15

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Chapter 15

ISANG hindi inaasahang panauhin ang bumulahaw sa mapayapa nilang tulog. Nagising ang dalawa dahil sa sunod-sunod na katok ang ginawa ng kung sinong tao sa labas ng unit. Inis na bumangon sa pagkakahiga si Dem mula sa sofa. Hindi siya pinayagan ni Daisy na tumabi rito dahil nag-iisip na naman ng masama ang dalaga na baka ay salakayin niya ito habang tulog. Somehow, he thinks of it. Pabalya niyang pinagbuksan ang panauhin na walang iba kundi ang magaling niyang ama.

"Why you're here?" Mababakasan ng poot at galit ang tono nito. Kahit na ang ama ay nahimigan ang malamig na pakikitungo ng anak.

"I saw you earlier with a woman. Is she here?" Isang ngisi ang pinukol niya sa ama.

"You're a busy man, so why waste time on this shit? Wala kang pakialam kung may kasama akong babae rito o wala." Pagsasaraduhan na sana niya ito ng pinto kung hindi lamang dahil kay Daisy na lumabas sa kwarto.

He has to show how wrong she is sa mga sinabi nito kanina. There is no point to talk about this shit at dahil kahit kailan hindi niya mapapatawad ang ama.

"Dem hindi kita pinalaki ng ganiyan! Is this woman had a morale?" Iyon parin ang concern ng ama na lalong ikinatuya ng anak.

"Wow, talking about morale, eh ikaw Pa, may kunting morale pa bang natira sa iyo noong lokohin atbipagpalit mo ang mama? Never talk about something kung hindi mo alam ang kahulugan!"

"Hanggang ngayon hindi mo parin kinakalimutan iyan? Grow up Dem! Matagal nang wala kami ng mama mo before I did that. Hindi ko siya niloko!" Tumaas na rin ang boses ng matandang Larson.

"Fuck it old hag, iyon parin ang nakikita ko. At kung nagpunta ka lang dito para sa bagay na iyan, umalis kana." Mariin nitong wika. 

George nodded in submission. "Fine. But let this woman go. Hindi niyo deserve ang isa't isa." Saka ito tuluyang lumisan ng unit. Pabagsak niyang sinarado at pinto at galit na tinungo ang sofa. Sumunod si Daisy at hinimas ang likod niya. Umaasang mapagaan niya ang loob ni Dem kahit papaano.

"Wala ako sa posisyong manghimasok sa problema ninyong magpamilya, and this is all I could do." Niyakap niya ang binata, good thing hindi ito nagalit o umiwas sa ginawa niya.

"All you could do is to be with me no matter what."

ISANG magarbong kotse ang pumarada sa tapat mismo ng resto. Bumaba roon ang isang babaeng sa wari niya ay nasa mid 40's, balingkinitan ang pangangatawan at may magarbong pananamit. Nasa 5'7 ang height nito at may suot na takong na kulay pula. Para itong kontrabida sa Korean series na napapanood niya. Iyong donyang maldita na mapagmataas sa sarili.

Pumasok ito sa resto at napalinga-linga sa paligid. Nakasunod rito ang dalawang guards na mukhang 'where-is-the-sun' sa suot na sunglasses.

"Nasaan ang boss ninyo?" Tanong nito sa isa sa mga waiter na nag-approach sa bagong dating.

"Nasa office niya po. Gusto niyo po bang ipatawag ko?" Tumango ito at compose na naupo sa table. "Sir may naghahanap po sa inyo." Tumango si Dem at nilisan ang opisina upang sana’y e-welcome ang customer.

"Pagkatapos ni Dad ay ikaw naman. Bakit Anna? Anong kailangan niyo sa'kin?" Walang gatol na ipinakita ang pagkadisgusto sa bisita.

"Nagpag-alaman ko kasi ang nangyari sa inyo ni George kagabi and I want to apologize on behalf of him. Pasensya sa ginawa ng Dad mo Dem." Kahit pa napililitan ay nagawa niyang maging malumanay sa harap ng anak ng asawa niya.

"Iyan ba ang dahilan kung bakit ka narito o baka gusto mo ring humingi ng pera? Pasensya na rin pero hindi ko hawak ang yaman ng Dad. Please leave Anna, don't waste my time." He hated her as he hated his father. Ito ang dahilan upang lokohin ni George ang asawa niya at ipagpalit sa kabit. Isang lowly class na babae ito noon nang makilala niya. May anak sa ibang lalaki and yet nakuha ng papa nitang patulan ito at sinagot lahat kailangan ni Anna.

A social-climber ika nga ng karamihan. Naging mayaman lamang ito dahil sa yaman ng ama niya na kahit ni singkong duling ay wala siyang interes doon. Oo, noon inasam niyang sa kaniya ipapamana ang lahat ng meron ang mga magulang pero dahil sa babaeng iyon ay biglang nag-iba ang ihip ng hangin.

May pera sa bangko niya at iyon ay bigay ni George pero wala siyang balak galawin iyon o gamitin. Kinaya niyang mabuhay ng wala ito at kakayanin niya so that he can prove to him na hindi niya kailangan ng ama na manloloko at abandonado.

"Oh please Dem. Hindi ko hinihiling na parawarin mo ako. But please pwede ko bang makita ang anak ko?" Napakunot ang noo ni Dem sa narinig. Sinong anak ang tinutukoy nito?

"Sorry but I don't know what you're talking about please leave." Mahinanon ngunit may diin niyang sambit.

Nang makaalis si Anna ay saka pa ito bumalik sa office. Napabaling siya sa kitchen at nakita niya si Daisy na busy sa pagluluto ng pizza-burger na eri-recommend niya kay Hades maya-maya. Ilang oras pa ang lumipas nang dumating ang bisitang hinihintay niya.

"Wala yata si Van. Where is she?" Pansin niya. Prenting nakaupo lamang ang binata at pinupukpok ang dulo ng ballpen sa desk niya.

"Sad to say bud, nagmamadaling lumipad pabalik ng France dahil kay Julius kaya ako nalang ang pinapunta niya. So, nasaan na ang pizza-burger ala Daisy?"

Iksaktong pumasok si Daisy dala ang niluto with coffee for three. Tatalong serving ng pizza-burger ang hinanda niya expecting Van would be there. Nais niya lang magpasalamat sa damit at magsorry sa pagseselos niya rito and of course to befriend with Van. Wala namang masama doon, grateful lang sa designer clothes na sinsuot niya ngayon.

"That looks yummy, the uncommon pizza and burger." Kumagat ito at ninguya ng maigi ang pagkain. Sunod-sunod na tango ang ginawa ni Hades.

"How is it?" Napakagat labi si Daisy sa maaaring sabihin ni Hades. Knowing that this has no filter on saying word. Another chauvinist guy pero para sa kaniya malala si Dem. Napansin iyo ni Dem at lihim na napangisi.

"This is great! I'm sure the customer would love this even the morons. Pero dapat medyo liitan ninyo ng kunti para hindi ako mahirapang kagatin ito." Kahit papaano ay nauna ang compliment bago ang pang-iinsulto.

"Sinadya kong lakihan iyan kasi nga free taste lang at special ka." Puno ng sarkasmo ang boses ni Daisy na ikinatawa ni Dem.

"Ow, did he just laugh? Really Dem? Tinamaan kana ba bud?" Hindi nito pinansin ang pamimilosopo niya na lalong kinainis niya. Dala ang tray na may lamang isang piraso ng pizza burger at coffee ay walang paalam na lumabas sa office ng binata. Magsama sila puro naman sila miyembro ng chauvinist pigs!

"So, did love hit you?" Tudyo ni Hades.

"I don't know if this is called love. I mean happy to be with her and I enjoyed seeing her make face kapag naiinis at nahihiya. She means to me. Love bang matatawag iyon?" Aminado siya sa part na iyon.

Masayang kasama si Daisy kahit pa nagbabangayan sila, and yeah when it come to love making, he really enjoyed it. No other girls waken up his interest, not until Daisy came in to his life. Make his life upside down.

"Yes, that's love. Ayaw mo lang aminin kasi natatakot ka. I know you still bury your heart because of your old man. Sabi nga ni Reed, tell them before it's too late. Tingnan mo ang nangyari kay Coleen, she had her dream life. At dahil nakinig siya kay Reed." Alam nito ang tungkol sa bagay na iyon.

Reed grows on being showy sa pamilya, lalo na sa kapatid. Almost every day he tells them the three-magic word, Reed had a perfect family once pero dahil sa aksidente ay biglang naglaho lahat. Good for him dahil pinadama nito ang pagmamahal sa pamilya and now he's happy with his life with contentment.

"I know but it still hurt inside sa tuwing nakikita ko ang Papa with Anna. It's still fucking hurt."

"Kasi nagmahal ka." Untag ni Daisy na kanina pa pala nasa pinto, nakasilip at nakikinig sa usapan nila.

"Maybe she can change your mind like the way she did to your laugh. I have to go." Saka ito lumabas ng silid dala ang pizza-burger at kape. Binigyan pa niya ng kindat si Daisy bago tuluyang nilisan ang resto. 

Huminga ng malalim si Daisy bago naupo sa inupuan ni Hades kani-kanina lang. "Alam kong galit ka pa sa Papa mo, pero sabi mo never mo pang narinig ang side niya. Baka. Baka lang naman may malalim siyang dahilan at baka, mas reasonable iyong pakinggan at baguhin mo ang perspective mo sa Papa mo." Hinawakan niya ang kamay ng binata at marahang pinisil iyon. She still hoping Dem would change his mind.

"I'll try."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro