16

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Chapter 16

HINILIG niya ang ulo sa balikat ni Dem. Naroon sila sa pool side ng isang resort nina Grey. Doon napiling magpalipas ng oras ang dalawa. Bukas na bukas din ay tutungo sila sa bahay ng Dad niya sa Laguna, naroon ito kasama si Anna dahil sa isang business trip at doon tumuloy sa dating bahay nila. Sa bahay kung saan niya pinutol lahat ng kung anong meron sa kanilang mag-ama.

His mom flies abroad, iyon na lamang ang ginawang pagpaparaya ng ina dahil ayaw na niyang dagdagan pa ang bigat na nararamdaman ng anak. Dahil maging sa ina nito ay pinutol na niya ang koneksyon. 

Sinisi niya rin ito sa ginawang panloloko ng ama. Nasabi pa niyang hindi magloloko ang Dad kung naging mas maingat at mapagpahalaga ang ina. Napansin niya kasing habang lumalaki siya ay lumalayo ang loob ng dalawa sa isa't isa. Laging nagtatalo. Not even once narinig niya sa mga magulang ang salitang I love you o mahal kita or even mahalaga sila sa isa't isa.

"Baka iyon talaga ang sign kung bakit nagloko ang dad mo kasi matagal ng walang pagmamahal ang mga magulang mo sa isa't isa." Puna ni Daisy.

"Maybe pero masiyadong magulo ang buhay ko sa puder nila at wala akong panahon para pagtuonan iyon ng pansin. It was me, myself whom I think about. Aminado akong naging selfish ako dahil hindi ko nakita ang bawat side ng dalawa. I was busy thinking that everyone has a fault, palagi ko silang sinisisi yet forcing them to come back together and fix our family for my sake. But you made me realize that I was wrong."

"Bibigyan mo ba ng panahon para makapag-explain ang Dad mo?" Nagkibit balikat ito bilang sagot.

"Ikaw bahala, basta ako. Willing akong pakinggan ang kung sinong hihingi ng panahon para sa ekplenasyon. Malay natin, naroon pala ang sagot na matagal mo nang hinahanap. Gaya ng sa essay, hindi mo makukuha ang sagot hangga't hindi mo binasa lahat. Kasi kahit puro beat around the bush, paikot-ikot ang sitwasyon, may sagot parin." Mahinang natawa si Dem at ginulo ang buhok niya.

"Ang talinhaga mo masiyado. Writer ka ba?" Umiling ito.

"Cook lang ako pero may kaibigan akong writer na nagsabi niyan. Galing niya ano?" Proud nitong saad.

"Can I meet him?"

"Her." Pagtatama niya.

"Ow I change my mind baka pagselosan mo lang." Natawa sila pareho. "Maiba tayo. What about your mom? Have you ever looked for her?"

Sa unang pagkakataon ay doon lamang niya naalala ang inay na ang akala niya ay nakalimutan na niya. May inay pa pala siyang hahanapin.

Gumuhit ang lungkot sa kaniyang mukha. Ni minsan ay hindi niya nakita ang ina nang mamulat siya sa mundo, wala siyang maalala sa itsura nito o kahit na anong palatandaan na magbibigay sa kaniya ng clue na nanay niya ito.

"Hindi na, mukha namang hindi ko na siya mahahanap pa. Ni hindi ko man lang nakita mukha niya kaya papaano ko siya hahanapin."

"Eh ang pangalan niya?" Wala rin siyang naalala sa nabanggit ang tatay Manuel na pangalan nito.

"Silly pati pangalan ng nanay ko hindi ko alam." Natatawa niyang saad pero deep inside she hurt. Para bang may nawalang bahagi ng pagkatao niya. Wala siyang alam tungkol sa ina and she gave herself, pity.

"I can't find exact word to say but, can we at least ask your father, I'm sure kilala niya ang Mama mo." Napatungo ang dalaga sa narinig. Ironically ayaw niyang lapitan siya ng Ama pero ngayon mukhang siya yata ang lalapit rito.

"Hindi pa ako handa upang harapin siya." Aniya.

"Then let me."

Hinubad nito ang pang-itaas na damit at nag-dive sa tubig. Napatili na lang ng wala sa oras si Daisy nang matalsikan siya ng tubig. Nakita niya kung paano lumangoy sa ilalim ng tubig ang binata at naiinggit siya. Hindi siya marunong lumangoy at kung tatalon siya ay baka iyon pa ang ikakamatay niya. Napangiwi na lamang siya sa pagkadismaya. Hindi niya naranasan ang mag outing kasama ang pamilya o mga kaibigan man lang kaya wala siyang experience sa ganitong sitawasyon.

"Talon na!" Mula sa gitnang bahagi ay kumaway si Dem nagpalutang-lutang lamang ito sa tubig na para bang kay hirap sa kaniya na gawin iyon.

Umiling-iling siya. "Dito lang ako, hindi ako marunong lumangoy!" Aniya. Lumangoy pabalik si Dem sa tapat niya. Medyo malayo at hindi niya ito abot.

"Come on! You can do it!" Giit pa nito.

"Ayaw. Malulunod ako."

"Trust me. Hindi ka malulunod." Nilahad nito ang kamay pero hindi niya parin ito maabot. Huminga siya ng malalim bago tumalon. Kung ano ang nag-udyok sa kaniya ay ang salita ng binatang pagkatiwalaan siya.

She landed on the water, didn't do anything but to let herself drown. Kinapos siya ng hininga hanggang sa makainom siya ng kunti. Nakita niya si Dem na sumisid at inabot ang kamay niya. Just a second, she felt his lips pressing against her. Hindi, may hanging lumabas mula doon and she breath. Pareho silang umangat sa tubig at sumampa sa gilid. Napaubo siya ng ilang beses.

"Bakit di mo ako sinalo?" Inis niyang singhal rito.

"Because I thought hindi ka tatalon. Right. Sorry." Lumambot ang mukha nito nang titigan siya.

"Pasensya na rin, hindi kasi talaga ako marunong lumangoy. Tsaka salamat kasi niligtas mo ako."

Amuse itong tumitig sa kaniya. She felt drowning again not into the water but in his arms. He clung her inside and kissed torridly. "Saka pa lang ako nakakita ng nag-swimming suot ang night gown." Doon niya lang napansin na nakasuot pala siya ng pantulog at hindi swim suit.

Nahihiyang yumuko ang dalaga at sinubsob ang mukha sa dibdib nito. She must be crazy, blushing in no time. Nag-iinit ang mukha niya sa mapanghagod na tingin ng binata. She's not wearing bra again. Bumakat sa suot niya ang maumbok na dibdib.

"Damn! You didn't do anything yet but it give me hard time." He caresed her breast that made her groan. No one can resist to this tingling sensation his sending through her nerves. She felt his hands throbbing the thing between her thighs. She doesn’t want him to stop she have to.

"Stop. Someone might see us." Kiming na ngiti lamang ang sinagot nito bago tuluyang iahon siya sa tubig.

"Change your clothes and get some rest." Anito ng may seryosong tinig. Nagtataka man ay piniling huwag ipahalata sa binata. Mukhang matutulog siya ng mag-isa sa suit na pina-reserve nito.

"Ingat ka Dem." Wika niya bago sinara ang pinto. Kahit pa ilang araw lang silang nagkasama ay nakikilala niya ng paunti-unti and binata. Iba ang gabing ito dahil mukhang sa tingin pa lang ng binata ay nagpapahiwatig na ito na may importante itong lakad. She sighed in disappointment.

KINAUMAGAHAN ang buong akala niya ay agad ring bumalik si Dem ngunit mukhang nagkamali siya ng inakala. Hindi ito bumalik sa suit, walang bakas ng Dem ang mapapansin. Muling gumuhit ang lunkot sa kaniyang mukha. Kung bakit niya iyon nadama ay hindi niya alam. Dahil ba nasanay na siyang may Dem na gigising at bubungad sa kaniya sa umaga? O dahil nagkaroon na ito ng puwang sa kaniyang puso.

Inaamin niya ring hindi niya ito gusto sa unang pagkikita nila ng binata, isang antipatiko, cold at bossy na lalaki. Chauvinist ika niya dahil lahat ng gusto nasusunod, crazy to possess everything just to please him ngunit nang makasam ang binata ay napagtanto niyang mag good side naman ito.

Kung ano ang mga iyon ay hindi niya ma-point out at naguguluhan siya. He hates love and couple and yet iyon ang ginawang pambayad sa utang niya. She learned that his father cheat kaya siguro ganoon na lamang ito ka bitter sa pagmamahal. In some reason, she pitied that man. Siya iyong tipo ng lalaking pinapangarap ng lahat. Dark, handsome and tall, with additional bigote na hindi masiyadong makapal. A possessive, chauvinist guy na may-ari ng isang resto. He had everything kung tutuusin, yaman at histura pero kung kilalaning maigi. He's nothing but an empty glass.

Those ocean blue eyes screaming pain, torment and loneliness. Mukhang wala sa bokabularyo nito ang magpatawad.

Malakas na katok ang pumukaw sa kaniyang isipan. Nagmamadali siyang mag-ayos ng sarili, muling nagbabaka-sakaling ang binata iyon.

"Good... Nasan si Dem?" Kunot-noo niyang tanong sa lalaking naka-suot ng striped polo shirt, pants na hanggang tuhod at may suspender pa itong kulay black. Nerd to be exact. Pamilyar ang lalaking nasa harap niya ngayon.

"Ah, Dem told me that he'll wait on lobby. Pinasuyo niya lang na dalhin kita roon. Stripe by the way." Nilahad nito ang kamay. Kung hindi lang manly ang boses nito ay baka napagkamalan niya itong bakla.

"And wearing stripe. I mean, Daisy Bermudez." Wika niya at nakipagkamay rito. Ngumiti lamang ng pagkalapad ang lalaking nerd na iyon. Siya nama'y nag-aalalangang kunin ang mga gamit sa loob. Nagtataka parin siya kay Dem. O baka ay nag-o-over think lamang siya.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro