VII. Writer vs Author ( Darwin Choi: Part I )

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

HINDI man lang makatiis na kumalma, agad kong niyakap ang aking unan at ngumiti ng todong todo sa aking kinauupuan. Kung hindi lang talaga ako nagbabasa ng mga pocketbook, siguro matatapos na ako sa mga gawaing bahay. The problem is, I am a bookworm.

And if you were wondering why I was acting like this, I was reading 'His Damsel in Converse' by DCarpio246 sa Wattpad. Actually, he was the first guy author that I've ever encountered since I signed up.

Siya kasi 'yong inuna ko kaysa sa iba dahil siya 'yong tipong author na nagsusulat ng English at Tagalog. Nang malaman ko na ipu-publish na 'yong mga works niya, agad akong nag-avail ng copy.

Kahit hindi ko man inaamin kahit kanino na mahilig akong magbasa, hindi ko pa rin mapigilan ang sarili kong ibunyag ito sa aking kaibigan na si Darwin. And honestly, hindi ko pa rin kilala 'yong author nito sa personal. Narinig ko lang at nabasa ko lang ang mga gawa niya sa Wattpad.

Si Darwin Choi naman ang bukod tanging lalaki na kaibigan ko na mahilig magbasa ng libro. Kahit anong genre ang ibigay ko sa kanya, buong palad niya itong tinatanggap at binabasa.

May biloy sa kanang pisngi, malalim ng kaunti ang boses, nagsusuot ng salamin, gwapo pero hindi photogenic at matalino pagdating sa klase. Senior student siya na gustong gusto na maging doctor o lawyer. Depende na rin daw kasi baka magbago ang desisyon niya.

No, he wasn't gay. Simula ng tinanong ko sa kanya noon, nakakuha ako ng masama at malamig na tingin galing sa kanya. And the last time we spoke to each other, he told me that he was straight.

Kinuha ulit ang libro ko — na kanina ko na palang inihagis dahil sa kilig — agad kong tinawagan si Darwin para kausapin siya. Nang mag-ring ito, hinintay kong sagutin niya ang tawag ko. Ngunit, hindi naman siya nasagot.

"Darwin!" sigaw ko sa irita, hinihintay pa rin na sagutin niya ito. Nagulat na lamang ako nang i-accept niya ang tawag at biglang nagsalita. 'Yong boses niya'y parang hindi pa ito natutulog. Malalim ito at puno ng pagtataka.

"Angel? Teka, bakit ka ba tumawag? Masyado naman yata maaga. Busy ako ngayon," sambit niya habang naririnig ko na may tinatype siya sa kanyang Macbook.

Pagkatapos nito, isang hikab ang sumunod. Napatawa naman ako ng kaunti habang naiisip ko na namumula siya sa hiya sa kabilang linya.

"Sorry Darwin. Nagawa ka ba ng thesis? Pwede ko naman — " bigla naman niya ako pinatigil sa pagsasalita.

"Hindi, hindi may ginagawa lang akong document para sa school. Matatapos na rin naman. Ano bang kailangan mo?" maamong tanong niya sa akin habang napangiti naman kaagad ako.

Tumingin naman sa aking laptop, napansin ko na may mga notifications sa aking Wattpad na kakadating lamang. 'Yong iba, galing pa sa mga followers ko. I had 7K followers and counting but I feel like I needed to improve, a lot.

Yes, I'm still trying to write like DCarpio246. Iyong tipong magaling nang magsulat at gumawa ng plot twists. 'Yong tipong author na magaling gumawa ng isang libro. Kaso sa akin, matagal tagal pa mangyayari iyon dahil hindi ako gano'n kagaling.

"Darwin, may itatanong lang sana ako sa iyo," sagot ko bago humiga ng maayos sa aking kama. Rinig na rinig ko naman na tumigil si Darwin sa pagta-type at nakapokus na mismo sa aking sasabihin.

"Okay, shoot." Huminga ng malalim, agad ko siyang tinanong tungkol sa binabasa kong libro.

"Alam mo ba 'yong librong ginawa ni DCarpio?" tanong ko habang narinig ko siyang sumagot ng oo. Nang sinabi niya 'yon, agad kong kinilig dahil hindi ko pa rin makalimutan ang istorya nina Karmen at Gin.

"Anong nagustuhan mo doon sa kanyang istorya?" nagtatakang tanong ni Darwin sa akin na parang interesado rin siyang malaman ang opinyon ko. Siguro reader din siya.

Kinikilig pa rin, ipinaliwanag ko sa kanya ang lahat ng magagandang scenes sa kwento. Siya naman, nananahimik at nakikinig. Kahit hindi siya wattpader o bookworm masyado, nakakatuwa na hindi siya kagaya ng ibang lalaki na hindi nakikinig sa mga sinasabi mo.

"So, nagkatuluyan sila? Kamusta naman 'yong ginagawa mong istorya?" tanong niya sa akin habang sinagot ko ito isa isa.

"Oo, ang sweet nga ng confession ni Gin. Halos matunaw na ako! Nang bigyan niya ng nickname si Karmen na 'Sweetheart' tapos hinalikan 'yong kamay niya, lalo akong kinilig! At 'yong istorya ko naman, ongoing pa rin," sambit ko na tila nalulungkot sa huli.

Napansin naman niya 'yong tono ko kaya narinig ko siyang nagsalita.

"Paano kung pumunta ako diyan at tulungan ka? I mean, kaibigan mo naman ako kahit..." Nang sinabi niya iyon, may sinambit pa siya ngunit mahina at hindi ko maintindihan.

"Ano iyon, Darwin?" tanong ko sa kanya, tila nagtataka.

"Wala, Angel. Basta pupunta na ako diyan para matapos mo 'yang nobela mo. Hintayin mo na lang ako diyan," sagot niya bago ibinaba ang tawag.

Napakunot ang noo, agad akong tumingin sa labas ng balcony ko. Malapit lapit kasi 'yong bahay niya kaya halos five-minute walk lang iyong kanilang bahay. Nang makita ko siya, tumakbo kaagad ako pababa at lumabas para buksan ang gate.

"Took you long enough," sambit niya habang pinapasok ko siya sa loob ng bahay.

"Sorry, may inayos lang ako sa kwarto ko," sagot ko habang lumakad siya papasok ng bahay at lumingon lingon sa paligid. Kitang kita ko na inaaral niya 'yong detalye ng bahay ko bago umakyat sa taas.

"So, nasaan 'yong hindi mo pa tapos na istorya?" tanong niya sa akin habang tinuro ko ang laptop ko na nasa desk table.

Nang umupo siya, napansin ko na mayroon siyang isang tattoo sa kanyang kanang kamay. Tiningnan itong mabuti, napansin ko na may nakalagay na DC sa isang box. Bago ko pa maitanong kung ano ito, naalala ko ang description ng ibang wattpaders kay DCarpio.

Attention:

If you want to know who DCarpio is, you'll have to see his first letters of his name on his hand. In twitter, he posted his hand with a DC inside a box. Share this to Carpio Fans out there! Sharing is caring, everyone.

Nang lumingon siyang pabalik sa akin, napakurap ako at nagsalita kaagad. Nanlaki naman ang mata niya nang tinanong ko ang isang tanong na kanina pang umiikot sa aking utak.

"Ikaw si DCarpio?"

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro