17

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Chapter 17

NAABUTAN nila itong may kausap sa telepono. He looks so serious kaya pinili na lamang ang tumahimik sa isang tabi at hinayaan ang binatang tapusin ang pakikipag-usap.

"I hope na hindi galit si Dem sa mga oras na ito. Sana." Bulong ni Stripe sa tabi. Hindi niya lamang ito pinansin.

"Ako na ang bahala." Anito at binaba ang telepono. Napasinghap ang dalaga nang tapunan siya ng masamang tingin ni Dem. His eyes screaming danger, a deadly one.

"Let's go." Malamig nitong wika at naunang lumabas ng lobby. Napatingin siya kay Stripe, the nerd beside her looks so normal. Not minding kung anong binabadyang panganib ang mga tinging pinupukol ni Dem sa kanila, or should she say, sa kaniya. Parang normal lang sa lalaki ang ganoong personality ni Dem. Oo nga naman at magkaibigan sila at kung papaano ay hindi niya alam.

Tahimik na inabot ng binata ang gamit niya, tipid na ngiti lamang ang gumuhit sa labi kaya lalo siyang nag-aalala. Mukhang may alam ito sa kung anong tungkol kay Dem. Naisin mang magtanong ay hindi niya magawa. Umurong tila kay kaniyang mga dila. Bakit ba siya natatakot kay Dem?

"He's a demon." Imik ni Stripe at nagsimulang maglakad papalayo sa kinatatayuan niya. Indeed, a demon Stripe. Sang-ayon niya.

Sa parking lot ay naabutan niya itong nakasandal sa hood ng kotse, matalim ang mga matang nakatitig sa kaniya at tila bagnot na bagnot sa paghihintay. Napayuko ang dalaga upang itago ang takot na nararamdaman.

"Get in." Anito sa malamig na tono at sumakay ng kotse, sa driver seat. Mukhang wala nga ito sa mood dahil maging ang pagbuksan siya ng pinto ay hindi nito ginawa o inalala man lang. Katahimikan ang namayani sa loob ng kotse, walang salitang namurawi sa bibig ng dalaga marahil ay ayaw niyang siya ang pagdiskitahan ng binata sa galit kung galit man ito. Ayaw niyang magtanong kung bakit dahil alam niyang patatahimikin lamang siya, kaya napanguso siyang sumandal sa headboard ng upuan.

"This is not you D." Napaangat siya ng tingin sa nagsalita. Si Dem, seryoso parin ito sa pagmamaneho.

"What do you mean?" Malamig niyang tanong, trying to hide fear inside her. Ayaw niyang mahimigan siya ng binatang natatakot dahil alam niyang tutuyain lamang siya nito. Binabalik niya lang ang coldness na binibigay ng binata sa kaniya.

"You're being silent. That's not you." Napairap siya sa kawalan. Papaano naman siya magdaldal kung ang kasama niya niya'y tila may buwanang dalaw na parang sinamahan ng galit sa mundo.

"Being cold, that's not you too." Ismid niya.

"Fuck!"

"Shit!" Pareho silang napabulalas nang apakan ni Dem ang gas at pinatakbo ang kotse ng sobrang tulin. Pakiramdam niya'y hindi na lumalapat ang gulong sa simentong kalye.

"Bakit ba Dem!" Puno ng akusasyon ang boses niya. Por Dios baka atakehin pa siya sa puso sa mga oras na ito. Hindi niya maisip kung bakit sukdulan na ang itong pagiging aburido ng lalaki na kulang na lang ay patayin silang dalawa.

"Close your eyes!" Balik nitong sigaw. Nagugulumihanan siya sa nagyayari. Panay itong bumabaling sa side mirror kaya napatingin siya roon. Wala naman siyang nakita kundi ang kalyeng tila gumagalaw sa paliko-liko nitong direksyon.

"Diosmio! Kung sukdulan na ang galit mo huwag mo akong idamay! Hindi pa ako handang mamatay sa oras na ito Dem!" Hystirical niyang sigaw sa loob ng kotse. Napakapit siyang maigi sa seatbelt nang lalo pa nitong bilisan ang takbo. Pikit matang nagdadasal ng Aba Maria at Ama namin. Kung ito man ang magiging katapusan niya at sa ganoong sitwasyon siya babawian ng buhay ay kahit papaano'y nakahingi siya ng kapatawaran sa Panginoon sa lahat ng mga kasalanan niya.

Kahit sa ganoon sitwasyon ay hindi niya mapigilang ma-amuse sa dalaga. Pikit matang kumakapit sa seatbelt habang kumikibot ang bibig na tila may kausap. He found it cute. Nasa delikadong sitwasyon na nga sila ay nakuha pa niyang pagtuunan ng pansin ang dalaga.

Muli niyang sinipat ang taxing nakasunod sa kanila. Mukhang malayo-malayo na ang nagawa niyang distansya mula rito. Kanina pa ito nakasunod sa kanila mula nang makaalis sila sa resort at hanggang ngayon ay naroon parin ito, parang asong buntot ng buntot. Mula sa mahabang kalyeng binabay-bay ay mayroong t-intersection sa susunod na tatlong kilometro, kaya lalong binilisan ang takbo ng kotse at doon lumiko ang kanilang sasakyan. Dahil nga malayo ang distansya nila sa taxing nakabuntot ay nagawa niya itong iligaw. He smiled on his mind.

Sisiguraduhin niyang hindi matatapos ang araw na ito hangga't hindi niya nakikilala ang driver ng taxi a maging ang sakay nito. He is hundred percent sure na may kinalaman ito kay Daisy. Matapos ang nangyari sa resto ay napag-alam niyang may lihim na sumusubay-bay sa girlfriend niya at kating-kati na siyang malaman kung sino ito. May lead na siya but as he says, he want to be sure.

"Ano bang nangyayari?" Hysterical parin ang dalaga na litong-lito sa nangyayari. He composes himself trying to hide his emotions.

"Nothing, just lost some dogs." Matabang niyang wika. As far as he could ay hindi niya muna pagtutuunan ng pansin si Daisy, he has some important business to attend to at iyon ay kung bakit bigla-biglang nag-anyaya ang Papa niya na magpunta sa Laguna. 

Dinig niya ang pagbuntong hinga ni Daisy sa tabi. Mula sa backseat ay inabot niya ang knapsack at kumuha ng bottled water. "Loosen yourself, put your trust in me." Halos pabulong niyang wika.

"Saying something?"

"Nothing. Tulog ka muna. Gigisingin nalang kita kapag nadoon na tayo." Marahang tumango ang dalaga at sinandal ang sarili sa upuan. Muling kinabig ang manibela pabalik sa main road at naging matiwasay na muli ang kanilang takbo. Ngunit hindi ang isip niya. Panay niyang nililingon ang katabi kasabay ng pagbitaw ng buntong hinga. Why of all people ay sa kaniya pa, why of all ladies out there ay bakit si Daisy pa.

Mas mamatamisin pa niya ang lahat ng kung anong fake relationship meron sila huwag lang ang katotohanang... Well, he doesn't blame her. All he cares for now is the feeling fonder in his heart. Never in his wildest dream he could feel that damnedest thing he hated the most. The thing that could both complete and ruin a person, the thing that everyone dreams but not him and the thing that he couldn't find reason why it exists. Muling nag-aalab ang galit at poot sa puso niya. He's one way closer to the truth.

Malayo palang ay tanaw na niya ang malaking gate ng siyang nagiging only entrance at exit ng buong kabahayan. Sa likod niyon ay ang kanilang dating bahay, ang lugar kung saan tinapos niya ang lahat ng ugnayan sa kaniyang mga magulang. The old house of his old past.

He was only 21 years old, on the exact date of his birthday. Nagising na lamang siya sa sigawan ng kaniyang mga magulang mula sa master’s bedroom. Both are shouting in anger kaya dala ng kyuryusidad ay dinikit niya ang tenga sa pintuan nito.

"Why of all women, bakit sa babaeng iyon pa? George, all my life I was being forced to do something that I didn't want to pero ginawa ko iyon for you! For our family. I did everything to save us pero anong ginawa mo? You keep on seeing that woman na kahit ilang beses ko pang pagsabihan ay lalong dumidikit sayo. She wants money?" Ang ina niya na may akusasyon sa tono.

"She's not like you! Wala siyang ibang hiniling kundi ang tanggapin sa kung ano at sino siya." Bwelo pa ng ama. He firmly close his eyes. Alam na niya na may third party na nagaganap sa marriage life ng mga magulang niya. O baka nga ay na involve na ang Papa niya sa extra-marital sex. That damned thing.

"At sino ang tatanggap sa kaniya? Ikaw? Pamilyado ka George. Dapat kami ang piliin mo at hindi ang babaeng iyon! We are your family!" Giit pa ni Cherie, ang kaniyang ina.

"Alam mong matagal nang sira ang pamilyang ito, simula pa lang sa araw ng ikasal tayo. I never wished to have a wife like you! Si Anna, she fulfils everything of your lackings!" Hindi niya maintindihan ang puno't dulo ng lahat ng ito. Hindi niya lubos maintindihan kung bakit sila nagkakaganito. Hindi, pareho silang selfish pero mas importante sa kaniya ang mabuong muli ang pamilya. He don't want this to happen, he don't want to have a broken family and that's because of love.

Sa araw na iyon alam niyang wala nang pangmamahal na nag-uugnay sa mga magulang niya, ang pagmamahal ng Papa niya kay Anna ang siyang tuluyang sumira sa pamilya nila. Ang pagmamahal na iyon ang siyang bumuo at sumira sa kaniya and he don't want to feel that again because he would be ruined for the second time around.

Hininto niya ang sasakyan sa tapat mismo ng main door. Wala siyang balak pumasok o paluguran ang dalawa sa pagpunta niya rito.

"D, wake up." Mahina niyang niyugyog ang balikat ng dalaga. Like a sleeping beauty, she's hard to wake up. "Get into your sense woman! Huwag mo nang hintaying buhatin kita diyan at itapon sa loob!" He hissed angirly. And why did he do that? Out of control he put his anger to the woman beside him. How bullshit he is! Mukhang napalakas yata ang sigaw at yugyog niya, good thing she finally waken up.

"Hindi ka ba papasok sa loob?" She innocently asked.

"I have something to do." Malamig niyang wika at binaling ang tingin sa ibang dako. Trying hard not to be weakened by her stares.

"Hindi ko alam kung may nagawa ba akong mali sa'yo Dem para magalit ka ng ganiyan." Nanlulumo nitong sambit. He gasped. Hindi siya sanay na may umiiyak na babae sa harap niya and that's every man's weakness. Probably him.

"I'm sorry but I have to do this. D, trust me." Napakunot ang noo ng dalaga sa sinabi niya.

"You're not asking for a favor, you're demanding." Pasipat-sipat nitong tiningnan ang mukha niya. He chuckles a bit pero binalik rin sa pagiging seryoso ang mukha.

"Yes, I am not asking for favor, but I am commanding you to do it."

Napairap si Daisy. She really knew it. "A chauvinist man knows no asking for favor." Sarkastiko niyang wika. Hindi ang tipo ni Dem ang hihingi ng pakiusap, what he wants, he gets, by hook or crook. He will do everything to please him.

"Trust me D."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro