ibang lengwahe siya nagsasalita kaya naman nag-iisip ako ng paraan kung paano siya iintindihin. Ano ba kasing lengwahe ang pinagsasasabi nito?

“Naku, sorry talaga kuya! Hindi ko sinasadya na mabangga ko kayo!” sambit niya sa akin habang malungkot na tumingin sa akin.

“Hindi ko lang ho talaga kayo napansin! Masyadong marami akong iniisip kaya hindi ko kayo nakita!” mabilis niyang tugon habang segu-segundo siyang tumutungo bilang respeto.

Napakunot bigla ang noo ko nang sinubukan niyang kunin ang kamay ko para mas lalong ipakita ang kanyang ibig sabihin sa simpleng ‘sorry’ sa 'kin.

Ngunit dahil Half Korean naman ako, may rule pa rin sa amin na hindi pupwedeng magkaroon ng skinship kung hindi kaibigan o kamag-anak.

So, I did what's best.

I avoided her touch and took a step back.

Mworago? Ihaereul mot haetsumnida,” sambit ko habang nanlaki ang mga mata ng babaeng nasa harapan ko.

“Hala, nga pala Koreano ka,” banggit nito ng pabulong ngunit narinig ko pa rin ito.

Ya, yeong-eo halsu isseoyo? ” sinabi ko sa kanya, iniisip pa rin kung maiintindihan niya ako kung magko-korean ako.

“English? Gusto mo akong mag-english?” tanong nito sa akin habang tumango na lamang ako. Nakakaintindi naman ako ng English kaso hindi ako gano'ng kagaling sa pakikipagusap.

Bago pa man siya magsalita, biglang naging green iyong light kaya agad nitong ibinaling ang atensyon sa kanyang kaliwa at agad na tumungo.

“Naku, sorry kuya! Nagmamadali nga pala ako. Malalate na ako! Sa susunod na lang ako mag-sosorry ha!” sinabi niya sa akin bago kumaripas ng takbo. Nagulat na lamang ako nang hindi niya ako hinayaan magsalita at iniwan akong bigla.

“Ya! You short girl! Come back here!” sigaw ko habang tumingin siya pabalik at ngumiti. Halos nakakaloko pa nga siya.

“Bye sunbae-nim!” agad na dagdag nito habang nanggigil ako sa kanya. Marunong naman pala siya mag-korean. Kahit hindi man siya ganoong kagaling, sigurado akong alam niya ang korean word sa ‘sorry’.

I can't just accept her goodbye just yet.

Kaya ang ginawa ko ay kinuha ko ang phone ko at ginawa ko ang kinailangan kong gawin.

“Jae-eun, tell eomma that I can't come,” agad na sinabi ko bago ko narinig ang nagulat na sagot ng aking kapatid.

“Huh? Waeyo? Oppa, I thought that you'd actually come! Eomma doesn't like you canceling on important plans like this, you know? She'd be really mad if I told her!”

“Ya, just do what I say. I have an important errand to attend to. I can't bear Eomma's rant about the company.” Napatingin ako sa aking paligid, sinisigurado na walang makakarinig nito.

“Fine. But, you owe me for this. You're not the one that gets all the scold, you know?” malungkot na sinabi nito sa akin habang napangiti naman ako.

“Yeodongsaeng, kamsahamnida. I knew that I could count on you,” sagot ko bago ibinaba ang tawag.

Now, it's time to find that girl.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro